CHAPTER 14
Chapter 14: Event & off limits
WITH the help of Sabel ay maganda na naman ang ayos ko ngayon. Hindi na simpleng make-up lang. Kasi alam niya na malaking event na raw ito at iilan na mayayaman na parents ang makakasalamuha ko roon.
"Thank you again, Sabel. You're the best talaga when it comes to this. Hindi ka lang naging secretary ko, ah. Naging stylist and make-up artist din kita," ngiting-ngiti sabi ko pa sa kanya.
"You're always welcome, Ms. Jessel," sabi niya lang saka siya nagpaalam na lalabas na mula sa room ko.
I am wearing my maroon backless v-neck style long dress, hapit na hapit sa maliit kong baywang ang pang-itaas at bagsak na ang tela niya pababa and a pair of four inches heels with my black pouch. My hair is tied up but in a knot style. May suot din akong mahabang earings, a diamond necklace and bracelet.
"Mom, you ready?" my son asked me. I looked at him. Naka-three suit din siya na ang panloob ay kulay maroon naman.
Partner yata ang damit naming dalawa. Kung ganyan din talaga ang ayos niya ay kitang-kita ang pagkakahawig nila ni Rykiel. Mag-ama nga talaga silang dalawa. There's no doubt about it. Huwag lang nila na isipin na baka si Alkhairo na nga ang nawawala nilang kapatid because that's very very imposible.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa vanity mirror ko and I walked towards him. Hindi naman siya pumasok. Sa pintuan lang siya naghintay sa akin.
"You looks exactly like your dad, baby," I commented him. He smiled at me.
"Wala naman po sigurong makakapansin sa bagay na iyon, Mommy?" he asked. I shrugged my shoulder. Pero baka rin na magkapatid ay oo pagkakamalan pa sila.
"We'll never know, son," I told him. Pareho kaming natawa bago kami tinawag ni Sabel na ready na raw ang kasama naming bodyguards at ang sasakyan. Sa school gym lang naman gaganapin ang event.
Habang nasa biyahe na kami ay nakipag-video call sa amin sina Mommy at Dad. Gustong makita ng aking ina ang suot naming dalawa, kung bongga rin ba ito katulad ng inaasahan niya na a-attend sa party.
"Ang guwapo mo riyan, my grandson," tila kinikilig pang sabi ni Mommy. Tumawa lang si Khai dahil sanay na siyang pinupuri ng lola niya. Mabuti na lamang ay hindi siya nagsasawa.
"Of course, kanino ba siya magmamana kung hindi sa lolo niya?" sabat naman ni Dad, may hawak na naman siyang magazine na mukhang binabasa pa. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ng Mommy ko pero hindi niya iyon pinansin. Nagkibit balikat lamang siya, na para bang sinasabi niya lang ang katotohanan na sa kanya talaga nagmana si Khai.
"Anyway, iyon lang naman ang gusto naming makita ng daddy niyo, honey. Good luck sa event later. Call us kapag pauwi na kayo, hmm?" malambing na sabi sa akin ni Mommy. Pareho pa kaming napatango ng aking anak na parang bata. Bini-baby talk niya kasi kami, eh.
"Wel will, Mom," Khai told his grandmother.
"Okay, I love you both."
"Love you, Mom."
"Take care, okay?" Dad said. I just wave my hand bago nila pinatay ang video call.
A few minutes later we arrived at the venue. Sa may parking ay marami ng mamahalin na sasakyan doon at ang iilan ay bumababa pa lamang. Kasalukuyan na ring pumapasok ang iba.
Binuksan ni Fred ang pintuan sa may side ko at nakita ko rin ang mabilis na pagbaba ni Khai. Umikot din siya sa amin.
"Thanks, Fred. You can come inside naman," sabi ko sa kanya.
"Yes po, Ma'am," he politely said at sinenyasan niya isa-isa ang mga kasamahan.
Khai pulled my hand at inikot niya ang kamay ko sa braso niya.
