Special Chapter
Ilang buwan na simula noong naipanganak ko si Aylah at sobra-sobra ang saya ko nang makita ko paano alagaan ng mag-ama ko ang prinsesa namin.
"Daddy, Aylah is crying!" Dinig kong sigaw ni Tristen.
"Kinurot mo siguro kaya umiyak." Pagbibiro ni Kreios kay Tristen.
"I didn't even touch her, dad, so how can I kurot her?" Pagtatanggol naman ni Tristen sa sarili. Natawa na lang ako sa pagiging conyo niya.
"Asus, ikaw kuya ah, hindi ka na namin bati ni Aylah." Napailing na lang ako kay Kreios dahil nagsisimula na naman siyang asarin si Tristen.
Narinig ko naman ang mabibigat na yabag ni Tristen palapit sa akin. At ilang saglit din ay naramdaman ko ang yakap nito sa bewang ko.
"Mommy, sabi ni daddy kinurot ko raw si Aylah kahit hindi naman." Umiiyak na sumbong nito kaya naman mabilis akong umupo para magpantay kaming dalawa.
Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at saka pinunasan ang luha niya.
"Hush now, he's just teasing you, okay? Tahan na, papaluin natin si daddy mamaya." Pagpapatahan ko sa kaniya.
Pina-upo ko muna siya at saka ipinapatuloy na ang pagluluto ko. At nang matapos ay tinawag ko na si Kreios at saka kinuha na si Aylah sa kaniya para i-breast feed.
"Mag-sorry ka sa anak mo." ani ko.
"Bakit? Anong ginawa ko?" Agad ko namang pinalo ang braso niya.
"Huwag ka nang magmaang-maangan, alam natin pareho na may kasalanan ka sa anak mo kaya mag-sorry ka sa kaniya." Utos ko.
"Oo na, ito na nga eh." anito at saka nagtungo na ng kusina kung nasaan si Tristen.
Habang nagdi-dede si Aylah ay hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya. Kuhang-kuha talaga niya 'yong mata ko pero 'yong ilong ay namana niya kay Kreios. Mabuti pa siya may namana sa akin kahit na 'yong mata lang hindi tulad ni Tristen, namana niya lahat kay Kreios.
Nang matapos mag-dede si Aylah ay ibinaba ko muna siya sa crib niya at hinayaan siyang maglaro roon.
"Pinapapunta pala tayo nila mommy sa bahay bukas." Mayamayang sabi ni Kreios nang makaupo ako sa pwesto ko.
"Anong oras?"
"Walang sinabi eh, basta umaga raw dapat nandoon na tayo." Sagot niya, tumango-tango na lang ako at saka nagsimula nang kumain.
Matapos kaming kumain ay si Kreios na ang nag prisintang maghuhugas kaya naman pinuntahan na namin ni Tristen si Aylah sa crib niya.
"Bati na kayo ni daddy?" Tanong ko kay Tristen.
"Yes po," Sagot naman niya.
Habang nilalaro namin ni Tristen si Aylah ay may biglang tumawag sa cellphone ni Kreios kaya naman pinakuha ko 'yon kay Tristen at saka sinagot.
"Krei, hinahanap ka sa hospital." Sabi ko kay Kreios nang makita ko siyang palabas ng kusina.
"Bakit daw?" Tanong nito.
Nagkibit-balikat naman ako.
"Ewan ko, walang sinabi eh."
Tumango na lang siya at saka nagtungo na sa kwarto para makapagpalit ng damit.
"Mabilis lang ako, bye." anito at saka binigyan kaming tatlo ng halik.
"Aylah, say ba-bye to daddy." ani Tristen at hinawakan ang kamay ng kapatid at saka ikinaway ito.
Napangiti naman si Kreios sa ginawa ni Tristen.
Pagkaalis ni Kreios ay pinabantay ko muna kay Tristen si Aylah dahil maliligo muna ako. Kaliligo ko lang kaninang umaga pero dahil nagbi-breast feed ako ay tatlong beses sa isang araw ako kung maligo.
Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil baka mamaya umiyak na naman si Aylah.
"Behave ba ang Aylah sa kuya?" Tanong ko nang makababa ako.
"Yes mommy, hindi po siya umiiyak." Masayang wika ni Tristen.
Kagaya nga nang sabi ni Kreios ay mabilis siyang nakauwi ng bahay at may dala pa itong pasalubong na donut.
"Daddy!" Mabilis na tumakbo si Tristen kay Kreios at nagpakarga.
"Bakit ka raw pinatawag?" Tanong ko.
"Nagkaproblema raw sa isang pasyente ko pero noong pagkarating ko sa hospital ay napakalma na nila."
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal namin at nang matapos ay kinuha ko ulit si Aylah kay Kreios para i-breast feed.
At nang matapos ay inilapag ko siya sa crib niya at saka nagsimula na ring kumain.
Matapos kaming kumain ay si Kreios ulit ang naghugas ng pinagkainan namin.
Pinaligo ko na si Tristen since kaya naman niya nang paliguan ang sarili niya. Pinaliguan ko na rin si Aylah at nang matapos ay binihisan na ito.
"Ako na riyan, maligo ka na roon." ani Kreios at saka kinuha ang diaper sa kamay ko.
Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya, agad na akong pumasok sa banyo at nagsimula nang maligo.
Ilang minuto lang ay natapos na rin akong maligo kaya naman agad na akong magbihis. Nang matapos ay kinuha ko na si Aylah kay Kreios at pinaligo na siya.
"Ang pogi naman ng kuya Tristen na 'yan, pa-kiss nga ang mommy." Sabi ko nang makita siyang palabas ng kuwarto niya.
Mabilis naman siyang tumakbo palapit sa amin ni Aylah para halikan.
"Ang ganda niyo ni Aylah, mommy." anito, napangiti naman ako at saka ginulo ang buhok niya.
"Mom, not my hair. Kaaayos ko lang po nito eh," reklamo niya.
"Oh, sorry. Hindi ko alam." Paumanhin ko.
~~~
"Ang gaganda at ang popogi niyo naman." ani mama nang makita kaming pababa ng sasakyan.
"Mamita!" Agad namang tumakbo si Tristen palapit kay mama at mahigpit itong niyakap.
"Where's dad, ma?" Tanong ni Kreios matapos halikan ang ina.
"May pinuntahan lang saglit pero nandito na 'yon mayamaya." Sagot nito.
"Pasok na tayo sa loob, mainit dito sa labas at baka mainitan na naman itong si Aylah at umiyak na naman." Sabi ni mama.
Totoong napaka arte ni Aylah, ayaw niya nang naiinitan siya.
Hanggang hapon kami sa bahay nila mama at masasabi kong sobrang saya ng mag-asawa habang nilalaro nila si Aylah.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang tuwang-tuwang sa dalawang anak namin ni Kreios.
Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang braso ni Kreios sa baywang ko.
"Malaki na si Aylah, p'wedeng nang sundan." Agad ko naman siyang siniko.
"Sampal, gusto mo? Mabuti sana kung madali lang manganak kaso hindi." ani ko.
"Nagbibiro lang naman ako eh, okay na sa akin sina Tristen at Aylah. Pero kung p'wedeng pang madagdagan, edi mas okay 'yon." Inis ko namang inapakan ang paa niya kaya napahiwalay siya sa akin.
"Aray!" Daing niya.
"Ikaw ang mag buntis kung gusto mo nang kasunod ni Aylah." Pagsusungit ko.
Natawa naman siya at saka muli akong niyakap.
"Joke lang ulit. I love you, Misis ko." anito at saka hinalikan ako sa noo.
"Pasalamat ka mahal kita, I love you too." Sabi ko at saka hinalikan siya sa labi.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang naging asawa ko itong taong 'to.
Sobrang pasasalamat ko talaga sa Kaniya dahil mayroon akong Kreios, Tristen, at Aylah na mahal na mahal ko at mahal na mahal ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top