CHAPTER 34
Chapter 34: His agony
“SORRY,” hinging paumanhin niya sa akin at tanging pagbuntonghininga na lamang ang nagawa ko. Kasi ano pa nga ba ang magagawa ko sa kanya?
Sobrang tigas ng ulo niya at wala na talaga siyang kinakatakutan pa. Ang Daddy niya, hindi na siya takot dito at wala na talaga sa kanya ang magiging consequences sa mga ginawa niya.
Nagawa pa niyang makipag-deal dito dahil lang sa akin? Sa amin ni Khai? Dahil nasa kanila ito at ang daddy niya mismo ang kumuha sa anak ko. Parang ako nga ang dahilan kung bakit kinakalaban na niya ang tatay niyang makapal ang pagmumukha.
“You know your father is going to be angry about what you did. Dahil sino talaga ang hindi magagalit, ‘di ba? You know what, Rykiel... Why don’t you just leave us alone? Huwag mo na kaming pakialamanan pa,” malamig na sabi ko at hindi na siya nakasagot pa. Pero kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Lumalabas na naman ang mga ugat niya roon.
Napansin ko ang pagsulyap sa akin ng anak ko pero diretsong nakatingin na lamang ako sa labas ng bintana ng kotse ng Daddy niya. Dahil sa pagiging tahimik ni Rykiel ay nakaramdam ako ng guilt pero hindi ako hihingi ng paumanhin sa kanya dahil para naman ito sa kanya.
Ang kalagayan niya ang inaalala ko sa ngayon at sana lang ay huwag na huwag na niyang lalabanan pa ang kanyang ama. Siya lang ang napapahamak.
Pagdating namin sa condominium ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto at umikot sa side ni Khai pagkatapos.
“Kaya nang maglakad ng anak ko. Umuwi ka na rin, Rykiel,” walang ganang sabi ko. Sana naman ay sumunod siya sa akin, kahit ngayon lang.
Hindi na siya puwedeng dumikit pa sa amin ngayon. Dahil alam kong gagawa talaga ng paraan si Dad na kasuhan ang pamilya nila. Madadamay lang talaga si Rykiel dito.
“Bakit ang dali mong pagtabuyan ako?” tanong niya na may himig ng hinanakit sa puso. Ngayon lang yata siya nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita ulit.
“Did you hear yourself, Rykiel? Natural lang na pagtatabuyan kita dahil kahit kilala kita ay hindi rin tayo magkaibigan. Alam mo ‘yan. Ang anak ko lang at ang kapatid, pinsan mo lang ang magkaibigan,” sagot ko sa kanya at umigting lang ang panga niya.
Humakbang siya palapit sa akin at naman mabilis akong umatras. He breath out loudly at napasabunot pa siya sa buhok niya. Hindi ko lang alam kung guni-guni ko ba na nakita pagkislap ng mga mata niya dahil sa luha? O baka nagkakamali lang talaga ako? Dahil imposible naman na makikita ko siyang umiiyak. Maliban na lamang nang gabing iyon, na may naalala siya at na-trigger ang trauma niya at amnesia.
“Isa sa dahilan naman na kung bakit ganyan ka sa akin ay dahil kay Chrysler, tama?” tanong niya. Hindi ako sumagot at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. “Iyon ang isa sa dahilan mo, hindi ba?” pag-uulit niya. Oo, pero paano niya nahulaan iyon? Dahil na rin sa mga sinasabi ko sa kanya? Na layuan niya ako dahil may fiancé na siya?
“Tama na, Rykiel. Umuwi ka na lang,” saad ko at lumapit ako sa pinto ng kotse niya para pagbuksan ko na si Khai. Alam kong naguguluhan na siya sa nangyayari sa amin sa labas. Na kung bakit nagawa pa naming mag-usap gayong kailangan na rin niyang magpahinga.
Pero bago ko pa man mabuksan iyon nang pinigilan ni Rykiel ang kamay ko.
