CHAPTER 36
Chapter 36: Invitation card
“BAKIT? Bakit nam--”
“Gutom na ang anak ko. So let’s go,” I cut off them and walked off first. Nilagpasan ko pa si Rykiel na mabilis namang sumunod sa akin. Para siyang isang tuta na palaging nakabuntot.
Sa dinner namin ay silang dalawa lang ang nag-asikaso. Ramdam ko ang pagbigat ng atmosphere sa paligid namin.
Paano ba naman kasi, seryoso at malamig lang ang tinginan nila sa isa’t isa at hindi naman ako kumibo pa. Bahala sila riyan na makipagtitigan nang matagal. Khai was setting next to me and they were both next to each other.
“Magkaibigan po kayo, ‘di ba, Kuya Arzeil? Mr. Barjo?” tanong ni Khai. I know na nakikiramdam din siya sa mga ito kaya siya na ang gumawa nang paraan para kahit papaano naman ay may magsisimulang magsasalita sa amin.
“Yes, kid,” tipid na sagot lang ni Azriel.
Wala yatang balak na sumagot si Rykiel nang hindi lang siya binalingan nang tingin ng anak niya. Na tila ba naghihintay rin ito sa isasagot niya.
“Uhm, yes. We’re good friends,” sagot niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Dahil pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Then, eat your dinner and lossen up. It seems that you are just being forced to get along with each other. The last time I checked you were not like this...” sabi pa ni Khai. Matalinong bata talaga siya kaya maoobserbahan niya ang mga kinikilos ng dalawa.
“You are so smart, Alkhairo. Pero hindi naman ako napipilitan lang din kay Eryx. Katulad nang sinabi namin ay magkaibigan nga kami pero... Hindi naman lingid sa kaalaman mo na nililigawan ko ang Mommy mo, ‘di ba? Hindi ko naman gugustuhin na malaman na may bumibisita sa babaeng gusto ko nang hindi ko alam at kahit kaibigan ko pa siya,” mahabang saad ni Arzeil at pareho pa kaming napatingin sa side ng katabi niyang lalaki nang bigla itong tumayo.
Iyon na nga ba ang sinasabi ko, eh. Kaya ayoko talaga siyang magkita pa rito.
Kunot-noong tiningnan naman ni Khai ang daddy niya. “Saan ka po pupunta?” he asked him.
“Kukuha lang ako ng maiinom,” sagot niya at napatingin naman ako sa isang basong tubig malapit sa plato niya. Ang pizza lang din na niluto niya ang kinakain niya ngayon.
Napatingin naman ako sa chicken curry na binili lang din ito sa isang fancy restaurant at hindi ko pa natitikman ang gawa niyang pizza. Siguro mamaya na? Si Khai ay ang luto ng daddy niya ang kinain niya dahil sa sinabi niya kanina na wala siyang ganang kumain.
Pinilit pa siya ng Kuya Arzeil niya at ako na rin ang nagpaliwanag na kung bakit ang pizza lang ang kinakain ng anak ko. Hindi naman siya nagtaka pa kung bakit.
“May tubig ka na po, ah.”
“May nakita akong red wine kanina sa loob ng fridge niyo. Ayos lang ba na kumuha no’n?” tanong niya at alam kong sa akin ito nakatingin. Tumango lang ako.
“Ikaw, Azz? Gusto mo bang uminom ng wine?” baling na tanong ko kay Arzeil.
“Good idea, babe. Okay,” nakangiting sagot niya at tumayo ako para kumuha ng tatlong cocktail glass.
Napatingin pa ako sa side nila nang pabagsak na ibinaba ni Rykiel ang bottle ng red wine. Ang lalaking ito talaga, oh.
“Eryx, be careful. Baka mabasag at may bata tayong kasama ngayon,” may iritasyon sa boses ni Azz nang sabihin niya iyon. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.
“Oh, sorry,” sabi niya at umiling na lamang ako. Ano ba ang kinagagalit ng isang ito?
Pagkakuha ko ng cocktail glasses ay bumalik ako sa puwesto ko at si Arzeil naman ang nagsalin ng wine sa tig-tatlong baso namin.
“Thanks, Azz,” I said and smiled at her.
“No worries, J.”
