48

"Ma'am, hindi ka na yata sinusundo ng manliligaw mo?" Tanong ni ma'am Jenny.

"Busy na siya eh, kaya hindi na niya ako nasusundo." Pagsisinungaling ko.

Magtatatlong linggo na simula noong mangyari 'yon at talagang pinanindigan niyang huwag akong kausapin. Ginusto ko 'to eh, kaya dapat lang na tanggapin ko kahit na masakit para sa akin.

Pagkatapos ng first grading balak ko na ring lumipad pabalik ng Japan. Nasabi ko na 'yon kina mama kaya naman inulan nila ako ng napakaraming tanong pero ni isa ay wala akong nasagot. Sasabihin ko na lang lahat sa kanila kapag nandoon na ako.

"Akala ko ba dito ka na titira?" Nagtatakang tanong ni Elle. Sinabi ko na rin sa kaniya ang balak kong pag-alis.

"Bigla kasing nagkaproblema kina mama kaya kailangan kong bumalik doon." I lied.

"Paano si Kreios? Alam niya ba itong balak mo?" Tanong ulit niya.

"Hindi pa, balak ko na ring sabihin sa kaniya bukas." Pagsisinungaling ko ulit. Wala akong balak sabihin sa kaniya, para saan pa?

["May problema ba, ate?"] Tanong ni Yuki mula sa kabilang linya.

"Wala, wala namang problema."

["Kumusta kayo ni Kreios? Na-kuwento kasi sa akin ni kuya Kenzo na nililigawan ka na raw eh,"] Bigla ko ulit naalala 'yong nangyari dati nang marinig ko ang pangalan ni Kreios.

"Hindi ko alam," nanghihinang sagot ko.

["Ayos ka lang ba talaga? Tell me, ate, ano ba talagang problema?"] Masuyong tanong niya.

Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari noong araw na iyon.

["Bakit hindi mo siya pinagpaliwanag?"]

"Pinagpaliwanag ko siya pero hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya." Sagot ko.

["Bakit hindi? Ang sabi mo nga 'di ba mahal na mahal ka niya."] Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Yuki.

"So, you mean kinakampihan mo siya?" Inis na tanong ko.

["Hindi sa ganoon, ate, pero kasi may mali ka rin eh, hindi mo siya pinaniwalaan. Malay mo nagulat lang siya sa ginawa noong babae kaya ayon. Tsaka nasabi mo rin na masama ang pakiramdam niya,"]

"Natatakot kasi ako Yuki, natatakot ako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na lang.

["Anong kinakatakot mo? Wala ka dapat ikatakot, ate. Mahal niyo naman ang isa't-isa, 'di ba?"] aniya.

Hindi naman ako nakasagot. Napabuntong-hininga naman siya.

["Huwag kang magpadala sa takot mo, ate. Face your fears, ika nga nila. Naniniwala akong kaya mong lampasan iyan, kaya ninyong lampasan ni kuya Kreios 'yan. Magpahinga ka na ate malalim na ang gabi."] Pinatay ko na ang tawag at hindi na sinagot si Yuki.

Para naman akong natauhan sa sinabi ni Yuki. He's right. Hindi dapat ako nagpapadala sa takot ko.

Kinabukasan pag-uwi ko galing school ay naisipan kong puntahan si Kreios pero nang makarating ako sa tapat ng hospital ay hindi ko maihakbang ang mga paa ko papasok, kaya naman naisipan ko na susunod na araw na lang pumunta.

Pagkarating ko sa apartment ko ay hindi ko na napigilang hampasin ang ulo ko.

"Ang hina mo, Ayu! Napakahina mo!" Umiiyak na sabi ko habang sinasaktan pa rin ang sarili ko.

Napa-upo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina.

"Ayumi!" Napatingin ako bigla sa lalaking tumawag sa akin. It's Kreios.

Lalo naman akong napa-iyak nang makita ko siya.

"Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya at mahigpit akong niyakap.

"S-Sorry... sorry Kreios, sorry dahil hindi ako naniniwala sa 'yo, sorry..." paulit-ulit akong humihingi ng sorry sa kaniya.

"Shh... wala ka dapat ihingi ng sorry. I understand you, mahal kita eh. Mahal na mahal kita kaya wala kang dapat ihingi ng tawad." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Ang t*nga ko para pakawalan pa ang taong katulad niya.

Nang mahimasmasan na ako ay tinulungan niya akong tumayo at dinala sa sofa. Iniwan niya muna ako roon para kumuha ng tubig.

"Here, uminom ka muna." Inabot ko naman 'yon at uminom na.

"Kreios, sorry talaga. N-Natatakot kasi ako eh, natatakot akong mahalin ka nang sobra." Pag-aamin ko.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Kasi... palaging may pumapagitna sa atin, katulad ni Czavea natatakot ako na baka mahulog at magka-gusto ka sa kaniya." Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ikaw at ikaw lang ang babaeng gusto ko. Hindi mangyayari 'yang sinasabi mo dahil pinangako ko sa sarili ko na ikaw lang ang babaeng gugustuhin at mamahalin ko." Napayuko naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba, balak ko ulit bumalik ng Japan." Mayamayang sambit ko.