“Hindi ko rin alam kung bakit kung umaakto ka na parang hindi mo rin ako kilala, Jessel. Alam kong simula pa lang talaga ay kilala mo na ako, may idea ka na kung sino ako. I know... I know you’re one of the people I forgot in the past. Malakas ang kutob ko sa bagay na iyon, pero palagi mo akong pinapahirapan,” saad niya. Sa ano’ng paraan ko siyang napahihirapan? Wala naman talaga akong ginagawa, ah. Maliban na lang talaga na palagi ko siyang itinatanggi.
Nabigla ako nang hatakin niya ako sa braso at isinandal sa hood ng sasakyan niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
“Ano’ng ginagawa mo, Rykiel? Nasa loob lang ng kotse mo ang anak ko! At baka kung ano pa ang isipin niya!” asik ko sa kanya.
“Isa lang naman ang gusto ko, Jessel. Ang makipag-cooperate ka naman sa akin. Ang tulungan mo lang ako na makaalala!” sigaw niya na ikinagulat ko na naman. Dahil bakit ako? Bakit ako ang gusto niyang tulungan siyang makaalala? Bakit ako na alam naman niya na hindi puwede?
“Hindi ako ang taong makakatulong para makaalala ka, Rykiel. Hindi ako doctor... Hindi ako iyon,” malamig na sabi ko at sinabayan ko pa nang pag-iling.
“But you’re the one I need. You are the one I need, Jessel... Hindi ko rin alam sa sarili ko na sa dami ng taong makakatulong sa akin na bumalik ang alaala ko ay bakit ikaw pa ang pinili ko?! Bakit ikaw pa na ngayon ko lang din nakilala?! Why are you the one who doesn’t care about my feelings?! Why are you like this? Alam mo bang nasasaktan mo ako ng hindi mo alam?! You’re hurting me without you even noticing it, Jessel... Pagod na ako... P-Pagod na pagod na ako... Alam mo ba? Alam mo bang pagod na pagod na ako, Miss?” He rested his head on my shoulder at bumaba sa baywang ko ang isang kamay niya habang ang kaliwang kamay naman niya ay nasa bubong ng kanyang sasakyan.
Parang ang hinang-hina niya ngayon. Parang sumusuko na siyang mabuhay dahil ramdam ko, ramdam ko ang bigat nang paghinga niya. Ramdam ko ang pagod niya... Ramdam ko ang emosyon niya, ang pagsabog nito.
“Rykiel...”
“What I gonna do, Jessel? Pagod na ako... Sa Sobrang pagod ko ay parang gusto ko na ring mámátáy. Parang gusto ko na ring sumuko... Ayaw ko na... Parang ayoko na rin...” malungkot na sabi niya.
“Hindi ako ang dapat mong kausapin ngayon, Rykiel. Hindi ako ang taong kaya kang i-comfort sa mga oras na ito... Hindi ako ang fiancé mo,” mariin na sabi ko. Because that was true. Wala lang ako sa kanya, dahil para sa kanya ay isa lang akong stranger sa buhay niya.
“Si Chrysler? Hindi niya rin ako naiintindihan, Jessel. Hindi niya rin ako kayang pakalmahin. Ikaw lang naman ang kayang gumawa nito sa akin... Ikaw lang...pero palagi mo akong ginaganito... palagi mo akong itinutulak palayo. Palagi na lang...” garalgal ang boses na sabi niya. Bakit ganyan ka, Rykiel? Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Bakit palagi ka pa ring lumalapit sa akin?
Kung alam mo lang ang ginawa ng Grandma mo sa iyo ay alam kong hindi mo ako mapapatawad. Alam kong magagalit ka sa akin. Kaya ayokong umabot sa puntong iyon. Ang kamumuhian mo rin ako. Sapat na ang mga naranasan kong sakit at baka hindi ko kakayanin kapag magagalit ka sa akin.
“Iyon ang dapat, Rykiel...”
“Alam mong wala akong pinagkakatiwalaan kahit ni isa ngayon. Kahit si Dad, si Kuya Ryle...maski si Chrysler ay hindi ko pinagkakatiwalaan ngayon,” seryosong sabi niya.
“You’re crazy...” I uttered at naramdaman ko pa ang pagtango niya. Pamilya niya iyon, fiancé niya si Chrysler kaya bakit niya nasasabi iyon?
