39
Dalawang araw simula no'ng matapos ang graduation at pinili ni papa na mag-stay muna kami rito ng dalawang linggo dahil sobrang na-miss daw ni papa ang klima dito sa pilipinas.
"Ate bilisan mo raw at aalis na tayo." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Yuki mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo na, malapit na 'to." Sagot ko. Aalis kasi kami ngayon at pupunta ng Tagaytay.
At nang matapos akong mag-impake ay lumabas na ako dala ang bag ko.
"Wala na kayong nakalimutan?" Tanong sa amin ni mama. Sabay naman kaming umiling ni Yuki.
"Wala na po," sagot ko.
Isang oras ang naging byahe namin bago kami makarating sa hotel. Hinintay namin saglit si papa hanggang sa makuha niya na 'yong susi ng magiging kwarto naming apat.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad na naming inayos ang mga gamit namin. At nang matapos ay umiglip kami saglit. Dalawa ang kama ng kuwartong ito at may kalakihan din kaya sakto lang sa aming apat. Dalawa kami ni Yuki sa isang kama at sa isa naman ay sina mama.
"Clay, Yuki, gumising na kayo ay tayo'y kakain na." Nagising ako sa mahinang pagtapik ni mama sa pisngi ko at pati na rin kay Yuki.
"Saan po tayo pupunta kapag tapos natin dito?" Tanong ni Yuki.
"Kayo ba, saan niyo gusto?" Balik na tanong ni papa.
"Skyranch tayo, pa, maganda roon." Sabi ni Yuki.
"O'sige, basta bilisan niyo na kumain para makapag-ayos-ayos na tayo." Sagot ni papa kaya hindi na kami nagsalita ni Yuki.
"Ate, sakay tayong drop tower." Sabi ni Yuki sabay hila sa akin papunta sa bilihan ng ticket.
Hindi na ako umangal kasi gusto ko rin namang sumakay roon at saka siya naman ang magbabayad ng ticket ko kaya, go lang.
Nang makababa na 'yong mga naunang sumakay ay inabot na ni Yuki 'yong ticket namin sa nagbabantay at saka sumakay na kami.
"Paunahan mamatay ah," natatawang sabi ni Yuki. Hinampas ko naman 'yong braso niya.
"Sira ulo ka talaga." ani ko saka umirap.
Umayos na ako ng upo nang maramdamang unti-unti na kaming tumataas. Narinig ko pa ang mahinang mura ni Yuki kaya sinipa ko 'yong paa niya.
"Ano suko ka na?" Nakangising tanong ko sa kaniya.
"Hindi 'no, baka ikaw." Seryosong sabi niya. Takot na 'to panigurado.
Nang makarating na kami sa pinaka tuktok ay na-amaze ako sa ganda ng buong lugar lalong-lalo na ang taal lake. Napakaganda ng kabuuan nito kapag nasa taas ka.
Bigla na lang akong napapikit nang biglang bumulusok pababa itong sinasakyan namin. T*ngina, tama nga ang sabi nila. Papakitaan ka muna ng maganda view bago ka patayin.
"Okay ka na?" Tanong ko kay Yuki na katatapos lang magsuka. "Lakas ng loob mong manghila ah," ani ko saka tumawa.
"Omoshiroi." aniya saka inirapan ako kaya mas lalo akong natawa.
[Translation: Funny]
"Viking naman tayo?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Mag-isa ka." Sagot niya saka tinalikuran ako at naglakad papunta sa pwesto nila mama.
Natatawa akong umiling at naglakad na rin papunta kina mama. Naglakad-lakad na lang kaming apat at nang mapagod ay pumunta kami sa restaurant.
"Sakay tayo sa Ferris Wheel mamaya." Pag-aaya ko kina papa na agad naman nilang sinang-ayunan.
Matapos kaming kumain ay naglibot-libot pa muna kami. Lahat ng mga laro ay nilaro namin kaso isang stuff toy lang ang nakuha namin.
Sa paglalakad lakad namin ay may nadaanan kaming pagbilihan ng mga pang regalo kaya nagpaalam ako kina mama para mabilhan ng pasalubong sina Kenzo at Elle.
Keychain ang binili kong pasalubong sa kanila pero ibang-iba itong binili ko na 'to dahil pwede siyang lagyan ng pangalan.
Nagpasalamat ako sa tindera nang makuha ko na ang binili ko.
