42
Ngayong araw ang intramurals namin pero hindi pa maglalaro ang mga chess kaya may oras kaming manood ng ibang laro. Pagdating ng hapon ay pinatawag lahat ng chess players para sa meeting, at nang matapos 'yon ay pinauwi na kami.
Kinabukasan ay kasabay kong pumasok si Nixie at halos lahat ng madaanan namin ay pinagbubulungan kami. What's wrong with these people? Ngayon lang ba sila nakakita ng babae at lalaking sabay pumasok?
"Congrats Krei, galing mo talaga." Nagpasalamat naman ako kay Zeion.
"Kailan ulit laban mo?" Tanong ni Zoren.
"Sa Friday," sagot ko sa kaniya.
Nagkekwento si Keanu nang biglang may sumigaw sa labas ng classroom. 'Yong magpinsan lang pala.
Hindi na lang namin sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang kwentuhan pero ilang saglit pa ay nakarinig kami ng malakas na hampas kaya napatingin ulit kami sa magpinsan.
"Nakaka-b*wisit ka talaga! Kung hindi lang kita pinsan eh." Galit na sabi ni Cristelle saka naglakad palabas. Naiwan naman si Ayumi na nakaawang ang bibig habang hinihimas ang brasong hinamapas ng pinsan niya.
"Masakit panigurado 'yong hampas na 'yon," dinig kong sabi ni Zoren habang nakatingin kay Ayumi.
Tahimik lang kaming apat nang biglang pumasok si Kenzo sa room. Tinawag niya si Ayumi pero hindi ito sumama. Noong pangalawang balik ni Kenzo ay hindi pa rin sumama si Ayumi kaya binuhat niya ito na parang sako. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at nakita naman iyon ni Zeion.
"Tsk, tsk, tsk.." umiiling pang sabi ni Keanu.
Nang mag-uwian ay nauna akong umuwi sa apat dahil may pupuntahan pa raw sila.
"Hindi ka talaga sasama?" Umiling naman ako bago isarado ang pintuan ng sasakyan.
Nakatulala lang ako buong biyahe hanggang sa makarating kami ng bahay.
"Are you okay, anak?" Napatingin ako kay mommy. "Kanina ka pa tahimik simula noong makauwi ka." Dagdag niya.
"I'm okay, mom, don't worry." Sabi ko saka tipid na ngumiti.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at saka nagpaalam na kina mommy. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa banyo para mag shower. At nang matapos ay nagbihis na ako ng pang tulog saka nahiga na sa kama.
Halos isang oras akong nakatulala sa kisame habang iniisip pa rin 'yong nangyari kanina, sila pa rin kaya? Hays. Itinigil ko na ang pag-iisip sa kanila at natulog na lang.
~~~
Today is Friday, last na ng intramurals ngayon kaya naman maaga pa lang ay nasa school na ako. Naglalakad ako papunta sa room nila Aldrin nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Zoren.
"Wow, ang aga mo ah." Tamad ko siyang sinulyapan at nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Sungit." Nakangusong sabi niya saka hindi na umimik.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang mapansing lumampas ako sa room namin.
"Sa room ng grade eleven."
"Sama ako," hinayaan ko na lang siyang sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa room nila Aldrin. Nadatnan ko siyang naglalaro ng chess kasama si Felix.
"Ano oras laro mo kuya?" Tanong sa akin ni Felix nang mapansin niyang pumasok ako ng room.
"Mamayang 1 pm, kayo?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Mamayang 9 si Aldrin ta's mamayang 11 naman ako," sagot niya. Tumango-tango na lang ako at nanood ng laro nila.
Noong nag-umpisa na ang laro ay pinapunta na kaming lahat ng chess player sa area namin. Nakapuwesto na agad si Aldrin habang inaantay 'yong makakalaban niya.
Katabi ko ngayon sina Zeion, Zoren, at Keanu pati na rin si Nixie.
Matapos ang laro ni Aldrin ay sabay kaming apat na pumunta sa canteen, hindi na namin kasama si Nixie dahil pinapatawag daw siya ng kaibigan niya.
Habang kumakain ako ay siniko ako ni Zoren kaya naman kunot noo akong tumingin sa kaniya.
