45

Linggo na ngayon kaya naman maaga akong nagising dahil ayokong malate. Gumawa lang ako ng egg sandwich at nagtimpla ng kape para sa umagahan ko.

Matapos akong kumain ay hinugasan ko muna ang tasang ginamit ko bago magtungo sa banyo para magsipilyo at para makaligo na. At pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa maliit na closet ko para pumili ng susuotin.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay sa'yo." Asik ni Elle nang makalabas ako ng kwarto.

"Sino ba kasi may sabing sunduin mo ako? Kaya ko namang mag-commute." Sabi ko saka inirapan siya.

"Aba't! Pasalamat ka nga dinaanan pa kita rito eh. Tara na nga, *bwisit ka." Umiling na lang ako saka sumunod na sa kaniya pero bago 'yon ay sinarado ko muna 'yong pintuan ng apartment ko.

"Saan ba ang venue?" Tanong ko sa kaniya.

"Kita mo na, magco-commute ka pero hindi mo alam kung saan ang venue." Nakita ko ang pag-irap niya kaya naman agad kong hinampas ang braso niya.

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko."

"Basta manahimik ka na lang diyan, p'wede?" Inirapan ko na lang ulit siya at tumingin na lang sa labas.

Dalawang oras ang naging biyahe hanggang sa makarating na kami sa venue. Pagkababa namin ni Elle sa sasakyan ay sakto namang dumating si Kenzo kasama ang asawa niya.

"Yumi! Elle! Kumusta?" Tanong niya agad nang makita kami. "Ahm, Aelinn this is Ayumi and Cristelle, mga kaibigan ko. And Yumi, Elle, this is Aelinn, asawa ko." Nakipag beso-beso kami ni Elle sa asawa ni Kenzo at pagkatapos noon ay sabay kaming pumasok sa loob.

"Ayumi! Oh my, mabuti at nakapunta ka na." ani Danni.

"Good news 'te, dito na siya for good." Singit naman ni Elle.

"Talaga?" Tanong niya, tumango naman ako. "By the way, hanap na kayo ng ma-uupuan niyo at hintayin pa muna natin 'yong iba bago tayo mag-start." Nagpaalam na si Danni sa amin kaya naman naghanap na kami ng ma-uupuan namin. Humiwalay sa amin sina Kenzo kaya kaming dalawa ni Elle ang magkasama.

"Yie, makikita mo na si Kreios." Nangunot naman ang noo ko sa pang-aasar ni Elle.

"Ano naman kung makita ko siya?" Tanong ko.

"Ay wow! Naka-move on ka na?" Gulat na tanong niya.

"Ano pa bang dapat kong gawin? Tsaka pamilyado na 'yong tao." Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"G*ga! Anong pamilyadong pinagsasabi mo? Eh, sa pagkakaalam ko, walang niligawan 'yon simula noong..." bigla namang napahinto si Elle.

"Ano 'yon, Elle? Simula noong?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Elle. Bakit niya ako hinahanap noong umalis kami?

"So, ayon ang kwento, hindi niya sinabi kung anong dahilan kung bakit ka niya hinahanap basta pagkatapos niyang magpasalamat sa akin, umalis na siya." Tuloy ni Elle.

"Ang akala ko ba sila ni Nixie?" Tanong ko.

"Iyon nga rin ang akala ko eh, pero ang sabi sa akin ni Kenzo never daw niyang niligawan si Nixie." Sagot naman niya. Kung hindi niya niligawan si Nixie, bakit niya sinabi niya na sila na ni Nixie noon?

"Kailan sinabi ni Kenzo sa 'yo 'yon?" Naalala ko noong nakita ko silang magka-usap at noong tinanong ko si Kenzo ay iba ang isinagot niya.

"Noong pag-alis niyo. Pinapunta ko siya sa bahay tapos kinwento ko sa kaniya 'yong pagpunta ni Kreios sa bahay niyo tapos iyon, nagkwento rin siya about kay Kreios." Sagot naman niya.

Pareho kaming natahimik ni Elle matapos 'yon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig kong binanggit nila Jared ang pangalan ni Kreios.

"Ayu, susunod daw si Kylo rito." Napatingin naman ako kay Elle na deretsong nakatingin sa akin.

"Edi magiging third wheel ako? Napaka galing niyo naman." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nandiyan naman si Kreios eh, sure akong lalapitan ka noon mamaya." Nakangising sabi niya.

"H-Hoy! Subukan mo akong iwanan dito lagot ka talaga sa akin." Pagbabanta ko pero tinawanan niya lang ako.

"Nasa labas na raw siya, puntahan ko muna." Huli na para pigilan ko siya dahil nakalayo na siya sa table namin. B*wisit talaga!

Nagsimula na ang event pero wala pa rin sina Elle, tinotoo talaga niyang iwan ako rito eh.

"Mag-isa ka lang Ayumi? Krei, samahan mo nga siya tutal pareho naman kayong walang kasama eh." Napuno ng kantiyawan ang buong venue dahil sa amin ni Kreios. Shut*ngina naman! Nananahimik akong kumakain rito eh!

"Iyan! Edi mas better." Nagtilian naman sila nang maitabi sa akin si Kreios.

Awkward. Iyan kami ni Kreios ngayon, wala ni isa sa amin ang nagtatangkang magsalita.

