CHAPTER 18
Chapter 18: Unexpectedly visitors
"Wait... Wait a minute What?! What the hell?! Bakit nakayakap sa 'yo ang kapatid ko? At napaka-valid ng reason niya para sabihin na puno ang restroom sa kabila! Alam niya na bawal pumasok sa women's comfort room! Don't tell me, may lihim kayong relasyon?! Because that's very impossible!" gulat na bulalas niya.
Napatayo ako dahil doon. Iyong kapatid niya lang ang mahilig na lumapit sa akin at wala na kaming relasyon.
"Wala. Maliban sa Cebu na nagkakilala lang kami and he's with his fiancé. Iyon lang," I reasoned out. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano dahil baka maaapektuhan naman ang relasyon ng kapatid niya at kay Chrysler. Ayokong makigulo sa dalawa.
"Kuya, ang dumi mong mag-isip, ha," natatawang suway ni Zules.
"Dahil napakaimposible naman kung bakit pumasok sa loob ng restroom si Rykiel kahit alam niyang cr lang iyon ng mga babae at maaabutan pa siya na nakayakap sa ibang babae?" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa huling sinambit niya.
Masakit talaga pakinggan na marinig na ibang babae na ako. Dahil simula nang maghiwalay kami ng asawa ko ay wala na kaming kahit na ano'ng ugnayan pa. Taos na sa amin ang lahat.
"Kuya, pababain mo na lamang si Kuya Eryx. Don't make Ate J and Ryx to wait for our brother," ani Zules.
"At ako pa ang uutusan mo na bata ka?" Napakamot na lamang sa batok niya si Zules at tatawa-tawa na rin si Zue.
"Ako na nga lang." Patakbong umakyat si Zue sa hagdan at sumenyas sa amin si Ryle na muling umupo. Kinuha ko mula sa kamay ni Fred ang prutas.
"Peace offering," sabi ko sabay abot ng basket. Kinuha naman niya iyon at kumuha rin siya ng saging. Binalatan niya iyon at kinain sa harapan namin.
"Pakidalhan po sila ng maiinom," utos niya sa mga kasambahay na sinadya niyang palapitin sa kanya.
"Kuya Ryle, ayaw bumaba ni Kuya Markus Eryx!" hiyaw ni Zue.
"Bakit daw?" Nagmamadaling bumaba naman ito at hiningal pa.
"Hindi ko alam, Kuya. Kahapon pa siya, ah. Kahit nga si Tito ay hindi niya kinakausap," Zue said.
"Kaya nga ako nandito sa mansion nina Dad dahil kay Eryx. Hindi ako makauwi sa amin," saad niya at tiningnan naman kami. "Sumama na lamang kayo sa kuwarto ni Eryx baka kako magigising na iyon," pag-aaya niya sa amin. Tinapik pa niya sa balikat si Fred. Nalilito tuloy siyang tiningnan nito. "Umupo ka na lang at maiiwan ka rito." Napatingin sa akin si Fred. Tumango ako sa kanya na walang mangyayari sa amin na masama ni Khai.
Sumunod kami kay Ryle na kumakain pa ng saging. Nasa likuran niya kami.
"Alam mo, Jessel. Hindi na sana kayo nag-abala pa ni Ryx na pumunta rito para lang humingi ng sorry. Wala naman na iyon sa kapatid ko dahil wala naman siyang naaalala pagkatapos niyang mag-breakdown at babalik na siya sa Cebu para sa engagement party nila ni Chrysler. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit may kakaiba sa inyo ni Eryx," he told me.
I bit my bottom lips dahil sa narinig kong engagement party. Nagmamadali yata sila.
"Wala kaming ginagawang masama," sabi ko na hindi ko alam kung bakit tunog defensive ang pagkakasabi ko.
Huminto kami sa isang pintuan at malakas niya itong kinatok. Mananatili na sana kami sa labas pero nilakihan nito ang pinto. Sumenyas pa siya kaya pumasok na rin kami.
Para lang kuwarto ni Khai sa mansion ang nakikita namin ngayon. Parehong-pareho ang kulay nito at sobrang laki rin. Naglakad pa kami sa may bedroom.
"Eryx! Bangon ka na riyan. Kahapon ka pa, ah!" sigaw niya kahit hindi pa kami nakalalapit sa puwesto ng kapatid niya.
