CHAPTER 33
Chapter 33: Found him
HABOL-HABOL ko pa ang sariling hininga ko at napapikit ako nang marinig ko ang mabilis na tibok ng puso ng taong nakayakap ngayon sa akin. Hindi isang bagay o poste ang nabangga ko kundi isang tao at sa amoy pa lang niya, sa presensiya pa lamang niya ay alam ko na kung sino siya. Kilalang-kilala ko na kahit hindi ko lilingunin pa.
“What the fvck are you doing?” malamig na tanong niya at alam ko na hindi ako ang kinakausap niya. Humigpit naman ang hawak niya sa baywang ko at ang isa ay nasa likod na ng ulo ko. Napasandal ako sa dibdib niya at heto na naman ang pagiging kalmado ko sa tuwing nandiyan lang siya sa paligid ko.
Iyong pagod ko kanina sa pagtakbo ay biglang nawala na parang bula. Iyong pag-aalala ko at ang bigat sa dibdib ay nabawasan nang kaunti.
“S-Sir Eryx,” nauutal na sambit ng lalaking humabol sa akin.
“Alam mo ba ang ginagawa mo? Puwede kang kasuhan sa ginagawa mo ngayon,” sabi pa niya at napahawak na lamang ako sa damit niya. Kasing lamig ng yelo ang boses niya. Kaya sino ang hindi matatakot sa kanya?
“P-Pasensiya na po, Sir... G-Ginawa lang po namin ang trabaho na--”
“I didn’t ask your reasons. Go back to your work now and let the girl go outside,” mariin na utos pa niya at ang narinig ko lang ay ang sunod-sunod na footsteps nito na papalayo na sa aming direksyon.
Nang matauhan naman ako sa posisyon namin ngayon ay gumalaw na ako pero hindi niya ako pinakawalan. Humigpit lang ang yakap niya sa akin na parang sa kanya ako pa ako kakapusin ng hininga.
“I-I...can’t breath, Rykiel...” reklamo ko sa kanya at mahinang hinampas ko ang likod niya.
He let go of me pero nasa baywang ko pa rin ang isang braso niya at ang isa niyang kamay ay hinawi ang buhok ko na nakaharang na sa mukha ko. Humakbang ako paatras dahil sa pagpunas niya sa pawis sa noo ko.
“Ano ba’ng...” sabi ko at sinuri na naman niya ang mga braso ko.
“Kapag hindi ito nalagyan agad ng ointment ay mamamaga ito, magkakapasa ka,” seryosong sabi niya at ang tinutukoy niya ay ang braso ko na namumula dahil sa mahigpit na paghawak sa akin ng mga lalaking iyon.
“Rykiel...”
“I told you that I'm willing to help you, Jessel. Isang utos mo lang ay susunod na ako,” sabi niya at diretsong tinitigan ang mga mata ko.
Hinubad niya ang itim na coat niya at isinuot iyon sa akin. Nawawala talaga ang pangamba at takot ko kapag nasa tabi ko lang siya. Lalo na kung nakakulong ako sa mga bisig niya.
“Si Zinky, si Khai...” sambit ko sa pangalan ng kaibigan ko at sa anak ko. Hindi siya nagsalita, sa halip ay may tinawagan siya sa cellphone niya.
“The girl, ihatid niyo siya sa bahay nila.” Hinawakan ko ang braso niya kaya napayuko siya at tiningnan ako. “Hmm?”
“Ayokong mapahamak ang kaibigan ko. Mapagkakatiwalaan ba ang mga tauhan mo?” tanong ko sa kanya.
“Ibibigay ko ang pangalan ko sa pulisya kapag napahamak ang kaibigan mo,” sabi niya sa akin at kinausap na ulit ang nasa kabilang linya.
“Si Khai...”
“Tinawagan ko na si Dad pero hindi niya sinasagot ang phone niya,” sambit niya at nagtatagis na naman ang ngipin niya. “Pagabi na, Jessel. Hindi ka na dapat nagpunta pa rito. Baka mapahamak ka lamang,” sabi niya ngunit umiling ako.
Tumunog naman ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa bulsa ng pants ko. Si Zinky ang tumatawag sa akin.
“Z?”
“J, nasaan ka na? Ayos ka lang ba? Nakapasok ka sa loob? J, ang Rykiel na ‘yan ay pinapauwi na ako... Kasama mo na ba siya ngayon?” tanong niya sa akin.
“Kasama ko na siya ngayon,” sagot ko sa huling tanong niya at matapang na sinalubong ko ang mga mata ni Rykiel. Hindi niya rin pinuputol ang tingin sa akin.
