CHAPTER 15
Chapter 15: Commotion
"SO, this is your brother, Ms. Jessel?" Chrysler asked me while looking at my son.
Nag-angat ng ulo si Khai para tingnan si Chrysler. Tipid siyang ngumiti. "If I tell you that she's my mother, you will believe, Ma'am?" marahan na tanong ni Khai sa kanya. Natigilan si Chrysler at maging ang dalawang kaibigan ng aking anak ay napahinto sa tanong niya. She blinked her eyes repeatedly but later on, she cleared her throat at dinaanan na lamang sa ngiti.
"Then, enlighten me. Paano mo nasasabi na si Ms. Jessel ay ang mommy mo? Everyone believes that you are the youngest son of Diamente family," aniya.
"That was a rumors, Ma'am. Everybody knows nothing," makahulugang sabi niya. I licked my lips because of amusement I feel towards him.
"He's like this, Ms. Chrysler. He loves puzzle words," I told her. She nodded her head at binalingan ang dalawa na kanina pa nananahimik.
Bumalik sa puwesto namin sina Ryle and Rykiel. Dala-dala ang drinks namin. Maingat na inilapag pa nito ang lemon juice ni Khai. Tiningnan pa niya ito na tila naghihintay na may sasabihin sa kanya.
"Thanks," tipid na sambit nito sa kanya at parang doon lang ay satisfied na siya agad.
There's a buffet table and a lot of finger foods. May paper plate naman siya kaya puwede namang dalhin iyon sa table namin at iyon nga ang ginawa ng mga lalaki na kasama namin sa table. Si Khai ang kumuha ng para sa akin. Kaya dalawang paper plate ang dala niya.
We settled and nagsimula na kaming kumain. Kahit may isang taong nagbibigay sa akin ng kilabot at pagbilis ng tibok ng puso dahil sa kanyang presensiya ay nagiging comfortable naman ako dahil naman sa soft music ng event. Kaya nakagagaan ng loob at pakiramdam.
"Kayo ni Arzeil, Ms. Jessel?" Ryle asked me.
"Kami? Jessel na lang, no need to be formal," nakangiting sabi ko.
"Then, Ryle for you," pilyong sabi niya sa akin na ikinalapad ng ngiti ko. Hindi siya boring kausap, mapagbiro man pero hindi mo mararamdaman ang ilang doon. He's friendly compared sa kapatid niyang suplado at snob.
Kinuha ko ang wine glass ko at sumimsim doon. Tinapunan ko ng tingin ang dalawa. May maganda yata silang pinag-uusapan kaya tumatawa si Chrysler. Siya ay nakataas lang ang sulok ng mga labi niya. Focus na focus ang atensyon niya sa fiancée niya.
Nang maramdaman niya siguro na may nakatitig sa kanya ay nag-angat siya ng tingin kaya sumimsim na ulit ako ng drinks ko. I can feel his eyes staring at me pero hindi ko na iyon pinansin pa.
"Bakit hindi mo in-invite ang boyfriend mo, Jessel?" tanong sa akin ni Ryle. I do not know kung saan niya nakuha ang idea na boyfriend ko si Arzeil and maybe, kilala niya rin ang kaibigan kong iyon.
"He's busy," sagot ko na hindi ko na itinama pa ang maling akala niya na may relasyon kami ni Arzeil bukod sa pagiging magkaibigan naming dalawa.
Paniwalaan nila kako ang gusto nilang paniniwalaan.
"What about your wife?" I asked him back.
"She's busy with our kids," he replied at pareho kaming natawa. Kids... Hindi lang isa ang anak nila, marami na siguro?
Kami lang ni Ryle ang nag-uusap, dahil may sariling mundo naman ang mag-fiancee. Si Khai ay nakikipagbiruan pa sa mga kaibigan niya na tawa lang nang tawa.
Mayamaya lang ay may couple na ang sumasayaw at napatingin pa ako kay Rykiel nang bigla siyang tumayo at marahan na hinawakan ang siko ni Chrysler. Matamis ang ngiti nito dahil inaaya niyang sumayaw ang babae.
