41
After graduation, I decided to visit my grandparents. So, here I am packing my things. Sakto lang ang damit na dinala ko dahil sasaglit lamang ako roon.
"Take care, son." Wika ni dad at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni mommy.
Ilang oras din ang biyahe patungong probinsya nila lola kaya naman natulog na muna ako. Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto na ang sasakyan.
"Nagugutom po ba kayo, sir?" Tanong sa akin ni Mang Joland, family driver namin.
Medyo nagugutom na rin naman ako kaya tumango na lang ako.
"Sakto po may madadaanan po tayong Mcdo," sambit nito, tipid na lang akong ngumiti at tinanguan siya.
Nang makarating kami sa sinasabi ni Manong ay bumaba na ako ng sasakyan para pumasok sa loob at nag-order. Nag-order na rin ako ng pagkain ni manong.
Matapos akong mag-order ay naghintay muna ako ng ilang minuto bago ko makuha ang order ko. At nang makuha ko na ay lumabas na ako at naglakad na papunta sa sasakyan.
"Here manong, kain muna tayo."
"Salamat po, sir." Tinanguan ko na lang ito at nagsimula nang kumain.
After eating, manong started the engine and drove again. Since mahaba-haba naman ang tulog ko kanina kinuha ko ang earphones at nakinig na lang ng music. Nakatingin lang ako sa labas nang magsalita si Manong at ang sabi nito ay malapit na raw kami.
"Eivan!" Sinalubong ako ng yakap ni lola pagkababa ko ng sasakyan.
"Hi, lola." Niyakap ko rin pabalik si lola. "Where's lolo?"
"Nasa sabungan na naman," sagot niya saka umirap, natawa naman ako.
"Akala ko po ba tumigil na siyang magsugal?" Tanong ko.
"Iyon pa mapapatigil mo? Naku, sakit sa ulo 'yong lolo mong 'yon." Natatawa ko namang inakbayan si lola at naglakad na kami papasok sa loob. Si Manong na ang nagpasok ng mga gamit ko kasama ang isang katulong nila lola.
Nakipagkwentuhan lang ako kay lola magdamag, na kwento ko rin sa kaniya si Ayumi. Nabatukan pa ako kasi hindi raw ako umamin.
"Manang-mana ka talaga sa lolo mo." anito at mahinang piningot ang tainga ko.
"Anong mayroon at narinig ko ang pangalan ko?" Nabaling ang atensyon namin ni lola kay lolo na kararating lang. Agad naman akong tumayo para yakapin siya.
"Kararating mo lang ba?" Tumango naman ako.
Kaming dalawa naman ni lolo ang nag kwentuhan tungkol sa ginagawa niya tuwing nasa sabungan siya. Inamin niya sa akin na nanonood lamang siya roon at hindi pumupusta.
Nagkwento pa siya nang kung ano-ano hanggang sa tawagin na kami ni lola upang maghapunan.
Sa halos isang linggong pananatili ko rito ay marami akong natutunan. Isa na rito ang kung paano ang buhay kapag nasa probinsya ka. Hindi kasi tulad sa Manila na kapag may katulong ay sa kanila na iaasa ang lahat, ang sabi sa akin ni lola ay kung kaya ko namang gawin ay ako na lamang gumawa dahil hindi lahat ng bagay dapat iasa sa ibang tao.
At ngayon na ang huling araw ko rito sa probinsya. Kasama ko ngayon si lolo sa fish pond niya na hindi naman kalayuan sa bahay, tinutulungan ko siyang magpakain ng libo-libong isda.
"Mag-iingat kayo sa biyahe, ha?" Nakangiti akong tumango kay lola.
Lumapit muli sa akin sina lolo at lola para yakapin ako. Matapos 'yon ay sumakay na ako sa sasakyan, kumaway muna ako sa dalawang matanda bago tuluyang isarado ang pintuan.
Limang oras ang itinagal ng biyahe pabalik ng Manila dahil naabutan kami ng matinding traffic sa Quezon City.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob habang dala ang ibang gamit ko at umakyat na sa taas patungong kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong isinalampak ang katawan ko sa malambot kong kama at mayamaya ay nakaramdam na ako ng pagka-antok.
~~~
"Krei!" Hingal na hingal si Zoren nang makalapit siya sa akin.
"Bakit?" Maikling tanong ko.
"Classmate mo si Ayumi." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Totoo?" 'Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Oo nga, ito oh may picture ako," kinuha niya 'yong cellphone niya sa bulsa niya at saka may ipinakita sa akin.
