50
Mag-iisang linggo na simula noong makarating kami rito sa Japan at masasabi kong maayos na maayos ang pakikitungo nila papa kay Kreios.
"Ma, nasaan si Kreios?" Tanong ko kay mama nang makalabas ako sa kwarto ko.
"Kasama ng papa at kapatid mo." Sagot naman niya, tumango na lang ako at hinayaan na lang silang tatlo.
Tinulungan ko na lang si mama na magsabit ng mga dekorasyon. Pagkatapos noon ay sakto ring pagpasok nila papa sa loob.
"Need niyo pa ng tulong?" Pareho naman naming nilingon si Yuki.
"Hindi na, doon na kayo." Taboy ni mama sa kanila habang inililigpit 'yong mga hindi nagamit na Christmas decor.
"Kami na nga itong nago-offer ng tulong eh," reklamo naman ni papa.
"Eh, sa hindi na nga namin kailangan ng tulong niyo, 'di ba?" Mataray na sabi ni mama kay papa. Akalain mo 'yon, may ganiyang side pala si mama.
"Okay, huwag ka nang magalit." Natatawang sabi ni papa at saka hinatak na 'yong dalawa papunta sa kusina.
"Nakaka-inis talaga 'yang papa mo na 'yan." Natawa naman ako.
"Naglalambing lang po 'yon."
Nang matapos kaming magligpit ni mama ay sabay kaming nagtungo sa kusina dahil naamoy naming may nagluluto ng soup.
"Mabuti naman at naisapan mong magluto." Napatingin naman silang tatlo sa amin ni mama.
"Sino sabing bibigyan namin kayo? Magluto rin kayo ng sa inyo." Agad namang rumehistro ang inis sa mukha ni mama. Shoot! War na.
"Ah, ganoon?" Mabilis na nakuha ni mama ang walis tambo at pinaghahampas si papa.
Napatampal na lang ako sa noo ko dahil kina mama.
Matapos ang world war III ay sabay-sabay naming pinagsaluhan 'yong niluto ni papa. Tuloy-tuloy lang ang pagsubo ni mama at hindi kinikibo si papa.
"Ayoko na, hindi masarap." Nahinto sa ere ang kutsara ko at tinignan si mama.
"Hindi raw masarap pero naubos." Bulong naman ni Yuki.
Matapos kaming kumain ay si Yuki ang inutusan ni papa na maghugas ng mga pinagkainan namin, nagreklamo pa siya no'ng una pero binatukan siya ni papa kaya wala siyang nagawa kundi ang gawin ang inuutos sa kaniya.
"Alam pala nilang mag tagalog tapos nagpaturo pa ako sa 'yo." Mahina naman akong natawa.
"Okay lang 'yan at least may alam kang kahit kahit kaunting Japanese."
Parehas kaming naka-upo ngayon sa bubungan namin at nakatingin sa langit na punong-puno ng napakaraming bituin.
"Anong pinag-usapan niyo nila papa kanina?" Pang babasag ko ng katahimikan.
"It's our secret, bawal ipagsabi kahit na kanino." Natatawang sagot niya.
"Tss, daming alam." Sabi ko at hindi na siya pinansin.
"By the way, do you still have the necklace?" Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Anong necklace?" Sumimangot naman siya.
"'Yong binigay ko noong Christmas." Wait, so sa kaniya galing 'yong kwintas na 'yon?
"Sa 'yo galing 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, so where's the necklace?" Napa-isip naman ako. Saan ko na nga ba nilagay 'yon?
"Nasa cabinet ko, wait kukunin ko lang." Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko bago pumasok sa bintana ng kwarto ko at tinungo ang cabinet ko para kunin 'yong box.
Bumalik na ako kung nasaan si Kreios at tinabihan siya.
"Saan mo pinagawa 'to?" Tanong ko habang pinagmamasdan 'yong kwintas.
"May kakilala si papa na gumagawa ng mga ganiyan kaya pumunta ako roon para ipagawa 'yan."
"Isuot mo sa akin," nakangiti kong ibinigay sa kaniya 'yong kwintas at agad na niyang isinuot sa akin.
"It's suits you," pinamulahan naman ako sa sinabi niya.
"T-Tara na sa loob lumalamig na rito sa labas eh, baka magkasakit pa tayo." ani ko at tumayo na.
~~~
"Merry Christmas everyone!" Sigaw ni Yuki saka nagpasabog ng confetti.
Nagpalitan kami ng 'Merry Christmas' at sabay na pinagsaluhan ang mga pagkaing nasa hapag.
Matapos ang salu-salo ay nagpaalam na kami sa isa't-isa na matutulog na. Magkasama na kami sa iisang kwarto ni Kreios hindi katulad dati na nasa kabilang kwarto siya dahil ayaw kaming pagtabihin dati.
"Aishiteruyo, Ayumi." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya nang bumulong siya ng 'I love you' in Japanese.
"Watashi mo anata o aishiteimasu, watashi no ai." Tugon ko at saka natulog na.
[Translation: I love you too, my love.]
Matapos ang Christmas celebration ay napagpasyahan naming mamasyal sa Kenroku-en na matatagpuan sa Kanazawa.
Tatlong oras ang biyahe mula Kyoto hanggang sa Kanazawa kaya naman isinandal ko muna 'yong ulo ko balikat ni Kreios at umiglip muna.
"Hey, wake up, we're here." Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin ni Kreios.
Nang ilibot ko ang tingin ko sa loob ng van ay kaming dalawa na lang pala ang naiwan.
"How's your sleep, sleeping beauty?" Pang-aasar sa akin ni Yuki, inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.
Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming humiwalay ni Kreios kina mama. Puro pagkuha lang ng litrato ang inatupag namin ni Kreios.