Si Ryle na may lumapit sa kanyang isang lalaki at nagpaalam ito sa amin saglit.
Naiwan kaming apat sa table namin at nakinig na lang sa pinag-uusapan nila habang inuubos ko ang finger foods sa paper plate ko.
"Take your time. Alam kong may classmate kayong gustong maisayaw," sabi ko sa kanila. Napakamot sa batok si Zules at napangisi naman si Zue. Halata kasi sa kanila, iyong palihim na sulyap sa kabilang table at ang pagsenyas.
"Ate J, ang observant mo talaga," ani Zue. Ngumiti ako sa kanya at binalingan ko ng tingin si Khai.
"It's okay, baby. Puwede niyo naman akong iwanan dito," sabi ko. He shook his head because he doesn't want me to left behind.
"Come on, Khai. Hindi na mauulit ang ganitong event dahil ga-graduate na kayong lahat," giit ko sa kanya. Napatango siya at bumuntonghininga.
Tumayo ang dalawang kaibigan niya at hinila siya sa kung saan na lugar. Natawa ako dahil sa pagsimangot niya. Ayaw niya talaga akong iwanan dito sa table namin.
Ayos lang naman sa akin kung mag-isa lang ako sa table at nasa paligid naman namin sina Fred kasama ang team nila. May nakikita ako na iilan na mga kalalakihan ang napapadaan sa aking direction. Nginingitian ko pa sila dahil nagtatagpo talaga ang aming mga mata. Parang nahihiya sila na ano sa akin. Iyong iba ay makikita kong napapapitik na lamang sa hangin at ang pagkamot nito sa batok.
Naibaba ko naman ang wine glass ko nang dumagundong sa event ang pamilyar na kanta. Humigpit ang hawak ko dahil sa marahan na music nito.
Napasulyap ako kina Rykiel at Chrysler. Nagsisimula na silang magsayaw na sinabayan ang masamyong kanta.
Masyadong malapit sila sa isa't isa. Nasa magkabilang baywang ng babae ang kanyang mga braso at nakapulupot naman sa leeg niya ang mga kamay nito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang unang liriko ng kanta.
Sa walong bilyong nakasilong
Ikaw ang aking nakasalubong
Ating awit ay iginuhit ng langit
May kung ano'ng patalim naman ang bumaon sa aking dibdib. Para lang binuhusan ng malamig na tubig ang tilang sugat ko sa aking puso.
At araw-araw napapatanong
Paanong natupad aking bulong?
Kung bakit sa tulad ko napalapit?
Paano nga ba naging pamilyar sa akin ang kanyang ito? Paano nito nagagawa na pasikipin ang aking dibdib? Paano nito nagagawa na halos kapusin ako ng hininga at libo-libong alaala na naman ang pumapasok sa aking isipan.
Paano nangyari?
Sa akin napatingin
Sa libo-libong mga bituin
'Di ko mawari
Ikaw para sa akin
Dalangin kita...
Hindi ko nakayanan pakinggan ang bawat lirikong namumutawi mula sa bibig ng kumakanta. Tumayo ako at kahit nararamdaman ko ang sakit, at nasasaktan ako ay umakto pa rin ako na normal. Na wala akong hinanakit na nararamdaman sa mga oras na ito.
Dahil sa pagtayo kong iyon ay nakuha ko ang iilan na atensyon ng mga tao. Lalo na kasi napasunod sa akin ang limang bodyguards ko habang naiwan naman ang iba para bantayan si Khai.
Pagpasok ko sa comfort room ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko sa aking pisngi. Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na pumasok sa loob ng cubicle at napaupo ako sa inidoro.
Kung sa ganitong pagkakataon ay kailangan may tao akong nakakausap. Dahil baka makagawa ako ng hindi maganda sa sarili ko.
Nag-uulap ang mga mata ko dahil sa luha. Nanginginig pa ang kamay ko na binuksan ang pouch ko para kunin ang phone ko.
Si Zinky ang tinawagan ko na dalawang rings lang ay agad na niyang sinagot.
"Hello?"