Pineapple juice lang ang iniinom ni Khai at tahimik ulit siyang kumakain pero madalas ay umiikot ang tingin niya sa amin. Nag-oobserba na naman siya kapag ganyan ang reaction niya.
“Paano ka pala nakapasok dito, Eryx? Ang higpit ng bantay sa labas, eh. Sinundo ka rin ni Jessel para makapasok sa condo nila?” nagtatakang tanong ni Arzeil sa kanya at hayan na naman ang pagtaas ng sulok ng mga labi ng lalaking ito.
“Mas nauna ako kaysa sa kanila, eh. Kasabay ko silang umuwi rito at... hindi naman lingid sa kaalaman mo ang nangyayari sa pagitan ng pamilya namin at sa pamilya nila, hindi ba Arzeil?” makahulugang tanong ni Rykiel. Why did he bring up that topic?
“That’s why I was wondering, Eryx. Kung titingnan ng ibang tao ay magkaaway na kayo nina Jessel at bakit nandito ka? Bakit hindi mo sila iniiwasan? And lastly what are you doing here?” sunod-sunod na tanong ni Arzeil.
“Nothing. Too much information ay alam kong hindi mo kakayanin na malaman ang lahat ng iyon. Mas mabuting mananahimik ka na lamang, dude,” nakangising sabi pa niya.
“Kumain na lang kayo,” malamig na sabi ko sa kanilang dalawa. Dahil alam kong hindi sila titigil.
Hindi naman nila inungkat pa ang topic na iyon at salamat naman na hindi na sila katulad ng kanina. They are talking about something else.
Nang matapos kaming kumain ay nag-volunteer pa silang dalawa na maghugas ng mga plato na pinagkainan namin. Sabay pa silang nagsalita.
“Ako na lang, J,” volunteer ni Arzeil.
Tumango naman ako. “Okay, Azz. Ikaw ang bahala,” sabi ko at ayoko na ring nakipag-argument pa sa kanya.
I glanced at Rykiel nang isa-isa niyang inilapag ang ginamit naming plato sa lababo. “Good luck, then, Arzeil,” sabi pa niya at naguguluhan na tiningnan siya nito.
“Akala ko ba ay tutulong ka rin, Rykiel?” tanong ko.
“Siya na. Since nag-volunteer din siya,” he reasoned out. I shook my head at sumama na sa anak ko na lumabas doon.
***
As soon as Khai and I sat down the door opened. Mom and Dad walked in. “Mom, Dad.” I approached them both and kissed them on the cheek.
Niyakap ni Mommy nang mahigpit ang apo niya. “You okay now, hijo?”
“Opo, Mommy. Nawala na po ang pagkahilo ko kanina,” sagot nito.
Habang si Daddy naman nakatingin sa paligid na parang may hinahanap nga siya. “Where is he, anak?” he asked me when his eyes shifted to me.
“Nasa kitchen po. Nandito rin po si Arzeil, Dad.”
“Alam ko at sinabi nga kanina ni Fred. Bakit...ang daming mga lalaki ang nakapaligid sa ‘yo, Jessel?” kunot-noong tanong niya.
Kiming ngumiti na lamang ako at yumakap sa braso niya. “Bakit nagpunta pa ho kayo rito ni Mom, Dad?”
“Your Mom, nag-aalala siya para sa aming apo,” sagot niya at pareho naming tiningnan sina Khai at Mommy na masayang nakikipagkuwentuhan.
“Halata nga po na worried na worried si Mom,” sabi ko.
“Hindi lang isang apo ang turing namin sa kanya, anak. Parang anak na rin namin siya,” sabi niya na ikinatango ko.
Tinulungan din yata ni Rykiel si Arzeil sa paghuhugas ng mga plato dahil nagkasunod lang silang lumabas mula sa kitchen at parehong napayuko pa nang makita si Dad. Ang bilis nilang kumilos, ah.
“Good evening po, Sir,” Azz greeted my father.
“Good evening too, Arzeil,” Dad uttered at sunod naman niyang binalingan ang isa.
“Good evening, Mr. Diamente. Hindi po ito ang unang beses na nagkita tayo, tama po ba?” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Paano mo naman nasabi iyon? Parang ngayon lang din kita unang nakita,” naiiling na sabi ni Dad.
