CHAPTER 23
Chapter 23: Justice and her son
"AKO na lamang ang kakausap sa kanya, Sabel. Baka ako ang kailangan niya," sabi ko kay Sabel kahit halata naman na ako talaga ang dahilan kung bakit humarang si Rykiel sa daraanan namin. Na hindi man lang natakot na baka masagasaan siya. Tsk.
Hindi rin naman kasi siya umalis kahit sinusubukan na rin siyang kausapin ng bodyguard ko. Pero nanatili ang walang ekspresyon sa mukha niya at madalas na sumusulyap sa kotse, kung saan ako nakapuwesto. Alam niya talaga kung saan ako nakasakay, ah.
"Ayaw rin naman po kasing umalis. Gusto ka raw kausapin, Ms. Jessel," pahayag ni Sabel. Bumaba rin siya para kausapin si Rykiel.
Knowing him? He is really hard headed. Gagawin niya talaga kung ano ang gusto niya.
I took a deep breath then I opened the door on my side. Agad namang naintindihan ng mga kasama ko ang gagawin ko. Nanatili ang dalawa sa unahan ko at mayroon din sa likuran ko.
Parang ang bigat nang bawat paghakbang ko palapit sa kanya. Paano kasi habang lumalapit ako sa kanya ay seryoso niya lang ako tititigan. Nakasuksok pa ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya. Wala ring tigil sa pagbilis ng tibok ang puso ko.
"What do you need? Why did you blocked our way, Mr. Barjo?" malamig na tanong ko sa kanya at nagpapasalamat ako na hindi ako nautal. Even though I feel uncomfortable with his presence and the way he stares at me, na kahit malamig iyon ay may laman talaga siya ay nanatili pa rin akong kalmado at hindi rin ako nagpakita ng kahit na ano'ng emosyon.
Humakbang siya palapit sa akin at napatiim bagang siya nang harangan siya ng bodyguard ko.
"Tangna. I won't do anything to your young Miss. Why did you blocked my way too?" supladong tanong niya at pinilit pa rin niya ang lumapit sa akin. Dalawang bodyguard na ang humarang sa kanya at kulang na lang talaga ay itulak siya palayo.
Kumunot ang kanyang noo at tamad na tamad na naman siyang nakatitig sa akin pero parang nanghihingi ng saklolo. Ano ba talaga ang kailangan ng isang ito at bakit niya naisipan na magpunta rito? Halata talaga na ako ang pinuntahan niya. Ang lakas ng loob, eh.
"Alam kong maganda ka, Miss. Pero wala akong balak na gawan ka ng masama. Seriously? Ang mga bodyguard mo pakisabihan na umalis sa harapan ko," utos niya at umirap na naman siya sa akin.
"Ginagawa lang nila ang trabaho nila," laban ko sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya at inirapan na naman ako. Ang hilig mang-irap, ang arte-arte nito.
"Hayaan niyo nga akong makalapit sa kanya. Hindi ko 'yan itatanan...hindi pa." Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Lumalim ang gatla sa noo ko at gusto ko siyang sampalin sa bibig niya. Kung ano-ano na naman kasi ang pinagsasabi niya.
"Alam mo ba'ng nakakaabala ka na masyado? Ano ba ang gusto mo, ha?" suplada kong tanong.
"Ikaw," mabilis niyang sagot at nakita pa niya ang gulat na ekspresyon ko. Na talagang magugulat ako sa isinagot niya sa akin! Kaya tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya.
Tuwang-tuwang din siya na paglaruan ako, eh 'no? Manang-mana siya sa kuya niya. Bumuga ako ng hangin sa bibig at sinamaan siya ng tingin.
"Look, if you don't need anything from me, then get out of where you are standing at hayaan mo kaming dumaan diyan. Wala akong oras sa mga kalokohan mo ngayon, Mr. Barjo," sabi ko at pinipigilan ko talaga ang pagtataasan siya ng boses. Bakit niya ba ako ginugulo ngayon?
