CHAPTER 30

Chapter 30: Confession?

“MALAYO pa ba tayo? Nakakapagod palang maglakad,” reklamo ni Levianna at napangiti ako nang makita ang hitsura niya.

Halatang pagod na nga siya. Pinagpawisan na siya lahat-lahat pero maganda pa rin siyang tingnan. Napapangiwi siya at hinilot pa niya ang kanyang binti.

Napatingin sa kanya ang dalawang magkapatid at napahinto na rin kami sa paglalakad namin. Binalingan ako nang tingin ni Rykiel.

“Pagod ka na ba? Sumampa ka na lang sa likod ko.” Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi naman ako ang nagsabi na pagod na ako. Si Levianna iyon tapos bakit ako ang aalukin niya no’n?

Tiningnan ko naman si Levi at may multong ngiti na siya sa labi. Pasimple pa niya akong kinindatan. Si Ryle naman ay kunot-noong pinagmamasdan ang kapatid niya.

“H-Hindi pa naman ako pagod. Si Levianna na lang, siya na lang ang buhatin mo,” sabi ko at itinuro ko ang kasama namin.

“Ayos lang ako. Hindi na kailangan. Malapit naman na siguro ang haciendera, ‘di ba?” tanong niya at nauna nang naglakad. Sumunod sa kanya si Ryle na tanging pag-iling lang ang ginawa niya. Nawe-weirduhan na siya kanyang kapatid.

“Uhm, tara na?" kabadong-kabado na sabi ko at inilahad ko pa ang kamay ko para ituro naman sa kanya ang daan. Hindi siya sumagot sa akin at nanatiling nakatitig lang. Naiilang na naman ako sa kanya. Kaya naglakad na ako bago pa kami maiwanan dito ng dalawa lang mag-isa.

Mariin na napapikit pa ako dahil sa pagtabi niya sa akin. Dumidistansya ako sa tuwing nagdadampi ang mga braso at balikat namin. Kakaibang kuryente kasi ang nararamdaman ko.

“Malapit na tayo, ‘di ba?” he suddenly asked me.

“H-Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo?” tanong ko nang hindi ko siya sinusulyapan. Ayokong magtagpo na naman ang mga mata namin. Kasi ramdam ko na naman ang titig niya sa akin.

“My instinct,” kaswal na sagot niya lang.

“Pinapahamak ka ng instinct mo, alam mo ba?” saad ko at sinalubong ko na ang tingin niya.

“Ayos lang,” diretsong sabi niya.

Nagdikit ang mga kilay ko. “Ano’ng ayos lang sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.

“Mas mabuti pang ipahamak ako ng instinct ko dahil may iilan akong naaalala. Kaysa ang paniwalaan na gawa-gawa ko lang ang lahat ng nasa isip ko ngayon,” seryosong sabi niya at tumingin na lamang ako sa dinadaanan namin.

“Iyon din naman ang sinabi sa ‘yo ng doctor mo, ‘di ba? Nagkaroon ka ng trauma dahil sa nangyari sa ‘yo. May dark past ka kaya hindi rin normal ang mga eksena na ginagawa ng utak mo. Pero iyon talaga ang totoo. Dapat mong tanggapin,” sabi ko.

“Hindi pa naman ako baliw, Miss. Alam ko ang totoo sa hindi totoo,” makahulugang sabi niya na hindi ko naintindihan agad. Kasi ang gulo, eh.

“Ano?” naguguluhan kong tanong. Ano'ng ‘alam ko ang totoo sa hindi totoo?’

“Hindi ako mag-aaksaya nang oras ko na pairalin itong instinct ko kung hindi ako sigurado. Alam ko ang mga eksenang nakikita ko at pumapasok pa lamang sa utak ko ay totoong-totoo iyon lahat. Hindi ako dapat magkamali,” paliwanag niya at desidido talaga siyang maalala ang mga iyon. Hindi ko alam kung ano ang pinanghahawakan niya kung bakit ginagawa pa rin niya ang mga bagay na puwede niyang ikapahamak.

“Hindi ba mas importante ang nangyayari sa kasalukuyan kaysa sa nakaraan?” tanong ko at nilingon ko ulit siya. Patuloy pa rin ang paglalakad namin at nauuna pa rin ang mga kasama namin. “Hindi mo naman kailangang alalahanin pa ang nakaraan mo. Nandito ka na sa present time. Maayos naman ang buhay mo kaysa sa dati. Kaya bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo na maghanap ng mga kasagutan sa magulo mong isip ngayon?”