"May umaaligid na naman kay Yumi mo oh," aniya at itinuro ang pwesto kung nasaan sina Ayumi.
"Sino naman 'yan?" Tanong ni Keanu habang nakatingin din doon.
"Taga ibang school 'yan," sagot naman ni Zoren.
"P'wede ba! Tigilan mo na nga ako. Hindi naman kita kilala, feeling close ka masyado!" Asar na sigaw ni Ayumi sa lalaki.
"Ang cute niya magalit." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Zoren.
May sinabi pa 'yong lalaki kaso lang hindi ko marinig dahil sa lakas ba naman ng bulungan ng mga estudyanteng nandito. Mayamaya pa ay nagsalita ulit si Ayumi at kitang-kita sa mukha niya ang inis dahil sa presensya ng lalaki.
"Ayu, wait lang!" Tawag sa kaniya ni Cristelle pero hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa dumapo ang tingin niya sa pwesto namin.
'Yong inis sa mukha ay napalitan ng nagpapaawang pusa nang tumama ang tingin niya sa akin. Ang ganda niya. I will never get tired of saying that.
"Nag-iba agad mood niya noong nakita niya ako, hays pogi ko talaga." Napangiwi naman 'yong dalawa sa sinabi ni Zoren.
"Omg! You win!" Tuwang-tuwang sabi ni Nixie saka niyakap ako nang mahigpit, niyakap ko na rin siya pabalik.
At nang humiwalay siya sa akin ay nahagip ng paningin ko si Ayumu habang hila-hila si Cristelle. Bumuntong-hininga naman ako saka binalik ang tingin kay Nixie. She saw it, for sure.
~~~
"Kreios," tawag sa akin ni Dani. "Pinatawag na raw lahat ng contestants para sa start ng practice." aniya.
Tinanguan ko na lang siya at inayos muna ang gamit ko bago lumabas ng classroom. Dumiretso na ako sa covered hall dahil doon daw magpa-practice.
"Krei!" Hinihingal na tawag sa akin ni Nixie.
"Anong nangyari sa 'yo? At bakit hingal na hingal ka?" Kunot noong tanong ko.
"Dinaanan kasi kita sa room niyo at ang sabi sa akin nandito ka na raw, kaya ayon tumakbo na ako papunta rito."
"Sorry," sabi ko, nagtaka naman siya. "Kung alam ko lang na wala ka pa rito sana dinaanan kita sa room niyo." Mahina naman niya akong hinampas sa braso.
"Ano ka ba 'wag ka ngang mag-sorry. Wala kang kasalanan, okay?" Napabuntong-hininga na lang ako.
Magsasalita pa sana siya kaso tinawag na kami para mag-practice. Butter ang napiling kanta ni Nixie para sa performance namin.
Maayos naman ang kinalabasan ng practice namin kaya mabilis kaming natapos. Maghapon ang practice namin kaya kaming dalawa ni Nixie ang palaging magkasama tuwing break time. At nang kinahapunan ay hinatid ko siya pauwi sa bahay nila.
"Ingat sa pag uwi." Nakangiting sabi niya saka hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.
Palagi niyang ginagawa sa amin nina Zoren ang paghalik sa pisngi namin kaya nasanay na ako.
~~~
"Kinakabahan ako..." napatingin ako kay Nixie na nasa tabi ko. "Paano kapag magkamali ako? Natatakot ako baka ma-disappoint ko 'yong buong grade 12." Agad kong hinawakan ang kamay niya.
"Don't say that, maipapanalo natin 'to." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Ramdam kong nanginginig pa rin ang kamay niya kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniharap siya sa akin.
"Don't be nervous, okay? Kasama mo ako kaya wala kang dapat ikatakot." Sabi ko sa kaniya.
Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa tawagin na kami, binitawan ko lang 'yon noong pinapunta siya sa kabilang side.
Pagkatapos naming mag-perform lahat, bumalik na kami sa backstage para magpalit at para makapag-retouch. Pang huli pa naman kami kaya nagpaalam muna ako kay Nixie na bibili muna ng pagkain namin. Pagkabili ko ay agad na rin akong bumalik sa backstage.
