49
Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin. Habang nagluluto ako ay muntik akong mapatalon nang may dalawang braso ang pumalibot sa baywang ko.
"Good morning..." bulong ni Kreios sa tainga ko. Nagtindigan na naman tuloy ang mga balahibo ko. Ang hot ng pagkakasabi niya bes!
"Good morning." I greeted back.
"Did you kiss me last night?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Sh*t!
"Uh.. hindi, bakit?" Pagmamaang-maangan ko.
"Wala, nananaginip lang siguro ako." Shuta, Kreios hindi ka nananagip, totoong hinalikan kita pero nahihiya akong umamin!
"Luto na 'to, kain na tayo." ani ko at inilapag na ang pagkain sa lamesa.
"Bakit ka namumula? Are you sick?" Tanong niya kaya napahawak ako sa pisngi ko at kinapa.
"Uh.. ano.. nagluto ako, 'di ba? Na anuhan noong usok kaya namumula." Ang pangit ng palusot mo, Yumi!
Tumango-tango na lang siya sa sinagot ko at nagsandok na ng kanin at nagsimula na siyang kumain. Wala na akong nagawa kundi ang kumain na rin dahil may klase pa ako.
Si Kreios na ang nagprisintang maghuhugas kaya naman nagpunta na ako sa kuwarto para manguha ng damit at nagtungo na sa banyo para maligo.
At nang matapos ay lumabas na ako ng banyo at humarap na sa salamin para patuyuin ang buhok ko. Pagkatapos ay nag-apply na ako ng light make up.
"Huwag mo naman masyadong gandahan baka magkaroon ako ng kaagaw, mahirap na." Nagulat naman ako nang marinig ang boses ni Kreios na nasa likuran ko pala habang nakaupo sa kama at nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa riyan?"
"Yeah, bago ka lumabas ng banyo nandito na ako hindi mo lang ako napansin."
"Ay sorry..." ani ako at mahinang tumawa.
Bago siya pumunta sa hospital ay dinaan niya muna ako sa school.
"Sunduin kita mamaya, okay?"
Ngumiti naman ako. "Yes boss!"
Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago bumaba ng sasakyan niya.
"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanila.
"Wow, good mood ngayon ah." Natawa naman ako sa sinabi ni Ma'am Jenny.
"Palagi naman akong good mood, Ma'am eh." ani ko.
Nang magbell ay pare-pareho na kaming naghanda para pumunta sa mga tuturuan namin. Sa halos isang buwan kong nagtuturo rito ay unti-unti ko nang naha-handle ang mga ugali ng mga estudyante ko. Hindi na rin sila mahirap pakiusapan katulad dati.
Katulad din dati ay tuwing linggo kami lumalabas ni Kreios para mag date. Napag-usapan na rin namin na kapag dating ng Christmas break ay lilipad kami papuntang Japan upang doon mag pasko, pumayag naman sina tita Cassidy kaya okay na rin.
"How's your day?" Nakangiting tanong niya sa akin nang makasakay kami sa sasakyan niya.
"Okay naman, unti-unti ko nang nagagamay 'yong mga estudyante ko." Sagot ko. "How about you?"
"Masaya, kasama kita eh." Napa-irap naman ako sa sinagot niya.
"Ang cheesy mo ah," natatawang sabi ko.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya bago paandarin ang sasakyan.
"Kahit saan na." ani ko.
"Sa langit, gusto mo?" Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Baka gusto mong ipasundo kita kay San Pedro? Langit ka diyan." Humalakhak naman siya sa sinabi ko.
"Saya mo eh, 'no? Tss." Tumigil naman siya sa katatawa at hahawakan sana niya ang kamay ko ngunit agad ko itong iniwas sa kaniya.
"Hey, I'm just joking, okay?" Sabi niya pero hindi ko siya kinibo.
"Hon, sorry na..." napatingin naman ako sa kaniya.
"Hon mo mukha mo! Mag-drive ka nga!" Inis kong tinulak ang mukha niya sa akin at tatawa-tawang nagmaneho ulit. Sh*t ka, Kreios! Papatayin mo ba ako sa kilig?
Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang mamahaling restaurant.
"Masarap ang steak nila rito and I'm sure you'll like it." Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka inirapan. Narinig ko naman siyang tumawa.
"Still mad at me? Sorry na nga eh, okay? I won't do it again, promise cross my heart." Sabi niya at crinossan niya ang dibdib niya, natawa naman ako sa ginawa niya.
"Saan mo naman natutunan 'yan?" Tanong ko.
"Sa anak ni Zeion."
Um-order na kami ng pagkain at nagkwentuhan nang nagkwentuhan hanggang sa dumating na ang in-order namin. Wala na kaming sinayang na oras at agad na kaming kumain.
"Hmm... masarap nga," Napatawa naman siya nang mahina.
"I told you,"
Matapos kaming kumain ay sunod naman naming pinuntahan 'yong sikat na garden dito sa amin. Sobrang ganda rito lalo na kapag sapit ng gabi dahil mayroon silang hinahandang fireworks display.
Pareho kaming nakatingin sa magagandang fireworks sa kalangitan.
"Ayumi," may ngiti pa rin sa labi kong tinignan siya.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako nang diretso sa mata.
"Hindi na ako makapaghintay na matawag kang akin," huminga muna siya nang malalim bago magsalita muli. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong maging emosyonal lalo na noong magsimula siyang lumuhod.
"Ayumi Clayne Takahashi, can you be my girlfriend?" Mabilis naman akong tumango at kasabay noon ang pagtulo ng luha ko.
Pagkatayo niya ay agad niya akong sinunggaban ng mahigpit na yakap at saka paulit ulit na binubulong sa akin ang 'I love you'.
"I love you too, Krei." Tugon ko.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka unti-unti niyang inilapit ang mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin.
Ito ang gabing hinding-hindi ko makakalimutan.
~~~
"Have a safe flight. Iha, paki kumusta ako sa mama mo ha?" Nakangiti naman akong tumango kay tita.
Ngayon na ang alis namin papuntang Japan. Mabuti na nga lang at pinayagan si Kreios ng tito niya na mag-leave muna sa trabaho.
"Let's go," sabay kaming sumakay ni Kreios sa back seat dahil magpapahatid lang kami papuntang airport.
Magkahawak ang kamay namin ni Kreios nang maka-upo kami.
"I can't wait to meet your family." Sabi nito na ikinatawa ko.
"Gusto mo turuan kita ng ilang Japanese words?" Tanong ko.
"Yes please," sagot niya kaya inumpisahan ko nang turuan siya ng basic words katulad ng greetings at kung ano ano pa.
Madali lang naman niyang nasaulo ang mga sinasabi ko kaya labis akong natuwa roon.
"Masaya akong mabilis mong natutunan 'yong mga tinuturo ko." Natutuwang sabi ko.
"Of course, you're the best teacher." Agad namang namula ang pisngi ko sa pagpuri niya.
May kahabaan din ang biyahe kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kreios at natulog na.
Nagising naman ako dahil sa mahinang pagtapik sa akin ni Kreios.
"Wake up, sleepy head, we're here." Agad naman ko nang inayos ang sarili ko at tumayo na.
Pagkababa namin ng eroplano ay kinuha na namin ang mga bagahe namin at pagkatapos noon hinanap na namin sila mama.
Mainit ang ginawang pagsalubong sa amin nila mama lalo na kay Kreios. Mahigpit na niyakap ni mama si Kreios, ganoon din si papa.
Sobrang saya ko dahil hindi ko inaasahan na ganito kainit ang pagsalubong nila mama at papa kay Kreios.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top