Prologue
Kung sakaling ikaw ay lalayo~ Dalhin mo na rin pati ang puso ko~
"P*tragess! Ang aga-aga nambubulabog!"
Inis akong bumangon at saka niligpit ang pinaghigaan ko bago pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na agad ako ng school uniform bago lumabas ng kuwarto at tumungo na sa kusina.
"Good morning, mudra!" Masiglang bati ko kay mama na naghahanda ng almusal namin.
"Good morning clay-clay ko. Halika na rito at para makapag-almusal ka na."
Naupo na ako sa upuan ko at nagsimula nang kumain.
"Ayu, bilisan mo at malelate na tayo!" Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ni mama nang marinig ko ang sigaw ng pinsan kong si Elle.
"Oh, nariyan na si Cristelle sa labas, teka at tatawagin ko," tumayo naman si mama at nagtungo sa labas.
"Maupo ka muna r'yan Elle, ha?" Ngumiti naman siya at tumango.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil ayaw niyan ang pinaghihintay siya.
"Tara na. Ma, alis na po kami." Paalam ko kay mama.
"Sige, mag-ingat kayo."
Naglakad na kami palabas ni Elle.
"Ang aga namang videoke 'yan. Hulaan ko, 'yan nagsilbing alarm clock mo 'no?" Tanong niya saka tumawa.
"Nakaka-b*wisit nga eh, panira ng panaginip." Sagot ko na ikinalakas ng tawa niya.
"Si Kreios na naman 'yan, 'no?" Tanong niya. Ngumiti lang ako.
"Kailan mo ba titigilan 'yan? Eh, alam naman natin pareho na si Nixie ang gusto niya,"
"Hayaan mo na kasi ako, bakit kasi hindi mo na lang ako suportahan?" Tanong ko.
"Paano kita susuportahan kung alam kong nasasaktan ka na?" Napatahimik naman ako sa sinabi niya.
"A-Ano ka ba, Elle! As long as hindi mo 'ko nakikitang umiiyak, hindi ako nasasaktan." Utal na wika ko.
"So? Hihintayin ko pang makita kang umiiyak para malaman kong nasasaktan ka na?"
"H-Hindi naman sa gano'n," nakatungong sagot ko.
"Ayu, bilang bestfriend at pinsan mo... ayaw na ayaw kitang nasasaktan, kasi kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako." Sambit nya.
"Sorry, pero masisisi mo ba ako? Hulog na hulog na 'ko kay Kreios eh,"
Bumuntong-hininga naman siya.
"Sige, pagbibigyan kita. Pero, once na makita kitang umiiyak dahil sa kaniya hindi ako magdadalawang-isip na sugurin siya."
Natawa naman ako.
"Seryoso ako, Ayumi, ha." Mataray na sabi niya.
"Thank you, Elle. Kaya love na love kita eh." Tawa ko, umirap naman siya.
Agad na kaming sumakay sa tricycle nang makarating kami sa sakayan. Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa school kaya naman agad na kaming nagbayad at agad na ring bumaba ng tricycle.
Papasok na kami ng room nang masalubong namin si Czavea.
"Oh? Nandito na pala 'yong magpinsang chaka." Maarteng usal niya.
Natawa naman ako.
"Chaka? Sinasabihan mo ba 'yang sarili mo?" Banat ko.
"How dare you?" Akmang susugod siya sa akin nang may magsalita sa likuran niya.
"What's happening here?" Malamig na tanong niya.
Tumakbo naman si Czavea papunta kay Kreios. Lihim naman akong napa-irap.
"Krei, inaaway nila ako." Nakangusong sumbong niya.
Nguso-nguso pang nalalaman, mukhang pato naman. Tss.
"Ikaw nga 'tong bigla-biglang sumusulpot, eh." Sabat ni Elle.
"Tara na, Elle. 'Wag natin pag-aksayahan ng oras 'yang babeng 'yan." Sabi ko saka hinila na si Elle.
"Ang epal talaga ng pangit na 'yon." Asar na sabi ko.
Tumawa naman siya.
"Ang tapang pero noong dumating si Kreios tiklop naman." Pang-aasar niya saka malakas na tumawa.
"Aba, syempre dapat mabait ako sa paningin niya, 'no!" Napa-iling naman siya sa isinagot ko.
"Alam mo, nagtataka pa rin ako kung bakit Ayumi ang ipinangalan sa 'yo ni tita,"
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Kabaligtaran kasi ng ugali mo 'yang pangalan mo."