"Thanks," nakangiting sabi niya pagka-abot ko sa kaniya ng burger at C2.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain hanggang sa tawagin na kaming dalawa sa stage. Hindi na kinakabahan si Nixie kaya nagawa namin ng maayos 'yong sayaw namin.
"Q & A na next." Dinig kong sabi ng katabi naming grade 11.
Gaya kanina, kami ulit ang huli kaya nagkwentuhan na lang muna kami ni Nixie. Habang nagsasalita siya hindi ko mapigilang hindi matulala sa kaniya at sumagi na naman sa isip ko ang ginawa niyang pag amin noong nakaraang araw. Aaminin ko maganda naman siya, mabait, maalaga pero kahit na anong pilit kong gustuhin siya, wala talaga. Tanging si Ayumi lang talaga ang laman ng puso ko.
"Krei? Kreios!" Nabalik ako sa ulirat nang mahinang tapikin ni Nixie 'yong pisngi ko.
"Tara na, tayo na ang next." Hindi na ako sumagot, tumayo na lang ako at sabay kaming umakyat ni Nixie sa stage.
Habang sinasagot ko 'yong tanong na nabunot ko ay nakatingin lang ako kay Ayumi habang nagsasalita.
Matapos ang Q & A, pinaakyat na lahat ng contestants para sa awarding. Hawak ko ulit 'yong kamay ni Nixie dahil ramdam kong nanginginig ulit siya.
At nang tawagin ang pangalan namin ay wala sa sariling niyakap ko si Nixie at nang maghiwalay kami ay parehas kaming nagulat sa nangyari.
Matapos 'yon ay lahat ng madaanan ko ay sinasabihan ako ng congrats, nginingitian ko na lang sila dahil may isang tao akong hinihintay na magsabi rin sa akin ng salitang 'yan. Pero pagsapit ng hapon ay hindi ko narinig ang salitang 'yon galing sa kaniya.
Kinabukasan ay battle of the bands naman ang sunod nakaupo na kami nina Zoren sa may bandang harap.
Magagaling naman 'yong mga naunang nag-perform pero iba pa rin 'yong kina Ayum. At habang kumakanta siya ay sa akin lang siya nakatingin. Ibang-iba 'yong tingin niya sa akin habang kumakanta siya, parang may kung anong pinapahiwatig 'yong mga mata niya pero hindi ko mawari kung ano 'yon.
"Guys, puntahan ko lang muna si Nixie." Paalam ni Zeion kaya tumango na lang kaming tatlo.
At nang matapos mag-perform lahat ng contestants ay pinagsama sama na silang lahat sa stage para malaman kung sino ang mananalo. Ako na lang mag-isa rito dahil nagpaalam din sa akin sina Zoren na bibili muna ng pagkain.
Nang banggitin ng emcee 'yong pangalan ng group nila Ayumi ay nakita ko kung paano yakapin ni Kenzo si Ayumi. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Hindi ko sila kayang tignan.
Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito. Nag-text sa akin si Keanu na nasa hospital daw sila dahil bigla raw nahimatay si Nixie. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, dali-dali na akong tumayo at mabilis na nilisan ang covered hall.
~~~
Simula noong malaman naming mahina na ang puso ni Nixie ay palagi na kaming nasa tabi niya. Kapag wala sila Zeion at kapag may ginagawa si Zoren ay ako ang kasa-kasama ni Nixie.
Marami na rin ang nag-aakala na kami pero ang totoo ay kaibigan lang ang turing ko kay Nixie. At tuwing linggo ay sinasamahan kong magpa-check up si Nixie dahil wala si Zeion tuwing linggo, kasama siya ng papa nila.
Sa mga lumipas na araw ay napakaraming nangyari, tapos na ang exam namin kaya heto kami ngayon nagde-decorate ng classroom dahil malapit na ang Christmas break.
"Ayan tapos na, ang gagaling natin." Pumalakpak na sabi ni Donna.
Pagsapit ng sabado ay nagpaalam ako kay mama na pupunta sa mall para bumili ng regalo.
"May pera ka ba?" Tanong niya, tumango naman ako. "Mag-iingat ka anak, ha?" Hinalikan ko na lang siya sa pisngi bago lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse. Marunong naman na akong mag-drive kaya ako na ang magmamaneho.
