CHAPTER 26

Chapter 26: Community service

"HOW did you know na nandito ako sa mansion natin, Khai? Na dito ka agad pumunta?" tanong ko sa aking anak. Hindi ko nga nasagot ang tawag niya kahapon dahil busy ako sa pakikipagpalitan ng maaanghang na salita sa lolo niya.

Palaban na rin naman kasi ang daddy ni Rykiel, eh. Pati babae talaga ay pinapatulan no'n. Tapos sobrang strict niya sa kanyang mga anak.

Nakilala na niya ako noon sa party pa lamang kaya niya minamadali ang engagement nina Rykiel at Chrysler. Akala niya siguro ay maghahabol pa ako sa kanyang anak? Kahit may pinanghahawakan na ako para mga bumalik sa akin si Rykiel ay hindi ko naman ginamit.

"Sa bodyguard mo po, Mommy. Tinanong ko po sila. Ang tagal niyo po kasing umuwi kaya nag-alala na ako," sagot niya sa akin. Dito na rin kami natulog dahil hindi kami hinayaan ni Dad na umuwi pa sa condo namin pero mananatili pa rin naman kami ro'n kasi mas malapit ang working place ko at si Khai naman ay sa school niya. Para hindi masyadong hassle para sa aming dalawa.

Nagdagdag nga ng mga bodyguard si Dad para sa amin. Para hindi rin daw na maging halata na naging alerto rin kami at hinayaan niya na magbabantay at magmamasid na lamang ang mga ito sa malayo. Walang nakakaalam no'n na maliban sa kasama naming bodyguards ngayon ay mayroon din sa paligid namin.

"Saan daw ang community service niyo, hijo?" tanong ni Mommy sa kanyang apo. Maski ako ay hindi ko rin alam kung saan nga ba. Pag-uusapan pa nga iyon pero hindi ko na nabigyan pa ng pansin. Kaya siguro sila na lang din ang nag-isip kung saan ang location ng community service.

"Tumawag po sa akin kahapon ang mga kaibigan ko, Mommy. Malayo po raw iyon pero alam niyo kung saan. Doon ipinanganak at lumaki si Dad, 'di po ba?" tanong ni Khai at may ngiti pa sa labi. Nagkatinginan tuloy kami ni Mommy at si Dad naman ay 'saktong pababa na siya ng hagdan. Napatigil din siya at kumunot ang kanyang noo.

I stared my son for awhile. He looks happy, na para bang excited siya sa community service namin o baka masaya rin siya na makapupunta na sa lugar kung saan nanggaling si Dad. Of course alam ko kung saan iyon. Hindi ko puwedeng kalimutan kung saan nagmula si Dad.

Wala naman akong dapat ikabahala pa pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon. Excitement and at the same takot?

Ang lugar na iyon kung saan una kaming nagkita at doon ko rin nakilala ang Daddy niya. Sa lugar din iyon na una akong nasaktan at nagkahiwalay kami ni Rykiel, na hindi sinasadyang pagkakataon.

"Sa San Francisco po," nakangiting bigkas pa ni Khai sa probinsyang pinanggalingan namin pareho.

Nanlambot ang aking tuhod dahil nakompirma ko na nga na roon kami pupunta ngayon. Napansin siguro iyon ni Mommy kaya hinawakan niya ako sa braso ko.

"Honey, ayos lang ba sa 'yo?" malambing na tanong sa akin ng Mommy ko. Mahina lang iyon para hindi marinig ng aking anak. "Puwede naman na ako na lang ang sasama sa apo ko," sabi pa niya. I know she's just worried.

"I-It's okay, Mom," sagot ko na medyo nauutal pa.

"I'm willing to take my leave, hijo. Ako na lang ang sasama sa 'yo. Kahit hindi na ang iyong ina," volunteer agad ni Daddy at lumapit pa sa amin. Hinawakan niya sa balikat si Khai.

Napatingin tuloy sa akin si Khai na para bang nahalata niya o napansin niya na may hindi magandang nangyayari sa akin.

"Mom?" he called me. May pag-aalala na ang nakaguhit sa kanyang mukha.

"It's okay po, Dad. Ako na lang po ang sasama sa anak ko," saad ko. Na-appreciate ko ang ginawa nina Daddy at Mommy. Mahal nila lang talaga ako kaya heto sila, mas gusto nila na sila na lang ang sasama dahil alam nila kung ano ang mararamdaman ko kapag pupunta ulit ako sa San Francisco.