Sa halip na sagutin ako ay ako pa ang tinatanong niya. “Nakaramdam ka na ba na parang may kulang sa pagkatao mo?”

Natigilan ako dahil kahit hindi niya ako tinatanong tungkol diyan ay alam ko na. Naramdaman ko na iyon na hanggang ngayon naman ay tila may kulang pa rin sa pagkatao ko at alam ko kung ano ang nawawalang iyon. Siya lang naman...

“Iyong ginawa mo naman ang lahat para maging buo, o mapunan naman ang pagkukulang no’n sa pagkatao mo pero maski ako ay hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung paano mapupunan ang pagkukulang na mayroon ako. Alam mo rin ba ang pakiramdam na tila may nawawala sa ‘yo? Hindi isang bagay, kundi isang importanteng buhay na mayroon ka noon,” mahabang saad niya.

Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya. Hindi ko alam na sa mga nakalipas na maraming taon ay ganito pala siya. Nararamdaman niya na tila hindi nga talaga siya buo at may kulang sa pagkatao niya.

“Hindi lang naman ang memorya ko ang nawala. Parang pati ang kalahati ng buhay ko ay nawala rin,” sabi niya at matiim na tinitigan ako sa mga mata ko. Nakikita ko ang iilan na emosyon niya na nakita ko na sa kanya noong na-trigger ko ang trauma niya.

Naaawa ako sa kalagayan niya sa totoo lang. Kasi kahit ipinapakita niya sa akin na ayos lang siya na matatag siya pero heto siya, ipinapakita sa akin ang totoong nararamdaman niya. Na nahihirapan na pala siya.

Kung ikukumpara ko ang nararamdaman ko, ang naranasan ko at sa kanya ay hindi ko alam kung kanino ang mas mahirap at kung sino sa aming dalawa ang may mabigat na pinagdadaanan.

“Baka kung may maalala ka ay hindi mo iyon magugustuhan. Paano kung mas masasaktan ka pala?” tanong ko.

“Kung ganoon, naniniwala ka na sa akin na hindi lang ako gumagawa ng mga pekeng eksena sa isip ko?” tanong niya na tila naghahanap ng kakampi dahil lang sa sinabi ko ay baka akala niya ay naniniwala ako sa kanya.

Kahit iyon naman ang totoo. Hanggang ngayon ay may tiwala pa rin naman ako sa kanya. Pero dapat maging maingat na ako sa mga sasabihin ko sa kanya.

“Hindi ko alam...” sabi ko at nag-iwas nang tingin.

“Curious lang ako sa nangyayari sa akin. Naguguluhan din ako na kung bakit ang nararamdaman kong pagkukulang ay didikit lang ako sa ‘yo ay biglang napupunan nito?”

“Ano?” gulat na tanong ko sa kanya dahil sa sinabi niya na ano raw?

“Kahit wala akong alaala sa nakaraan, sa mga nangyayari sa akin noon ay nagiging maayos ang kalooban ko kapag kasama kita,” sabi niya na walang halong pagbibiro iyon. Ano'ng pinagsasabi niya? Hindi ba siya nababaliw lang?

At hindi ba siya nag-iisip ng tama?! Parang nag-confess na rin siya ng nararamdaman sa akin!

Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan iyon.

“Iyong tipong mahahawakan ko lang ang kamay mo ay parang sinasabi na sa akin na ayos na. Ayos na ang lahat at hindi na ako dapat mag-o-overthink pa. Na kaya kong bitawan ang mga bagay na kahit importante pa sa akin, kaya kong bitawan ang alaalang hindi naman para sa akin dahil hindi ko naman ito naaalala pa. Pero hindi ang pagbitaw ko sa kamay mo ngayon,” sabi niya at may kung ano'ng malambot na bumalot sa puso ko.

“What are you talking about?” Babawiin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang paghawak sa akin. Hindi niya pinutol ang pagtitig sa akin at pinipilit ko pa ring binabawi sa kanya ang kamay ko pero hindi niya talaga binibitawan. Humihigpit lang ito. “Rykiel, ano ba?! Bitawan mo na ang kamay ko...” sabi ko. Hindi ko naman nilakasan ang boses ko pero nasa tono ko ang inis sa ginagawa niya.

“Ano’ng ginagawa niyo riyan? Nandito na tayo sa hacienda,” narinig kong sabi ni Ryle at doon lang ako binitawan ni Rykiel. Sinamaan ko siya ng tingin kahit sa kamay naman nakatutok ang atensyon niya. Naikuyom niya iyon at bumuntonghininga.