"Z-Zinky..." nauutal na sambit ko sa pangalan ng best friend ko at sa boses ko pa lamang ay alam kong malalaman na niya na umiiyak ako.
"J? What happened? Why are you crying?" tanong niya sa akin na mahihimigan ang pag-aalala sa boses niya.
Nakarinig pa ako ng kalabog sa background niya at may kinausap pa siya. "Nasaan ka ngayon, J? May problema ba? May nangyayari ba na hindi maganda? Pinapakaba mo akong babae ka. 'Anyare ba?" sunod-sunod pa ring tanong niya sa akin. Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
Napatingala ako sa kisame ng CR para sana pigilan na ang pagtulo ng mga luha ko pero nabigo lang ako. Dahil wala pa rin itong tigil sa kabubuhos. Panay ang pagpunas ko sa aking pisngi na nababasa na ng mga luha ko.
"N-Nakita ko na ulit s-siya, Zinky..." umiiyak na sagot ko sa kanya. Ilang segundong naghari ang katahimikan sa kabilang linya. Hindi naman naputol ang tawag namin.
Alam ko naman na nakuha niya agad ang sinabi ko kaya natahimik siya bigla. Lahat naman ng nangyari sa akin sa probinsyang iyon ay alam ni Zinky. Naikuwento ko sa kanya. Siya nga ang best friend ko at pinagkakatiwalaan ko siya. Kaya wala akong secret na hindi niya alam.
"It's Rykiel Eryx? Really? How come na nagkita na kayo? Saan naman? A-Ano'ng... ano ang naging reaksyon niya nang makita ka? M-May sinabi ba siya sa 'yo?" interesadong tanong pa niya sa akin.
"W-Wala, Zinky. W-Wala n-naman... Dahil a-ano naman ang sasabihin niya sa a-akin kung...kung umasta siya ay parang... hindi naman niya a-ako k-kilala? Ano pa ang sasabihin niya kung i-isa na lamang akong estranghero sa b-buhay niya, Z?" tanong ko at napalakas ang paghikbi ko.
Ni hindi ko na binigyan pa ng pansin na baka may taong makaririnig sa akin. Na baka may papasok sa loob at posibleng makikilala ako. Maaabutan nila ang ganitong stage ko.
Gusto ko lang ilabas ito... Sobrang bigat sa dibdib. Ang sakit kimkimin, eh. Mas masasaktan ako kapag hindi ko ito ilalabas.
"J... Tell me..."
"H-Hindi na niya ako nakilala, Z... O sadyang kinalimutan na niya talaga ako, 'no? Z...akala ko... A-Akala ko ay hindi na ako iiyak pa... A-Akala ko ay wala na talaga...na hindi na ako maaapektuhan pa... Pero ang sakit pa rin... Ang sakit pa rin talaga..." saad ko at inilabas ang lahat ng hinanakit na matagal ko ring itinago sa mahabang panahon. Na hindi ko akalain na nandito pa talaga at ngayon lang ako magbi-breakdown.
Dahil narinig ko ang kantang madalas niyang kantahin habang pinapatulog ako... noon.
"Imposibleng hindi ka niya nakilala, J. Napakaimposible talaga 'yan..."
"Z, magbibinata na ang anak ko... Sobrang tagal na... That's twelve years ago... Marami na ang nagbago sa kanya... Alam ko pati...pati ang pagmamahal niya sa akin... At makakalimutan pa rin niya ang pangakong binitawan niya noon sa akin, Z... Liliparin lamang iyon ng hangin, Z..." umiiyak na saad ko pa.
"Baka nakilala ka niya, J. Imposible talaga 'yan... Ako ang haharap sa lalaking 'yan at hindi ako magdadalawang isip na paduguin 'yang bibig niya!" sigaw niya sa kabilang linya.
"Zinky... Hindi na puwede... He's already committed with someone else... He's already engaged at hinihintay lang ang maging official sila before the wedding. His fiancée, she even invited me to attend their engagement party," I said.
"Don't you dare go to that fvcking engagement party! Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita, J."
"May event sa school nina Khai... N-Nandito kami ngayon at si Rykiel, he's with his fiancée too."
"Where's my inaanak? Nasaan si Alkhairo?"