Isa sila ni Mommy ang nakasaksi kung paano ako halos nawala sa sarili ko noon at kung gaano ako nasaktan, na tila maging ang mundo ay tinalikuran din ako.

"Alright. Mag-iingat na lang kayo. Just don't hesitate to call us kapag nagkaproblema kayo roon," sabi niya at hinalikan ni Dad ang tuktok ng ulo ko.

"Take care, honey," Mom said and she kissed my cheek. Niyakap pa niya kami ng apo niya saka kami nagpaalam.

Hindi naman isa sa weakness ko ang probinsyang iyon pero nasabi ko talaga noon na iyon na ang huli kong pupuntahan na lugar. Ngayon, binabawi ko na ang sinabi ko.

Dumaan pa kami sa condo para nag-impake ng mga gamit namin ni Khai. Pinaghandaan naman kami ni Mommy ng baon para hindi raw kami magugutom sa biyahe. As always ay maaalalahanin talaga siya

"Dadaan po ang bus ng school dito, Mommy," pahayag ni Khai nang nakasakay na kami ng elevator.

"Iisang sasakyan lang tayo kasama sila?" nagtatakang tanong ko.

"Yes po, Mom. Ayaw po kasi nila ang hiwa-hiwalay para maiwasan po raw ang pagkawala ng grupo. Mas safe po raw kasi kapag ganoon, eh. Kung hindi ka po komportable sa kanila ay puwede naman po sa ibang sasakyan na lang tayo," aniya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kasi palaging ako ang inaalala niya.

"Ayos lang naman, baby. Pero ang daddy natin. Sinabi pa naman no'n na ipinagbabawal na ang makalapit sa atin ang Barjo family," sabi ko. Alam kong seryoso si Dad nang sabihin niya iyon. Walang halong biro.

"I will ask Dad na lang po, Mom. Kung ayaw po niya ay okay lang din," tumatangong saad niya.

Ito talaga ang isa sa ugali niya. Kahit gusto pa niya ang isang bagay ay hindi niya iyon pinipilit. Mas pinipili pa rin niya at nirerespeto ang desisyon naming nakatatanda. Kahit lumaki siya na palagi ring ini-spoiled namin. Especially his grandparents.

Paglabas namin ng condominium ay may nag-park agad na bus sa tapat ng exit. Nandoon nga ang pangalan ng school nila. Talagang iisa lang ang puwede naming sakayan papunta ro'n. Tinted iyon pero hindi ko alam kung bakit tila nararamdaman ko na may nakatingin sa akin mula sa loob o baka masyado lang akong paranoid?

Huminto pa kami ni Khai at nilingon ko sina Fred. Naghihintay lang sila sa amin kaya hindi pa sila sumasakay sa kani-kanilang kotse.

Sinilip ko ang mabilis na pagtipa ni Khai sa keyboard ng cellphone niya at itinapat ito sa kanyang tainga pagkatapos.

"Hi, Dad. Kasama po namin sila," he's referring to Barjo family. "Ayos lang po ba?" tanong niya sa kabilang linya at sumulyap sa akin. "I asked Mom for that but...nasa iyo rin po ang desisyon... Yes po, Dad... Thanks and yeah, I will take care of my Mom. I will, Dad," sabi niya nang nakangiti pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

"Ano na raw?" I asked him.

"Kung okay na raw po sa 'yo, Mommy ay wala naman daw pong problema kay Daddy. Isang linggo lang daw po iyon," sabi niya.

"Okay," saad ko saka kami lumapit sa bus pero kinausap pa ni Khai ang mga bodyguard namin. Kahit ako naman dapat ang kakausap sa kanila.

Bumukas ang bintana at unang bumungad sa akin ang dalawang magkapatid na babae.

"Hi po, Ate!" masiglang pagbati sa akin ng kaklase ni Khai at kumaway pa siya sa akin.

"Hello," I greeted her back with a smile. Bumaba naman mula sa bus si Ryle at kinuha ang mga bagahe namin ng anak ko.

"Sakay na po, Ate!" sabi pa niya.

"Feeling close ka talaga, Cevianna eh," sabi naman ng kanyang ate na tinawanan ko lang.

Sumakay na rin ako at nakita ko ang schoolmates nina Khai kasama ang parents nila. Ngumiti pa sila sa akin na agad ko namang ginantihan. 'Sakto lang ang laki ng bus at nasa likod ang mga bakanteng upuan.

