Epilogue
"Congratulations, Dr. Del Fuego!" Bati sa akin ng mga kaibigan ko.
"Inom na!" Sabay naming binatukan si Zoren dahil sa kalokohan niya. "Nagbibiro lang naman ako eh, bakit kayo nambabatok?" Reklamo niya habang nakahawak sa ulo niya.
Dumiretso na kami sa bahay dahil nagluto si mama.
"I'm glad that you came. Kumusta kayo? Balita ko mga Architect at Engineer na kayo ah," sabi sa kanila ni mama pagkatapos makipag-beso-beso sa kanila.
"Tara na sa kusina at baka lumamig na 'yong mga pagkain." Sumunod kaming apat kay mama papuntang kusina.
Pagkatapos naming kumain ay ipinaalam ako nina Zoren kina mama.
"Hayaan mo na sila, mahal, malalaki na sila, kaya na nila mga sarili nila." Sabi ni papa kay mama dahil ayaw niya akong payagan.
"O'siya, sige payag na ako pero kapag may nangyari sa anak mo, Alfred, ikaw ang malalagot sa akin." Nanggigigil na sabi nito kay papa.
"Don't worry, tita, kami na ho ang bahala kay Kreios." Singit ni Keanu.
"Bye tita, bye tito." Hinila na nila ako pasakay sa sasakyan at nang makasakay na kami ay pinaandar na ni Zeion ang sasakyan at pumunta sa kung saan.
Huminto kami sa tapat ng isang restobar na pagmamay-ari ng pinsan ni Keanu.
"Maraming babae rito, Krei, mamili ka na lang." Napailing naman ako sa sinabi ni Keanu.
I don't want to look for others because I promised myself that Ayumi is the only woman I will love. Siya lang at wala nang iba.
"Order na tayo." Sabi ni Zeion at nauna nang pumunta sa counter.
Nang matapos mag-order si Zeion ay naghanap na kami ng ma-uupuan at nang makahanap kami ay saktong dumating 'yong alak na in-order namin.
Hanggang alas diyes kami ng gabi roon at pagpatak ng alas onse ay napagpasyahan na naming umuwi. Ako lang ang hindi lasing sa aming apat kaya naman ako na ang nagmaneho pauwi.
Iginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagta-trabaho dahil nga wala akong panahon kumilala ng ibang babae.
"Nagpapahinga ka pa ba? Grabe ka kung magtrabaho ha, walang kapaguran amp*ta." Tipid ko lang na tinignan si Zoren at saka ipinagpatuloy na ang pag-check ng mga tests na ginawa ko sa mga pasyente ko.
"Hello? May tao po rito oh," sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa pamemeste sa akin.
"If you're here to bother me, just leave." Seryosong sabi ko habang nasa papel ang tingin.
"T*ngina nito, siya na nga lang binibisita eh," ani pa nito.
"T*nga! Bwisita hindi bisita." Padabog naman siyang tumayo at naglakad na papunta sa pintuan.
"Napakasama mong kaibigan, hindi na sana bumalik pa rito si Ayumi para maging matandang binata ka." Sabi niya at tuluyan nang lumabas ng opisina ko.
Kung hindi siya babalik, edi susundan ko siya sa Japan. I don't care if I don't know where she is, pero handa kong libutin ang Japan, makita ko lang siya.
~~~
"Pupunta ka sa reunion natin?" Tanong ni Rayden nang makasalubong ko siya sa grocery store.
"Hindi ko pa alam eh,"
Hindi rin naman ako siguro kung pupunta ba roon si Ayumi o hindi eh.
"Huwag mo sasabihing hindi ka na naman makakapunta, hindi ka na nga nakapunta noong unang reunion eh. Pagbuhulin ko kayo ni Takahashi." ani nito.
"I'll try kapag medyo maluwag na ang schedule ko, kailan daw ba?" Tanong ko.
"Wala pang exact date eh, kasali ka ba sa gc?" Tumango naman ako. "Ayon, hintayin na lang natin 'yong sasabihin ni Donna." anito.
Nang magpaalam na siya ay pinapatuloy ko na ang pamimili ko. At matapos 'yon ay agad na akong nagbayad at saka umuwi na pagkatapos.
~~~
Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko nang malamang pupunta si Ayumi sa reunion. I can't wait to see her.
Ngayon ay araw ng linggo. Day off ko ngayon kaya naman nagsimba muna ako at matapos 'yon ay inihanda ko na ang damit na susuotin ko para mamaya.
"Krei! Walang kupas kapogian natin ah," natawa naman ako sa sinabi ni Jared.
"Finally, Kumpleto na tayo kaya simulan na ang Party!" Masiglang sabi ni Donna.