“Sa Diamente hacienda po,” sabi nito at naramdaman ko ang paninigas ng katawan ng aking ama. Pinisil ko ang braso niya. Kinabahan yata siya roon.
“Dad...”
“I don’t think so. Wala...wala akong naaalala. Alam niyo naman kapag tumatanda na ay wala na talaga kaming naaalala pa. By the way, wala ba kayong balak na umuwi sa inyo? Dahil paano makakapagpahinga ang mga anak ko kung may dalawang lalaki silang bisita?” walang emosyon na tanong ni Dad.
“We’re sorry,” magkasabay na sabi nilang dalawa.
“Let them be, hon. Kilala ko sila pareho,” saad naman ni Mommy at namimilog ang mga matang tumingin ako sa kanya.
“Si Mr. Barjo, I’m referring to Rykiel Eryx, na-meet ko na siya somewhere and of course, Arzeil too. He’s the only guy friend of our daughter, hon. Come here, mga hijo. Magkuwentuhan muna tayo bago kayo umuwi.”
“Honey...”
“Kung ganoon mauuna na lang po akong magpapahinga, Dad, Mom,” paalam ni Khai.
“Ihahatid ko po muna si Khai sa kuwarto niya,” sabi ko. Kahit ang totoong dahilan ko ay aalis na lang talaga ako. Pagod na akong makipag-usap pa sa kanila.
“Sige, anak. Alam namin na pagod ka na nga. Dahil ang daming nangyari sa inyo kanina. Hayaan mo na muna ang dalawang binatang ito. Gusto ko rin silang makilala talaga.”
“Sige po, Mom,” saad ko. “Good night, Azz,” I told him and he smiled at me.
“Night too, J.”
Alam kong nakatingin sa akin si Rykiel pero hindi ko na siya sinulyapan pa at inaya ko nang umakyat pataas si Khai.
***
“Iiwan po niyo silang dalawa roon, Mom?” natatawang saad ni Khai.
“Nandoon naman si Mommy at pagod na rin talaga ako, baby. Wala na akong lakas pang kausapin sila. Hayaan mo na sila roon. Matatanda na sila,” sabi ko. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at hinalikan ang kanyang noo. “Matulog ka na, son.”
“Ikaw rin po, Mom.”
Pumasok na ako sa silid ko at agad na humiga sa kama ko. Napabuntunghininga pa ako. Kaya naman nilang makipag-usap sa parents ko. Bahala na silang dalawa roon. Tsk.
Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at alam kong makakatulog na talaga ako pero tumunog ang ringtone ng phone ko. Tinatamad pa akong tingnan iyon pero muli siyang tumunog.
From: 09659114839
Tulog ka na ba, Miss?
Nangunot agad ang noo ko. Nagte-text sa akin habang kausap niya ang parents ko. Kahit unregistered iyon ay alam ko kung kaninong number ito.
From: 09659114839
Umuwi na pala ako. Ang pizza. May natira pang isang box doon. Tikman mo naman kahit isang kagat lang, please.
I rolled my eyes. Parang nakikita ko na rin ang face niyang nagpapa-cute ngayon sa akin. Tumipa ako ng mensahe para sa kanya.
To: 09659114839
Sino ka?
Napangisi ako dahil sa reply ko sa kanya. Nakuha na niya ang phone number ko dahil kung may gusto raw siya ay marami siyang paraan pero sinadya ko rin na hindi i-save ang number niya. Dahil hindi ako interesado pa.
Nagulat naman ako nang umilaw bigla ang phone ko at may tumatawag na agad. Wala akong balak na sagutin iyon pero aksidente kong na-swipe iyong accept button.
“You didn’t save my number, do you?” bungad niya agad sa akin.
“Sino ka ba para i-save ko sa phone book ko ang number mo?”
“Wow. Kahit over the phone pa ay ang sungit mo pa rin talaga sa akin,” sabi niya at niyakap ko ang unan ko.
“Bakit ka ba napatawag, ha?”
“Para malaman mo kung sino ako,” sagot niya.
“O ngayon naman ay?”
“Nauna na akong umuwi,” he answered.
“Tapos? Hindi ba ay makikipagkuwentuhan pa kayo ng Mommy ko?”
“Sinusundo na kasi ako ni Dad. Nasa labas sila,” sabi niya at napabangon naman ako bigla.
