44
"Ayumi, na-miss kita!" Agad na tumakbo palapit sa akin si Elle nang makita ako.
"Ano ba naman 'yan, Elle, balak mo ba akong patayin?" Reklamo ko, niluwagan naman niya agad ang pagkakayakap sa akin.
"Marami akong ichi-chika sa 'yo pero bago 'yon, pumunta muna tayo sa tutuluyan mo." Kinuha niya ang ilang bagahe ko at naunang maglakad.
"Sinong kasama mo pumunta rito?" Tanong ko nang mahabol ko siya.
"Kasama ko boyfriend ko," proud na sagot niya.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad nakita ni Elle 'yong kotse ng boyfriend niya kaya nagmamadali na siyang pumunta roon.
"Ahmm Ky, this is Ayumi, my cousin." Agad niya akong pinakilala sa boyfriend niya nang tuluyan na kaming makalapit sa sasakyan.
"Nice to meet you, Ayumi." Nginitian ko na lang siya.
Bago kami pumunta sa tutuluyan ko ay dumaan muna kami sa malapit na restaurant. Nagkwentuhan kaming tatlo habang kumakain at nang matapos ay nagpatuloy na kami sa biyahe. May kahabaan ang biyahe kaya naman natulog muna ako.
"Ayu, nandito na tayo." Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nang makita kong nakahinto na ang sinasakyan namin ay agad na akong umayos at bumaba na ng kotse.
Sinalubong kami ni Ate Teresa nang makitang nasa labas na kami.
"Mabuti at dumating na kayo kanina ko pa kayo hinihintay eh, tara ihahatid na kita sa tutuluyan mo." anito at naunang maglakad.
"Pinahanda ko nang todong-todo 'yan kaya sana ay magustuhan mo." Nakangiting wika niya.
Nginitian ko rin siya pabalik. "Okay na po ito, maraming salamat po." Tumango na lang ito bago magpaalam na aalis muna.
"Okay ka na rito?" Tanong ni Elle, tumango naman ako.
"Bukas na ako bibili ng ilang kakailanganin ko, magpapahinga na muna ako." ani ko saka nahiga sa maliit na sofa.
"Alis na kami, ha? Tumawag ka kapag may kailangan ka, okay?" Tumango na lang ako at nagpasalamat.
Hindi na sila nagpahatid paalis kaya naman inayos ko na muna ang mga gamit ko at nagpalit ng damit bago nahiga sa kama at muli na namang natulog, mamaya na ako tatawag kina mama. Sobrang napagod ako sa biyahe kaya kailangan ko nang maraming tulog.
Paggising ko ay medyo madilim na sa labas at pagtingin ko sa cellphone ko ay pasado alas singko na ng hapon.
Hindi muna ako nagbihis dahil plano kong kumain sa labas tutal wala pa naman akong nabibiling mga stocks na pagkain. Bago ako umalis ay tinawagan ko muna sina mama.
"Maayos naman po itong tinutuluyan ko ngayon, hindi po siya malaki at hindi rin maliit, sakto lang para sa isang tao." Sabi ko kay mama.
["Kumain ka na ba?"]
"Hindi pa po pero balak ko pong kumain sa labas." Sagot ko.
["Ganoon ba? Sige, sige, mag-iingat ka riyan, ha? Mahal ka namin."] Natawa naman ako nang mahina, ang cheesy ni mama.
"Mahal ko rin po kayo." Sabi ko saka pinutol na ang linya.
Nasalubong ko si Ate Teresa sa labas kaya nagpaalam ako sa kaniya na may pupuntahan muna ako.
"Mag-iingat ka, ha? Ako ang malalagot sa mama mo kapag may nangyaring masama sa 'yo." Nginitian ko na lang siya at umalis na.
May kalayuan ang mga kainan dito kaya naman pumara ako ng tricycle at nagpababa sa Jollibee.
"Salamat po," tinanguan lang ako ng driver pagkabigay ko ng pamasahe ko.
Matapos akong mag-order ay naghanap na ako ng mauupuan at saktong may bakante roon sa may malapit sa bintana kaya naglakad na ako papunta roon.
Habang inaantay ko ang order ko ay nakatingin lang ako sa labas at napaayos ako ng upo nang mamataan ko si Kreios sa 'di kalayuan. May kasama siyang batang babae. Mapait naman akong ngumiti, panigurado anak nila ni Nixie 'yon. Ang tatag nila ha.
