CHAPTER 10
Chapter 10: Sugar Mommy
AND wait a minute. Hindi ba dapat ay nasa Cebu pa siya? Ano'ng ginagawa niya rito? Nauna kaya siyang bumiyahe kaysa sa akin? Pero imposible naman yata.
Dumating ang order namin ni Khai at maingat na inilapag ito sa table namin. Kaya nawala rin ang atensyon ko kay Rykiel. Nakakakaba ang presensiya niya. Mas iba talaga ngayon, mukhang malaki na nga talaga ang pinagbago niya.
"Mom, you okay?" muling tanong sa akin ng anak ko. Nasa boses niya ang pag-aalala pero may lambing din. Kaya hindi ko naman sinasadyang mapatingin ako sa side ni Rykiel.
Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, kakaiba ang paraan ng mga titig niya. May laman pero ang hirap din itong pangalanan. Hindi talaga siya nahihiya sa akin na nahuhuli ko mismo ang pagtitig niya sa akin. Ni ang bawiin ay hindi niya talaga iyon ginawa.
Gumalaw ang ulo ni Khai, nahalata niya siguro na nasa ibang direksyon ang atensyon ko kaya bago pa siya lumingon sa likuran niya, kung saan...abot kamay lang niya ang Daddy niya ay mabilis na hinawakan ko ang pisngi niya.
Nagulat siya sa aking ginawa pero matamis na ngumiti lang ako sa kanya. Kahit sobra na akong kinakabahan. Para akong criminal na nagtatago mula sa mga pulis, sa takot na mahuli.
"Let's eat, baby, and I'm fine. Don't look behind you, okay? Stay still," I said sweetly to him. He just nodded his head and I handed him his drink.
"But why are you looking behind my back, Mom and why I can't look?" he asked me, curiously.
I can still feel his eyes staring at me. Oh, goodness. Can't he stop doing that?! Ano ba ang problema niya sa akin?
"Khai, what if sasabihin ko sa 'yo na...hindi pa handa si Mommy na ipakilala ka sa Daddy mo?" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya nakikitaan ng pagkabigla, sa halip naging malamlam ang mga mata niyang tiningnan ako.
Hindi niya binitawan ang kamay ko at nararamdaman ko ang pagpisil niya rito.
"Mom, I'm not forcing you to do that. I can still wait, and I don't think so if that's a good idea knowing him...may fiancé na pala. It will turn out that we're going to make a trouble in their relationship, and Mom...magpapakilala lang po ako bilang anak niya. Hindi ko po hinihiling na magkaroon ng kompletong pamilya kasama si D-Dad... Hindi ko rin po hinihiling sa kanya na maging buo tayo. Ang sa akin lang po...kahit may iba na siyang pamilya... Having him as my father, Mom, that would be fine, iyong may tatayo lang pong tatay ko..." mahabang sabi niya na ikinalambot lang ng aking puso.
"But seeing you like this... Makakaya ko rin po na huwag nang kilalanin pa siya. Mas importante ka sa akin, Mommy... Mas importante sa akin ang opinyon mo, ang mararamdaman mo kapag kaharap na natin siya." He's being like this... Understanding..
I can't help myself but to kiss his forehead, lovingly. Kasabay na umalingawngaw sa buong café ang tunog na para bang may nabasag na isang bagay. Pinagkaguluhan agad ng mga taong nasa paligid nito.
"Are you alright, Sir Rykiel?" I heard someone asking him. Wala sana akong balak na lingunin pa siya dahil mukhang sa side niya nagmumula ang ingay na iyon at baka rin...
Pero nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatingin na sa kanya. Salubong ang kanyang kilay at nagtatagis pa ang bagang nito. Nabasa ang ilang parte ng itim na slacks niya na nagkukumahog ang mga bodyguard niya sa pagpunas no'n at natataranta pa sa hindi malaman na kung paano nila ito patutuyuin.
Nagtama ang mga mata namin pero nabigla ako nang inirapan niya ako. Ano ba talaga ang problema ng isang ito? Kahit naguguluhan pa rin ako sa pangyayari ay pinili ko na lamang ang kumain at nakipag-usap na lamang ako sa anak ko. Hindi niya sinubukan na tingnan ang pag-iingay kanina.
After our miryenda, I decided na ihatid siya sa school nila since gamit nga namin ang kotse ko. Pero bago pa man kami makalabas sa café ay nakita ko ang pagmamadaling pagpasok ng bodyguards namin ni Khai.
Natawa ako at tanging pag-iling na lang din ang ginawa ng aking anak. Nagulat ang customer dahil sa sudden nilang pagdating at agad kami nitong pinalibutan.
