CHAPTER 32
Chapter 32: Missing
“SI Sir Alkhairo po, Miss Jessel ay nawawala,” sabi niya at parang umikot ang paningin ko.
Nakaramdam ako ng pamamanhid sa katawan at ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nalaman na nawawala ang anak ko. Parang pati ang mundo ay saglit na huminto.
“J...” tawag sa akin ni Z pero parang wala na rin ako sa sarili at napatayo ako mula sa kinauupuan ko.
Hindi pa maayos ang paglalakad ko na nilapitan ko si Fred at hinawakan ko nang mahigpit ang collar ng suot niyang suit. My hands are trembling but I don't give a damn!
“What did you say, Fred?” malamig na tanong ko at nanlilisik ang mga matang tiningnan ko siya.
Hindi kayang tanggapin nang pandinig ko ang mga narinig ko kanina. Parang ayokong maniwala. Parang gusto kong maging bingi na lang kanina para wala na akong maririnig pa.
“J... Calm down,” Zinky said at hinawakan niya ang braso ko para tanggalin iyon pero hindi ko ginawa.
“Ulitin mo ang sinabi mo kanina, Fred! What happened to my son again?! Tell me!” sigaw ko sa pagmumukha niya at nakikitaan ko na siya ng takot pero hindi ako kakalma kung hindi ko maririnig ulit ang sinabi niya kanina.
Umaasa na nagkakamali lang ako sa narinig. Umaasa ako na hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nandito sa amin sa halip na ang anak ko ang bantayan niya sa school!
“Si Sir Alkhairo po, Ms. Jessel... N-Nagpaalam po siya sa amin kanina na magbabanyo lang...pero ilang minuto po ang nakalipas ay hindi na siya lumabas. S-Sa...dami po ng estudyante roon ay hindi namin alam kung lumabas na po ba siya o hindi pa pero pumasok na po kami sa loob at wala na siya roon,” mahabang paliwanag niya sa akin. Mas kinain lang ako nang takot.
“Trabaho niyo ang bantayan ang anak ko pero bakit...bakit nawala pa sa paningin niyo si Alkhairo?!” walang emosyon na tanong ko sa kanya at nandidilim na talaga ang paningin ko. Dahil sa halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ay nagawa ko siyang itulak. Bumagsak siya sa floor at pasalamat siya ay hanggang doon lang ang bagsak niya.
“Jessel naman!” sigaw sa akin ni Z at hinawakan ang kamay ko.
“Find my son at kapag hindi niyo siya nakita hanggang mamayang gabi. Huwag niyo nang ipapakita pa sa akin ang pagmumukha niyo kahit na kailan,” malamig na saad ko pa saka ako umalis doon.
Patakbong lumabas ako ng café at hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Zinky sa pangalan ko. Ako ang hahanap sa anak ko. Simple lang naman ang trabaho nila. Ang bantayan ang anak ko pero bakit nawala pa sa paningin nila?!
“Jessel! Sandali lamang! J naman, eh!”
Nang makalabas ako ay napansin ko ang pagsunod sa akin ng iilan na bodyguard ko. Hinarap ko silang lahat kaya sabay pa silang napahinto sa hindi kalayuan sa puwesto ko. Ayokong susunod pa sila sa akin. Mas kailangan nilang hanapin si Khai.
“Hayaan niyo ako ngayon na mag-isa. Tulungan niyo sila sa paghahanap kay Alkhairo! Dahil kasama kayo sa tanggalan ko ng trabaho!” asik ko sa kanilang lahat at napaatras pa sila. Nakayuko at tumango sila. Ngayon lang ako nagtaas ng boses sa mga tauhan ni Dad. Ngayon lang ako nagalit sa kanila.
“Masusunod po, Ms. Jessel,” sabay-sabay na sabi nila at sumakay ng sarili nilang sasakyan.
Lumapit ako sa kotse ko at binuksan ang pintuan. Akmang sasakay na sana ako nang may humawak sa braso ko.