"Sabi nila, mabait ka raw. Bakit ang sungit-sungit mo pagdating sa akin?" namamanghang tanong niya. Napahawak ako sa sentido ko.
Sinenyasan ako sa mga bodyguard ko at humakbang naman sila paatras. Napangisi na lamang si Rykiel nang malaya na siyang naglalakad palapit sa akin.
Huminto siya sa tapat ko at umatras naman ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"Kayang-kaya na pala kitang hilahin ngayon at itakas sa layo ng distansya ng mga bodyguards mo sa 'yo. Hindi na ako mahihirapan pa," nakangising sabi niya.
"Puwede ba, sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin sa akin!" gigil na sabi ko at itinulak ko siya sa dibdib niya. Natigilan pa siya nang gawin ko iyon sa kanya. Hinawakan pa niya iyon at halos malaglag ang panga niya sa gulat. I rolled my eyes. "What now?" masungit kong tanong sa kanya
"Dad wants to talk to you," sabi niya at sumulyap sa kotse niyang nasa likuran niya. Wala sa sariling napatingin din ako roon.
Hindi siya ang may gustong kausapin ako. Ang kanyang ama pero bakit? Para saan? Bakit niya ako kakausapin at ano naman ang pag-uusapan namin?
"Wala kaming pag-uusapan ng daddy mo," may pinalidad na sabi ko.
"Come on, Miss. You don't even want us to move without knowing what to do and to investigate your family history. So, Dad will talk to you nicely. Sumang-ayon ka na lang kung ayaw mo akong pilitin--"
"Are you blackmailing me, Mr. Barjo?" putol na tanong ko sa kanya. Napahawak naman siya sa ilong niya at marahan na pinisil iyon.
"I am not blackmailing you. Okay, fine. Masyadong nakakababa ito ng pride pero sige, kailangan lang namin ang tulong niyo. We just wanted to be sure--"
"How many times should I tell you that Alkhairo is not your brother?" putol ko ulit sa sasabihin niya. Naging malamlam na naman ang mga mata niya sa narinig na pangalan na binanggit ko. Ganito ba siya palagi kapag si Khai ang pinag-uusapan namin? Dahil napaghahalataan na kasi siya.
"Okay, I'm sorry for that. Gusto ko rin malaman na kung sa party na iyon lang ba talaga kayo unang nagkakilala ni Dad?" tanong niya at naging seryoso naman ang mukha niya.
"Ano naman ang pakialam mo sa bagay na iyon?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Dahil napakaimposible naman kung papatulan mo si Dad!" sigaw niya at napasabunot pa siya sa buhok niya na tila naiinis na talaga siya.
"Eryx, matagal pa ba 'yan, hijo?" biglang tanong sa kanya ng Daddy niya. Nainip na siguro at bumaba na lamang ito.
"Dad..."
"Can I have a few minutes to talk to you, hija?" marahan na tanong sa akin ng daddy niya at bakit ganito agad ang pakikitungo niya sa akin? Masyado siyang mabait sa lagay niyang ito kahit hindi naman siya ganito noon sa akin, ah...
"Sige po," sagot ko at sumuko na lamang. Ang hirap tumanggi.
"Sumunod na lamang kayo sa sasakyan namin," sabi pa niya at tumango na lang din ako.
***
The car stopped in front of the fancy restaurant. 6PM na at mukhang iimbitahan pa ako na kumain ng early dinner ko ng mag-amang Barjo. Pumasok sa loob si Sabel at ang iilan na bodyguard ko pero magbabantay lang sila sa hindi kalayuan na puwesto namin.
Naramdaman ko ang vibration sa handbag ko kaya kinuha ko iyon habang sumusunod kay Sabel. Nang makahanap ng bakanteng table ang mag-ama ay hindi sila agad umupo. It seems like they are still waiting for me.
Hawak ko na ang phone ko nang pinaghugot pa ako ng upuan ni Rykiel. Naguguluhan man ako dahil sa gesture niyang iyon ay hindi ko na lamang pinansin pa.