“Thanks God. Okay na ako, J. Huwag ka nang mag-alala pa sa akin. Basta alam ko na si Rykiel na ang kasama mo. Alam ko na hindi ka niya ipapahamak,” sabi niya.
“Mag-iingat ka, Z,” sabi ko.
“Ikaw rin, J. Mahahanap pa rin natin si Alkhairo. Kaya huwag ka ng mag-alala pa sa kanya.” I nodded saka kami nagpaalam na sa isa’t isa.
“Wala si Dad sa mansion kaya...”
“Si Khai... Si Khai ang gusto kong makita... Kung ang daddy mo ang kumuha sa anak ko... Rykiel,” sabi ko at mabilis na nangilid ang mga luha ko. Muli niyang pinunasan iyon at hinapit ang baywang ko palapit sa kanya. Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko siya na gawin iyon sa akin.
“Hahanapin natin siya,” sabi niya at hinila na niya ako. Nagpatianod na lamang ako sa kanya.
Isinakay niya ako sa kotse niya at dahil wala pa rin ako sa sarili ko ay siya na rin ang nagsuot sa akin ng seatbelt. Saka siya mabilis na umikot sa driver seat. Pinaandar niya ang sasakyan niya at kahit puwede naman nang lakarin pa ang mansion nila.
Sinubukan kong tanggalin ang seatbelt ko pero hindi ko nagawa dahil sa panginginig ng kamay ko. Kaya si Rykiel na naman ang gumawa no’n para sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon habang papasok kami sa loob.
“Si Dad?” tanong niya sa kasambahay nila na sumalubong sa amin.
“Wala po rito ang daddy niyo, Sir Eyrx,” magalang na sagot nito at yumuko pa.
“Sige. Pakidalhan po kami ng isang basong tubig,” utos pa niya at hinila na naman niya ako. Sa paraan na hindi naman siya nagiging marahas sa akin. Pinaupo niya ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. “Nasubukan mo na ba'ng tawagan si Khai?” tanong niya sa akin at saglit lang ako sinulyapan.
Tiningnan ko naman ang cellphone ko. Hindi ko naisip na tawagan si Khai. Nakalimutan ko ang bagay na iyon dahil pinangunahan ako ng takot ko kanina kaya natataranta rin ako.
“Hindi pa,” sabi ko at hinahanap ko sa contact ko ang pangalan at ang numero ni Khai. I hit the call button and seconds later ay ang boses babae lang ang naririnig ko from the other line. “Cannot be reached ang phone niya,” sabi ko at kinakabahan na naman ako. “Sina Zue at Zules, nasaan sila? Baka may alam sila kung saan nagpunta ang anak ko,” sabi ko at tiningnan ko pa ang hagdanan nila.
“Nasa condo nila ako kanina. Kinausap ko na sila. Nauna silang umuwi kaya wala silang alam na nawawala rin si Khai. Sinubukan din nilang tawagan ang anak mo pero ring lang nang ring ang cellphone sa kabilang linya,” sagot niya.
“So, kung ganoon ay sinadya na nilang pinatay ang phone ng anak ko?” nag-aalalang tanong ko. Marahan siyang tumango.
“Parang ganoon na nga ang nangyari.”
Napatingin ako sa kamsabahay na inutusan niya kanina, may dala na siyang isang basong tubig at ibinigay iyon kay Rykiel na mabilis ding lumipat sa akin. “Drink this water. Hindi ko nagugustuhan ang makitang maputla ka,” sabi niya at wala akong choice kundi ang kunin mula sa kamay niya ang tubig. Sinunod ko ang inuutos niya. Ibinalik ko rin sa kanya pagkatapos.
“Salamat,” tipid na sabi ko at bumaba naman ang tingin niya sa labi ko.
“Sana ay magkakulay na ‘yan,” sabi niya na hindi ko naintindihan. Ang gulo niyang kausap. “Kung si Daddy nga ang dahilan ng pagkawala ni Khai. Tingnan natin ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya ito,” usal niya at prenteng nakaupo lang talaga siya. Umusod pa ako palayo sa kanya dahil idinantay niya ang braso niya sa headrest ng sofa, na nasa likuran ko.
“Ano’ng gagawin mo?” kunot-noong tanong ko sa kanya. He didn't answer me.
“Dad...”
“What is it, son?” Narinig ko ang boses ng daddy niya at sinadya rin ni Rykiel iyon para marinig ko ang pag-uusapan nila.
“Saan niyo po dinala ang bata, Dad?” tanong niya na wala pa ring emosyon.
“Sino’ng bata ang tinutukoy mo, Eryx?” Ang inosente ng boses ni Mr. Barjo, na akala mo ay wala talaga siyang alam at kinalaman tungkol sa pagkawala ng anak ko.
