43

"Goodbye class, see you again tomorrow." Paalam ko sa mga estudyante ko.

Pagkalabas ng mga estudyante ko ay agad kong inayos 'yong mga upuan at pagkatapos noon ay inayos ko na rin ang mga gamit ko bago lumabas ng room.

Naglalakad ako papuntang faculty nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

["Ayu! Oh my, kumusta ka na?"] Agad kong inilayo ang cellphone ko nang biglang sumigaw si Elle.

"Balak mo bang basagin eardrums ko?" Prangkang tanong ko, natawa naman siya. "Kailangan mo?"

["Ipapaalala ko lang sana 'yong reunion natin."] aniya. Hala! Oo nga pala muntik ko nang makalimutan.

"Oo, alam ko na 'yon." Pagsisinungaling ko.

["So, kailan ka uuwi?"] Tanong niya. Napaisip naman ako. Kailan nga ba?

"Hindi ko pa alam, tawagan na lang kita kapag okay na." Sagot ko.

["Baka naman hindi ka na naman matutuloy, ah,"] mahina naman akong natawa. Naalala ko tuloy 'yong unang reunion namin, hindi kasi ako natuloy noon dahil may biglaang event sa school at kailangang-kailangan ako roon. Ilang linggo niya akong hindi kinausap dahil doon.

["Hoy ano?"] Kahit kailan talaga napakakulit niya.

"Matutuloy na ako at saka balak ko ring diyan na magturo." Napatili naman siya sa sinabi ko.

["Saan ka tutuloy niyan?"] Tanong niya.

"May kakilala raw si mama na nagpaparenta ng apartment eh, doon na muna siguro ako."

["Okay sige, basta tumawag or mag-text ka kung kailan ang uwi mo, ha?"]

"Oo na, ba-bye. Ikumusta mo nga pala ako kay Kenzo, hindi tumatawag sa akin eh." Sabi ko.

["Paano tatawag eh busy,"]

"May jowa na?"

["Anong jowa? Asawa na niya."] Nanlaki naman ang mata ko.

"Kailan at saan sila ikinasal? At bakit hindi man lang siya nagsabi?" Sunod-sunod na tanong ko.

["Arrange marriage raw sila noong babae."] Sagot naman ni Elle. Uso pa pala 'yang arrange marriage na 'yan? Well, ganoon nga pala kapag mayayaman.

"Ibababa ko na ito ha? May idadaan pa ako, eh." Paalam ko, nag 'hmm' naman siya at siya na rin mismo ang nagpatay ng tawag.

May idinaan lang ako sa faculty at pagkatapos no'n ay umuwi na ako ng bahay.

"Hi, ate!" Bati agad sa akin ni Yuki nang pagkapasok ko sa bahay.

"Si mama?" Tanong ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Nasa kusina nagluluto," nakasimangot na sagot niya. "Ako 'yong nandito pero si mama 'yong hanap, tss." Natawa naman ako nang marinig ko ang bulong niya.

"Hala! Nagtatampo ang bata. Ikaw naman kasi Ayumi eh, siya nga kasi 'yong nandito tapos iba ang hinahanap mo." Agad akong lumapit sa puwesto niya at hinaplos haplos ang buhok niya. Nag 'tsk' naman siya at kinabig ang kamay ko.

"Oi! Watashi o kodomo atsukai suru no wa yamete!" Reklamo niya. Kita mo 'to, siya na nga itong nilalambing ayaw pa, hmmp!

[Translation: Hey! Stop treating me like a kid!]

"Ang sungit mo! Kaya hindi ka nagkakajowa eh." Inis akong tumayo at inirapan siya.

"Hindi mo sure," inirapan ko na lang ulit siya at nagtungo na ng kusina.

"Konnichiwa, okāsan!" Bati ko kay mama saka hinalikan siya sa pisngi.

[Translation: Hello, mom!]

"Ang Clay-clay ko talaga hindi pa rin nagbabago." Mahina naman akong tumawa.

"So, gusto mong magbago ako? Mama naman!" Pagmamaktol ko kaya siya naman ang natawa.

"Hindi naman sa ganoon, 'nak, hay naku samahan mo na lang akong magluto nito at para matapos na."

"Sige po, mamaya na lang ako magpapalit."

Ilang saglit pa ay natapos na kami ni mama sa pagluluto at saktong dumating si papa kaya naghanda na ako ng mga pinggan namin.