"K-Kasama niya ang mga kaibigan niya," sagot ko at may kung ano talaga ang bumabara sa lalamunan ko.
"Puntahan mo ang anak mo at ayain mo nang umuwi. Maiintindihan naman niya kung bakit kayo uuwi ng maaga. Umalis na kayo sa lugar na 'yan, Jessel o ako mismo ang susundo sa inyong mag-ina," seryosong sabi niya. I took a deep breath at muling pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.
"I'll be alright, Z... Nakausap na kita..."
"Basta umuwi na kayo."
Nagpaalam na rin ako kay Zinky at sinabihan pa niya ako na tumawag sa kanya kapag nakauwi na kami ni Khai. Pinag-alala ko pa si Z pero hindi rin talaga ako kakalma kung wala akong nakakausap sa ganoong kalagayan.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako lumabas sa loob ng cubicle para lamang mabigla ako nang makita ang lalaking nasa loob din ng comfort room. Sa tapat mismo ng cubicle na pinasukan ko at diretso ang tingin sa akin. Hindi nababakasan ng kahit ano'ng emosyon ang mukha niya.
May narinig ba siya? Para akong hihimatayin sa malalaman na may narinig siya. Kung kanina pa siya sa loob na ito...
Humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko. Parang lalabas ang puso ko sa aking dibdib. Ang lakas ng tambol nito.
Hindi ko na magawang umatras pa dahil sa paghawak niya sa aking siko. Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
Nanlalamig ang magkabilang palad ko at ang tuhod ko ay parang babagsak na dahil sa panghihina nito. Iyong black leather shoes niya lang ang tiningnan ko.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na palad niya sa pisngi ko. Marahan na gumalaw iyon, tila may pinupunasan din siya.
"Why are you crying?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nagkamali ba ako sa pagkakarinig ko. May lambing ang kanyang boses habang tinatanong ako.
May narinig ba talaga siya? Meron nga ba pero hindi niya lang binigyan ng pansin? O baka umaakto lang siya? Na wala naman na siyang pakialam pa sa mga narinig niyang sinabi ko kanina, kung sakali man?
"N-Nothing," defensive na sagot ko pa at iniwas ko ang mukha sa kanya. Humigpit ang kamay niya sa aking pisngi at dumausdos na pababa sa baywang ko ang isa niyang kamay.
Umawang ang labi ko nang makita ang paglapit ng mukha niya sa akin. Ano'ng gagawin niya?
Hahalikan ba niya ako? Pero...pero bakit niya gagawin?
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking baywang at may hinablot siya sa bulsa ng pants niya. Bago niya tuluyang makuha iyon nang pagbagsak na bumukas ang pintuan ng comfort room at nakita ko sina Fred na mabilis pumasok sa loob.
Una nilang hinila si Rykiel at inilayo mula sa akin. Nabigla pa si Rykiel at dahil napalakas iyon ay hindi inaasahan na bumagsak siya sa trash bin. Lumikha iyon nang ingay at malakas na dumaing siya. Nagkalat sa sahig ang mga basurahan.
"Fred!" sigaw ko nang walang sabi-sabi niyang hinablot ang collar ng suot nitong longsleeve at sa paraan na iyon ay hinila niya ito patayo.
Malakas na tumama ang malaking kamao ni Fred sa panga ni Rykiel at inikot ang dalawang kamay nito sa likuran upang hindi makagalaw.
Hindi nakalaban sa kanya si Rykiel. Hindi ko alam kung nagulat ba siya pero halos mawalan siya ng ulirat. Putlang-putla na siya agad...
"Fred, stop that!"
Binitawan naman ni Fred si Rykiel dahil sa pagsigaw ko at nagmamadaling lumapit ako sa kanya. Nakadungo ang ulo habang nakahilig sa malamig na pader.
Sa huling ginawa nito ay parang saglit na huminto ang pag-ikot ng mundo...
"T-Tama na... Tama na... T-Tama n-na po... Ibabalik ko na... I-Ibabalik ko na sa inyo ang asawa ko... T-Tama na po... H-Hindi ako lalaban..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top