“Si Zairyx Alkhairo, Dad. Nawawala siya at alam kong tinatago mo siya, hindi ba?”
“Ano ang pinagsasasabi mo riyan? Wala akong alam tungkol diyan. Bakit...nawawala ba ang kapatid mo?” Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa tinawag niyang kapatid. Gusto kong sumabat sa usapan nila pero ayokong pangunahan si Rykiel. Dahil alam kong may pinaplano siya. Mabuti na lamang ay sinagot na nito ang phone niya.
“Alam kong may alam ka sa pagkawala ng bata, Dad. Alam mo ba na nagpaimbestiga ako sa nangyari sa akin bago niyo ako nahanap?” Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Totoo? Totoo kayang nagpaimbestiga siya?
“Bakit pa, Eryx? Matagal na iyon at hindi mo na dapat inuungkat pa ang nangyari sa ‘yo sa nakaraan. Hindi ‘yan mabuti para sa kalusugan mo,” sabi nito na parang nagbago ang tinig niya.
“Dad, walang nagbenta sa akin sa mga sindikato ayon sa sinabi mo. Ang sabi pa ng private investigator ko ay ‘saktong may nag-raid noon at nandoon ako sa mga oras na iyon. Hindi ako agad nakaalis sa lugar na iyon at ako ang dinukot nila dahil nakilala ko ang mukha ng iilan na nagbebenta ng mga droga. Natatakot lang sila na baka ituturo ko sila isa-isa. Alam niyo po ba ang Fantasy Night Club? Dati akong bartender diyan, tama po?” Nagulat ako sa sinabi niya.
Totoong nagpaimbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya noon? Pero bakit pa? Bakit niya gagawin pa iyon?
“Mukhang nagkamali ang imbestigador mo, Eryx--”
“Bago ako nagtrabaho sa club house na iyon, Dad ay nagmula pa ako sa San Francisco. Gusto mo pa bang sabihin ko sa ‘yo ang iilan na nakalap ng private investigator kong impormasyon?” tanong ni Rykiel sa kanyang ama. Parang nanghahamon lang siya. Ano ba ang gustong mangyari ngayon ni Rykiel?
At hanggang saan na ang mga nalalaman niya? Kinakabahan na talaga ako na baka higit pa roon ang kanyang nalalaman.
“Ano ba ang gusto mo, Eryx? Bakit sinasabi mo sa akin ang lahat ng ito?” malamig na tanong ni Mr. Barjo mula sa kabilang linya.
“Si Alkhairo, Dad. Ilabas mo na ang bata at hinahanap na siya ng Mommy niya,” mariin na sabi niya at sinulyapan pa ako bago siya nag-iwas ng tingin.
“Inaakusahan mo ba ako na ako ang kumuha sa bata, Eryx?” malamig na tanong nito sa kanya.
“Dad, may isang folder pa akong hindi nababasa at alam mo ba kung ano ang nakasulat doon?”
“Eryx...” he warned him.
“Hacienda Diamente,” he answered at he stared at me, intently. Oh, God... Rykiel, hanggang doon na pala ang naabot mo. Natatakot na ako sa malalaman niya, baka mauungkat din ang issue ni Grandma sa kanya. Ang pagpapahirap nito sa kanya noon.
“Ano’ng gusto mo, Eryx?”
“Si Alkhairo, Dad. Kapag inilabas mo na ang bata ay ibibigay ko sa ‘yo ang isang folder at hindi ko na babasahin pa iyon. Huwag kang mag-alala dahil nag-iisa lang ang kopya no’n. Kilala mo ako, Dad. Tumutupad ako sa usapan natin at hindi ako nagsisinungaling,” sabi pa niya at ilang minutong natahimik ang nasa kabilang linya.
“Mag-uusap tayo pagbalik ko riyan, Rykiel Eryx,” Mr. Barjo said before he ended the call. Nagkatinginan kami ni Rykiel at parang iisa rin ang mga naiisip namin ngayon.
“Si Dad ang kumuha sa anak mo,” matigas na sabi niya at nagtatagis ang bagang niya.
“M-Mom?” Napatayo ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.
“Khai!” sigaw ko sa pangalan niya at patakbong nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang mukha niya at parang kagigising lamang niya.
“A-Ano po ang ginagawa natin dito, Mommy?” nagtatakang tanong niya nang pasadahan niya nang tingin ang buong paligid.
Hinila ko siya palapit sa akin at mahigpit ko siyang niyakap. “Nag-alala ako sa ‘yo, Khai...” sambit ko. Kahit pati siya ay naguguluhang sa mga nangyayari ay yumakap din siya sa akin pabalik.