Hanggang sa nakita namin pareho si Rykiel. Nakadapa ito sa malaking kama niya. Wala siyang saplot pang-itaas kaya kitang-kita ang malapad niyang likuran at ang magkabilang braso niya ay nasa gilid ng kanyang ulo. Kalahati lang ng katawan niya ang nakatakpan ng itim na kumot, sa bandang baywang niya.
Dahil sa nakita na ganoong eksena ay napagtanto ko na mas lumaki at gumanda pala ang katawan niya sa mga nakalipas na taon. Bakat na bakat. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko kaya tumingin na lamang ako sa ibang direksyon. Nakakahiya kung makikita nila na namumula ang pisngi ko dahil lang sa nakita. Mapapansin nila na naaapektuhan ako.
"Eryx, may bisita ka," Ryle said but my eyes can't resist. Matagal pa bago sumagot ito, kung hindi lang siya niyugyog sa may braso niya, panay rin ang pag-iwas niya.
"Leave me alone, Kuya," taboy nito sa nakatatandang kapatid at kinuha ang isang unan. Gumalaw siya kaya tagilid na ang pagkakahiga niya.
"Harapin mo muna ang bisita mo, saka ako lalabas mula sa kuwarto mo," sambit naman ni Ryle at umupo sa gilid ng kama. Tinalon-talon pa niya ito kaya mas lalong nagalit ang kapatid niya.
"Shut up and stop doing that!" masungit na sigaw pa rin nito. Napangisi tuloy si Ryle.
"Get up, brother. Nandito ang fiancé mo. She's waiting for you kanina pa."
"Tell her that I'm sleeping," pagdadahilan pa niya. Ayaw niya yatang maistorbo na kahit ang fiancé niya ay ayaw niyang kausapin.
"Pero Eryx..." pamimilit pa rin ni Ryle.
"Aalis na lang kami, Ryle. Don't disturb your brother," sabat ko. Baka nga nakakaistorbo na kami sa kanya.
Tatalikod na sana ako at yayayain na umalis na lamang nang biglang napabangon mula sa pagkakahiga niya sa kama si Rykiel nang marinig ang boses ko. Bumaba siya mula sa kama niya at visible sa mga mata niya ang gulat nang makita kami ni Khai sa loob ng kanyang silid.
"Haharap ka sa mag-ina mo na ganyan ang hitsura mo, Eryx?" biglang sabat ni Ryle dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko. Ano'ng ibig niyang sabihing? A-Ano'ng mag-ina?
M-May alam ba siya? Kaya niya nasabi ang mga katagang iyon?
"Mag-ina?" magkasabay na tanong namin ni Rykiel at nagkatinginan pa kami sa isa't isa.
Naputol lang ang titigan namin dahil sa malakas na pagtawa ni Ryle. Salubong ang kilay ni Rykiel na tiningnan ang kanyang kapatid.
"Kuya!"
"Did you see their faces, Ryx? It was priceless!" Hindi kumibo si Khai. Nanatili siyang tahimik at naramdaman ko lang ang paghila niya sa akin.
"Sa baba na lamang po kami maghihintay, Coach Ryle," seryosong sabi ni Khai.
"I was just joking, Ryx," natatawa pa ring sabi ni Ryle. Nainis sa kanya si Rykiel. Kinuha nito ang unan niya at ibinato sa Kuya.
"Damn you, Eryx. Mas matanda pa rin ako kaysa sa 'yo." Asar talo naman itong coach nina Khai, ang hilig naman niyang mang-asar. "Saka hindi ka talaga nahiya sa kanila? Sa ayos mong 'yan?" nakangisi pang tanong nito.
Mabilis siyang tumalikod sa amin nang mapagtanto niya ang ayos niya ngayon.
Naka-boxer shorts lang siya at wala ngang damit pang-itaas. Kaya kitang-kita ang malapad niyang dibdib at ang abs niya.
"Shet!" Sa pagmumura niya ay mas lalo siyang inasar ni Ryle.
"Let's go. Sa baba na lamang tayo maghintay," ani Ryle at inakbayan niya ang aking anak.
"It's okay, we're leaving na--"
"No!" putol ni Rykiel sa sasabihin ko at pareho pa kaming natigilan dahil sa pagsigaw niya. Tumaas ang sulok ng mga labi ng coach. Kaligayahan niya talaga kapag inaasar niya ang kapatid niya, ano?