"You're my date tonight, Mom," wika niya ng nakangiti.
"And I love it," I said.
Sa may entrance ng venue ay may photographer agad ang nakaabang. May red carpet pa para sa mga guest. Sosyal na sosyal ang dating. Ang bilis nilang ayusin ang gymnasium ng hindi sila napi-pressure at nakukulangan sa oras.
May iilan na photographer ang nakakilala sa akin kaya kami agad ang nilapitan at kinunan ng litrato. They even said na ipa-publish daw ito ng school at makikita ang lahat ng pictures ng parents, even the students. Maganda ang event kaya halos wala na akong masabi pa.
"Ryx!" Boses iyon ni Zules at nilingon ko ang direksyon niya, he's with Zue. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa amin at pormal na pormal din ang ayos niya.
White longsleeve ang panloob na walang necktie at pinatungan niya rin ng black coat. Habang si Zue naman ay blue three fourths ang suot with necktie and a dark pants.
Hindi ko nakita ang coach nila kaya baka nasa table na ang mga ito nakaupo. Maaga yata sila nagpunta rito, ah.
"Hi, Ate J! Ang ganda po niyo ngayon!" pambobola sa akin ni Zules na ikinatawa ko. He's so hyper.
"Thank you, honey, and ang guwapo mo rin naman ngayon," ganting pambobola ko sa kanya pero wala naman talaga iyong halong pambobola kasi totoo naman na guwapo siya.
"Ngayon lang po ba?" namumula ang pisngi na tanong pa niya sa akin. Nagawa siyang batukan ng kanyang pinsan.
"Ganyan din naman ang sinabi mo sa kanya, 'no," sabi ni Zue at ako naman ang binalingan niya. "Good evening po, Ate J," he greeted me.
"Good evening din."
"Doon na po kayo sa table namin, Ate J. Kami lang nina Kuya Ryle at Kuya Ryx doon. Okay lang po ba sa inyo na maki-share sa puwesto namin?" Zules aksed me. Nag-aalangan pa nga siyang magtanong.
Kabado na naman ako dahil makikita ko na naman si Rykiel. Pero bakit ko nga ba siya iiwasan pa? Wala naman akong gagawin na ano, 'di ba? Saka wala na sa akin ang lahat ng iyon. Past is past, it's better to let that things go. No hard feelings.
Iginiya kami ng dalawa sa table nila at ang akala ko ay dalawa lang ang nandoon. Na sina Rykiel lang at Coach Ryle pero may babaeng nakaupo rin pala sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit sumama na naman ang timpla ng mukha ko but however I tried to act na wala lang sa akin ang nakikita ko. Ngumiti pa ako na tila nasisiyahan ako na makita ang fiancé niya rito.
"Kasama pala namin si Ate Chrysler, Ate J." I smiled at Zules.
"That's fine, Zules and I know your cousin's fiancée." Kumunot ang kanyang noo, may sasabihin pa sana pero agad na nagsalita si Chrysler.
"Ms. Jessel! We're meet again," masayang sabi pa niya at tumayo pa para lang salubungin ako.
Nakipagbeso-beso siya sa akin at saglit na yumakap. Parang close na close na kaming tingnan. Mukha kaming magkaibigan.
"Yeah. Nice to see you here, Ms. Chrysler," I said.
She's wearing her orange tube long gown. Her hair na maayos lang ang nakalaylay sa balikat at likuran niya. Because of the color ay nadepina na naman ang maputi niyang balat. She loves light color, eh. Bumagay naman sa kanya. She's beautiful.
Bumalik naman siya sa kinauupuan niya, sa tabi ng kanyang fiancée. Natatakot na naman akong tingnan si Rykiel kasi hayan na naman ang mga titig niya na masyadong mabigat. I can feel that. But in the end ay tiningnan ko rin siya. Binati rin na parang normal ko naman ginagawa, kahit naman, 'no.