“What happened, Mom?” he asked me.
“Khai, paano ka napunta rito?” tanong ko sa kanya at tinitigan ko ang mukha niya. Sinuri ko rin ang kanyang katawan kung may sugat o pasa ba siyang natamo. Pero mukhang wala naman. I felt relief. Ayokong may makikita na naman akong sugat at pasa sa katawan niya.
“Nagising po ako sa isang kuwarto, Mom. May gumising sa akin tapos lumabas ako at nakita ko kayo ni... A-Ano po ba talaga ang ginagawa natin dito? Ang naaalala ko po ay nasa school ako tapos...” sabi niya at mariin na pumikit pa siya para siguro alalahanin ang nangyari sa kanya bago siya napunta rito.
“Tapos?” tanong ni Rykiel at lumapit sa amin.
“Tapos...nagpaalam ako na magbabanyo lang. Nasa loob pa lamang ako nang may nagtakip sa ilong ko, isang puting panyo at parang doon na ako... H-Hindi ko na maalala pa, Mom,” umiiling na sabi niya at bumuntonghininga pa. Malamang hinimatay na siya after that. Mga walang hiyang sila.
Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko na nilingon pa si Rykiel. Lumabas kami sa mansion na iyon dahil alam kong hindi safe sa pamamahay na iyon si Khai. Kailangan na naming umalis dito at ilayo siya rito.
“Jessel. Wait...” I ignored Rykiel. Naramdaman ko pa ang lingon ni Khai sa daddy niya. “Ihahatid ko kayo, Jessel,” pahabol na sabi pa niya at mabilis na hinawakan ako sa siko ko. “Please, hayaan mo ako na ihatid naman kayo pauwi,” nagsusumamong sabi pa niya. Napahinga ako ng malalim.
“Rykiel... Sa nalaman ko ngayon na ginawa ng daddy mo, sa tingin mo ba ay palalampasin ito ng daddy ko? Dapat ay dumistansya ka na rin sa amin. Hindi na makakabuti sa atin ang makitang magkasama tayo. Sa tingin mo ba?” tanong ko sa kanya nang hindi ko siya hinaharap.
Nabitawan ko pa ang kamay ng anak ko nang pihitin ako ni Rykiel paharap sa kanya. hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Humarap ka sa akin, tumingin ka sa akin kung kinakausap mo ako, Jessel. At wala akong pakialam kung kakasuhan niyo si Dad. Kasalanan niya, kasalanan niya kung bakit biglang nawala si Khai kanina,” sabi niya.
“Rykiel, hindi kita maintindihan. Ano ba ang binabalak mo ngayon? Bakit ka nagkakaganyan? Alam mo naman na magkaaway tayo, ‘di ba? Bakit pinipilit mo pa rin kami? Bakit lumalapit ka pa rin sa amin? Hindi ba ikakasal ka na?” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Unti-unti naman niyang binitawan ang kamay ko.
“If I'm going to cancel our wedding, to call off our engagement. Hahayaan mo na ba ako na lumapit sa inyo? Hahayaan mo na ba ako na magkaroon ng pakialam sa ‘yo? Alam mo ba na sinasaktan mo ako kapag ganito ka sa akin?” tanong niya at nakita ko pa ang lungkot na dumaan sa mukha niya.
“Rykiel... Ano ba ang pinagsasabi mo? Naguguluhan na ako sa inaasal mo. Naguguluhan na ako sa ‘yo.” Sasagot pa sana siya nang bigla na lamang mabuwal sa kinakatayuan niya si Khai. Mabilis kong hinawakan ang braso niya at sinalo naman siya agad ni Rykiel.
“K-Khai...” nauutal na bigkas ko sa pangalan niya.
“I’m okay, Mom. N-Nahihilo lang po ako... Umiikot po ang paningin ko,” mahinang sabi niya at parang nahihirapan pa. Hindi nagdalawang isip si Rykiel na buhatin si Khai at nagulat pa ito. “K-Kaya ko naman po...” nahihiyang sabi niya at napatingin pa sa akin.
“No,” mariin na sambit ni Rykiel. He looked at me again. “Let’s go,” he uttered at tumalikod na siya. I took a deep breath at sumunod na lamang sa kanila.
Ang tigas ng ulo ni Rykiel.
***
Binuksan ko ang pinto sa backseat at maingat na ibinaba ni Rykiel ang anak ko. Sumakay na rin ako, na nasa tabi ni Khai. Mabilis ding nakasakay sa driver seat si Rykiel at nagmaniobra na ng sasakyan niya.