"Iiwan mo ulit ako?" Tipid naman akong ngumiti at hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko.

"Hindi na ngayon, okay na tayo eh,"

"Don't leave me again, please..." I smiled and I cupped his face.

"Hindi na kita iiwan ulit, gusto mong sumama sa akin kapag pumunta ako roon?" Tanong ko sa kaniya.

"Sure, kailan ba?"

"Kaso may trabaho ka eh," ani ko.

"Makiki-usap ako kay tito na bigyan ako ng leave, marami namang doctor doon eh." Sagot naman niya.

"Nga pala, bakit ka nandito? May trabaho ka, 'di ba?" Tanong ko.

"Nakita kasi kita kanina sa tapat ng hospital, ang akala ko nga tutuloy ka eh, pero bigla kang umalis kaya sinundan kita rito." Sagot niya.

"Paano mga pasyente mo?"

"Wala na akong pasyente kanina, tumutulong na lang ako sa ibang doctor kanina." Tumango-tango naman ako.

Inabot kami ng alas sais habang nagkwekwentuhan at pareho kaming tamad gumalaw para magluto kaya naman nag-order na lang kami ng pagkain.

"Kumusta nga pala si Nixie ngayon?" Tanong ko.

"Okay na siya ngayon, may asawa na at magkakaroon na ng anak." Nakangiting sagot niya.

"Oh? Bakit ka nakangiti nang ganiyan?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Lahat na kasi ng mga kaibigan ko may anak na eh, nakaka-inggit." aniya, nakangiwi naman ako sa ginawa niyang pag nguso.

"Ano kaya kung mauna na muna 'yong honeymoon kaysa kasal?" Agad ko siyang pinalo at lumayo nang kaunti sa kaniya.

"S-Sira ulo ka ba? Baka gusto mong sipain ko 'yang mukha mo?" Humagalpak naman siya ng tawa.

"I'm just joking, okay? Halika na rito, bakit ka ba lumayo?" Tanong niya habang natatawa pa rin.

"B*wisit ka kasi eh," dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay bigla niya akong niyakap.

"Anong ginawa mo sa akin bakit ganito ako ka baliw sa 'yo?" Ako naman ang natawa sa sinabi niya.

"Hindi ko alam sa 'yo,"

Kumain na kami nang makarating na 'yong pagkaing in-order namin.

"Samahan na kitang hugasan 'yan." Wika niya saka nanguha ng isang sponge.

"Ako na ang magsasabon, ikaw na lang ang mag banlaw." Sabi ko at saka kinuha sa kaniya 'yong sponge na hawak niya at ibinalik sa lagayan.

Matapos kaming maghugas ay nauna na akong mag-half bath at nang matapos ay tinawag ko na si Kreios na nasa sofa para siya na rin ang sunod na maligo.

Mayroon na siyang damit dito dahil minsan dito siya dumidiretso tuwing matatapos ang duty niya.

["Edi hindi ka na matutuloy?"] Malungkot na tanong ni mama.

"Hindi na po, pero kapag nakapagpaalam po si Kreios, p'wede na po kami pumuntang dalawa riyan." ani ko.

["Talaga? Basta tumawag ka o kaya mag-text kung kailan kayo pupunta rito para makapaghanda kami."]

"Opo, ma." Nagpaalam na siya sa akin dahil may aayusin pa raw siya.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko si Kreios na naka-upo sa gilid ng kama habang nagpapatuyo ng buhok, napangiti naman ako at lumapit sa kaniya.

"Tulungan na kita," bahagya pa siyang nagulat sa akin.

Pumwesto ako sa harapan niya para mapunasan ko nang maayos ang buhok niya, samantalang nakayakap naman siya sa bewang ko.

"Iyan, okay na." ani ko at sinampay na muna ang tuwalya.

"Let's sleep," impit akong napasigaw nang bigla niya akong hilain pahiga.

"Marunong ka kumanta, 'di ba?" Tanong niya, nag 'oo' naman ako. "Kantahan mo ako, 'yong kinanta mo noon sa music room noong grade seven tayo." Teka—

"Ikaw 'yong —" pinutol naman niya ang sasabihin ko.

"Yeah, ako nga, akala mo pusa, 'no?" Mahina naman siya tumawa.

"Baliw ka ba? Hindi mo alam kung gaano ako katakot noon. Naalala ko kasi iyong sinabi nila na may nagpapakita raw roon." ani ko.

"Naniniwala ka roon? Hindi naman daw totoo 'yon eh, panakot lang nila 'yon." Sabi naman niya. "Kantahan mo na ako, kahit iyon lang." Pamimilit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang kantahan siya.

At nang matapos akong kumanta ay nakita kong nakatulog na pala siya. Natawa naman ako nang mahina.

"Goodnight, mi amor." Sabi ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top