"I'm sorry, Fred. Hindi na mauulit," sincere na paghingi ko ng sorry kay Fred at sa mga ka-team niya. Ang pagtango lang ang tinugon nila. Na-guilty tuloy ako pero nag-enjoy talaga ako sa paglabas namin ni Khai na walang sumusunod na bodyguard.
Nalaman nila agad kung nasaan kami dahil hindi ko iniiwan ang phone ko. May tracking device iyon ang naka-install sa cellphone ko.
Pagdating namin sa school ay inayos ko pa ang necktie ni Khai at pinagpagan ang uniform niyang nagusot, kaunti lang naman iyon.
"There," ani ko. Bago ako nagpaalam na aalis na rin kami ay humalik pa siya sa pisngi ko. Anh sweet niya talagang bata.
"Take care of my Mom, please," malambing na sabi pa niya. I chuckled and pinched his nose.
"Pasok na, baby," I told him. He wave his hand at sumunod na agad sa kanya ang mga bodyguard niya.
Nakangiting pinagmamasdan ko lamang ang likuran niyang naglalakad palayo sa akin.
"That kid," I uttered at sumenyas na ako sa mga kasama kong uuwi na kami.
Hindi na ako nagmaneho ng sasakyan ko. Dalawa sila ang kasama ko at nakasunod ang sasakyan ng dalawa sa likuran namin.
"Don't do that again, anak. Fred called me na umalis kayo ng hindi sila kasama," sabi ni Dad mula sa kabilang linya. Pinapangaralan niya ako pero may lambing pa rin sa boses. "Isinama mo pa talaga ang anak mo, Jessel," he added.
Sinita ako ni Dad nang marinig ang tawa ko. "We're fine, Dad. Sa That Girl's Café lang naman po kami kumain ng miryenda ni Khai at safe naman po kami roon saka po malapit lang din iyon sa place namin," sabi ko.
"But please, wherever you go with my grandson, sabihin mo muna sa mga bodyguard niyo para hindi sila mag-alala sa inyong mag-ina, and I want your safety, the both of you."
"I'm so sorry, Dad. Hindi na po talaga mauulit." Natapos ang usapan namin ni Dad at 'saktong nakarating na kami sa condo.
THE next day ay pareho kami ni Khai na naghanda para sa swimming competition nila mamaya. Nalungkot ang parents ko dahil hindi sila makakapanood, may dadaluhin kasi silang charity event pero ipinakita pa rin nila sa anak ko ang suporta nila at alam kong may next time pa naman ang competition ni Khai.
By team ang labanan nila sa competition. Same school naman sila, same grades but a different sections. It depends kung magiging atlete ka na at puwede silang isabak sa other school. Nasa Blue Team nakasali si Khai kaya magsusuot din sana ako ng blue t-shirt para malaman din kung sino ang sinusuportahan kong athlete.
"Mom, you can wear this." Napatingin ako sa hawak niyang blue shirt. White naman ang sleeves nito.
"Para sa akin ba, baby?" I asked him, he nodded his head at kinuha ko naman iyon mula sa kamay niya. Tiningnan ko kung may nakasulat ba rito, bukod sa pangalan ng section nila ay may nakalagay rin na Diamente mula sa likod nito. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang nickname ko sa bandang braso. Mommy J.
"I love it, son. Sinadya mong ipagawa just for me?" malambing na tanong ko sa kanya.
"Yes po, Mom, and here, I have my nickname too. It's Khai." Diamente rin ang suot niyang plain t-shirt pero may jersey din siyang susuotin kaya hindi iyon makikita.
I tucked my shirt on my white pants, pinarisan ko rin ng puting sneakers na katulad din iyong sa kanya. Ako ang bumili nito. In-order ko through online at nakuha ko agad this morning.
"Feeling ko, ako ang sasali sa swimming competition niyo, Khai," ani ko. Parang kami lang noong nag-aaral pa kami. Ako iyong excited.
Hay, na-miss ko iyong dating estudyante pa lamang ako.
PAGDATING namin sa school ay maraming estudyante ang nakasuot ng blue shirt, may black, yellow, red and orange.
"The other is different section, since kaunti lang din po ang kasali ay combine na rin sila," my son explained. "Mas marami po kami kaya isang section din po kami, Mom," he added.
Blue shirt, jersey shorts and his varsity jacket ang suot niya at may nakasukbit pang itim na backpack sa likuran niya. Inayos ko kanina ang mga gamit niya sa loob, lalo na iyong pampalit niya. School uniform lang naman iyon. May after party raw sila mamaya at invited ang parents.