Nagpalaro muna sila bago magpakain. Marami silang larong inihanda pero ni isa ay wala akong sinalihan.
"Mag-isa ka lang Ayumi? Krei, samahan mo nga siya tutal pareho naman kayong walang kasama eh." Nabigla ako nang marinig ko ang pangalan ko at ang pangalan ni Ayumi.
"Tara, hatid kita sa tabi niya." Marahan akong hinila ni Jared palapit sa puwesto ni Ayumi.
At nang maitabi ako kay Ayumi ay pareho kaming hindi nagsasalita. Nasaan na ang tapang mo ngayon Kreios Eivan?
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Ahm, gusto mo ng dessert?" Lakas loob kong tanong sa kaniya, nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Uh, kukuha kasi ako baka gusto mo para makuhanan na rin kita." sagot ko sabay kamot sa batok.
"Ah s-sige," utal na sagot niya, tumango na lang ako at tumayo na para manguha ng panghimagas.
Matapos ang event ay nagsi-uwian na ang lahat.
"Krei, ikaw na ang bahala kay Ayumi ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Cristelle pero hindi ko pinahalata.
Nagreklamo naman si Ayumi dahil sa sinabi ng pinsan niya.
"Eh, may pupuntahan pa raw kami ni Kylo eh, 'di ba babe?" Tumango naman 'yong lalaking kasama niya. "See? Bye pinsan kong maganda! Kreios, ingatan mo 'yan." Kahit na nag-aalangan ay nagawa ko pa rin siyang tanguan.
Pagkakataon mo na ito Kreios, 'wag mo nang sayangin.
Nagkamustahan at nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa tinatawag kong comfort zone ko.
At 'yong gabing yon ay masasabi kong memorable dahil sa wakas ay nasabi ko na sa kaniya itong nararamdaman ko at may bonus pa dahil pumayag siyang ligawan ko siya.
"Ang ganda ng ngiti ah, may nagpapasaya na ba?" Biro ni Tyron, isa sa nurse rito sa hospital.
"None of your business, Tyron." Nakangiti pa ring sabi ko.
"Asus! In love na ang Doctor nating masungit!" Umiling na lang ako at pumasok na sa opisina ko.
Tuwing linggo kami nagkikita ni Ayumi dahil pareho kaming busy kapag weekdays.
Sa mga sumunod na araw ay nabigla yata ang katawan ko dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
"Doc, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ryan, tumango naman ako. "Parang hindi eh, umuwi ka kaya muna? Kami na ang bahala magpaalam." anito.
Kinahapunan noon ay pinauwi na ako pero imbis na umuwi ay dumiretso ako ng school para sunduin si Ayumi.
"Krei, are you okay?" Pangalawa na niyang tanong 'yan.
Napabuntong-hininga muna ako bago magsalita.
"Yeah, I'm okay." I lied.
Pagkarating namin sa bahay ay agad na sinalubong ni mama si Ayumi ng yakap. Napangiti na lang ako habang tinitignan sila.
Saglit pa kaming nagkwentuhan hanggang sa dumating na si dad at kumain na kami. Pabigat na nang pabigat ang nararamdaman ko pero hindi ko pinapahalata sa kanila. Ayoko silang mag-alala sa akin.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako kina mommy na aakyat na kami ni Ayumi.
Pagpasok ni Ayumi sa banyo ay humiga na ako sa kama at binalot na ang katawan ko ng kumot dahil nilalamig ako. Hindi ko na nagawang patayin ang aircon dahil sa panghihina.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" Dinig kong tanong niya.
"Sorry, ayokong mag-alala ka." Nanghihinang sagot ko.
"Hays, magpahinga ka na. Ipapatay ko 'yong aircon para mapawisan ka." Pagkasabi niya noon ay ipinikit ko na ang mata ko at naramdaman kong inayos niya ang kumot ko hanggang sa tangayin na ako ng antok.
Paggising ko ay wala na si Ayumi. Medyo okay na rin naman ang pakiramdam ko. Bababa na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko.
Matapos ang tawag ay pumasok na ako sa banyo para maligo dahil may emergency sa hospital.
"Oh, saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling ah." Sabi ni mommy nang masalubong ko siya.
"Okay na po pakiramdam ko, ma. Kailangan ko na pong umalis, may importante po akong pasyenteng kailangang puntahan." ani ko at nagmamadaling lumabas.
Pagkasakay ko sa sasakyan ay nagmaneho na ako papunta sa hospital.
"Magpagaling ho kayo ah? Huwag pong matigas ang ulo at uminom po kayo ng gamot niyo sa tamang oras." Bilin ko sa matandang pasyente ko.