Totoo nga, totoo ngang kaklase ko na siya. Pero kasama pa rin 'yong Kenzo. Binalik ko na lang sa kaniya 'yong cellphone niya at naglakad na.
Nasa labas pa lang ako ng room ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko at isa na rin doon ay si Ayumi. Natawa na lang ako nang mahina, hindi pa rin talaga siya nagbabago. Maingay pa rin siya.
Bigla silang tumahimik nang tuluyan akong makapasok. Isa isa ko silang tinignan at nang tumama ang mata ko kay Ayumi ay nakita kong natingin din siya sa akin. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para maputol ang tinginan namin.
Sa buong sem ay hindi ako makapag-concentrate dahil sa presensya ni Ayumi. Iba pala talaga kapag nasa malapit lang 'yong taong gusto mo.
Kapag vacant namin siya palagi ang dahilan kung bakit maingay ang section namin. Hindi siya nauubusan ng mga corny jokes.
Sana classmate ko uli siya next year.
~~~
Gusto kong tumalon sa tuwa nang malaman kong kaklase ko ulit si Ayumi.
Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom nang makita ko 'di kalayuan sina Ayumi kaharap si Czavea, pinsan siya ni Keanu.
"What's happening here?" Singit ko.
Lumapit sa akin si Czavea at saka mabilis na inilingkis ang braso niya sa braso ko. Nagsumbong pa siya na inaaway raw siya nila Ayumi.
"Tara na, Elle. 'Wag na natin pag-aksayahan ng oras 'yang babaeng 'yan." Nakita ko ang ginawa niyang pag-irap. Tipid akong napangiti roon, pusa.
Palaging sa likod ang pinipili kong upuan para lagi kong nasusulyapan si Ayumi.
Tahimik kaming nagsusulat nang magsalita si Kenzo.
"Miss Takahashi?" Mabilis na tumayo si Ayumi at palihim na inirapan si Kenzo.
"S-Sorry po, ma'am." Nakayukong sabi niya.
Nang dumating ang recess ay sabay kaming apat na pumunta sa canteen, pero bago 'yon ay pupuntahan pa raw muna ni Zeion 'yung kapatid niyang si Nixie. Mabilis naming naka-close ang kapatid niya dahil hindi naman siya mahiyain.
"Krei, tingin ko may gusto sa 'yo si Nixie." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Zoren.
"Paano mo nasabi?"
"Napapansin ko kasi na lagi siyang tumititig sa 'yo." Sagot niya.
"Guni-guni mo lang 'yan." Iling ko.
Madilim na no'ng makauwi ako dahil nag-aya pa si Zoren na mag-Starbucks muna. Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si mommy na tinutulungang magluto si manang ng hapunan, agad na akong naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran.
"Ginabi ka yata?" Tanong niya habang naghihiwa ng patatas.
"Nag-aya po kasing mag-Starbucks si Zoren. Taas po muna ako," paalam ko.
"Okay, tatawagin na lang kita if dinner is ready na," tipid ko naman siyang tinanguan bago maglakad paakyat.
Nakahiga ako sa kama ko habang nanonood nang may mag-chat sa akin. Kumunot naman ang noo ko nang makitang dummy account 'yong nag-chat at halatang kagagawa lang ngayon.
Tunog nang tunog 'yong messenger ko kaya naman wala na akong nagawa kundi ang replyan siya. Matapos ko siyang replyan ay wala na akong natanggap na reply mula sa kaniya, sakto ring tinawag na ako ni mommy kaya in-off ko na ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto ko.
Sa mga sumunod na araw ay palagi kaming magkasama ni Nixie, siya rin ang lagi kong kasama tuwing maglalaro ng chess.
Katatapos lang ng recess kaya naman ihahatid ko na si Nixie sa room niya. Habang naglalakad kami ay nagke-kwento siya ng kung ano-ano.
"Basta ang sobrang lutang si kuya kanina, nagsumbong pa siya kina mommy na tinago ko raw 'yong phone niya, samantalang hawak niya lang naman." Sabay naman kaming tumawa. Sobra talaga ang pagiging makakalimutin ni Zeion.
Nahinto ako sa pagtawa nang mahagip ng mata ko si Ayumi habang naka-akbay sa kaniya si Kenzo. Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinagpatuloy na lang ang paglalakad.
Parang pinupunit ang puso ko nang makita ko silang magkasama. Sana ako na lang si Kenzo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top