Ako na rin ang nagluto para sa lunch and snacks namin mamaya. Iyong mga bodyguard ay alam kong pinaghandaan na sila ni Mommy ng lunch pack nila. Ide-deliver iyon sa lunch time.
Naglakad kami papunta sa gymnasium. Sobrang laki nito dahil combination din ang basketball court, at iba pang sports na ginagamit ng mga estudyante. Private school ito at may elementary, high school and even college pero hinati pa rin siya. Malaki ang ground nila para kahit papaano ay hindi magmi-mix ang mga level ng estudyante.
Pinasadahan ko ng tingin ang kapaligiran. May nakikita rin akong mga magulang nila na naghahanda rin para sa araw na ito.
"Sa dami po ng parents dito... Kayo po yata ang mas bata." Napangisi ako sa sinabi ng anak ko.
Bago magsisimula ang labanan ay binigyan pa sila ng oras para mag-practice kaya umagang-umaga pa lang ay basang-basa na ng tubig ang anak ko. Mabuti na lamang ay nasanay na siya sa lamig at hindi siya gaano sinisipon. Sinisigurado ko rin kasi na makaiinom siya ng gamot at kahit vitamins niya.
"You can do this, right?" I said and he nodded his head.
"I will give you the medal, Mom," he said with confident. "But... it's okay po kung hindi ako manalo. Dahil alam po natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay binibigyan tayo ng tadhana," sabi niya at namangha ako. Kakaiba ang mindset niya and I like that.
Isa lang kasi ang sign nito, na napalaki ko talaga siya ng maayos. Mabait, mapagkumbaba, maalaga at nagiging kontento sa lahat ng bagay.
"Drink a lot of water, baby," I told him.
Iginiya niya ako palapit sa coach nila na may kinakausap pa yatang dalawang estudyante na baka ka-team ni Khai.
"Coach," Khai call the guy at nakuha niya agad ang atensyon nito. Napangiti pa nang makita siya at lumipat din ang paningin niya sa akin.
"Can I have a permission to have a one chair beside me, coach? I want that for her," he politely asked his coach. "Our bodyguard will stay there," sabi niya at itinuro pa niya ang nakatayong mga bodyguard na aakalain mo ay hindi gumagalaw dahil sa tindig nila.
"It's okay, Ryx," nakangiting sabi naman nito na sinabayan pa nang pagtango. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag niya sa aking anak kahit na ibang tao ang naiisip ko everytime I heard that nickname. I shook my head at ngumiti ako sa coach ni Khai.
Mas bata ito compared sa mga coach na nakita ko sa ibang team. Kasing edad ko lang yata siya o baka...mas bata pa kaysa sa akin.
"Mom, this is our coach," pagpapakilala ni Khai sa coach nila na hindi nawala ang pagtitig sa akin at palipat-lipat din iyon sa amin ni Khai. Nakita ko ang ring sa finger niya. He's already married.
"You love to jokes, Ryx. Why do you call your sister like that?" may halong pagbibiro sa kanyang tanong. Sa halip na ma-offend si Khai ay nahihiyang ngumiti na lamang siya.
"Hi, I'm Jessel. Thank you for taking care of my Alkhairo," I told him at umawang pa ang labi niya dahil siguro sa kanyang narinig.
"Just call me, Ryle. Hindi naman yata naglalayo ang edad natin and about Ryx..." sabi niya at sinulyapan ang anak ko. "He's good," sabi niya lang na ikinatango ko.
Coach Ryle, parang may kamukha rin siya. Familiar sa akin. Hindi ko lang ma-pinpoint. Nanatili sa tabi niya ang dalawa pang estudyante at ngayon ko lang na nakita ang mga mukha nila.
Malaki ang similarity ng isa sa coach nina Khai. Guwapo rin ito, maputi ang kutis.
"Napaaga po yata ang pagpunta ni Kuya, Coach Ryle," sabi ng isa.
Hindi ko alam kung bakit ay bigla akong kinabahan habang tinitingnan ko ang tatlong halos magkakamukha na sila.
Wala sa sariling napatingin din ako kay Khai at tumagal iyon kaya naramdaman niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.
"Are you alright, Mom?" he asked me at kasunod no'n ay ang paghinto ng isang lalaki sa tabi ko. Nabigla pa ako na halos ikaatras ko.
Pero wala ng mag ikagugulat ko sa kanyang tanong.
"Iyong mga tipo mo ba ay mga bata na katulad niya?" he asked me, there's no emotion written all over handsome face. Why did he asked me that?
At ano ang ibig niyang sabihin? Na parang...nagiging sugar mommy ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top