“J, hayaan mo na ang mga bodyguard niyo ang maghanap kay Alkhairo. Hindi ka puwedeng magmaneho ng kotse mo na ganyan ang state mo,” sabi niya at alam kong nag-aalala siya sa akin pero walang makakapigil sa akin na maghanap din kay Khai ng mag-isa.
Mas nag-aalala ako sa anak ko at hindi para sa sarili ko! Lalo na ngayon na ang komplikado na ang nangyayari sa pagitan ng pamilya namin ni Rykiel. Paano na lamang kung dinukot nila si Khai? Na tuluyan na nilang kinuha sa akin ang anak ko? Iyon ang hinding-hindi ko hahayaan na mangyari.
“Z, a-anak ko iyon... Kahit may sarili na siyang pag-iisip at malaki na ay hindi mo ako masisisi kung bakit ganito ako kung mag-alala ako sa kanya! Kahit alam na no’n kung paano umuwi sa amin ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip ng hindi maganda. Alam mo naman, Z... Alam mo kasi ang sitwasyon namin, hindi ba?” tanong ko sa kanya at marahas na pinunasan ko ang mga luha ko na hindi ko namalayan na nahulog na pala sa pisngi ko.
“J...”
“N-Natatakot lang ako... Bilang isang ina ay normal na mag-aalala tayo sa ating mga anak kung malalaman mo na nawawala sila. Ang kinakatakutan ko lang kasi, Z... Paano kung kinidnap na pala siya ni Mr. Barjo? Paano kung pinilit nilang isama sa kanila ang anak ko at tuluyan na nila itong makukuha at hindi na ibabalik pa sa akin? N-Natatakot ako, natatakot ako na baka hindi ko na makikita pa ang ang anak ko! Natatakot akong mangyari iyon!” umiiyak na sigaw ko. Hindi ko nakayanan ang emosyon ko at basta na lamang ako sumabog.
Yumakap sa akin si Zinky at hinagod ang likod ko. “Trust your son, trust your Dad, J. Si Alkhairo, hindi iyon basta-basta sasama sa kahit na sino o sa tatay niya mismo. Hindi niya iisipin ang iwanan ka. Napalaki mo nang maayos ang bata, J. Lumaki ang anak mo na may takot na iwanan ka rin, mahal ka niya katulad ng pagmamahal mo kay Alkhairo. At paniwalaan mo ang daddy mo, alam mo na hindi hahayaan ni Tito na makuha nila ang anak mo. Alam mo na gagawa pa rin ng paraan si Tito...” pag-aalo niya sa akin pero hindi ako magiging pa-chill lang kapag hindi ko nakita si Khai. Hangga't hindi ko nalalaman na ayos lang siya ay hindi mapapanatag ang loob ko. Gusto ko siyang makita...
“What’s going on here?” narinig naming tanong ng isang baritonong boses at mabilis na humiwalay sa akin si Zinky. Pinunasan ko rin ang mga luha ko at nanginginig pa rin ako sa takot. “What happened to you?” muling tanong nito at nakilala ko ang boses niya kaya roon lang ako nag-angat nang tingin sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko nagawa ang umatras dahil mabilis niya ring hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Bumilis lang ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang mainit na palad niya sa akin.
“Eryx...” At kasama niya rin si Chrysler. He ignored his fiancé at nakikitaan ko pa nang pag-aalala ang mukha niya habang tinitingnan ako.
“What happened? Are you alright? Why are you crying? May masakit ba sa ‘yo? May nanakit ba sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Kahit sa harapan pa ni Chrysler na fiancé niya ay hindi pa rin siya nabahala sa mararamdaman nito. Na makikita nito ang pag-aalala niya sa ibang tao at babae pa.
“At sino ka naman?” masungit na tanong ni Zinky at humarap naman sa kanya si Rykiel pero hindi man lang siya nag-abala na tanggalin ang kamay niya sa pisngi ko.
“I’m Rykiel Eryx,” sambit niya sa pangalan niya at muling ibinalik sa akin ang tingin niya. Dalawang kamay na niya ang ginamit niya at pinunasan ang mga luha ko.
“What are you doing?” mariin na tanong ko sa kanya. Nasa katinuan pa ba siya? Nakalimutan ba niya na kasama niya ngayon si Chrysler?