"Ang dami na nating pictures." Sabi ni Kreios habang isa-isang tinitignan 'yong mga pictures namin.
"Ayaw mo pa noon? Marami tayong remembrance." ani ko.
Hapon na noong lisanin namin ang lugar na iyon at nagtungo sa malapit na restaurant para kumain. At pagkatapos noon ay umuwi na kami.
Sa mga sumunod na araw ay naging busy kaming lahat para sa darating na bagong taon at sa surprise birthday party para kay Yuki. Ako ang may pakana nito dahil gusto ko siyang mapasaya. After kasi ng birthday niya ay babalik na kami ni Kreios sa Pilipinas.
"Excited na ako para mamaya!" Mahina akong tumili.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng ugok na 'yon?
"I'm sure matutuwa 'yon, ikaw may nakaisip eh." Tipid ko lang nginitian si Kreios.
Tinawag na ako ni mama para tulungan siyang ihanda 'yong mga pagkain para mamaya. Kaming apat lang ang narito ngayon dahil nasa trabaho pa si Yuki at mamayang 11pm pa ang uwi.
"Happy birthday, Yuki!" Sabay na sigaw namin nang makapasok siya ng bahay.
"Mamayang 12 pa, excited kayo masyado." Napangiwi naman ako at agad siyang binatukan nang makalapit ako sa kaniya. Napadaing naman siya.
"Huwag ka nang magreklamo ha? Ikaw na nga itong sinusurprise eh." Pagtataray ko.
"Sorry na, sino ba may pakana nito?" Tanong niya habang nakahawak pa rin sa hinampas ko.
"Ako." Tipid na sagot ko, hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko.
"We? Totoo?" Binatukan ko ulit siya nang isang beses. "Ano ba naman 'yan, ate! Nakakadalawa ka na." Reklamo niya pero inirapan ko lang siya.
"Deserve mo 'yan, shunga mo kasi eh."
"Oh, tama na 'yan. Maghanda na kayo at malapit nang mag 12." Suway sa amin ni mama.
At nang pagpatak ng alas dose ay masaya naming isinigaw ang 'Happy new year'.
Sobrang saya ko ngayong araw. I will never ever forget this day.
~~~
"Bumalik ulit kayo rito kapag may oras kayo ha?" Sabay naman naming tinanguan si mama.
Ngayon na ang balik namin sa Pilipinas kaya hinatid kami ni mama sa airport.
"Mag-iingat po kayo palagi ha? Kapag may problema po kayo rito magsabi lang po kayo sa akin ha?" Bilin ko kay mama.
"Oo na. Kreios…" baling naman niya kay Kreios. "Ingatan mo si Ayumi ha? Huwag mo siyang sasaktan." anito.
"Opo tita, aalagaan ko po siya nang mabuti at hinding-hindi ko po siya sasaktan." Sagot naman ni Kreios.
"O'siya, lumakad na kayo at baka maiwan kayo ng eroplano." Pareho naming niyakap ni Kreios si mama. Kinawayan namin si mama at saka sabay na naglakad.
Pagkabalik na pagkabalik namin ni Kreios ay pareho kaming naging busy at bihira na lang kaming magkita dahil kada linggo ay may trabaho siya.
["I'm sorry, Hon. Promise, babawi ako sa 'yo."] Ngayon kasi ang monthsary namin at hindi siya makakapunta sa tagpuan namin dahil kailangan pa siya sa hospital.
"Ano ka ba? Okay lang 'yon, okay? I understand kung hindi ka makapunta. May ibang araw pa naman eh." Sabi ko.
["Are you sure? Okay, sorry ulit. I love you, hon, always remember that."] aniya.
"Hmm... I love you too." Tugon ko saka pinatay ang tawag.
Busy ang lahat ng guro ngayon dahil bukas na ang graduation. Kaniya-kaniya kami ng ginagawa para mas mapabilis ang pag-aayos ng stage pati na rin ang mga upuang gagamitin bukas.
"Congratulations graduates!" Naghiyawan na ang mga estudyante at saka masayang nagyakapan.
"Ma'am Ayu, nandiyan na sundo mo!" Kinikilig na sabi ni Ma'am Jenny.
"Go na, ma'am, kami na ang bahala kapag hinanap ka." Sabat naman ni Ma'am Paulene at saka tinulungan akong magligpit ng mga gamit ko at tinulak-tulak palabas.
"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka rito?" Tanong ko kay Kreios.
"Gusto kitang surpresahin, eh." anito.
Nagpaalam muna ako sa mga co-teachers ko bago sumama kay Kreios.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Secret…" napanguso na lang ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.
"Where are we?" Tanong ko sa kaniya habang inililibot ang tingin.
"Kung saan hiniling ni papa na maging kasama niya si mama habang buhay." Natigilan naman ako sa sinagot niya. Don't tell me. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at napatakip na lang ako ng bibig nang makitang nakaluhod siya at may hawak na pulang box.
"K-Kreios…" mahinang banggit ko sa pangalan niya.
"Hon, pwede ba kitang makasama habang buhay?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya.
"Yes, Kreios." Mabilis naman niyang isinuot sa akin 'yong singsing at saka mahigpit akong niyakap.
"I love you, Ayumi, I always will." Sabi niya sa gitna ng pagkakayakap sa akin.
"Watashi mo anata o aishiteimasu, Kreios." Sagot ko at saka humiwalay sa kaniya.
Nagtitigan kaming dalawa bago dahan-dahang pinaglapat ang labi namin.
Akalain mo 'yon, 'yong taong nagugustuhan ko lang noon at akala ko ay wala na akong pag-asa sa kaniya, pero heto siya ngayon sa harapan ko at makakasama ko na habang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top