Inalis ko na ang tingin sa kanila nang dumating na ang waiter dala ang in-order ko. Wala na akong sinayang na oras at agad ko nang kinain ang pagkain ko.
Pagkauwi ko ay nag-half bath muna ako bago nahiga sa kama at binuksan ang laptop at naghanap ng school na p'wedeng pasukan kahit na matagal pa naman ang start ng klase, mas okay na 'yong handa, 'no.
At nang may makita ako ay agad kong tinawagan ang number na naroon at ilang saglit din ay sinagot na nila. Matapos 'yong tawag ay sinend ko na sa email na binigay sa akin 'yong resume ko at pagkatapos noon ay nakatanggap ako ng text na hintayin ko na lang daw ang tawag.
Isinarado ko na ang laptop ko at iniglipit muna bago bumalik sa pagkakahiga. Chinat ko muna si Elle na samahan ako bukas para mamili ng mga stock foods ko. Pagkasend ko noon ay ilang sandali pa ay nag-reply na siya.
Cristelle:
Sige, sige, wala naman akong trabaho bukas at may trabaho rin si Kylo bukas kaya free na free ako.
Sineen ko na lang 'yong reply niya at natulog na.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Elle sa apartment gamit ang kotse ng boyfriend niya.
"G*ga ka! Anong ginamit ng jowa mo papasok sa trabaho niya?" Tanong ko sa kaniya.
"Marami siyang kotse, 'te, 'wag ka mag alala." Sagot naman nito, napairap naman ako. Teka, hindi pa pala nagtatanong kung anong trabaho ng jowa niya.
"Ano nga palang trabaho ng jowa mo?" Sumulyap siya saglit sa akin bago ibalik ang tingin sa daan.
"May sarili siyang restaurant at siya rin ang chef doon." Napa 'wow' na lang ako at hindi na ulit nagsalita.
Pagkarating namin sa mall ay nagpark na agad si Elle at pagkatapos ay dumiretso na kami sa department store. Push cart na ang kinuha namin dahil sa tingin ko ay marami akong bibilhin.
Matapos naming mamili ay agad na kaming pumunta sa counter para magbayad. Nang makabayad kami ay naglibot-libot muna kami, nagpunta kami sa bilihan ng mga pabango, ng mga damit pang baby.
"Bakit tayo nandito? Buntis ka ba?" Tanong ko kay Elle.
"G*ga, hindi ako buntis. Nacute-an lang ako sa mga damit tsaka hindi pa ako ginagalaw ni Kylo 'no." Sagot naman niya.
"Tinanong ko lang kung buntis ka, wala akong paki kung nagalaw ka na niya o ano." Nakatanggap naman ako ng isang malakas na hampas mula sa kaniya kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin.
Pagkatapos naming magliwaliw ay hinatid na ako ni Elle sa apartment ko. Pagkahatid sa akin ni Elle ay hindi man lang niya akong tinulungang bitbitin papasok 'yong mga pinamili ko kaya naman si Ate Teresa na ang tumulong sa akin magpasok.
"Marami po talagang salamat, Ate Tere." Nahihiyang sabi ko nang mailapag niya sa lamesa 'yong ibang paper bag.
"Walang anuman, o'siya aalis na ako. Kapag may kailangan ka nasa baba lang ako, ha?" Tumango na lang ako sa kaniya at nagpasalamat ulit.
Pagkatapos kong ilagay sa ref 'yong mga pinamili ko ay nagtungo na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Wala akong ginagawa kaya naman naisipan kong ibahin ang ayos dito sa sala, hindi naman siguro magagalit si Ate Teresa, 'di ba?
Pawis na pawis ako nang matapos ko ang pag-aayos sa sala kaya naman naisipan kong maligo saglit. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko dahil may nag-message sa akin at pagkakita ko ay gc lang pala. Huh? Kailan pa ako nagkaroon ng gc?
Tinignan ko nang mabuti 'yong name ng gc at nakita kong Lauan reunion ang nakalagay. Agad akong nag-back read sa mga pinag-uusapan nila at tungkol lahat sa reunion.
Danna:
Hoy Cristelle kumusta si Ayumi? Tuloy na raw ba siya?
Cristelle:
Tuloy na tuloy na siya
Donna:
Okay goods
Shane:
So, kumpleto na tayo sa Sunday? Omg! I can't wait.
Pagkatapos kong basahin 'yong mga pinag-uusapan nila ay in-off ko na ang cellphone ko. Bigla naman akong kinabahan sa hindi malamang dahilan, dahil ba magkikita ulit kami ni Kreios? Hays.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top