CHAPTER 25
Chapter 25: Daddy's plan
“WHAT the fvck?!” malutong na mura ni Rykiel at tuluyan siyang bumagsak sa table na nasa kabila. Napatayo tuloy ang customer doon at napasigaw sa gulat.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagkabasag ng isang wine glass malapit sa kaniya. Nakita ko rin mismo ang mariin na pagpikit niya at pagngiwi, dahil tumama rin ang kaliwang braso niya sa chair.
“Son!” sigaw ni Mr. Barjo sa kaniyang anak at mabilis niyang dinaluhan ito.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa pagsapo niya sa kaniyang ulo. Kung sa ganitong pagkakataon ay nati-trigger ang trauma niya. He will remember something from the past and he will forget what is happening to him currently.
Parang gusto ko rin siyang lapitan at tanungin kung ano ba ang nararamdaman niya o kung ayos lang ba siya? Pero hindi rin naman ako makakilos, dahil para akong napako sa aking kinatatayuan.
“Urgh!” impit na daing niya at bahagya niyang inangat ang kaniyang kaliwang braso. Nanginginig iyon at tiyak ako na malakas talaga ang pagtama ng braso niya sa upuan.
“What are you guys doing?! Buhatin niyo ang anak ko!” sigaw ni Mr. Barjo sa kaniyang tauhan at yakap-yakap na niya ngayon ang kaniyang anak. Nakapikit pa si Rykiel at halatang may iniinda na siyang sakit. Parang maiiyak ako sa eksenang ito. Hindi pa rin nawala sa aking dibdib ang mag-alala sa kaniya. Ganito pa rin ang pakiramdam at parang ang sarili ko na naman ang may kasalanan. Tinapunan ako nang tingin ng kaniyang ama at nanlilisik ang mga mata nito. “You really are one of the unluckiest people in this world. Kapag nandiyan ka lang sa tabi-tabi ay palaging napapahamak ang anak ko.”
Nasaktan ako sa sinabi niya, because I admit that I really did nothing good for his son. But only the destruction.
“Let’s go, Miss Jessel,” pag-aaya sa akin ni Sabel, pero ang tingin ko ay nakapako lang kay Rykiel. His father was kneeling beside him and half of his body was leaning on it.
Hinawakan ako ni Sabel sa aking braso at nararamdaman ko ang urge niya na ilayo sa lugar na ito.
“But we’re not done yet, Miss Jessel. Gagawin ko ang lahat ay makuha ko lang sa ’yo ang anak mo,” babala pa niya sa akin na hindi ko masyadong binigyan nang pansin. Dahil hindi talaga maputol ang tingin ko kay Rykiel. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
Tila bumagal pa ang takbo nang oras nang makita ko ang dahan-dahan na pagmulat niya at diretso akong tiningnan. May kung ano na naman sa aking dibdib nang makita ang paglamlam ng mga mata niya at namumungay ang mga iyon.
Sinundan ko nang tingin ang mga labi niyang gumagalaw na tila may gusto siyang sabihin. Pero hindi ko na nakita pa, dahil sa paglapit sa kaniya ng bodyguards nila at kasabay na hinila ako ni Sabel.
Hinatid nila ako sa mansion at kahit gustong-gusto ko nang makita ang anak ko, yakapin nang mahigpit ay tiniis ko, dahil kailangan malaman ni daddy ang tungkol sa plano ni Mr. Barjo.
’Sakto na nasa living room sila ni mommy. Abala sa laptop niya si dad at nanonood naman ng movie ang aking ina.
Malayo pa lang ay tinawag ko na sila. “Dad, M-Mom...” Dahil sa gulat nila ay mabilis silang napatayo at lumapit din sa akin.
“My daughter, what happened?” tanong sa akin ni dad nang nauna silang makalapit sa akin. Agad akong yumakap sa kaniya at sumiksik sa dibdib ng aking ama.
