CHAPTER 17

Chapter 17: the revelation

"WHAT she did do, Dad?!" pasigaw na tanong ko sa daddy ko. He was surprised at my burst out and my tears started falling again on my cheeks. My chest tightens at what possibly happened to Rykiel at my grandmother's hand. Hindi ko talaga kayang isipin. Paulit-ulit na naririnig ko pa ang sigaw at pag-iyak niya.

"Mommy..." Pinigilan ako ni Khai at hinawakan ang kamay ko. Nagpumiglas ako.

"Dad!"

"Honey, please! Huwag mong sigawan ang daddy mo!" suway sa akin ni Mommy and the disappointment was on her face. Bumagsak ang balikat ko because of that. Dad dropped his laptop on the bed and stood up to get close to me.

"Anak, Jessel..." Pain and sadness are written on daddy's face as he watched me cry. Bumuntonghininga ako. Pilit na pinapakalma ko ang aking sarili. Dahil baka masigawan ko na naman siya.

"What did G-Grandma do to my h-husband, Daddy?" sa malumanay na boses na sabi ko.

"She's just trying to save you, hija," he said. I shook my head violently. Because if Grandma did something cause Rykiel to be traumatized like that, she couldn't save me from anything that would harm me.

"What saving, Dad?! S-Saan niya po ako ipagtatanggol kung si Rykiel iyong pinapahirapan niya?!" sigaw ko pa rin.

"Jessel, calm down..."

"A-Ano'ng klaseng pagliligtas ba iyon, Daddy? She tried to save me from what?! I don't understand! I don't understand why she chose to hurt someone! A-Asawa ko po iyon, D-Daddy... I'm still married with him! Wala kayong karapatan para saktan siya!"

"Anak, you don't understand..."

"Kaya po, Dad! Hindi ko talaga siya maiintindihan! T-Tanggap ko ho noon na hindi na niya matatanggap pa si Rykiel bilang asawa ko. Kaya mas pinili namin ang umalis... Ang magpakalayo-layo, Dad... Tinanggap mo naman noon ang desisyon namin ng asawa ko, 'di ba?" Tumango siya at bayolenteng napalunok. "Pero bakit m-may ginawa pa rin si Grandma? Why, Dad? W-Why? A-Ano ang kasalanan na ginawa sa kanya ni Rykiel para saktan niya lang ng ganoon?" Nanghina ang tuhod ko kaya dahan-dahan akong dumausdos pababa. Nakahawak pa rin sa siko ko si Khai. Naririnig ko ang mahina niyang pagsinghot. Hindi ko lang alam kung umiiyak ba siya.

"I'm so sorry, anak. A-Ang alam ko lang... Ayaw ng Grandma mo na magtanan kayo ni Rykiel, dahil n-napakabata pa niya... Hindi puwede iyon, Jessel... Hindi pa rin siya legal age kaya hindi ka niya maipagtatanggol sa kahit sino man ang kakalaban sa 'yo at ikaw ang magiging masama sa mga mata ng lahat." I felt like I came to my senses with what dad said. Sinampal ako sa katotohanan na pumatol ako sa minor de edad.

That I bumped into a guy that we have a huge gap from each other. Na walong taon ang gap naming dalawa. Kung makasalanan ang pumatol sa ganoong edad?

It is a sin to fall in love? To love na mas bata sa 'yo ng ilang taon?

"Jessel. We are still worried about you... Hindi ba inalok ko noon ang asawa mo? Na kung puwede lang sana...sa mansion na lamang kayo tutuloy? Pero matigas ang ulo ng asawa mo," singit naman ni Mommy.

Because Rykiel wants him to be the only one who works for our future family. Na ayaw niyang may ibang bumubuhay sa akin kahit na magulang ko pa.  Gusto niyang panindigan na kaya niya akong buhayin ng sariling trabaho niya.

"Pero ano po ba talaga ang nangyari kay Rykiel, Dad? B-Bakit takot na takot siya?" tanong ko.

"N-Nagkita na kayo? N-Nagkita na kayo ng asawa mo?" gulat na tanong ni Daddy sa akin.

Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi niya ako n-naalala, Daddy... Kanina lang... Sumisigaw siya at tila may gustong manakit sa kanya... Dahil iyon sa akin, Daddy. Tinatawag niya ang pangalan ko!" hagulgol na saad ko.

"Please, Mom... Calm down." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Khai.

"His brother said, he's been traumatized. He was mentally and physically abused... That's why I have a suspicion, there are people... somebody beat him up like that! That's why he is so scared!"

"Sinabi ko lang sa lola mo na tigilan na ang asawa mo, anak. Dahil nandito ka na sa poder namin. Yes, she blackmailed your husband to bring you back to us but I didn't know before that Mama did something else to the child that would put it in danger. Huli na para malaman ko iyon, Jessel. She told me everything before your grandma died. Also after she ordered her people to plan just to scare Rykiel. Beat him up but don't kill him. But suddenly, the syndicates took him out of your grandma's hand." Mas nag-init ang ulo ko sa rebelasyon na iyon. Syndicate...