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay siya pa ang nagtanong sa akin, “Sino ang gumawa nito sa ‘yo?” Hinawi ko ang kamay niya sa pisngi ko at nagawa ko nang umatras.
“Are you out of your mind, Rykiel? Kasama mo ang fiancee mo, nakalimutan mo na ba?” malamig na tanong ko sa kanya at doon niya lang din na nilingon si Chrysler na naguguluhan na sa mga nakikita niya.
Mabilis din na namula ang mga mata nito at mahigpit ang hawak niya sa handbag. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng fiancé niya sa akin.
“Can you go home, Chrysler? Bukas na lang tayo tutuloy,” sabi niya at nagawa niyang paalisin ito? Nahihibang na na siya? Ano na lang ang iisipin nito sa akin? Na parang mas pinipili niya ako kaysa sa sarili niyang fiancé?!
“Hon, b-bakit? Bakit bukas tayo tutuloy?” tanong nito na halos mabasag na ang boses niya.
Hindi sumagot si Rykiel at basta na lamang niya hinila ito. Pumara siya ng taxi at pinasakay roon si Chrysler. Ayaw pa ngang umalis ng babae pero pinilit pa rin niya.
“Siya...iyong daddy ni Alkhairo?” pabulong na tanong sa akin ni Zinky at pinanood ko lang si Rykiel na nagmamadaling lumapit ulit sa amin. “Tanga na lang siguro ang hindi magdududa na mag-ama sila, na posible ang bagay na iyon, J,” dugtong pa niya.
“Pinaniwala nga sila ng kanilang ama na kapatid nila si Khai. Kaya paano nila paghihinalaan iyon?” tanong ko pa at huminto sa harapan ko si Rykiel.
“Nahihibang ka na ba? Bakit mo pinaalis si Chrysler?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
“Hindi naman mahalaga ang pupuntahan namin,” sabi niya at pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko. Na tila may hinahanap siya na ano.
“At ano ito? Ano'ng ginagawa mo rito?” Si Zinky naman ang nagtanong sa kanya.
“I just want to know kung ano ang nangyayari sa kanya. Jessel...”
“You’re a Barjo, right? Baka may alam ka sa whereabouts ngayon ni Alkhairo o baka nasa inyo ang bata,” diretsong sabi ni Zinky. Pagbabawalan ko sana siya na huwag sabihin iyon pero hindi ko na siya napigilan pa.
“What do you mean by that? What happened to Khai?” salubong ang kilay na tanong niya sa kaibigan ko. Pinagtaasan siya ng kilay ni Zinky.
“Nagpapatawa ka ba, Mr. Barjo? Magkalaban kayo ni Jessel ngayon at hindi ka na dapat lumalapit pa sa kanya,” matapang na saad ni Z.
“How did you know that I'm a Barjo, Miss?” malamig na tanong din ni Rykiel at umigting pa ang panga niya.
“For your information, I’m already married,” sarkastikong saad ni Zinky at ipinakita pa niya ang singsing niya sa daliri.
“So? Wala akong pakialam kung iyan ang iniisip mo na magkalaban kami ni Jessel. Kasi para sa akin ay hindi,” sabi naman ni Rykiel at umismid pa siya.
“You’re crazy, Mr. Barjo. Baka alam mo rin na nawawala si Alkhairo ngayon?” Hinawakan ko na ang kamay ni Zinky para pahintuin na siya sa pagsasalita.
“Nawawala si Khai?” tanong niya at hayan na naman ang emosyon na madalas niyang ipinapakita sa akin.
“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya but he's Rykiel Eryx Barjo, hindi siya sumusunod sa kahit na sinong tao pa ‘yan. “Masyado ka nang nakakaabala sa amin kaya umalis ka na lang,” sabi ko at tinulak ko siya sa dibdib.
Napahawak pa siya roon at hindi ko alam kung guni-guni ko ba ang nakikita ko na lungkot ay sakit na naglalaro sa mga mata niya, kahit hindi halata sa mukha niya.