“Alam mo ba sa sinabi mo ay para ka nang nag-confess sa akin ng feelings mo?” naiiritang sabi ko at nag-angat siya ng ulo para salubungin ulit ang tingin ko.

“Ano naman?” tanong niya at parang balewala lang sa kanya iyon.

“Nakakalimutan mo ba na may fiancé ka na?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“Iyan ba ang kinakatakutan mo kaya mo ako palaging iniiwasan?” sa halip ay tanong niya at nagsalubong ang kilay ko.

“Hindi, ah, and how old are you again?” I asked him in a sarcastic tone.

“Twenty seven,” he answered.

“At alam mo ba kung ilang taon na ako?” tanong ko pa at ang sarili ko naman ang itinuro ko.

“Thirty five,” tipid na sagot niya ulit.

“See? Ang laki ng age gap nating dalawa kaya tigilan mo na ‘yang nararamdaman mo sa akin. Hindi ‘yan totoo,” sabi ko at tinalikuran siya. Hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita uli siya.

“Wala kang magagawa sa nararamdaman ko para sa ‘yo at hindi mo ako mapipigilan. Wala akong pakialam kung mas matanda ka kaysa sa akin. Ang problema mo ngayon ay kung paano rin ako suklian ng hindi mo ako nire-reject,” sabi niya saka ako tinalikuran at iniwan sa kinakatayuan ko.

Natawa ako dahil sa pinagsasabi niya. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko at parang mawawalan na ako ng dugo sa katawan. Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya?! May fiancé na siya pero paano niya nasasabi iyon sa ibang babae?!

“Ms. Jessel, tara na!” Napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na boses ni Levianna. Nginitian ko na lamang siya at lumapit sa kinaroroonan nila.

Hindi ko na pinansin pa si Rykiel dahil matutunaw lang talaga ako sa titig niya. Napangiti ako nang makita ko na ang hacienda namin. Si Grandma ang naaalala ko.

Ilang taon din akong hindi nakadalaw rito. Akalain mo nga naman na makakapunta ako rito ng hindi ko inaasahan.

“Nandito ba talaga sila? Parang wala namang tao, eh,” ani Levianna.

“Parang matagal nang walang tao rito,” komento naman ni Ryle at kung may ano'ng bagay na matulis ang bumaon sa dibdib ko.

Hindi ito gusto ni Grandma. Ang iwanan ang hacienda namin. Kaya ako ang naging tagapagmana niya ay dahil baka mas gusto ko raw ang manirahan dito na kasama niya noon. Ang daming alaala sa hacienda namin at nasasaktan lang ako kapag naaalala ko ang mga iyon.

“You okay?” I stilled when I heard his voice again. Bumibigat ang dibdib ko kanina pero nang maramdaman ko ang presensiya niya ay parang biglang nawala iyon. Huminga ako ng malalim saka ko pinihit ang mukha ko sa kanya.

“I’m fine,” sabi ko. Bakit ba siya nag-aalala sa akin?

“Paano tayo makakapasok? Ang taas ng gate nila at kung aakyatin natin ito ay trespassing naman ang gagawin natin,” saad ni Ryle at napahilot na naman siya sa sentido niya.

“Eh, ang apat na iyon? Umakyat sila rito?” nag-aalalang tanong ni Levianna.

“Tawagin na lang natin sila,” Ryle uttered.

“Hindi nila kayo maririnig,” sabi ko at napatingin sila sa akin.

“Eh, ‘di aakyat din tayo rito?” tanong pa ni Levianna. Umiling ako dahil hindi naman kailangan na gawin pa namin iyon.

May susi akong dala-dala ko palagi na ginawa kong pendant sa necklace ko. Sa naisip na isang napakahalagang bagay iyon para sa akin at ang alaala na naiwan sa akin ni Grandma.

Kinapa-kapa ko ang leeg ko para makuha ang susi pero parang hindi ko suot ang necklace ko.

“Ano’ng problema?” nag-aalalang tanong sa akin ni Rykiel nang mapansin na nag-panic ako. Hindi dapat mawala ang necklace ko at hindi ko naman iyon tinatanggal, eh. Hindi ko siya hinuhubad. Matagal na iyon sa leeg ko kaya imposibleng mawala ko iyon.

“Ano ba ang hinahanap mo, Ms. Jessel?” Levi asked me at napatingin na rin sa akin si Ryle.

“May masakit ba sa ‘yo?”

“Wala. May hinahanap lang ako,” sagot ko kay Rykiel.

“What is it?” he asked again.