"Thank you," sabi ko at tipid na ngumiti.
"You can sit on the other side, Eryx," sabi sa kanya ng daddy niya at napahinto siya sa pag-upo niya. Nagsalubong ang kanyang kilay. Pinapalipat kasi siya.
"What, Dad?"
"Si Ms. Jessel lang ang gusto kong kausapin at ako lang din ang kakausap sa kanya," sagot nito sa kanya.
"Why? Hindi po ba ang pag-uusapan niyo ay tungkol sa DNA test?" seryosong tanong niya. Umiling sa kanya ang daddy niya at naiinis na umalis na rin. Sinulyapan pa niya ako saka siya lumipat ng table.
Halatang naiinis siya dahil pinaalis siya ng daddy niya sa table namin. Si Sabel ay nanatili sa tabi ko at tiningnan pa iyon ni Mr. Barjo. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Gusto niyang kami lang talaga ang mag-uusap.
"Puwede ka bang lumipat, Sabel?" tanong ko sa assistant ko at masunurin naman siya. Dahil agad siyang tumalima.
May lumapit sa amin na waitress at agad na ibinigay nito ang menu sa amin. Ngumiti ako rito at marahan na ngumiti.
"It's okay, tea na lang ang ibigay mo sa akin. If you don't mind, Mr. Barjo, nangako ho kasi ako sa parents ko na magdi-dinner kami tonight," sabi ko kahit hindi naman totoo at nahuli ko pa ang simpleng pagtaas ng kilay nito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ano.
"Yeah, sure. We won't talk for a long time," sabi niya at sumulyap pa siya sa left side niya kaya sinundan ko rin iyon ng tingin. Kasalukuyan ng um-order si Rykiel at salubong pa rin ang kilay niya.
Alam ko naman na confuse na confuse pa siya kung bakit pinalipat siya ng daddy niya. Naka-side view lang siya mula sa amin at mas malinaw lang na tingnan ay ang matangos niyang ilong. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa menu at dahan-dahan na pumihit. Bago pa man magtagpo ang mga mata namin ay mabilis na akong nag-iwas.
Ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko na hindi ko na na-check pa.
Ilang segundo ang nakalipas ay dumating ang in-order kong drinks at mukhang magde-dessert din si Mr. Barjo.
"You know my son, already right?" pagsisimula niya at agad na naman akong kinabahan. Saan na naman kaya patutungo itong usapan namin? "Kilala mo na ang anak ko, matagal na ang nakalilipas," dugtong niya at doon nagkaroon na rin ako ng idea na alam na rin ang nangyari sa anak niya ilang taon na ang nakalilipas.
Dapat ba akong matakot ng sobra-sobra dahil alam na niya? Dahil may nakakaalam na tungkol sa bagay na ito? Wala sa sariling napatingin ulit ako kay Rykiel.
"He knows nothing about his past and I have no intention of telling him any more. Nakaraan na iyon at kailangan ng kalimutan," malamig na sabi niya. I just clenched my fist.
"Ano ho ba talaga ang dahilan kung bakit niyo ako kinakausap ngayon?" kalmadong tanong ko sa kanya.
Sumimsim lang siya ng kape at sobrang bagal ng mga ikinikilos niya. Mas lalo akong nairita.
"Why don't you taste your coffee first? It might get cold and just relax, hija. My son might find out that you are uneasy in my presence. It's like I'm scaring you even though I'm not," he said and I sighed.
Gusto kong malaman kung ano-ano rin ang mga nalalaman niya tungkol sa amin ni Rykiel. Baka kasi alam niya rin ang ginawa ng lola ko noon. Ngayon na ba mabubunyag ang sekretong iyon?
Kahit hindi ako napapakali ay umakto na lamang ako na hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi niyang nalalaman niya.
Marahan na sumimsim lang ako ng tea ko at napansin ko pa ang pagtitig niya sa akin kaya mas nailang ako.