"What do you mean by that, Eryx? Tandaan mo na may pakakasalan ka na, ah."
"Shut up," utas niya at lumapit sa akin.
"We're going to talk," seryosong sabi niya. Bayolente pa akong napalunok. Pagtango na lamang ang tinugon ko dahil wala na akong maisip na isasagot pa sa kanya.
***
Banana cake, sandwich, pizza, fruits salad and orange juice ang pinahanda nila para sa amin. May peanuts pa kanina pa rin pinapapak nina Zules at Zue, iniiwasan iyon na kainin ni Khai.
Kasalukuyan na kaming kumakain sa receiving room nila habang naka-on naman ang TV flat screen nila. Sports ang pinapanood ng tatlo at mukhang nag-e-enjoy pa sila.
Nasa lap ni Ryle ang binili naming prutas at kanina pa niya ito isa-isang kinakain.
Nahagip ng mga mata ko si Rykiel na pababa na mula sa hagdanan. Kaswal lamang ang suot niya. Puting V-neck t-shirt at itim na shorts. Hindi pa man siya nakalalapit sa amin o kahit nasa malayo pa lamang siya ay nararamdaman ko na ang agad ang tingin niya sa akin kaya hindi ko siya pinanood na maglakad palapit sa direksyon namin. Naiilang lamang ako.
Nanuot sa ilong ko ang mabango at matapang na perfume ng panlalaki. Familiar ang pabango na iyon dahil si Rykiel ang nagmamay-ari no'n.
"Kuya, aba. Nag-evolve ka?" nang-aasar na turan ni Zules nang tumabi sa kanya ito. Sa tapat mismo namin ni Khai.
"Bakit natagalan ka? Naghanda ka talaga?" Hayan na naman si Coach Ryle. Aasarin na naman niya ito.
Hindi siya pinansin nito at inabot na lamang nito ang walang laman na baso. Nilagyan ng tubig saka siya uminom. Nasundan tuloy ng tingin ko ang pag-alon ng adams apple niya. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay nang mapansin ang tingin ko na iyon. Kaya nag-iwas na naman ako ng tingin at binigyan ko na lamang ng atensyon ang pinapanood naming sports.
"So, what are you doing here? My brother said, nagwala raw ako at nandoon ka. Did I hurt you?" diretsong sabi niya.
"W-Wala kang naaalala?" tanong ko.
"Wala. Ang alam ko lang ay nagbanyo ako at wala rin akong naalala na nandoon ka, na posibleng nanonood ka rin sa pagkawala ko sa sarili ko," walang kangiti-ngiting saad niya. Tumango na lamang ako dahil wala naman akong magagawa pa.
Hindi niya ako maaalala. Hindi niya alam na sa mga oras na nagwala siya ay nakilala niya ako bilang asawa niya. Ayaw na ayaw niya nga akong pakawalan at natatakot pa siyang mawala ako.
"Ganoon palagi ang nangyayari sa kanya. Usually sa breakdown niya ay hindi man lang maaalala kung paano na bigla siyang nati-trigger. Magigising na lamang siya na masakit ang ulo at tinatamad na bumangon. Pero ayaw naman niyang magpatingin sa doctor," ani Ryle at nawala na ang mapang-asar niyang ngisi.
"I'm fine, no need to be check up. I'm perfectly fine," buong kompiyansa na saad niya.
"G-Good to hear that. S-Sinadya lang namin na puntahan ka rito ni Khai dahil gusto naming malaman na kung ayos ka lang. My bodyguard," sabi ko at sinulyapan si Fred. Nakatayo lang talaga siya at ayaw niyang umupo. "He's the one who triggered your trauma," I added.
"For what reason? Sinuntok lang ba niya ako?" kunot-noong tanong niya at itinuro ang putok na labi niya. "Hindi niya gagawin iyon kung wala akong nagawang hindi maganda. May ginawa ba ako sa 'yo?" tanong niya at diretso na naman niyang tinitigan ang mga mata ko. Para akong matutunaw at nalulunod talaga ako.
"Wala. N-Nagkamali ka lamang sa pinasukan mong restroom at 'saktong nandoon ako," dahilan ko na lamang.
