40
"Ang tagal naman ni Keanu, gutom na ako eh," dinig kong reklamo ni Zoren.
"Sundan mo nga, Van." Utos naman sa akin ni Zeion.
"Ang gagaling niyo naman," sarkastikong sabi ko.
"Dali na, Van. Ito parang others." Pamimilit ni Zoren.
Napabuntong-hininga ako.
"B*wisit kayong dalawa ang galing niyo mag-utos, pagbuhulin ko kayo eh." Tumayo na ako sa upuan ko at naglakad na palabas ng room, napailing na lang ako nang marinig ko ang tawa nila.
Agad kong tinanong si Macey nang magkasalubong ko siya sa hallway.
"Tignan mo siya sa music hall, baka nandoon pa siya." Sagot naman niya, nagpasalamat na lang ako sa kaniya at naglakad na paalis.
Pagdating ko sa music hall ay wala akong Keanu na nakita. Paalis na sana ako nang bigla akong mapahinto sa boses na narinig ko sa loob.
Hindi ko na lang namamalayan na nakangiti na pala ako habang pinapakinggan ang napakagandang boses niya. Hanggang sa matapos na niya 'yong kanta. Her voice is nice.
Sobra akong nac-curious kung kaninong boses 'yon kaya naman wala sa sarili akong pumasok sa loob ng music hall at may nakita akong chinitang babae na naka-upo habang may hawak na gitara. Ang ganda niya, lalo na 'yong mata niya. Hindi siya nakakasawang pagmasdan.
Nataranta ako nang bigla siyang tumayo at inumpisahang iligpit 'yong mga papel na nakakalat sa harap niya. Sh*t! Hindi niya dapat malaman na may ibang tao rito bukod sa kaniya.
Sa sobrang pagmamadali kong lumabas ay may nasagi akong upuan na siyang nakagawa ng ingay.
"Hello? May tao ba riyan? Kung meron man magpakita ka sa akin," hindi ako umimik. "Huwag ka namang manakot oh..." natawa naman ako nang mahina sa huling sinabi niya.
Tahimik akong lumabas at nang makalabas ako ay nakita ko sila Keanu na mukhang papasok pa sana sa loob.
"Anong ginagawa mo sa loob?" Tanong ni Keanu.
"Hinahanap ka."
"Eh, wala naman ako diyan eh," wika niya.
"Punta na nga tayo ng canteen, ang dami niyo pang sinasabi eh." Reklamo ni Zoren.
Habang kumakain ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong chinitang babae kanina sa music hall. Ano kayang pangalan niya?
"Kanina ka pa tahimik ah, may problema ba?" Sumulyap naman ako kay Keanu at umiling.
"Nothing," sagot ko. Should I ask him? Bahala na nga.
"Ahm, may bago ba kayong member sa music club?"
"Oo, tatlo. Bakit?"
"Sino 'yong tatlong 'yon?" Binuklat naman niya ang dala niyang notebook at may tinignan doon.
"Si Kenzo, Cristelle, at saka si Ayumi." F*ck, sino siya roon sa dalawa?
"Ano itsura no'ng Cristelle?"
"Hmm… maamo 'yong mukha tsaka hanggang balikat ang haba buhok. 'Yong Ayumi naman, singkit saka hanggang baba ng balikat naman ang haba buhok." Sagot niya. So, Ayumi pala ang pangalan niya. "Tsaka haponesa raw sabi no'ng iba." Dagdag niya.
Simula no'ng araw na 'yon, palagi nang hinahanap hanap ng mga mata ko si Ayumi. Palagi ko siyang nakikita sa canteen tuwing break time kasama 'yong Cristelle. Minsan na rin akong nahuhuli ng mga kaibigan ko na nakatitig sa kaniya.
"Baka matunaw siya ha," biro ni Zoren.
"Type mo?" Natatawang tanong ni Zeion, hindi naman ako umimik.
Maybe, I have a crush on her.
"Kaya pala tinanong mo sa akin kung anong pangalan niya," sambit ni Keanu saka tumawa.
"Binata na Kreios natin." Napailing na lang ako sa k*tarantaduhan ng mga kaibigan ko.
Tuwing sumasapit ang Valentines day, gumagawa ako ng letter para sa kaniya pero hindi ko ito binibigay, pati na rin kapag pasko. Wala eh, torpe kasi.
"Hindi 'yan mapapasayo kung tititigan mo lang siya magdamag." Umiling naman ako sa sinabi ni Zoren.
"Hindi pa ako handang lapitan siya." Sabi ko.
"Kailan ka magiging handa? Kapag naunahan ka na?" Sabat naman ni Zeion.
"You know what Krei, kung talagang gusto mo siya gumawa ka nang paraan para mapalapit sa kaniya. At saka anong silbi naming tatlo kung hindi ka namin tutulungan, 'di ba?" Tumango naman 'yong dalawa sa sinabi ni Keanu.
Hindi ko pinakinggan ang sinabi ng mga kaibigan kaya ngayon ay sising-sisi ako.
"Ano ka ngayon? E'di naunahan ka," hindi ko pinansin ang sinabi ni Zeion.