Sumakay na ako sa kotse ko at sumunod si Zinky, umupo siya sa passenger seat at hindi man lang umalis mula sa kinatatayuan niya si Rykiel. Kahit tinted ang bintana ng sasakyan ko at nakasara pa ito ay parang diretso pa rin ang tingin niya sa mga mata ko.
“J, parang wala rin siyang kinalaman sa pagkawala ni Alkhairo. Nakita mo ba iyon? Nakita mo ba ang pag-aalala niya?” pangungulila sa akin ni Z at napabuntonghininga naman ako.
“Ayoko na talagang idawit siya sa problema ko, Z, eh. Ganito siya... Ganito siya kapag sa akin na,” sabi ko at may tumulo pang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko iyon at tumingin sa labas ng bintana. “Kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na tama na, na tama at huwag mo nang hayaan pa na makalapit siya sa ‘yo... Pero ang makita lang siya, Z... Ang makita lang siya at nararamdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko ay parang nagiging maayos sa akin ang lahat. Parang nawawala rin ang problema ko...” mahabang saad ko. Totoo, totoo ang nararamdaman kong iyon.
Kaya ako, ang sarili ko lang ang nahihirapan. “Ang komplikado naman... Pero sa tingin ko, J... May pag-asa pa sa inyong dalawa, nakikita ko ang emosyon na hindi na bago sa akin na makita. Dahil ganyan na ganyan din ang tingin sa akin ng asawa ko. Kasama niya kanina ang fiancé niya at hindi man lang siya natakot na baka pag-awayan ka nila? Na baka masira ang relasyon nila dahil lang sa ipinakita sa ‘yo na pag-aalala? Sa tingin ko kung bibigyan mo siya ng isa pang pagkakataon ay hindi kayo maiipit sa sitwasyon na hindi na dapat pang balikan talaga ang nakaraan. Puwede naman kasi itong i-settle nang maayos. Pero ewan ko ba sa tatay niya. Masyadong bitter,” mahabang sabi niya. Nalinawan ang isip ko pero hindi pa rin puwede.
“Iyon nga, Z. Dapat nang ibaon sa limot ang nakaraan. Inuungkat lang ng daddy niya at kasama na siya roon at imposible pa na magkakaayos pa ang both family namin,” malamig na sabi ko at binuksan ko ang pinto ng kotse ko para harapin si Rykiel. “Hindi ka ba aalis diyan? Ano pa ang ginagawa mo?! Wala kang balak na umalis pa?!” sigaw ko sa kanya at hindi man lang nagbago ang emosyon niya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi gumagalaw sa kinakatayuan niya.
“Bakit ba...ang hilig mong sungitan ako at pagtabuyan? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako?” tanong niya na ikinatawa ko.
“Bakit ka naman masasaktan, Rykiel? Dapat iwasan mo na rin ang lumapit-lapit sa akin. Dahil kung napatunayan namin na may kinalaman dito ang daddy mo ay alam mo na ang mangyayari sa pamilya niyo. Hindi namin palalampasin ang bagay na ito at gagawa pa rin kami ng paraan para kasuhan kayo,” sabi ko at walang emosyon na sinalubong ko ang mga mata niya.
“Puwede mong kalabanin si Dad, pero hindi ako, Jessel,” he blurted out.
“What are you talking about?” naguguluhan na tanong ko sa kanya.
“Si Dad ang kalabanin mo at hindi ako. Dahil bago pa man nangyari ang lahat ng ito ay kinakalaban ko na rin si Daddy,” diretsong sabi niya.
“Nababaliw ka na nga,” sabi ko at napapailing na lamang ako. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ito.
“I’m willing to help you para hanapin si Khai. Ginagawa ko ito hindi dahil kaibigan siya ng kapatid at pinsan ko. Ginagawa ko ito dahil kagustuhan ito ng puso ko,” makahulugang sabi niya at siya na rin ang nagsara ng pintuan. Umalis na rin siya sa may parking area at pinaandar ko na lamang ang sasakyan ko.
“Nababaliw na talaga siya, Z,” umiiling na komento ko.