“Alam na ng Daddy mo na nandito ka sa amin?” gulat kong tanong sa kanya.
“Oo. Iyong pizza...”
“What about that?”
“Hindi mo pa iyon natitikman. May itinira ako pa--”
“Pakakainin mo ako ng tira-tira mo Rykiel?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
“Hindi, ah. Sa ‘yo talaga iyon at ipinagtabi ko lang. Kainin mo para hindi masayang ang effort ko.”
“Wala namang nag-uutos sa ‘yo na magluto,” naiirita kong sabi.
“Alam mo ba? Kahit iyon lang ang kinain ko ay iyon na ang maayos kong dinner. For the first time...”
“Ano?”
“All right. Give yourself some rest.” Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibinaba na niya ang tawag. Napahinga ako nang malalim saka ako nagkumot.
Kailangan kong matulog dahil pagod na pagod na ako but I received another message from him.
To: 09659114839
Good night. Mabuti pa si Arzeil ay may pa-good night ka. Ang damot mo, Miss.
***
When I woke up the next day I found my parents preparing our breakfast, or it just my Mom who did that. My father having his coffee and staring at his tab. May pinagkakaabalahan yata siya roon.
“You slept here last night, Mom, Dad?” agaran kong tanong sa kanilang dalawa.
“Good morning, dear and yes,” Mom greeted me and I kissed her cheek.
Ham and egg with cabbage ang hinahanda niya at ang ganda pa ng pagkakalagay ng mga iyon. May fried rice din ang nakahain and three cup of coffee.
“I will leave early today to meet Mr. Barjo,” Dad said.
“Take care, Dad,” sabi ko. Ilang minuto ang nakalipas at dumating naman si Khai kaya sabay-sabay na kaming kumain ng breakfast namin.
***
That early morning ay bumisita agad sa akin si Zinky para kumustahin ako at kasama na niya ang baby girl niyang si Francine. Dahil balik trabaho na ang asawa niya. Five years old pa lamang ito. Kamukha ng daddy nito kaya sobrang ganda rin ng bata.
“Totoo ba talagang may anak pa siyang hinahanap nila? Baka tama ang hula mo, J. Baka hindi rin iyon totoo. Gusto lang niyang makuha si Alkhairo at para hindi na magtanong pa ang mga anak nila. Na kung bakit interesado talaga siyang makuha ang bata kahit hindi naman nila kaano-ano ito? Magtataka lang sila, kaya palalabasin talaga ng isang iyon na may nawawala pang kapatid ang mga ito. Nag-take advantage siya dahil kamukha ng isa niyang anak si Alkhairo. Malamang ay mag-ama iyon... At hindi na sila maghihinala pa,” mahabang sabi niya at napatango-tango pa.
“Simula pa lang na magkita kami ni Rykiel ay may alam na talaga siya. Hindi ko lang din alam kung bakit nananahimik pa siya noong una at wala lang iyon sa kanya. Pero ngayon... Kumikilos na talaga siya. Malaki ang galit niya sa akin, Z. Dahil iyon sa ginawa ni Grandma sa anak niya,” sabi ko.
“O baka dahil napakasalan ka ng sarili niyang anak mismo? Na minsan ka nitong minahal? Sayang lang at hindi naparehistro ang kasal niyo para sana ay may proof kayo,” nanghihinayang na sabi niya at napatingin ako kay Francine. Lumapit siya sa akin at kumandong.
Hinalikan ko ang ulo niya at niyakap din siya. “Naglalambing ang inaanak ko, ah,” komento ko na ikinatawa ng Mommy niya.
“Si Kuya Zai po? When ko po ba siya makikita again, Ninang?” tanong niya sa akin.
“Gustong-gusto yata ng inaanak mo si Alkhairo, J. Hala...”
“Hayaan mo na.”
“Baby, your Kuya Zai is too old for you,” pangangaral niya sa anak niya.
“I just want to play with him po, Mommy,” the little girl reasoned out.
“And about Rykiel and Arzeil, iniwan mo talaga silang dalawa kasama ang parents mo?” naaaliw na tanong niya sa akin.