"Or maybe she sold my husband to syndicate, Dad! Kaya wala rin siyang ginawa!" I shouted.

"Honey! She's still your grandmother! Respect her, anak..." suway sa akin ni Mommy at lumuhod siya sa harapan ko. She grabbed both my shoulders and she looked at me straight in the eyes. "Your Grandma loves you, so much, Jessel. Kaya ginawa niya ang lahat para sa kapakanan mo, para sa kaligtasan mo kahit ang kapalit nito ay sakit at lungkot na magdudulot sa 'yo. Nagkamali lang siya sa puntong sinaktan niya ang asawa mo... You're only her granddaughter that's why she's overprotective of you..."

Mommy's words made me cry even more. I still don't understand it. Grandma did a lot damage to Rykiel, too much. Ako ang nahihiya ako, ako ang nakokonsensya.

"Mahal ako ng asawa ko, Mommy... Pero dahil sa takot niya kay Grandma... Nagsinungaling siya sa akin... Nagsinungaling siya na hindi na niya ako mahal at nagsisisi siyang minahal niya ako. Pinagtabuyan niya ako, Mommy... Na s-sanay siya sa hirap pero hindi siya sanay na kasama ako dahilan mas nahihirapan siya," umiiyak na sumbong ko sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at mahigpit akong niyakap.

"I'm so sorry, anak..." umiiyak na sabi sa akin ng Mommy ko. Lumuhod din si Dad at yumakap sa akin..

"If only I had known sooner before it happened. I wish I could have stopped my mother, Jessel... I wish I could have stopped her from hurting your husband before..."

Masama ang magalit sa isang taong matagal nang namamahinga sa mundo. Masama ang manumbat sa sarili mong lola kahit na nakagawa pa ito ng kasamaan sa isang tao. I may not accept what she did but I know in my heart, I'd still forgive her. I'll still forgive her someday.

I just don't want to think that because of Grandma, kaya kami naghiwalay ng asawa ko.

***

"Mom, nag-text na po sa akin si Zules. Iyong address po ng mansion nila, nasa Vint subdivision po." Napalingon ako sa anak ko. Nasa pintuan siya at kalahati lang ng katawan niya ang nakadungaw.

It's been two days since I witnessed Rykiel's breakdown. That I found out what happened to him and the revelation Daddy admitted.

At ang tungkol naman sa address ng mansion nina Rykiel. Inutusan ko lang si Khai na natanungin ang mga kaibigan niya kung saan ang mga ito na nanunuluyan.

I want to talk to Rykiel and ask for forgiveness. Hindi ko lang alam kung naaalala pa ba niya ako. Gusto ko lang din na malaman kung ayos na ba siya ngayon.

Tumayo ako at kinuha ang handbag ko. Nakabihis lang ako ng simpleng dress.

"You wanna go with me, son?" I asked him. He nodded his head.

"I also want to know if daddy is okay, Mom," sabi niya at hindi siya nahihiyang tawagin na Daddy si Rykiel kahit na wala itong kamalay-malay na anak niya si Khai.

Simula rin nang pag-uusap namin kasama ang parents ko ay hindi ko na sinubukan pa na kausapin sila. Sa ngayon ay gusto ko munang makalimot sa ginawa ng pamilya ko kay Rykiel. Kaya wala talaga akong kinakausap na isa sa kanila. Maliban sa aking anak.

Sabel has been busy in our company because I haven't returned to my job yet. So, he's the one who taking care of everything.

Kasama namin sina Fred sa pagpunta sa mansion nina Ryle. Alam ko na pamilyar sila sa subdivision ng mga Barjo dahil hindi basta-bastang pamilya ang mga iyon.

Kinakabahan ako na baka makikita na naman namin ang daddy ni Rykiel. Pero walang makakapigil sa akin na magpunta roon.

Bumuntonghininga ako at napatingin sa labas ng bintana nang huminto na ang sasakyan.

Sa may guard house ito tumigil at bumaba si Fred para kausapin yata ang mga bantay. Naiintindihan ko ang pagiging mahigpit nila sa subdivision kaya nang umiling-iling ang security ay parang nagdadalawang isip pa si Fred na bumalik sa sasakyan.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse namin. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang security at umawang pa ang mga labi nila. I just don't know kung nakikilala ba nila ako.

"Hi. Baka po puwede niyong tawagan ang line ng Barjo family? Kilala niyo sila, hindi ba? Did you know, Ryle Barjo?" tanong ko sa marahan na boses.