"Opo doc, salamat po." ani nito at lumabas na ng opisina ko.
Napahilot ako sa sintido ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Habang minamasahe ko ang sintido ko ay napatingin ako sa pintuan nang biglang may kumatok.
"Come in," sabi ko.
Nabigla ako nang makita ko si Czavea. Anong ginagawa niyan dito?
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko
"I'm here for you." Mapang-akit na sagot niya saka lumakad palapit sa akin at umupo sa kandungan ko.
"I heard na may namamagitan na sa inyo ni Ayumi. Krei, bakit siya pa? Ayaw mo ba sa akin? Tell me, why her?" Tanong niya.
Pilit ko siyang tinutulak pero napapapikit na lang ako sa tuwing maramdaman kong parang minamartilyo ang ulo sa sakit.
"Kreios..." kahit na nahihirapan ako ay nagawa kong itulak si Czavea nang marinig ko ang boses ni Ayumi.
Noong araw na 'yon ay sobra akong nainis sa sarili ko dahil naging duwag na naman ako.
Tatlong linggo. Tatlong linggo ko nang hindi nakakausap at nakikita si Ayumi. Gusto siyang puntahan sa school pero hindi ko magawa-gawa dahil sobrang dami kong pasyente.
"Krei, kilala mo 'yong babae sa labas? Mukhang may hinahanap siya oh," napatingin naman ako sa labas ng hospital at nakita kong nakatayo sa labas si Ayumi.
Ang akala ko ay papasok siya pero tumalikod na siya at naglakad paalis. Wala naman na akong trabaho kaya naman nagpaalam na ako para puntahan si Ayumi.
Laking pasasalamat ko dahil nagka-ayos na kami ni Ayumi. Hinding-hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yon, ayokong mawala siya.
"Ayumi Clayne Takahashi, can you be my girlfriend?" Nakaluhod na tanong ko, mabilis naman siyang tumango kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit at paulit-ulit na sinasabi mahal na mahal ko siya.
~~~
"Kuya, alam mo ba, nagalit na ako ng isang beses sa 'yo noong nalaman kong umiyak si Ate dahil sa 'yo. Pero ngayon, hindi na ako galit kasi nakikita ko naman kung gaano mo kamahal si Ate, eh. Basta ang masasabi ko lang ay sana hindi ka magsasawang mahalin siya, pasayahin mo siya gaya ng pagpapasayang ginagawa namin sa kaniya." Mahabang litanya ng kapatid ni Ayumi. Kasama ko siya pati na rin si tito rito sa labas dahil gusto raw nila akong maka-usap.
Lahat ng sinabi nila sa akin ay itinatak ko sa utak ko.
We celebrated Christmas, New year, and Yuki's birthday. Masaya ako dahil nakikita kong masaya si Ayumi. Pinapangako ko na hinding-hindi ko hahayaang mawala sa mga magaganda niyang mata ang saya na 'yan.
~~~
7 years past
"Dad, ready na po 'yong mga plato." Tuwang-tuwa sabi ni Tristen.
"Good, maupo ka na roon at gigisingin ko lang ang mommy mo." Tumango naman siya at saka naupo na sa upuan niya.
Umakyat na ako sa taas at tinungo na ang kwarto namin ni Ayumi. Pagpasok ko sa kwarto at narinig kong sumusuka si Ayumi sa cr kaya dali-dali ko siyang pinuntahan.
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Okay lang a—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang sumuka ulit siya.
Napangiti naman ako ng wala sa oras.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Tanong niya kaya natauhan ako.
"You're pregnant, don't you?"
Natigilan naman siya. I knew it.
"Last na regla ko noong nakaraang buwan pa," napatakip naman siya ng bibig niya.
"Tara na, nag-aantay na sa atin si Tristen sa baba. After nating kumain magpapa-check up tayo." ani ko at tinulungan siyang tumayo para maghilamos at pagkatapos ay sabay kaming bumaba.
"Congratulations Mr. Del Fuego, your wife is 3 weeks pregnant." Nakangiti kong niyakap si Ayumi.
Yes! I'm gonna be a dad again.
Nagpasalamat muna kami kay Doctora Ledezma bago kami umalis.
"Yey! I'm gonna be a kuya na!" Nagtatalon na sabi ni Tristen.
"Anong gusto mo? Baby sister or brother?" Tanong sa kaniya ni Ayumi.
"Baby sister!" Masayang tugon nito.
Nakangiti ko silang pinagmamasdan. Masayang masaya ako dahil mayroon akong pamilya katulad nila. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang sila at po-protekhan ko sila sa abot ng makakaya ko.
—End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top