"You know what? I love my sons, very much. So, I do everything just to keep them safe at mailayo sa kapahamakan and you're one of them." I was holding my cup of tea tightly because of what I heard what he said.
I'm one of the things that will put his son in danger? Sa paanong paraan? I'm not aware of that thing, though. Masyado siyang advance mag-isip.
"Wala akong ginagawa sa anak niyo, Mr. Barjo. Napakatalino niyo ho para malaman agad ang tungkol sa amin ni Rykiel," sabi ko at matapang na sinalubong ko ang malamig niyang mga mata.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya at nagbabadya ang nakakainis niyang ngisi.
"Wala akong hindi alam pagdating sa mga anak ko, Ms. Diamente."
"Spill it, Mr. Barjo. Alam kong kinakausap niyo ho ako ay hindi lang tungkol sa anak niyo at sa nalaman na ninyo ang nakaraan niya," matapang na sabi ko.
"Matalino ka rin pala, hija. As you can see, wala akong balak na sabihin sa anak ko na dati ka niyang asawa... I didn't like that thing but I couldn't do anything. Because it has already happened. Don't get me wrong for not liking you. You're beautiful, you have life principles, you came from a wealthy family, and now you own a company and stable job. You're the type that we won't be ashamed to introduce everyone that you're my son's wife. Pero hindi kita gusto ngayon para kay Eryx. Dahil sa ginawa noon ng pamilya mo... Na kung bakit nagkaroon siya ng trauma hanggang ngayon..." mahabang saad niya.
Tama nga siya. Wala siyang bagay na hindi niya alam sa nakaraan. Ang lalim na ng nalalaman niya at maging ang ginawa rin ni Grandma.
"You have nothing to worry about that, Mr. Barjo. Dahil hindi na ako babalik sa anak niyon," sabi ko at tipid na ngumiti na naman siya. Nawala na naman ang ngisi niya sa labi na tila naging normal ulit ang pag-uusap namin.
"Siguraduhin mo lang, hija. Dahil hindi rin naman magugustuhan ni Eryx na malaman na dati ka niyang asawa pero ng dahil sa 'yo, na kung bakit nahirapan siya noon. Na kung bakit naranasan niya ang hirap, takutin ng mga tauhan niyo at bugbugin siya hanggang sa iiwanan niyo na lamang siya na halos ikamatay na niya dahil sa panghihina at sakit, sugat at pasa na natamo niya... Kamumuhian ka niya kapag nalaman niya ang lahat ng iyon at isa pa... I don't want to risk my son's life for that. So, he better not know that and I hope he doesn't remember anything. I also can't bear to have a daughter-in-law like you, a granddaughter of criminal," nanunuyang sabi niya.
"My grandmother is not a criminal," laban ko. Kung makapagsabi siya na apo ng kriminal ay akala mo may pinatay si Grandma. My Grandma didn't kill anyone! "Never insult my grandmother in front of my face, Mr. Barjo," I warned him.
"What do you think, Ms. Jessel? How did Eryx end up in syndicates? Ipagtanggol mo sa akin ang namayapa mong lola kung may maganda ba siyang ginawa sa anak ko, kundi ang pahirapan niya ito sa kamay ng mga tauhan niya," malamig na saad niya.
"You also said that it's the past and it doesn't need to be remembered but why are you bringing it up now, Mr. Barjo?" seryosong tanong ko naman sa kanya.
"Ms. Jessel, I just want justice for my son, too."
"Patay na ang lola ko, Mr. Barjo... Wala na akong magagawa sa hustisya na hinihingi mo," naiiling na sabi ko.
"Hustisya... Puwedeng kapalit ng mga ginawang kasamaan ng lola mo. Kahit hindi na siya ang magbabayad nito."
"Sinasabi niyo ho ba na may gusto kang hilingin mula sa akin?" nang-aasar na tanong ko sa kanya na muntik ko pang ikatawa.
"Ang anak mo, Ms. Jessel. Gusto kong makuha ang anak mo..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top