“Hindi na ako magdududa pa. Halata naman ang nararamdaman niya. Isa kang manhid kapag hindi mo rin iyon nararamdaman, J. Anyway, ako na ang tatawag sa daddy mo.” Tumango lang ako at tinawagan na nga niya sa phone si Dad. “Magkasama po kami ni J, Tito.” Inilagay niya rin sa loudspeaker ang cellphone niya.
“Zinky, can I talk to my daughter, hija?” tanong ni Daddy na tinanguan ni Z. Sa school nina Khai ang punta namin at mabilis pa ang pagmamaneho ko na hindi na rin pinapansin pa ni Zinky.
“Nandito po ako, Dad,” sagot ko.
“Anak, Jessel. Hayaan mo na lamang ang mga tauhan natin ang maghanap sa apo ko. Nagpadala na rin ako ng iilan na tauhan sa subdibisyon nila pero may update agad na hindi basta-basta nakakapasok ang hindi tagaroon. Kaya mahihirapan pa rin sila,” sabi ni Dad at humigpit lang ang hawak ko sa manibela.
“Sila po ba ang kumuha sa anak ko, Dad?” tanong ko na may pag-aalala sa tinig.
“Hindi tayo sigurado riyan pero kumukuha na rin tayo ng ebidensiya ukol diyan. May tinitingnan na sila sa CCTV footage. Hindi nila magagawa na dukutin ang bata lalo na maraming estudyante ang makakakita sa kanila. Alam mo rin na mahigpit ang security nila. Hindi rin sila nagpapapasok sa outsider. Unless ang Barjo family talaga ang kumuha kay Alkhairo. Hinahanda ko na rin ang abogado natin kung mapapatunayan natin na sila ang dumakip.”
“Thank you po, Daddy...” pagpapasalamat ko at naiiyak talaga ako.
“Don’t worry too much, hija. Kami na ang bahala rito at mas mabuti pa na umuwi ka na muna sa condo niyo,” sabi niya. Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita pa ni Dad.
Ibinaba na rin niya ang tawag. “Sa condo mo na tayo pupunta?” tanong ni Zinky. I shook my head. Hindi ako titigil sa paghahanap sa anak ko. Kailangan ko pa rin siyang hanapin.
“Pupuntahan ko sa mansion nila ang lalaking iyon,” saad ko sa malamig na boses at napasinghap pa siya.
“J... Ano ba ang binabalak mo?” kinakabahan na tanong niya sa akin.
“Malakas pa rin ang kutob ko na si Mr. Barjo ang kumuha sa anak ko,” sabi ko.
“J... Paano tayo makakapasok sa subdivision nila? Narinig mo naman ang sinabi ng Daddy mo kanina at baka kapag pumunta tayo ay ikaw naman ang mapapahamak niyan. Jessel naman, eh...”
“Wala akong pakialam. Kung may binabalak silang masama sa pamilya ko ay dapat ako ang kunin nila, hindi iyong bata. Not my son, Z, not him,” may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
“Jessel, sarili mo lang talaga ang mapapahamak,” problemadong saad niya.
Pagdating namin sa subdivision ay maraming nakaparada na itim na sasakyan doon. Umabot yata sa sampu pero hindi rin ako sigurado. Nasa baba lahat ang mga lalaking naka-black suit.
Pinahinto ko sa gilid ang kotse ko at may kumatok agad sa bintana nito. Ibinaba ko iyon at hinarap ko ang security. “Hindi po kayo makakapasok sa loob, Ma’am. Mahigpit po na ipinagbabawal sa amin na wala kaming papasukin na sasakyan sa loob ng subdivision,” agad na sabi niya sa akin.
Napaghahalataan talaga sila. Na sila talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Na sila talaga ang dumakip kay Alkhairo. Bakit nila dinadamay rito ang aking anak?
“Sabihin mo sa boss mo ang pangalan ko, Jessel Diamente,” malamig na sabi ko pero umiling siya.
“Mahigpit po talaga ang pagbabantay namin ngayon, Ma’am. Pasensiya na po,” sabi niya at yumuko pa saka siya umalis sa harapan ng bintana ko. Naiinis na hinampas ko ang manibela na halos iuntog ko na rin ang ulo ko roon.