"Kahit may kakilala pa ho kayo sa subdivision na ito at kung wala talaga ang mga pangalan niyo sa listing ay hindi pa rin kayo makakapasok sa loob. Pasensiya na po, Ma'am. Ginagawa lang ho namin ang aming trabaho," sabi ng isa na nasa mid-40s pa. Tumango ako at napahawak sa sentido ko.

"Puwede po kayong pumasok kung kayo ho mismo ang co-contact sa Barjo family," sabi ng pangalawang guard.

"I will handle this, Mom," sabi ni Khai na sa tabi ko. May pinindot-pindot siya sa phone niya. "Zules. Hindi kami makapasok. Ang higpit ng guards niyo," sabi niya sa kausap.

Sumingit sa may side ko ang aking anak para ipakita ang phone niya. Naka-loudspeaker na ito kaya narinig namin pareho ang boses ni Zules.

"Let them in po, Manong guards. Bisita po sila ni Kuya Eryx. Jessel and Alkhairo Diamente po ang mga pangalan nila. Pakisulat na lamang po," wika ni Zules na mabilis namang sinunod ng mga ito. They talked to Fred for a while before he returned to the driver's seat and our car entered the subdivision.

"Diyan po tayo papasok, Kuya Fred." Itinuro ni Khai ang malaking gate na kulay asul.

Dumako ang tingin ko sa gate nang unti-unti itong bumukas kaya umusad ang kotse papasok. Makikita sa loob nito ang laki ng mansion na medyo may kalayuan mula rito. I am still amazed at how big the ground is. There's even a fountain. Mukha kaming nasa isang palasyo kung titingnan ang paligid.

Sa isang gilid ay may golf cart na sasakyan para makapunta sa mansion ng hindi ka naman napapagod na maglakad sa haba ng daan nito.

Naiwan sa may gate ang iba naming kasamahan at si Fred lang din ang sumama sa amin.

May sumalubong agad sa amin na lalaki at mukhang nasabihan na agad ni Zules na may darating na bisita. Hindi nagtagal ay nakalapit din kami at sa labas pa lang ay nandoon na sina Zue at Zules na mukhang kami ang hinihintay ng mga ito.

"Finally, you're here! Good morning, Ryx! Good morning din po sa inyo, Ate J." Nginitian ko lang silang dalawa at si Khai naman ay niyakap pa ng mga kaibigan na akala mo naman ay ngayon lang ulit nagkita.

Dala-dala ni Fred ang isang basket ng mga prutas na sinadya pa naming bumili kanina. Nakakahiya naman kung bibisita kami na wala man lang dala na kahit ano.

"Please, come in," masiglang sabi ni Zue at iginiya nila kami sa loob. Kasing laki ng hacienda namin sa probinsya ang mansion nila. Vintage man tingnan ang paligid ay maganda ang ambiance nito.

"Kuya Ryle! Nandito na po sina Ate J and Ryx!" sigaw ni Zules sa kung saan. Umupo kami sa malambot na sofa nila at tumayo lang sa may gilid namin si Fred pagkatapos niyang ibaba sa may coffee table ang basket.

Nasa gitna iyong hagdanan kasi side by side naman ito. Salubong ang kilay ni Ryle habang pababa mula rito at agad kami nitong tiningnan.

"What are you doing here?" he asked.
Hindi naman tunog na walang galang ang boses niya. I guess he's just wondering why we are here. Mabilis na kinuha ulit ni Fred ang prutas at humarap kay Ryle.

"Who are you?"

"He's Fred. We are here to hopefully ask for forgiveness. Fred, he's the one who punch your brother. On behalf of my bodyguard, I'm so sorry. Wala siyang kasalanan kasi ginawa niya lang ang trabaho niya na protektahan ako," sabi ko na napahaba pa yata.

"Protektahan? Mula sa kapatid ko? Bakit ano'ng ginawa niya sa 'yo para suntukin ng bodyguard mo?" naguguluhan niyang tanong. Wala na sana akong maisasagot pa sa kanya pero si Fred ang sumagot.

Hindi ko naman kasi alam ang dahilan kung bakit pumasok sa loob ng restroom si Rykiel at kung bakit niya ako nilalapitan.

"He entered the women's comfort room because he said the restroom on the other side was full and he really needed to use the bathroom but Ms. Jessel took a long time inside at nakita namin na nakayakap na ang isang lalaki na marahil kapatid ho ninyo, nakayakap po siya kay Ms. Jessel. We know your brother that he's always approaching our boss' daughter but I'm just surprised because Miss, she were crying. Naisip ko ho na may ginawa siya," mahabang paliwanag ni Fred.

Buong detalye talaga niya ipaliwanag kay Ryle upang mas maintindihan nito kung bakit ba niya sinuntok ng hindi nagdadalang isip si Rykiel at hindi ko masasabi kung kasalanan ba iyon ni Fred o ang daddy ni Khai.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top