“Ano ang nararamdaman mo ngayon, Khai?” malambing na tanong ko sa kanya at hinaplos ko pa ang pisngi niya.
“Embarrassing, Mom.”
“W-What?” nabibiglang tanong ko sa kanya. Bakit ganoon ang sagot niya?
“Nakakahiya po iyong binuhat ako ni D-Daddy kanina...” sagot niya at halatang nahihiya nga siya. He rested his left arm on his forehead and I can even heard him sighed.
“Khai...”
“I’m sorry kung pinag-alala na naman po kita, Mommy,” hinging paumanhin niya at tinanggal ang braso niya sa mula sa noo niya.
“It’s okay, baby. Ang mahalaga ay nandito ka na. Na alam kong ayos ka lang,” nakangiting sabi ko.
“Nang dahil na naman ba ito kay Mr. Barjo, Mom?” Tumango ako sa tanong niya.
“I’m sorry about that,” singit ni Rykiel.
“It’s fine... Hindi niyo po kasalanan,” Khai uttered.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakalabas na pala kami ng subdivision pero hindi naman ito ang daan patungo sa condominium namin.
“Where did you taking us, Rykiel?” I asked him. Sinulyapan niya lang ako sa rear view mirror.
“Sa hospital,” mabilis na sagot niya.
Napaayos nang upo si Khai at naguguluhan na tiningnan niya ang daddy niya. “Ano po ang gagawin natin doon?” tanong niya sa mahinang boses.
“Para matingnan ka. Hindi ba sinabi mo kanina na nahihilo ka?”
“Okay lang po ako... Nahilo lang ako kanina dahil hindi pa maayos ang gising ko ay bumangon na ako agad. Iyon lang naman po,” paliwanag ni Khai pero desidido ang daddy niya na dalhin siya sa hospital.
“Ang sabi mo ay may tumakip na panyo sa ilong mo. So baka magkakaroon iyon ng inspeksyon. Dapat matingnan ka sa doctor,” giit pa rin ni Rykiel at umawang na ang labi ko sa gulat. Grabe naman kung makapag-react siya sa nangyari sa anak niya.
“Sa condo na lang, Rykiel. Doon mo kami ihahatid,” wika ko.
“No, sa hospital tayo,” tanggi niya.
“Sa condo, Rykiel,” giit ko.
“Sa hospital muna tayo, Jessel.”
“Sa condo mo kami ihahatid o ibababa mo na lamang kami rito?” banta ko na mabilis niyang iniliko sa ibang direksyon ang kotse niya.
“Fine,” masungit na sabi niya.
Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko at sumabay na ang ringtone nito. Si Daddy ang tumatawag.
“Yes po, Dad?” sagot ko mula sa kabilang linya.
“Nahanap mo na ang apo ko, anak?” he asked me.
“Opo, Daddy. Kasama ko na po ngayon,” sabi ko at tiningnan ko pa si Khai na nakapikit na ngayon.
“That’s good. Pero itutuloy ko pa rin ang balak kong pagsampa ng kaso sa kanila. Lumalabas na kidnapping pa rin ang ginawa nila. Hindi ko palalampasin iyon. Sino pala ang kasama niyo ngayon?”
“Si...” I looked away when I caught his eyes again. “Si Rykiel po, Daddy,” I replied.
“As expected. Sinabi rin naman sa akin ni Zinky. Ako na ang tatawag sa kanya para sabihan siya na nahanap niyo na si Alkhairo, para hindi na siya mag-alala pa sa inyo,” sabi niya.
“Sige po, Dad. Thank you,” I said.
“Ano ang sinabi niya?” Rykiel asked me.
“I told you kanina na magsasampa ng kaso si Dad laban sa tatay mo,” sagot ko.
“I agree,” sabi niya. Wala talaga sa kanya ang bagay na iyon. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Rykiel? Bakit ka nagkakaganyan?
“Kapag natuloy iyon... Hindi ka na puwedeng lumapit pa sa amin,” sabi ko.
“No way in hell. Gagawa pa rin ako ng paraan para makita kayo,” matigas na sabi niya. Kayo, ano ang ibig niyang sabihin doon?
“Nababaliw ka na talaga,” saad ko.
“At wala kang magagawa room,” sabi niya at napapailing na lamang ako.
“Ang daddy mo. Baka tuluyan ka nang itatakwil no’n dahil sa ginawa mo kanina. You blackmailed your father in return ay ibalik sa akin ang anak ko.”
“I knew my father very well, Miss. Mas okay iyon para wala ka nang dahilan pa para pagtabuyan mo ako.”
“Rykiel...ang tigas ng ulo mo...” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Sorry...”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top