“Jessel, ano ba ang gagawin mo? Saan ka pupunta?!” pasigaw na tanong niya sa akin nang makita ang pagbaba ko. “Jessel!” I ignored her.
Nang makita naman ako ng mga security ay mabilis silang humarang sa dinadaanan ko pero may pumigil din sa kanila. Malamang sila ang mga bodyguard na kinuha ni Dad nang hindi lumalapit sa amin. Na sa malayo lang sila na magmamasid sa paligid at magbabantay sa amin.
Pero mas marami yata ang security kaysa sa mga tauhan namin kaya nahawakan ako ng dalawang lalaki.
“Bitawan niyo nga ang kaibigan ko! Huwag niyo siyang hawakan!” sigaw ni Zinky at pati siya ay may humahawak na rin sa kanya. Nagpupumiglas na rin siya pero wala ring balak na hayaan siya na makawala mula sa hawak ng mga ito sa kanya.
“Let me go,” walang emosyon sa saad ko at pinipilit ko pa rin ang magprotesta.
“This is fvcking sexual harrassment! Bitawan niyo kami!” inis na sigaw pa ni Z. Pati siya ay nadadamay. Nadadamay siya sa problema ng pamilya ko.
Nag-aalalang tiningnan ko siya na ngayon ay namumula na dahil sa galit niya. Kahit ano pa ang gawin niyang pagpupumiglas ay hindi pa rin siya nagwawagi.
“Let go of her. Kusa na kaming aalis,” pagsuko ko pero parang ayaw pa nilang maniwala sa sinabi ko.
“Kakasuhan ko talaga ang mga ito, J!” Zinky shouted them.
“Hindi na kami papasok diyan basta pakawalan niyo na kami,” ani ko at nang makita na seryoso ang mukha ko, na hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko ay binitawan na nila ako.
Sumenyas pa sa akin si Z. Nang makawala kami ay pareho pa kaming tumakbo papasok sa loob. Iyong harang para walang makapasok sa subdivision ay yumuko pa kami para makalusot.
“Habulin niyo!”
Ang akala ko ay sasama si Zinky sa akin pero humarang din siya sa mga ito para hindi makahabol sa akin.
“Ako na ang bahala rito, J. Sige na! Hanapin mo na sa loob si Alkhairo!” sigaw niya sa akin at hinawakan pareho ang mga braso ng dalawang lalaki.
“Zinky...” nag-aalalang sambit ko sa pangalan niya. Ayoko siyang iwan dito. Ayokong mapahamak siya.
“Sige na, J! Don't worry about me, may kasama akong mga bodyguard mo. Kaya umalis ka na rito! Sige na!” sigaw niya at humakbang ako patalikod pero agad din akong tumakbo nang may isang lalaking naka-suit ang humahabol na sa akin.
Halos madapa ako sa kakatakbo ko pero alam kong mahahabol pa rin ako ng lalaking sumusunod ngayon sa akin. Mas mabilis ang takbo niya kumpara sa akin. Nakasuot pa ako ng heels mabuti na lamang ay boots styles siya. Hindi nga ako nagkamali.
Nahawakan niya ako agad sa braso ko at ang higpit nang hawak niya roon para siguro ay hindi na ako makawala pa.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kanya at hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Humihingal pa ako sa sobrang pagod ko.
Masyadong malaki at malawak ang subdivision na ito. Malayo rin ang mansion ng mga Barjo kaya alam kong mahihirapan ako na makarating doon.
“Bawal po talaga kayong pumasok sa loob, Ma’am!” sigaw niya sa akin at hinihila na ako pabalik. Napatingin ako sa hindi kalayuan na mansion. Hindi ako dapat na magkamali. Iyon na ang mansion nina Rykiel.
“Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw at nagawa kong kagatin ang braso niya. Napahiyaw siya sa sakit kaya nabitawan niya ako. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon na muling makatakas.
Pero nang pumihit ako ay nabangga ako sa matigas na bagay kasabay na may pumulupot ng mga braso sa baywang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top