“D-Dad,” naiiyak na sambit ko at naramdaman ko rin ang pagyakap sa akin pabalik ni Daddy. Nasa kanan ko rin si Mommy at hinahagod ang aking likod.
“What’s wrong, honey? Bakit ka umiiyak ka?” nag-aalalang tanong naman sa akin ng Mommy ko.
“Si...Mr. Barjo ho, M-Mom... Dad, n-nakausap ko po siya kanina...” humihikbing sumbong ko at mas humigpit ang yakap sa akin ni Dad.
"Ano'ng pinag-usapan niyo, Jessel? Tinakot ka ba ng bastardong lalaking iyon?" may himig na galit na tanong ni Daddy.
"Calm down, honey... Sabihin mo sa amin ng dad mo kung ano ang pinag-usapan niyo at ganito ka kung umiyak," malambing na tanong sa akin ng aking ina at naramdaman ko rin ang paghalik niya sa ulo ko.
"G-Gusto po nilang makuha sa akin ang b-baby ko, Mom... Gusto nilang kunin sa akin si Khai... S-Sinabi niya na...si Alkhairo ang nawawala niyang anak...at pinaniniwalaan po iyon ng mga anak niya, lalong-lalo na po si Rykiel, D-Dad..." hapong-hapo na saad ko.
"Wala siyang karapatan para kunin sa atin ang apo ko, Jessel. Kahit siya pa ang lolo ng bata ay wala siyang karapatan," malamig na saad ni Dad.
"K-Kung ayaw ko raw ho ng gulo at masira ang reputasyon ni G-Grandma ay i-ibigay ko na lang daw po sa kanila ang anak ko... Ayoko, Daddy! Ayokong ipamigay sa kanila ang anak ko! Hindi po isang laruan ang anak ko at hindi isang kabayaran para lang makuha niya ang hustisya na gusto niya para sa anak niya! Huwag po si Khai, Dad! Anak ko po iyon, sa akin lang po ang anak ko, Dad! Mommy..." hinaing ko at ang isipin lang na kunin nila si Khai mula sa akin, ang mailayo nila ito sa akin ay parang pinupunit ang dibdib ko. Sobrang sakit sa puso.
Si Khai, ang anak ko na lang ang naging dahilan noon para mabuhay ako at piliin ang maging matatag. Dahil noong sinaktan ako ng asawa ko, ng sinukuan ako ni Rykiel ay pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay katapusan na ng mundo, na wala na akong dahilan pa para mabuhay. Dahil ang kalahating buhay ko ay tila namatay na rin.
Kaya noong nalaman ko na buntis ako at may isa pa akong panghahawakan ay nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na mabuhay. Si Alkhairo na ang naging inspirasyon ko noon at pinili ko rin ang kalimutan ang masasakit na alaala at dinanas ko noon.
Kaya hindi ako makakapayag na makuha nila sa akin ang anak ko. Hindi ko ibibigay sa kanila si Alkhairo. Dahil unang-una walang nagmamay-ari kay Khai at wala silang karapatan dito.
"Tahan na, anak. Hindi nila makukuha sa atin si Alkhairo... Sa atin lang siya..." pag-aalo sa akin ni Mommy.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Jessel. Hindi nila makukuha ang anak mo at hinding-hindi ko hahayaan na manalo sila sa labanan na ito. If they want trouble well I give it to them. Hangga't nabubuhay ako ay hindi nila mahahawakan ang apo ko kahit ang hibla ng buhok nito. Magkakamatayan lang kami," seryosong wika ni Dad.
"D-Dad, he also blackmailed me that he will file a case against our family.
Dahil din iyon sa ginawa ni Grandma dati kay Rykiel, Dad..." I told him.