Nandoon din si Rykiel sa likod at nakatingin ito sa labas ng bintana. Snob yata siya ngayon. Because he ignored our presence, goods iyon. I just shrugged my shoulder.

"Thanks, Ryle," pagpapasalamat ko kay Ryle at umupo na rin. Apat na seats ang distansya namin ni Rykiel. Ayos iyon, para hindi ako uneasy. Kapag nasa malapitan talaga siya ay hindi rin ako mapapakali.

"Good morning po, Ate J!" I looked at the back at nandoon naman ang dalawang kaibigan ni Khai. Sina Zules and Zue.

"Good morning. Okay lang kayo riyan?" tanong ko sa kanila.

"Okay na okay po kami rito, Ate J," nakangiting sagot ni Zue at nag-thumps up naman sa akin si Zules.

Si Khai naman ay patakbong lumapit pa sa bus at diretso siya agad sa may likod. Nakipag-high five pa sa friends niya.

"Bakit mukhang excited ka yata, Ryx?" natatawang tanong sa kanya ni Zules.

"Kahapon pa 'yan, eh. Narinig ko pa nga ang malakas niyang pag-yes," komento naman ni Zue.

"Whatever," masungit na sabi lang sa kanila ni Khai.

"Eh, bakit nga ba excited ka, Ryx?" curious na tanong pa ni Zue. Inayos ko ang upuan ko para mas maging komportable ako. Mahaba-habang biyahe pa naman ang bubunuin namin.

"Tagaroon si Dad, eh," sagot sa kanila ni Khai.

"Really? Eh, si Kuya Eryx ay iyon na ang lugar na iniiwasan niyang mapuntahan!" ani Zules at matigil naman ako.

"Why is that?"

"Doon kasi nagkaroon ng trauma si Kuya, eh."

"Zules, bunganga mo," malamig na sabi sa kanya ni Ryle.

"Ayos pa naman, Kuya," balewalang sabi lang nito.

"Zules," may diin na sambit niya sa pangalan nito. Wala talagang kinakatakutan ang batang ito.

"But Kuya Eryx is weird, siya pa ang nag-suggest sa lugar na iyon sa principal natin." Napalingon na ako sa puwesto nina Rykiel at medyo naguluhan pa ako nang makita na sa akin pala nakatutok ang kanyang atensyon.

Nag-iwas ako ng tingin at nagsisimula na naman akong kabahan. Nakaka-curious talaga, eh. Ang probinsya nga iyon na kung saan siya na-trauma and maybe roon din siya nahanap ng pamilya niya pero doon pa rin niya gustong pumunta at may suggestion-suggestion pa siyang nalalaman?

"Kaya napagalitan tuloy siya ni Dad. Ayaw na nga siyang isama, eh," ani pa ni Zules. This time ay ang Kuya Eryx na niya ang pumigil sa kadaldalan niya. Nahiya siguro sabi pinagalitan siya ng tatay niya na sobrang kapal ng mukha? Tss.

"Shut up your mouth, Zules." Natawa na lang din si Zue at lumapit na sa akin si Khai. Umupo na rin sa tabi ko.

"Isn't he weird, Mom?" bulong sa akin ng anak ko. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya at nagkibit-balikat.

"Let him be, my son," I just said.

"Wala na po kayong naiwan? Aalis na tayo?" tanong ng isang lalaki sa tabi ng driver.

"Opo." Si Khai na ang sumagot at maingat nang nagmaneho ang driver ng bus.

Sa buong biyahe namin ay sina Zue and Zules talaga ang mas maingay. Umupo sila sa may likuran namin at nakaupo nang paharap sa kanila si Khai. Napapansin ko ang matatalim na tingin ng mga estudyante na kasama nila sa away nila kahapon.

Naiingayan yata sila kaya ang iilan sa kanila ay nagsalpak na lang ng earphones para hindi na sila maisturbo pa at kapag napapansin ng mga magulang ang klase ng tingin ng mga anak nila sa gawi namin ay agad silang pinapangaralan nito. Nakita ko pa ang pasimpleng pagpingot ng mga ito sa tainga ng mga bata.

Ako hindi ko 'yan ginagawa sa aking anak. Kasi sabi ko nga ay hindi pasaway at sakit sa ulo ang anak ko. Mabait na bata si Alkhairo. Noong bata pa nga siya ay hindi rin naman siya mahirap alagaan.

Nang mag-iisang oras lang kami sa biyahe ay nagkanya-kanya naman sila sa paglabas ng mga baon nila. Ang mga lalaki na kasama namin ay mukhang nakalimutan ang magdala ng pagkain.