"Hi." I thought he look away na naman. Kasi ginawa niya iyon kanina sa swimming competition. Ngumiti pa ako sa kanya but he ignored me naman.
"Glad you're here," sabi niya. Parang ang layo ng sinabi ko sa pagbati niya sa akin.
My son guided me to sit down. There's a two vacant chair pero bakit sa katapat pang upuan ni Rykiel ako pupuwesto? Magpoprotesta sana ako pero nakaupo na pala sa tabi ko si Khai kaya no choice na rin ako kundi ang umupo. Ang bilis naman niya kasi.
"Eryx invited me here to be his date, kadarating ko lang din kasi sa Manila. But next week ay babalik naman kami sa Cebu para sa engagement party namin. I hope na makakapunta ka, Ms. Jessel. I will give you an invitation card," tuloy-tuloy na kuwento niya. Naramdaman ko na natigilan pa ang anak ko.
Wala namang nagtanong sa kanya pero nagkuwento siya agad sa amin. She looks happy pa. Siguro nga they love each other.
"I'll think about it if I'm not busy," sabi ko at nandito na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko. Marahan na tinapik-tapik ko para lang bawiin iyon dahil sinundan iyon ng tingin ni Rykiel.
Hindi rin naman iyon nagtagal dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin at umigting ang panga. Bakit parang nagagalit na naman siya?
"Kukuha ako ng drinks. Ano'ng gusto mo, Ms. Jessel?" nakangiting tanong sa akin ni Coach Ryle. Wala naman sigurong masama kung tatawagin ko siya sa first name niya? Ryle.
"I will sama na lang sa 'yo," sabi ko at tumayo. Tumango siya at pumapalakpak pa. "How about you, baby?" I asked my son na nakadungo lang sa table. May narinig pa akong pagsinghap na hindi ko na binigyan pa ng pansin.
"Just a lemon juice, Mom," he replied. I patted his head. Ryle pulled my arms para alalayan ako sana nang magsalita ang kapatid niya.
"Kuya, you're off limits. Remember that at hindi magandang tingnan kung may kasama kang ibang babae maliban sa asawa mo," walang emosyon na sabi nito. My heart skips a beat. Ano'ng ibig niyang sabihin?
Napatingin ako kay Ryle. Halos same ang outfit nila ni Rykiel pero maroon ang necktie nito at siya naman ay dark blue.
Wait...bakit parang we have a same color din with Khai? Parang pinag-isipan namin ng mabuti, ah.
"Eryx, my wife won't bother this thing. She's not like other girls, perhaps a wife na pagseselosan agad ang makakausap ng mga asawa nila," sabi ng nakatatandang kapatid niya at may multong ngiti pa na malapit na rin na maging ngisi iyon.
"You're not aware too na baka may boyfriend na rin ang hawak mo ngayon, don't you?" Dahil sa sinabi na naman ni Rykiel ay umatras palayo sa akin si Ryle at naitaas niya ang magkabilang kamay niya.
"What was that, Eryx? Bakit pakiramdam ko ay pinag-iinitan mo ako, ha?" naguguluhan na tanong nito sa kanya.
He didn't answer, bagkus tumayo siya at nag-volunteer na siya na lamang daw ang kukuha ng drinks namin.
Napatulala pa ako sa inakto niya. Wala sa sariling bumalik na lang ako sa upuan ko.
"He's like that. I'm sorry kung nakita mo ang snob side ng fiancé ko, Ms. Jessel," nahihiyang sabi sa akin ni Cyrus.
"Nah, it's nothing," umiiling na sabi ko sa kanya at sinabayan pa nang pag-iling.
Hindi mo lang alam, Chrysler. Sanay na sanay na ako sa attitude ng fiancée mo. Simula pa noong teenager ito.
Iyong feeling mo ay walang pakialam sa mundo at maski sa paligid niya. Kaya noong sinamahan niya ako na pumunta sa talon ay hindi ko siya tinigilan sa pangulit-ngulit na pagsalitaan siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top