At pagkarating ko sa mall ay agad ko nang pinark ang sasakyan at pagkarating ay pumasok na sa loob. Madali lang akong nakapili ng ireregalo dahil lalaki naman ang nabunot ko.
"Pogi natin ah..." tipid kong sinulyapan si Zoren nang makita niya akong naglalakad sa hallway.
Ngayon na ang Christmas party kaya naman may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang mga estudyante.
"Nandiyan na sina Keanu?" Tanong ko kay Zoren.
"Oo, kanina pa." Sagot naman niya. "Doon muna tayo?" Tanong niya, tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Nag-stay pa ako ng ilang minuto sa room nila Keanu hanggang sa mapagpasyahan kong bumalik na ng classroom.
"Mr. Del Fuego, ikaw ang kapartner ni Ayumi." Para akong nabingi nang marinig ko ang pangalan ko.
Nagsimula na ang laro at pareho kami no Ayumi na hindi nagsasalita. At noong maliit na ang tupi ng newspaper ay bigla na lang gumalaw mag-isa ang kamay ko at binuhat si Ayumi. Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ko habang buhat ko siya.
"Wow! Congrats Kreios and Ayumi, kayo ang panalo." Binigyan kami ng tig isang bente ni Ayumi bilang premyo namin.
Matapos ang mga palaro ay kumain na kami at matapos 'yon ay nag-exchange gift na kami.
"Nasaan na regalo mo? Patingin ako," Pangungulit ni Zoren.
"Hindi pwede." Sagot ko kaya sumimangot siya. Ako lang dapat ang makakakita nito.
"Damot! Diyan ka na nga." Napailing na lang ako nang maglakad na siya paalis.
~~~
"Ayu, may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ni papa kay Ayumi.
Nilunok muna niya 'yong kinakain niya bago umiling. "Uhmm, wala po eh."
Bumaling naman ang atensyon ni papa.
"Ikaw Kreios, kayo na ba ni Nixie?" Tanong niya.
"Yes po," p*tcha Kreios, anong yes po? Kailan mo siya niligawan, ha? Kailan?!
Matapos kaming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila. Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko pinagalitan ang sarili ko.
"Ang t*anga mo kahit kailan, Kreios!" Sabi ko habang nakaduro sa repleksyon ko sa salamin.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Hindi ko nakita si Ayumi sa sala kaya lumabas ako para tingnan kung naroon ba siya.
"What are you doing here? Ayaw mo ba sa loob?" Tanong ko saka tumabi sa kaniya.
"Okay na ako rito." Nakangiting sabi niya.
Saglit kaming natahimik at mayamaya pa ay nagsalita siya.
"Uh, congrats nga pala sa inyo ni Nixie. Stay strong sa inyo." Napalunok ako sa sinabi niya. Ang t*nga talaga, bakit kasi 'yon 'yong sinabi ko?
"Thanks," pinilit kong 'wag ma-utal nang sabihin ko 'yon, panindigan mo 'yang kasinungalingan mong iyan, Kreios.
At pagsapit ng pasko ay pina-deliver ko sa bahay nila Ayumi 'yong necklace na pinagawa ko. Iyon sana 'yong ireregalo ko sa kaniya kung sakaling siya ang mabunot ko kaso hindi kaya ibibigay ko na lang ngayong pasko. Sana magustuhan niya.
~~~
"Gusto kita!" Natigilan ako sa sinabi ni Ayumi. Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niya rin ako? Kung panaginip lang ito sana hindi na ako magising.
Sh*t, bakit ba ang ganda niya sa malapitan. Mahina akong umiling dahil sa naisip ko. Umamin na siya, aamin na rin kaya ako?
"I'm sorry but—" hindi niya ako hinayaang patapusin ang sasabihin ko.
"Huwag kang mag-sorry, ako dapat ang mag-sorry." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nagso-sorry ako kasi gusto kong ulitin niya 'yong sinabi niya.
Why? Bakit siya magso-sorry? Kasalanan bang magustuhan ako?
"For what?" Tanong ko.