"Wala kami niyan. Wala kasi sa bahay si Mommy," nahihiyang sabi ni Zue.

"Sina kuya kasi hindi bumili kanina."

"May extra kaming baon dito, Coach Ryle!" ani Cevianna at nakita ko pa ang pagbibigay niya ng drinks and pizza.

Tiningnan ko naman ang paper bag na hinanda ni Mommy. Home cooked pizza rin siya at may rice pa na with fried eggs. Iyong drinks naman namin ay apple juice sa malaking tumbler. Dalawa pa iyon. Halata rin na sinadya ni Mommy na damihan baka kasi naisip niya na i-share namin ito sa kasama namin. May disposable spoon pa and plates, even cups.

"We can share our foods din," ani Khai at tiningnan ako. "Right, Mom? Marami pong hinanda si Mommy."

"Hindi naman natin ito mauubos, baby, eh," sabi ko at tumango siya.

"Ay hindi ba 'yan nakakahiya sa Mommy mo, Ryx?" nag-aalangan na tanong ni Zules.

"We're fine, Ryx. Don't bother," sabi ni Ryle.

"Ayos lang po, Coach Ryle," sabi ni Khai. "Hindi naman po namin ito mauubos. Marami kasi ang hinanda."

Nag-stop over muna kami para makakain daw kami nang maayos. Maski kasi ang driver ay kumakain na rin.

Ako ang naglagay ng kanin sa disposable plates para hindi na sila maabala pa masyado. Kaya isa-isa iyon inabot sa kanila ng anak ko. Pati na rin ang drinks.

"I'm full," narinig kong sabi ni Rykiel at malamig pa ang kanyang boses.

"Pakipot talaga si Kuya Eryx. Mahiya ka naman po, Kuya. Tayo na nga ang nakikikain, eh," nakasimangot na sabi ni Zules na mabilis na sinang-ayunan pa ni Zue. Magkasundo talaga, eh.

Sinulyapan ko ulit siya at seryoso niya lang talagang tiningnan ang pagkain na nasa kamay pa ng anak niya.

"Alam niyo po na masama talaga ang tanggihan ang grasya," inosenteng saad pa ni Khai. Natawa ang mga kaibigan niya.

Kinuha na iyon ni Ryle at ibinigay sa kapatid. Ako naman ang nag-abot sa kanya ng drinks niya. Ilang segundo pa niyang tinitigan iyon at tumagal na naman sa mukha ko. Siniko siya ng kuya niya at mahina siyang dumaing.

"Aw sorry!" sabi ni Ryle at doon ko rin napansin ang braso niya na may cast ito. Sumama tuloy ang tingin niya rito.

Nasa bandang salamin siya at nasa left side niya si Ryle kaya hindi talaga sinasadya nito na matatamaan ang pilay niya.

"What happened to your left arm?" tanong ni Khai sa kanya. Mapapansin ang pag-aalala nito sa boses at hayan na naman ang numumungay na mata ni Rykiel.

"I'm fine," sagot niya lang na malayo yata sa tanong ng kanyang anak.

Kinuha niya sa akin ang hawak kong cup at bahagyang pang dumampi ang balat niya sa akin. Bumuntonghininga pa ako dahil dumaan na naman ang pamilyar na kuryente mula sa kamay niya papunta sa akin.

"Ang sarap palang mag-alaga ni Mommy J, 'no? Alagang-alaga talaga si Ryx, eh!" komento na naman ni Zue.

Dalawa-dalawa na ang kinakain nila at masayang-masaya talaga silang lumalamon. I was just joking.

"Puwede mo po ba akong hintayin, Ate J?" tanong ni Zules.

"Para saan?" tanong ko.

"Pakakasalan po kita kapag tapos na ako sa pag-aaral," biro niya.

"Hindi si Mommy ang naghanda nito. Si Mom," sabat ni Khai na kumain lang ng pizza. Magulo yata para sa kanila ang sinagot nito.

"What?" magkasabay na tanong pa ng dalawa.

"Ang akala ko ba ay ang Mommy mo si Jessel, Ryx?" kunot-noong tanong ni Ryle at napansin ko na naman ang dalawang pares ng mga mata ni Rykiel. Oo, malalaman ko talaga dahil halatang-halata na siya talaga ang palihim na tumitingin sa akin at saka napakapamilyar na sa akin ang paraan ng pagtingin niya.

"Yeah," sagot ni Khai.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top