"That bastard, alam kong gagamit iyon ng kapangyarihan at koneksyon, bonus na lang sa kanya ang pera. Tayo pa ang tatakutin niya? Lalaban tayo ng patas, anak. Kung kailangan na idadaan ito sa korte ay hindi tayo aatras at haharapin natin sila. Sa tingin niya sino ang mas may karapatan sa bata? Ang pamilya nila? Ha!" Si Mommy ang sunod na yumakap sa akin at inalalayan ako nitong makaupo sa couch.
"Manang, pakidalhan ho kami ng tubig dito," utos ng Mommy ko sa kasambahay namin. "Darling, don't cry. Hindi ka naman nag-iisa sa laban na ito at hindi namin hahayaan na mag-isa mong haharapin ang pamilyang iyon. Nandito kami ng Daddy mo at ayaw rin namin na ibigay sa kanila ang anak mo, apo rin namin si Alkhairo. Kung ano man ang pagmamahal namin sa 'yo ay ganoon din ang pagmamahal namin sa aming apo." Tumango ako sa sinabi ni Mommy.
"Idoble ang bodyguards para sa anak at apo ko, Fred. Simula ngayon ay walang makakalapit sa kanilang mag-ina kahit na sinong tao pa. Huwag niyong hayaan na makalapit sa kanila ang pamilyang Barjo," narinig kong sabi ni Dad. "Good afternoon, Attorney Brazilian." Hindi ko na rin nasundan pa ang pinag-usapan nila dahil pinainom ako ni Mommy ng tubig.
"You don't need to be worry about your son. As if naman sasama sa kanila ang apo ko? Mahal na mahal ka ng anak mo, darling. Hindi no'n kakayanin ang iwan ka, kahit nga sa condo mo ay sinamahan ka pa niya para lang may kasama ka rin. May pag-iisip na si Alkhairo at mahihirapan lang sila sa batang iyon," ani Mommy sa akin.
"I hope so, Mommy," sabi ko at kahit papaano ay kumalma na rin ako. Natakot lang din ako sa puwedeng gawin nila sa aking anak. Si Khai na lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas kaya paano na lamang ako kapag nawala siya sa akin?
"Madame, nasa labas po si Señorito Alkhairo," anunsyo ng kasambahay namin na ikinagulat ko pa. Siguro nag-alala iyon sa akin ng hindi na ako umuwi sa condo.
"Where's my Mom, Dad?" narinig kong tanong ng anak ko at naiyak lang ako ng marinig ko ang boses niya. Punong-puno ng pag-aalala ito at tila magmamadali pa siya sa pagpunta sa mansion.
"Nasa loob, sino ang kasama mo, hijo?"
"I'm with my bodyguards, Dad. Hindi po sinasagot ni Mommy ang tawag ko and I'm so worried about her," Khai replied to his grandfather. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang kalagayan ko. "Mom! What happened?!" hysterical na tanong niya sa akin.
He's always collected at bihira lang talaga niya ipinapakita ang emosyon niya pero pagdating sa akin, sa pamilya namin ay ganito siya.
Umupo rin siya sa right side ko at hinawakan ang nanlalamig kong kamay.
"Ano'ng nangyari sa labi mo, hijo?" nag-aalala namang tanong sa kanya ni Mommy.
"Wala lang po ito, Mom. Pero ano po ang nangyari sa Mommy ko? Bakit siya umiiyak?" Mas inuuna pa rin niya talaga ako. Hinawakan ko ang kamay niya at naluluha talaga ako kapag tinitingnan ko na siya.
"This is all about your father's family, hijo," sagot sa kanya ng lola niya.
"Bakit ano po ang nangyari?" curious na tanong niya, nang hindi siya sinagot ni Mommy ay si Dad ang tiningnan niya. "Dad?"