“Iyong susi ko. Ang necklace ko, ginawa kong pendant ang susi ko,” sabi ko at nagkatinginan silang lahat.

“Ano’ng susi?” naguguluhan na tanong nila.

Itinuro ko ang gate ng hacienda namin at hindi pa nila agad na-gets ang tinutukoy ko.

“Ikaw?” Tumango lang ako. Ngayon ay alam na nila.

“Sa inyo ang hacienda na ito?” namamanghang tanong sa akin ni Levi.

“May susi akong--” napapikit ako dahil may naalala na ako. Nang nalaman ko ang ginawa ni Grandma kay Rykiel noon ay nagawa kong tanggalin iyon sa leeg ko. Iniwan ko iyon sa aparador ko, sa loob ng kuwarto ko na sa condo namin ni Khai.

Tinanggal ko iyon dahil sa sama ng loob ko kay Grandma. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa mataas na bakod.

“Naiwan ko ang susi sa Manila. Wala tayong choice kundi ang akyatin ito,” sabi ko.

Naunang umakyat si Ryle. Hindi siya nahirapan sa pag-akyat dahil matangkad siya at malaki ang katawan. Si Rykiel naman ay lumuhod pa para may maapakan si Levi para makaakyat naman sa bakod. Nandoon naman na si Ryle at matutulungan naman siya saka ito tatalon pababa.

“Ayos lang ba, Eryx? Mabigat ako, eh,” nag-aalalangan saad ni Levi.

“Okay lang,” saad niya at wala nang nagawa pa si Levianna. “Ayos na ako. Kaya ko na sigurong tumalon mula rito,” aniya at tiningala ko siya.

“Sigurado ka ba? Mataas ito at puwede kang mabalian ng buto kapag tatalon ka,” ani Ryle kaya napakamot na naman siya batok niya.

Tiningnan ako ni Rykiel at sumenyas sa akin na sumunod na rin. “Puwede naman kasi na...kayo na lang ang pumasok sa loob at sabihan ang mga bata,” sabi ko pero umiling siya.

“Ms. Jessel, maawa ka naman sa effort namin. Sumama ka na sa loob at i-tour mo kami sa hacienda niyo,” tila nagmamakaawa na sabi pa niya.

I took a deep breath at lumapit ako kay Rykiel. Para makaakyat nga ako ay kailangan pang apakan ang mga kamay niya at ang likod naman niya ang sunod. Mabuti na lamang ay nakamaong pants ako at hindi ako mahihirapan.

“Ayos lang ba?” I asked him worriedly. He just nodded. Hinawakan ko pa siya sa balikat para makakuha ng balanse. Ngumiwi pa ako nang maapakan ko na ang likod niya at naglahad naman ng kamay sa akin si Ryle at tinulungan ako. Nang makaupo na ako sa itaas ay sinilip ko si Rykiel na nag-stretch pa ng katawan at pinagpagan ang mga palad niya.

Tumalon na rin si Ryle pababa para tulungan ulit si Levi. Napatingin ako sa baba. Ang taas at parang hindi ko kaya. Nanginig ang magkabilang kamay ko at natatakot na ako. Napatili pa ako nang bigla ring umakyat si Rykiel sa tabi ko at muntik na akong mahulog kung hindi niya lang mabilis na nahawakan ang siko ko.

“Careful,” sabi niya at napatango ako.

“S-Salamat,” sabi ko at napalunok nang makita ko kung gaano kataas ang itatalon ko para lamang makababa.

“You’ll be fine.”

“Wait!” sigaw ko dahil iniwan niya ako sa itaas. Pinagpawisan agad ako at tumatahip na ang dibdib ko sa mabilis na pintig.

“Jump and I’ll catch you,” he said but I shook my head.

“Come on, Ms. Jessel. Mukhang malakas naman yata si Eryx para saluhin ka,” ani Levi pero umiling ulit ako. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito?

“Tumalon ka na at sasaluhin naman kita.” He even spread his arms para ayain na nga akong tumalon. May tiwala naman ako sa kanya na sasaluhin niya ako pero hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Nasa tapat ko na nga si Rykiel at naghihintay na sa akin. “Take a breath.” I nodded saka ko iyon ginawa.

“Pumikit ka na lang kung takot kang tumalon,” Ryle said. Ang arte-arte ko pa at paghihintayin ko pa talaga sila?

“Hindi mo kailangang matakot. Just trust me,” Rykiel said.

“O-Okay,” nauutal na sabi ko pa at pumikit saka ako tumalon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top