"Ano naman? At least maganda pangalan ko, like me." Sabi ko saka tumawa.
"Ewan ko sa 'yo." Umirap naman siya kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.
"Yo! Magandang umaga dalawang magandang dilag." Masayang bati sa 'min ni Kenzo.
"Anong maganda sa umaga, aber?" Tanong ko.
"Ikaw syempre," sagot niya saka kumindat.
"Tumigil-tigil ka nga Kenzo! Umagang-umaga ha." Usal ko saka inirapan siya.
"Pakipot ka pa naman, Yumi babes."
Sinamaan ko siya ng tingin saka paulit-ulit siyang pinaghahampas.
"A-Aray! T-Tama na, Yumi... Sorry na, joke lang naman 'yon eh. Ouch!" Daing niya.
"B*wisit ka kasi! Ang pangit na nga ng umaga ko mas lalo mo pang papapangitin!" Singhal ko.
"Peace na tayo hehe." Inirapan ko na lang ulit siya saka lumakad na papunta sa upuan ko.
Tumatawa habang umiiling naman si Elle no'ng tinignan ko siya.
Hanggang sa pumasok na si ma'am at kasunod noon ay si Kreios.
"Tara na, recess na tayo." Aya ni Kenzo at nauna ng umalis.
"Mukha talagang pagkain 'yan." Umiiling na sabi ni Elle.
"Sinabi mo pa." Sang-ayon ko saka sumunod na kay Kenzo
"Ang tagal niyo naman. Kanina pa ako nagugutom eh." Reklamo niya.
"Eh, t*nga ka pala eh. Kanina ka pa pala gutom tapos hindi ka pa bumili ng pagkain mo!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Hoy Elle, anong ginawa mo rito sa pinsan mo at ang init-init ng ulo?" Nakangusong tanong niya kay Elle.
"Nakasalubong kasi namin kanina si Czavea kaya ayan, badtrip."
"Mag-order na nga tayo." Sabi ko at naunang pumunta sa counter para mag order.
Nang matapos kaming um-order, naghanap na kami ng mauupuan namin.
"Dito na tayo," naunang umupo si Kenzo kaya umupo na rin kami.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang may marinig kaming ingay. Nahinto ako sa pagsubo nang mahagip ng mata ko si Kreios, kasama niya mga kaibigan niya habang nagtatawanan. Sh*t! My hart!
"Isara mo bibig mo baka may pumasok na langaw."
Inalis ko ang tingin ko kina Kreios at tinignan si Kenzo nang masama.
"Pa-epal ka talaga, 'no?" Inirapan ko na lang siya at ibinalik ang tingin kina Kreios na naka-upo na ngayon.
"Ikaw na lang nahuli, Ayumi. Hindi mo ikakabusog ang pagtitig sa kaniya kaya tigilan mo na ang pagtitig sa kaniya at kumain ka na."
"Alam niyo kayong dalawa, malapit ko na kayong pagbuhulin. Panira kayo eh." Inis na sabi ko sa dalawa.
Wala na akong nagawa kundi ang ituloy na lang ang pagkain ko. Nang matapos kaming—ako lang pala kasi kanina pa sila tapos.
"Garden ulit tayo. Ken, hiramin mo ulit 'yong gitara." Sabi ni Elle kay Kenzo.
"Sige, teka lang. Mauna na kayo sa garden." Tumango na lang kami saka lumakad na papuntang garden.
Simula no'ng grade 7 kami, sa garden na talaga ang naging tambayan naming tatlo. Kasali rin kami sa music club. Si Keanu (isa sa kaibigan ni Kreios) ang President at si Kenzo naman ang Vice president. Maganda ang boses n'yang si Kenzo hindi mo nga lang mahahalata kasi loko-loko.
Nang makarating kami sa garden ay sakto rin namang dumating si Kenzo.
"Ano kakantahin mo?" Tanong niya sa 'kin.
"22 ni Taylor Swift." Sagot ko napatigil siya saglit bago mag-strum.
"It feels like a perfect night..."
Pagkanta ko sa unang verse.
"Yeah, we're happy, free, confused and lonely at the same time..."
Isa ang 22 sa paborito kong kanta ni Inang Taylor kaya mas ginanahan ako.
"I don't know about you... But I'm feeling 22. Everything will be alright if. You keep me next to you~"
Nang matapos akong kumanta nagka-yayaan na kaming bumalik sa room dahil malapit nang mag-time. Nauna ulit kami ni Elle dahil isasauli pa muna ni Kenzo 'yong hiniram niyang gitara sa music room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top