"Ahm, gusto mo ng dessert?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Uh, kukuha kasi ako baka gusto mo para makuhanan na rin kita." Sabi niya habang kumakamot sa batok niya, natawa naman ako sa ginawa niya.

"Ah s-sige," Nahihiyang sagot ko.

Napatingin ako bigla sa cellphone ko nang mag-vibrate ito, nakita ko naman 'yong text ni Elle. Agad ko siyang hinanap at nang makita ko siya ay nakatingin na siya sa akin habang tumatawa.

Sinamaan ko muna siya ng tingin at saka inirapan, lagot ka talaga sa akin mamaya.

"Here," napabaling ang atensyon ko kay Kreios pagkalapag niya ng isang slice ng chocolate cake. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago lantakan 'yong cake.

"Hindi ko alam na favorite mo pala ang chocolate." Bigla naman ako napatingin sa kaniya, shuta! Nakalimutan ko kasama ko pala siya.

Mahina siyang natawa saka kumuha ng tissue na nasa harapan namin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Napakurap naman ako sa ginawa niya at naramdaman ko na lang na biglang uminit ang pisngi ko. Agad akong umayos ng upo at kinuha na sa kaniya 'yong tissue para ako na ang magpunas.

Matapos ang event ay sabay sabay kaming lumabas ng venue.

"Krei, ikaw na bahala kay Ayumi, ha?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Elle.

"T-Teka lang Elle, anong siya na ang bahala? Sasabay na ako sa inyo." Sabi ko.

"Eh, may pupuntahan pa raw kami ni Kylo eh, 'di ba babe?" Tumango naman si Kylo. "See? Bye pinsan kong maganda! Kreios, ingatan mo 'yan ha?" Tumango na lang si Kreios sa sinabi ni Elle.

Sinundan ko lang ng tingin sina Elle hanggang sa makaalis na ang sasakyan nila.

"Let's go?" Napatingin naman ako kay Kreios, tipid ko siyang nginitian at tumango.

Sabay kaming naglakad papunta kung saan naka park ang sasakyan niya. Nang makarating kami ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"So, saan mo gusto pumunta?" Tanong naman niya.

"Ikaw, kung saan mo gusto." Sagot ko, sa totoo lang wala pa akong gana umuwi ngayon.

"Okay, sakto may alam akong lugar kung saan p'wedeng pumunta." aniya saka pinaandar na ang sasakyan.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay wala na namang nagsasalita sa amin. Minsan nahuhuli ko siyang sumulyap sa akin at parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.

"May gusto ka bang sabihin?" Lakas loob na tanong ko.

"Uh, how are you?"

"Okay naman ako, ikaw ba?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Fine too," sagot niya at hindi na muling nagsalita.

Itatanong ko ba sa kaniya 'yon o 'wag na lang? Pero kasi... argh! Bahala na nga.

"Ahh p'wedeng magtanong?" Saglit siyang napatingin sa akin.

"Yeah, sure." Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago magsalita.

"Kasi nakita kita dati may kasama kang batang babae, kaninong anak 'yon eh wala ka namang asawa?" Tanong ko.

"Si Allison ba? Anak 'yon ni Zeion, iniwan lang niya saglit sa akin pero hindi na niya binalikan kaya ako na ang nahatid pauwi sa bahay nila." Sagot naman niya, tumango-tango naman ako.

Pagkarating namin sa sinasabi niyang lugar ay agad akong bumaba ng sasakyan niya at nayakap ko na lang ang sarili ko nang biglang humangin nang malakas. Nagulat naman ako nang may maglagay ng jacket sa balikat ko.

"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Kreios.

"Dito ako madalas pumupunta dati tuwing nalulungkot ako at dito ko rin balak magpatayo ng bahay." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Akala ko may sarili ka ng bahay?" Tanong ko.

"Wala pa," natatawang sabi niya.

"Saan ka ngayon tumutuloy?"

"Mayroon akong condo malapit sa hospital ng tito ko." Sagot naman niya.

Nag-stay pa kami ng ilang minuto roon bago niya mapagpasyahang ihatid ako.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko at nang akmang bababa na ako ay bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"I think this is the right time para sabihin sa'yo," mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita kita ulit ay sasabihin ko na sa 'yo,"

"Ang alin ba?" Naguguluhang tanong ko.

"Mahal kita... Mahal na mahal. Sorry kung naging duwag ako noon." Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. "Sana... hindi pa ako huli," mabilis naman akong umiling.

"Aaminin ko, hindi nawala ang pagkagusto ko sa 'yo pero nabawasan siya ng 30 percent." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Puwes, gagawin ko ulit na 100 percent 'yan. Iyon ay kung bibigyan mo ako ng chance na ligawan ka." Namula naman ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita. "Yes or yes?" Aarte pa ako? Syempre hindi na 'no!

"Yes na, wala naman akong pagpipilian eh." Sabay naman kaming natawa. "Uh, pasok na ako ha? Umuwi ka na rin, malalim na ang gabi." Sabi ko.

"Okay, see you on next Sunday." Tinanguan ko na lang siya at bumaba na ng sasakyan.

Pumasok na ako nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya. May ngiti ako sa labi noong natulog ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top