Sinundan ko ng tingin si Ayumi kasama si Kenzo na boyfriend daw niya. Huminga ako nang malalim saka sumandal sa upuan ko.
Nang mag-uwian ay nakita ko na naman sila pero kasama na nila 'yong isang babae, Cristelle ang pangala. Iniiwas ko na lang ang tingin ko at naglakad na lang papuntang parking lot kung saan nag-aantay ang sundo ko.
Pagkarating ko ng bahay ay nadatnan ko si mommy kausap si Tita Antonette. Agad akong lumapit kay mommy at hinalikan ito sa pisngi at pagkatapos ay lumapit naman ako kay Tita Tonette para mag-mano. At matapos 'yon ay nagpaalam na akong aakyat na papunta sa kwarto ko.
Hinagis ko ang bag ko sa upuan ng study table ko at saka dumapa sa kama. Ilang sandali pa ay bumangon na ako at naglakad papunta sa closet ko upang maghanap ng isusuot.
Matapos akong magbihis ay naupo ako sa gilid ng kama ko habang nakatulala sa sahig. Marahas kong ginulo ang buhok ko dahil sa pagka-inis.
"Ang torpe mo, Kreios. Napaka torpe mo! Ano ka ngayon, naunahan ka tuloy! Bobo mo." Pangaral ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa pintuan ko nang tawagin ako ni manang at sinabing hinahanap daw ako ni mommy.
"Sunod na po ako," tumango naman siya bago isarado ang pintuan.
Huminga pa muna ako nang malalim bago tumayo sa kama ko at lumabas na ng kwarto ko.
"Bakit po ma?" Tanong ko nang makababa ako.
"Nothing, gusto lang naming makipagkwentuhan sa 'yo. So, how's school?"
"Okay naman po." I answered politely.
"Alam mo, Cass, bagay na bagay talaga ang mga anak natin. Kasi itong anak mo tahimik samantalang si Clay-clay ko sobrang ingay." Pareho naman silang natawa.
Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila pero paminsan minsan ay sumasagot ako kapag tinatanong nila ako. Nagpatuloy pa ang pag-uusap nila hanggang sa magpaalam na si Tita Antonette na uuwi na dahil baka raw hinihintay na siya no'ng anak niya. Iniwan ako ni mommy sa sala at inihatid sa labas si tita.
"I can't wait to see Antonette's daughter." Sabi ni mommy nang makapasok siya. "And I'm sure magkakasundo kayo no'n." Tumabi naman siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
'Kung hindi si Ayumi 'yon, 'wag na lang' sabi ko sa isip ko.
~~~
Wala na kaming ginagawa ngayon dahil bukas na ang graduation at katatapos lang naming mag-practice magmartsa. Tahimik akong naglalaro ng chess sa cellphone ko nang tabihan ako ni Zoren.
"Van, magtatapos na tayo ng junior high school hindi ka pa rin nakaka-amin kay Ayumi." Saglit kong tinignan si Zoren at binalik ulit tingin sa ginagawa ko.
'Papaano ako aamin, eh may boyfriend na nga, tss' gusto ko sanang sabihin 'yan kaso pinilit ko na lang ang sariling kong manahimik na lang.
In-off ko agad ang cellphone ko nang tawagin muli kami para sa huling practice.
Kinabukasan, sabay-sabay kaming nagb-breakfast ngayon nila mommy at daddy. Masaya ako dahil kahit na may trabaho si dad ginagawan pa rin niya ng paraan para maka-attend sa graduation ko. Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na para maligo at makapag-ayos na.
Nang makarating kami sa school ay medyo marami-rami na rin ang mga tao. Since mamaya pa naman mag-uumpisa, nagpaalam muna ako kina mommy na puntahan muna sila Zoren.
"Hindi ka talaga aamin?" Tanong ni Keanu, tipid naman akong umiling.
"Kung may gamot lang sa pagiging torpe baka isang dosena na ang binili ko para sa 'yo." Sabi naman ni Zeion.
"Edi humanap ka," binatukan naman niya ako kaya mahina akong tumawa.
"G*go!" Mura niya.
Sabay kaming apat na pumunta sa covered hall dahil malapit nang magsimula ang event.
"Congratulations graduates!" Malakas na palakpakan ang namayani sa buong covered hall nang sabihin iyon ng principal namin.
"Congratulations, anak, we are so proud of you." ani dad at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik at nagpasalamat.
Bago kami umuwi ay nagpicture picture muna kaming magkakaibigan at saglit na nagkulitan.
"Ayon si Ayumi oh," agad ko namang nilingon ang direksyong tinuro ni Zoren.
Nakita ko siya kasama si Tita Antonette? Si tita Antonette ang mama niya? So, ang tinutukoy niyang anak niyang maingay ay si Ayumi? What a small world.
"Oh, baka matunaw ha." Inismiran ko naman si Keanu na ikinatawa naman niya.
Nagpaalam na ako sa kanila dahil tinatawag na ako nila mommy. Bago ako makasakay sa kotse ay sumulyap saglit ako sa kinaroroonan nila Ayumi at tipid na ngumiti.
'Sana next school year kaklase na kita' sabi ko sa isip ko at sumakay na sa kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top