“Yeah, I’m crazy kaya parang sasabog na rin ang utak ko. Nakakapagod mag-isip... I need a long break,” he said and sighed. “Sige na... Pumasok na kayo at baka magiging makulit na naman ako. Baka...lang...” He sighed saka siya dumistansya sa akin.
Binuksan ko na ang pinto at inalalayan na makababa mula roon si Khai. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit ganoon ang mga nakita niya pero kitang-kita ko ang pagtagal nang tingin niya sa Daddy niya.
“You’ll be okay, right?” he asked his son. May lambing na naman ang boses niya.
“Yes po,” Khai replied and Rykiel nod his head.
I guide my son to walk at nilampasan na namin siya pero ramdam ko pa rin talaga ang tingin niya sa amin. Hindi man lang niya tinatanggal. Palagi talaga siyang nakabantay sa amin.
“Mom... Is he okay?” my son asked me. Nararamdaman niya rin siguro na hindi okay ang daddy niya.
“Yes, son. Alam mong hindi na siya puwedeng lumapit pa sa atin. Dahil sa nangyari sa ‘yo kanina,” sabi ko.
“Ano po ba talaga ang nangyari sa akin, Mommy? Ang naalala ko lang ay iyong nasa school pa ako at wala na rin akong naaalala pa na nagpunta ako sa mansion nina Zue and Zules,” paliwanag niya at halatang wala talaga siyang naaalala. He’s clueless.
“I will explain it to you, baby,” sabi ko. Naramdaman ko lang ang pagtango niya and I pressed the button para bumukas ang elevator. Ilang segundo lang ang hinintay namin saka kami sumakay at magsasara na sana ito nang may kamay ang pumigil no’n.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita si Rykiel. Bakit ba ang tigas ng ulo niya?! Sumunod pa rin siya at nagawa pa niyang pigilan ang pagsara ng elevator.
Isinandal ko na muna si Khai sa pader ng elevator para kumuha siya nang balanse rito. Lumapit ako sa makulit na lalaking ito at malakas kong hinampas ang dibdib ni Rykiel. Nabigla pa siya sa ginawa ko pero hindi naman siya nag-react pa.
“What the hell are you doing, Rykiel?! Bakit sumunod ka pa rito?! At lalong-lalo na ang pigilan ang pagsara ng elevator?! Paano kung maputol iyang braso mo, ha?!” nanggagalaiting tanong ko sa kanya. Kulang na lang talaga ang puputok na ang ugat ko sa noo at maging sa leeg ko.
“Are you worried then?” naaaliw na tanong pa niya sa akin. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya. Kasing kapal na ng libro.
Sa pisngi na sana niya dadapo ulit ang palad ko pero mabilis niya itong nasalo at hinawakan ang kamay ko saka niya ako marahan na tinulak papasok. Kasabay no’n ang pagsara ng pintuan ng elevator sa likod niya.
Hindi niya binitawan ang kamay ko at nanatiling nakatitig lang ng diretso sa mga mata ko.
“Rykiel... You’re so stubborn. Kapag ikaw ang naging anak ko ay mabilis puputi ang buhok ko sa ‘yo,” mariin na sabi ko at sumusuko na ako sa katigasan ng ulo niya. Stress lang talaga ang makukuha ko sa kanya.
“Sadly, I’m not your son and never be... Hindi kita gustong maging nanay ko,” sabi niya at may pangisi-ngisi pa. Buong puwersa ko namang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nabitawan naman niya ako.
“Hindi rin kita gustong maging anak ko,” I said in sarcastic tone. Hindi nawala ang ngisi niya sa labi at dahan-dahan pa siyang humakbang palapit sa akin. Akala niya, ha. Hindi ko nga naisip na puwede ko siyang maging anak ko.
Hindi siya katulad ng anak niya na masunurin at hindi kagaya niya na sobrang tigas ng ulo. Na sa isang salita ko lang ay matatakot na sa akin si Khai pero siya?
“Mas bagay kang maging ina ng mga anak ko,” sabi niya dahilan na tumaas ang balahibo ko sa batok. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Walang hiyang lalaking ito! May panahon pa talaga siyang magbiro ng mga ganyan?!
Hindi naman iyon nakakatuwa!
“Not funny, Mr. Barjo,” umiiling na sabi ko.