"Dahil nagustuhan kita. Sorry kasi hinayaan ko 'yong sarili kong mahulog sa 'yo. Sorry dahil hindi ko nagawang pigilan itong nararamdaman ko para sa 'yo, sorry talaga." No, no, don't say sorry please... Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil una pa lang ako dapat ang mag-sorry sa 'yo dahil duwag ako, ang torpe torpe ko.
"Stay strong sa inyo ni Nixie, ha? Ingatan niyo ang isa't-isa at 'wag niyong sasaktan ang isa't-isa." No, hindi kami ni Nixie. Ikaw ang gusto ko, ikaw lang wala nang iba.
F*ck, Kreios! Magsalita ka!
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagpaalam na siya. Gusto ko siyang habulin at yakapin pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, nanatili akong nakatingin sa kaniya habang yakap-yakap siya ni Cristelle at kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga balikat niya.
"Ang t*nga mo Krei, chance mo na para umamin pero anong ginawa mo? Sorry sa word, ha, pero... hays." Sinabi ko kina Keanu 'yong nangyari kanina kaya heto at sinesermonan ako.
"I was afraid, okay?" Nakayukong sagot ko.
"Anong kinakatakot mo, eh pareho niyo namang gusto ang isa't-isa?" Singit naman ni Zeion.
"Natatakot ako na masaktan si Nixie, okay?! Natatakot ako na—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang unahan ako ni Zeion.
"Nasasaktan siya, Krei! Nasasaktan ang kapatid ko, kasi alam niya na una pa lang wala na siyang pag-asa sa 'yo, pero wala eh, gusto ka pa rin niya. Ginugusto ka pa rin niya kahit na hindi siya ang gusto mo. Kung ikaw takot kang makita siyang masaktan, puwes ako, hirap na hirap na akong nakikita siyang nasasaktan." Natulala ako sa sinabi no Zeion.
"H-Hindi ko alam, sorry, sorry." Paulit-ulit akong umiiling.
"Itigil mo na 'yang kasasabi mo ng sorry dahil wala ka namang ginawang kasalanan sa amin. At sana 'wag mong pagsisihan 'yang k*tangahan mong iyan." Huling sabi ni Zeion bago niya kami talikuran.
"Una na kami Krei, pagpasensyahan mo na si Zeion." Tinapik ni Keanu 'yong balikat ko habang tumango naman si Zoren at saka sabay silang lumabas ng bahay.
~~~
"Hindi pa rin kayo okay ni kuya?" Tanong ni Nixie, umiling naman ako.
Nandito ako ngayon sa hospital at ako muna ang pinabantay ni tita dahil may bibilhin daw muna siya sa baba.
"Pagpasensyahan mo na siya, ha? At saka nasabi niya rin kasi sa akin 'yong pag-amin sa 'yo ni Ayumi noong graduation." Napatingin naman ako sa kaniya. "Kung tutuusin nga, galit din dapat ako sa 'yo kaso hindi ko kayang magalit sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko at mahina siyang tumawa.
"Krei, mahal mo ba si Ayumi?" Tumango naman ako. "Kung ganoon bakit natatakot kang sabihin sa kaniya? Ang sabi nga nila kung talagang mahal mo ang isang tao dapat handa kang sumugal, pero hindi mo naman na kailangang sumugal dahil pareho naman kayo ng nararamdaman." Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya at hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi sa akin ni Nixie.
Bukas na bukas pupuntahan ko siya sa bahay nila at sasabihin ko na sa kaniya itong matagal na matagal ko nang nararamdaman para sa kaniya.
"Isang linggo nang wala sila Ayumi, Krei." Nanigas ako sa sinabi ni Cristelle.
"Saan sila nagpunta?"
"Japan, sinama na sila ng papa niya roon." Sagot naman niya.
"Kailan sila babalik?"
Umiling naman siya. "Hindi ko alam kung babalik pa sila." Sagot niya.
Nagpasalamat muna ako sa kaniya bago umalis at umuwi na sa bahay.
"Kumusta anak?" Umiling naman ako.
"Nahuli na ako, ma, hindi ko na nasabi sa kaniya." Niyakap naman ako nang mahigpit ni mama kaya hindi ko na napigilan ang umiyak.
Kapag nabigyan ako ng pagkakataong makita ko ulit siya, hindi ko sasayangin ang oras na 'yon para sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top