“Si Rykiel, sobrang kulit ng lalaking iyon. Kahit ano pa ang ginawa ko sa kanya ay palagi siyang nakabuntot sa akin at hindi siya sumusunod sa akin. Hindi sila puwedeng magkita ni Arzeil kagabi dahil baka iba ang isipin ng isang iyon. Ngayon nga...” sabi ko at tumingin sa paligid. “Hindi ko pa nakikita si Azz, walang breakfast,” sabi ko at napanguso pa. Humilig sa dibdib ko si Francine and I rested my chin on the top of her head. “Sa akin na itong baby mo, Z,” sabi ko at umirap siya.
“Mas gusto yata niyang maging mother-in-law ka niya kaysa ang ampunin mo siya, J,” naiiling na sabi niya.
“Really, baby?” I asked her at umiling siya.
“Mom...”
“Pero seryoso ako, J. Bakit? May feelings ka na ba kay Arzeil? Sasagutin mo na siya?” tanong niya.
“Ayokong gamitin lang sa sarili kong kapakanan si Azz pero... Baka kung sasagutin ko na siya ay titigilan na ako ni Rykiel,” seryosong sabi ko. Iyon na lamang ang bagay na naiisip ko. Baka kung malalaman niya na boyfriend ko na si Arzeil at hindi na siya lalapit pa sa akin.
Para matapos na ang kahibangan niya. May fiancé na rin naman siya, eh. Dapat si Chrysler na lamang ang pagtuunan niya ng pansin.
“Alam mo, J... Kung pagbibigyan mo lang siya ng pagkakataon ay alam ko... Alam ko na maayos niyo ang problema niyo sa pagitan ng pamilya nila. Dahil sa tingin ko naman ay malalim na ang pagkagusto sa ‘yo ng daddy ni Rykiel.”
“Napakaimposible,” sabi ko.
“May daddy po si Kuya Zai, Mom?” inosenteng tanong ni Francine.
“Baby, bawal ang tsismosa,” she told her at pinanliitan pa niya ng mga mata niya ang bata.
“I heard it lang po kasi, Mom. Who’s Rykiel, then?”
“Shut up, little miss,” malambing na sabi pa ni Z at tumulis lang ang bibig ng inaanak ko. Natatawang hinalikan ko na lang siya sa pisngi. Nakikinig pala siya sa usapan namin ng Mommy niya.
“Be careful with your daughter, Z. Baka kung may secret ka ay sasabihin pa niya ng wala sa oras,” sabi ko.
“Miss Jessel, may bisita po kayo.” Napalingon ako sa secretary ko pero mabilis na lumipat iyon sa babaeng nasa likod niya. Kinabahan ako dahil hindi ko naman siya inaasahan na magiging bisita ko siya ngayon.
“Chrysler,” sambit ko sa pangalan niya.
“Puwede ba tayong magkita, Miss Jessel?” nakangiting tanong niya.
“Y-Yes sure,” mabilis kong sagot. Hindi naman ako tumatanggi na makausap siya, ah.
“Baby, come here. Iwanan na muna natin ang Ninang Jessel mo.”
“Puwede bang sa labas na lang tayo, Miss Jessel?” I nodded and I glanced at Zinky. Tumango lang siya sa akin.
“Sige, let’s go Chrysler,” nakangiting sabi ko. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ngayon? Tungkol ba ito kay Rykiel?
Baka may nalalaman na siya, ah. Baka napansin na niya si Rykiel na palaging nasa akin na ang atensyon nito. Ayoko talagang umabot sa puntong may pag-aawayan sila.
Sa malapit lang na coffee shop ang napili namin na place ni Chrysler at natatanaw ko pa ang entertainment ko mula sa kinauupuan ko ngayon.
Si Chrysler ang nag-order para sa amin. Bumalik siya na may dala ng tray. Orange juice and strawberry cake lang iyon.
“Thank, Chrysler.”
“Bago pala ang lahat ay gusto kong ibigay muna ito sa ‘yo, Miss Jessel.” May inilapag siya sa table na... invitation card?
Wala sa sariling kinuha ko iyon at sumikip lang ang dibdib ko nang makita ang pangalan nilang dalawa. Halos manginig ang mga kamay ko.
“Next week na ang wedding day namin ni Eyrx, ayon din sa gusto naming dalawa. Hindi naman talaga kami nagmamadali, Miss Jessel. Pero naisipan lang namin...since tatlong taon din ang itinagal ng relasyon namin.”
Invitation card...
Next week...
Three years?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top