“I’m not joking either,” he said.
“Well, hindi ko rin gusto--” hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil sa pagbigat nang tingin sa akin ni Khai.
“ Whatever. Ano ba ang ginagawa mo rito? Bakit ba ang kulit mo at palagi kang nakasunod sa akin, ha? Akala ko ba ay titigilan mo na kami?” inis kong tanong sa kanya.
“Nasa labas ang mga tauhan ni Dad,” sagot niya at pinindot ang floor namin. Coincidence lang iyon, ‘di ba? Alam kong hindi naman niya alam talaga ang floor ng condo namin. At ano naman kung nasa labas ang mga tuta ng tatay niya? As if I care?
“You are safe with them. Why are you so bothered? Mga tauhan lang iyon ng dad mo. So, why?” walang ganang tanong ko sa kanya.
“Where’s your bodyguards, then? Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikita ang mga bodyguard niyo,” seryosong sabi niya at napabuntonghininga na lamang ako. Parang iyon na lamang talaga ang nagagawa ko ngayong araw na ito.
“At hindi ka rin safe if nandito na ang mga bodyguard namin. Alam mo iyan,” sabi ko at pumitik pa sa mukha niya.
“Okay lang,” sabi niya lang at nagkibit-balikat.
“Bahala ka sa buhay mo, Rykiel,” ani ko.
“Oo, bahala talaga ako sa buhay ko at wala ka ring magagawa pa roon,” usal niya.
***
Hinayaan ko na lamang na makapasok si Rykiel sa loob ng condo namin dahil kinarga niya ulit si Khai. Pero naka-piggy back ride na. Nahihiya raw kasi siya kapag bride style ang paraan nang pagbuhat sa kanya kahit balewala pa iyon sa Daddy niya. Ano naman ang pakialam ng isang ito?
“This is your room?” tanong niya nang maibaba na niya si Khai sa kama nito.
“Yup,” tipid na sagot lang nito sa kanya.
“I like how you organise your room,” his compliment while he roamed his around the area.
“Thank you,” nakangiting sabi naman ni Khai. Napakamot ako sa ulo ko.
I looked at my son. “Hindi ka pa nakapag-dinner, Khai? May gusto ka bang kainin?” I asked him.
“Yes po, Mom. Pero parang wala po akong ganang kumain ngayon,” sabi niya. Baka dahil iyon sa puting panyo na pinaamoy sa kanya kanina lang.
“No, you need to eat, baby,” sabi ko at napasulyap pa sa akin si Rykiel. ‘Sakto na napatingin din ako sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ano’ng klaseng tingin na naman kaya iyan?
“You’re so sweet. You baby-talk your son, at parang wala rin iyon sa kanya. Zue, he hated that things kung kinakausap siya ng parents niya,” sabi niya na may pagkamangha pa.
“Ikaw?” May idudugtong pa sana ako nang magsalita agad siya.
“Anything, hindi ako pihikan pagdating sa pagkain,” saad niya. I know that but...
“I’m not asking you that. Ang balak kong sasabihin sana ay ikaw, kung may balak ka na bang umuwi sa inyo,” malamig na sabi ko.
“Ang sungit mo pa rin sa akin,” sabi niya.
“Look, Rykiel... Hindi ka naman siguro--”
“Khai, you want me to make you a pizza?” sabat niya at tinanong pa ang bata.
“Pizza?”
“Most of the time, when I don’t have appetite to eat. Ginagawa kong dinner ang pizza,” sabi niya para lang din umawang ang labi ko. Dahil ganoon kami ni Khai.
Ang pizza talaga ang kinakain namin kapag wala kaming gana na kumain ng heavy foods. Iyon lang ay sapat na talaga sa amin.
“I would like too,” tumatangong sagot ni Khai at ngumisi na naman sa akin si Rykiel. Ang dami niya talagang palusot. Nakakainis na siya. Hindi talaga siya nauubusan ng dahilan at dinadamay pa niya ang anak niya.
“Can you guide me to your kitchen now, Miss?” he asked me.
“Ang kapal talaga ng mukha mo,” pambabara ko sa kanya saka ako tumalikod at lumabas na lang sa silid ng aking anak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top