"Alam mo na kung ano ang mangyayari sa Mommy mo kapag kinuha ka ng Daddy mo, Alkhairo," seryosong sagot ni Dad sa aking anak at parang nakuha agad ni Khai ang ibig sabihin nito.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Why is that, Mom? Bakit ako kukunin ni Daddy? He doesn't know anything about me, right? He can't even remember you and why would I leave you? Bakit po ako sasama sa kanila? Mommy, hindi po kita ipagpapalit sa pamilya ni Dad. Dito lang po ako sa tabi niyo kahit ano'ng mangyari. Nangako ako, hindi po ba? Nangako ako na hindi ako aalis na hindi ka kasama," seryosong sabi niya sa akin at titig na titig siya sa mga mata ko. Naiyak lang ako ng husto.
Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko rin ang yakap ni Mommy sa likod ko.
"N-Natatakot lang ako, baby... Takot lang si Mommy na baka k-kunin ka talaga nila sa akin... Ayokong mawala ka, Khai... H-Hindi kakayanin ni Mommy kapag nakuha ka nila..." umiiyak na saad ko.
"Hindi po mangyayari 'yan, Mommy. Hindi ako sasama... Hindi po kita iiwan dito," saad niya at hinalikan pa niya ang aking noo.
Masuwerte nga ako sa anak ko. Napalaki ko siya ng maayos at hindi niya talaga naisip ang iwan ako kahit alam niyang makakasama na niya ang daddy niya. Mas pinili niya ang manatili sa tabi ko.
Sa dining area ay sabay-sabay kaming kumain at naikuwento ko rin sa kanila ang pinag-usapan namin ni Mr. Barjo. Natahimik din ang parents ko nang ikuwento ko rin ang ginawa ni Rykiel kanina. Na parang kinakampihan niya ako at handa siyang labanan ang kanyang ama.
Nakita ko rin sa mga mata ni Khai ang pagkamangha at hindi ko rin naman mabasa roon ang galit niya sa Daddy niya. Na-appreciate niya siguro ang ginawa ng Daddy niya sa akin. Ang pagtatanggol?
"I have a plan. Kakausapin ko muna si Mr. Barjo at kapag hindi rin siya madadaanan sa maayos na usapan ay mapipilitan din ako na kasuhan siya dahil sa pananakot sa 'yo, Jessel. Hindi ko hahayaan ang lalaking iyon na takutin ka lang dahil sa nagawang kasalanan ng Grandma mo sa dati mong asawa," sabi niya na ikinatango ko.
"Thank you po, Dad," nakangiting pagpapasalamat ko.
"Alam namin ng Dad mo, na kahit wala kami ay makakaya mo rin namang harapin ang pamilya ng dati mong asawa, anak. Matalino ka at matapang, alam mo kung paano ka lalaban ng hindi matatakot," ani Mommy na ikinangiti ko rin.
"I'm also here, Mom," pagsingit din ni Khai.
"Pero ano ba ang nangyari sa 'yo, Alkhairo? Bakit may sugat ka?" nag-aalalang tanong ni Dad sa anak ko at itinuro pa niya ang labi niya.
"Wala naman po ito, Dad. Nagkaroon lang po ng kaunting pag-aaway sa school," magalang na sagot niya.
"And then? First day of school niyo kahapon," Dad blurted out.
"And tomorrow is our community service, Dad. Okay lang po kahit hindi na sasama si Mommy." Napatingin ako sa kanya, napatigil naman ang parents ko.
"Community service?" magkasabay na tanong nila.
"Sasama ako, Khai. Hindi lang po siya ang nasa community service, Dad. Pati po ang magkapatid at magpinsan na Barjo," saad ko.
"No need to accompany me, Mom, and I'm sorry for the trouble, Daddy," hinging paumanhin niya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad kaya malaya itong tinapik-tapik ang kanyang balikat. Si Mommy naman ay natawa lang siya.
"It's okay, son. Parte sa buhay natin ang trouble and that's your high school life, treasure it, and Jessel, anak?"
"Yes po, Dad?"
"Don't think too much, okay? Let me handle everything," he said and I nodded my head.
"Salamat po ulit..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top