"And you, Kuya. Bakit mo sinabi kanina na mag-ina ko ang magkapatid na ito?" malamig na tanong niya kay Ryle. Ayaw niya ba sa idea na mag-ina niya kami? Sumikip na naman ang dibdib ko.
"Dahil dito, Kuya," sabat naman ni Zue at ipinakita niya ang tablet niya.
Picture namin iyon nina Khai at kasama siya. Our first picture together, iyong araw ng swimming competition nila. Naka-post ito sa Facebook account niya.
"Ayon daw po kasi sa mga comments ng mga tao. Hindi raw po mukhang magkapatid sina Ate J at Ryx. Tatlo na kayo at nakikita nila ang dalawang mukha kay Ryx, at sa inyo iyon," he explained.
"What?" nalilitong tanong ni Rykiel. Sinulyapan niya si Khai na nasa tabi ko. Hindi talaga siya umiimik simula pa kanina. Humilig sa headrest ng sofa si Rykiel at hindi na pinutol ang tingin sa bata. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata niya at kung sa paanong paraan niya itong titingnan.
"Why are you staring at me?" mahinahon na tanong ni Khai. He looked away at sunod-sunod na tumikhim.
"Ganyan 'yan si Kuya Eryx. Gusto mo ng peanut, Ryx? Kanina pa kami kumakain nito, pero hindi ka man lang sumubok na kumain," alok ni Zules.
"Thanks but no thanks. I'm allergic to peanuts," Khai said.
"Hindi ko yata alam 'yan, Ryx. Allergic ka pala sa peanuts. Just like my brother," sabi ni Ryle at tiningnan si Rykiel. Nagsalubong na naman ang kilay niya.
"Since when did you know that you are allergic to peanuts?" Rykiel asked my son.
"My Mom is very careful when it comes to my foods," he said and he glanced at me. "She know that my father is allergic to peanuts too. She let me eat the half of it and we found out that nakuha ko nga iyon kay Dad. My whole body started aching and so full of redness on my skin."
"You love to call your sister, Mom? Jessel, how old are you nang ipinanganak ang kapatid mo?" Ryle asked me.
"Twenty six," mabilis kong sagot na ikinatahimik nilang lahat. I don't know why.
"Impossible. So, it's true na nagkaroon ka na ng asawa before and Ryx..."
"But the internet... The rumours..."
"We have to go, Coach Ryle," sabat ni Khai at inalalayan akong tumayo.
"Aalis na kayo agad?" tanong naman ni Zue na tumayo rin.
"Believe what you believes, Coach Ryle. What the most important to us is the truth that we only know," makahulugang sabi na naman ni Khai. Nahihiyang ngumiti na lamang ako sa kanila.
"By the way, the fruits that we brought, it's all for you but you can share with your brothers naman..." Nilipad yata ng hangin ang huling salitang binigkas ko. Dahil parang hangin lang din ay naagaw niya ang basket ng prutas, that fast.
"Eryx, marami niyan sa may fridge, ah. Nagdadamot ka? Prutas lang ito."
"Then bakit hindi iyon ang kakainin mo?" sabi nito.
"We're leaving. Thank you for the snack, Ryle. Zue and Zules, see you later," paalam ko sa kanila.
"Ihahatid ko na kayo sa labas," volunteer niya.
"No need." Hindi niya ako pinansin. Mas nauna pa siyang naglakad kaysa sa amin.
Nasa front door na kami at palabas na sana nang pumasok naman sa loob ang pamilyar na mukha. Nakasunod ang mga tauhan nito sa kanyang likuran. Hayan na naman ang mabigat na presensiya nito.
"There you are, Eryx. Your fiancé will stay here and about your engagement party. Imo-move namin iyon by next week," walang paligoy-ligoy na sabi nito at hindi man lang nag-abala na tingnan kami.
"Honey, I'm here na!" Nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Chrysler. Kinakabahan ako na baka may hindi maganda siyang iisipin kung makikita niya kami. "Ms. Jessel?"
Doon lang dumako ang tingin sa amin ng tatay ni Rykiel. Gulat ang rumihestro sa mukha niya pero napalitan rin iyon ng walang emosyon.
"Nagkita ulit tayo," sabi niya. Na akala mo naman ay nakapag-usap kami nang gabing iyon kahit hindi naman.
Palipat-lipat na tuloy ang tingin sa amin ni Chrysler at Rykiel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top