Bago ako kumain ay mabilis na half bath muna ang ginawa ko at pagkatapos ay nagbihis na bago pumuntang kusina.

"Ma, pa, balak kong umuwi ng Pilipinas." Tatlo silang natigilan sa sinabi ko.

"Bakit? Hindi ba maganda ang trabaho mo rito?" Tanong ni mama.

"Hindi naman po sa ganoon, ma."

"Anong dahilan kung bakit gusto mong bumalik ng Pilipinas?" Tanong naman ni Papa.

"Namimiss ko na po kasi si Elle, kaya 'yon." Sagot ko saka humigop ng tsaa.

"Si Ate Elle ba talaga o may iba pa?" Sabi ni Yuki habang nakangiti nang nakakaloko, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Epal ka?" ani ko at inirapan siya.

"Kung 'yan ang gusto mo sige, may tutuluyan ka na ba?" Tanong ni papa.

"May kakilala akong nagpaparenta ng apartment pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya." Sagot ni mama kay papa. "Kailan ka ba aalis?" Baling naman ni mama sa akin.

"Kapag tapos po ng graduation."

Matapos kaming kumain ay si mama't papa na ang naghugas ng mga pinagkainan namin samantalang si Yuki naman ay nagpaalam na may date raw.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at inumpisahang gawin 'yong mga ituturo ko bukas. At nang matapos ay idinial ko 'yong number ng kakilala ni mama.

["Hello? Sino po sila?"] Tanong niya nang masagot ang tawag.

"Ito po ba si Ate Teresa? Ako po 'yong anak ni Antonette Takahashi."

["Ahh si Ayumi? Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?"] Tanong ulit niya.

"May bakante pa po ba kayong apartment?" Tanong ko. Meron pa sana.

["Ahh oo, marami pa. Ikaw lang ba?"]

"Opo, tatawag na lang po ulit ako kung kailan po ako uuwi para maihanda niyo na po." Sabi ko.

["O'siya, sige sige."]

Nagpasalamat muna ako sa kaniya bago putulin ang linya. Pagkatapos noon ay inayos ko na ang higaan ko at natulog na.

"Are you sure, ma'am? We will miss you." Nasabi ko na sa mga co-teacher ko ang balak ko kaya heto sila at nakanguso sa harapan ko.

"Oh c'mon! I will visit when I have free time." Natatawang sabi ko.

"Okay but we still miss you. You are the best teacher here." Bigla akong dinapuan ng hiya nang sabihin ni Ma'am Asahi na 'best teacher' shems! Hindi ako prepared, char.

"Thank you, ma'am. I will miss you too." Nakangiting sabi ko sa kanila saka niyakap silang tatlo.

Hindi ko sila makakalimutang tatlo dahil sila lang ang naging ka-close kong teacher dito sa school na ito. Isama mo na rin ang mga estudyante ko, hinding-hindi sila mawawala sa puso ko.

Sa mga sumunod na araw ay naging sobrang busy ako sa pag-asikaso ng mga kakailanganin ko sa pag-uwi. Tinulungan ako nila mama at papa sa iba kaya madali lang akong natapos.

"Wala ka bang naiwan?" Tinutulungan akong mag-impake ni mama dahil ngayon na ang alis ko pabalik ng Pilipinas.

"Tumawag ka kapag nakarating ka na, ha? Matanda ka na pero ingatan mo pa rin ang sarili mo, 'wag mong papagurin masyado ang sarili mo." Hindi talaga nauubusan ng payo si mama.

"Opo mama, kayo rin po mag-iingat din po kayo rito."

Sinamahan ako ni mama na bitbitin ang mga bagahe ko palabas ng bahay.

"Huwag kang pasaway roon ate, ha?" Hinampas ko naman ang braso ni Yuki.

"Sira ulo! Bye na nga, ingatan mo sina mama at papa, ha? Mamimiss ko kayo." Sabi ko at kinabig siya para yakapin. Kinawayan ko muna sila bago sumakay ng taxi.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa airport at binitbit na ng driver ang ilan sa mga bagahe ko papasok. Nagpasalamat na ako sa kaniya matapos 'yon.

Medyo may kahabaan ang biyahe kaya naman umiglip muna ako at nagising nang marinig ko ang boses ng piloto na ilang oras na lang ay lalapag na ang eroplano anumang oras.

Huminga ako nang malalim nang makababa ako ng eroplano. Finally, naka uwi na rin.

Welcome back to the Philippines, Ayumi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top