Magdidilim na no'ng ayain ko sila papa na sumakay ng Ferris Wheel. Mas maganda raw kasi 'yon eh, ta's may fireworks display pa sila pagkalubog ng araw.
"Ang ganda..." manghang usal ni mama habang inililibot ang tingin sa kabuuan nitong Skyranch.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kalangitan nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok. Napaka ganda talaga!
Kapag nagkapamilya ako gusto ko ito ang una naming pupuntahan. Hinding-hindi ako magsasawang puntahan ang napakagandang lugar na ito.
~~~
Kinaumagahan ay maaga kaming ginising nila mama dahil ito na ang huling araw namin dito sa Tagaytay.
"Magmadali na kayo para makaalis na tayo." Sabi ni mama.
Dalawa ang cr kaya hindi ako nakipag-unahan kay Yuki maligo.
Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng cr at nagtungo na sa kwarto namin at inumpisahan nang ayusin ang mga gamit ko.
Alas otso ng gabi no'ng makauwi kami at pare-parehas kaming knockout.
"Ayu, gising may sunog!" Napabalikwas agad ako nang marinig ko 'yon.
Agad ko namang sinamaan ng tingin ang walang hiya kong pinsan na halos mawalan na ng hangin sa katatawa.
"B*wisit ka talaga! Hindi ko ibibigay pasalubong ko sa 'yo." ani ko na ikinahinto ng pagtawa niya.
"May pasalubong ka?" Tanong niya.
"Oo, kaso sa ginawa mo hindi ko na ibibigay." Inirapan ko siya at inayos na ang pinaghigaan ko at naglakad na palabas ng kwarto.
"O-Oy Ayu, joke lang naman eh... Sorry na.." Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na siya pinansin.
"Mabuti naman at gising ka na, anak. Halika at kumain ka muna." Wika ni mama nang magkasalubong kami.
Matapos akong kumain ay kinulit kulit ako ni Elle na ibigay na sa kaniya 'yong keychain na binili ko.
"Oh ayan na.." sabi ko at inabot na sa kaniya 'yong maliit na paper bag.
"Wow, ang ganda naman nito. Thank you, Ayumi!" Napangiti naman ako dahil nagustuhan niya.
Noong mga bandang hapon ay inaya ko silang gumala dahil bukas na ang alis namin papuntang Japan. Binigay ko na rin kay Kenzo 'yong keychain niya.
"Sure ka, libre mo 'to?" Tanong sa akin ni Kenzo.
"Oo nga."
"Anong nakain mo at ikaw ang nanglilibre ngayon?" Tanong naman ni Elle.
"Ahmm, wala naman. Trip ko lang ilibre kayo kasi..." hays.
"Kasi ano?" Takang tanong ni Elle.
"Aalis na kasi kami bukas," sagot ko, natahimik naman silang dalawa.
"Ahh, ingat ka roon ha?" ani Elle saka yumuko.
Nanatili namang tahimik si Kenzo habang kumakain ng takoyaki niya. Nakaka-inis naman itong dalawang 'to.
"Huwag nga kayong ganiyan. Mag-enjoy muna tayo, kalimutan na muna natin na aalis ako." Pilit kong pinasigla ang boses ko pero tahimik pa rin sila.
Imbis na magsaya kaming tatlo ngayon ay heto kami at nag-iiyakan.
"T*ngina mo, mami-miss kita," umiiyak na sabi ni Elle habang nakayakap sa akin, natawa naman ako. Kailangan may mura pang kasama?
"Basta tumawag ka sa amin kapag hindi ka busy ha? Kapag hindi lagot ka sa akin." Pagbabanta niya.
"Opo, oras oras akong tatawag para happy."
Bumaling naman ako kay Kenzo.
"Ken—" hindi ko na natuloy ang pagtawag sa kaniya nang hilahin niya ako para yakapin.
"Huwag mong pababayaan sarili mo roon ha? At kapag may nang bastos sa 'yo sabihin mo agad sa akin ha? Magpapa-book agad ako ng flight papuntang Japan para mabugbog ko 'yon." tinapik ko naman nang mahina 'yong balikat niya.
"Easy ka lang, nandoon naman si Yuki eh. Hindi ako pababayaan no'n."
Sa huling sandali ay muli kaming nagyakapang tatlo. Mamimiss ko itong dalawang 'to.
~~~
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa may bintana ng eroplano, ilang oras na lang ay lilipad na kami pa-Japan. Mamimiss ko ang buhay ko rito sa Pilipinas. Syempre, pati rin siya.
Mayamaya pa ay nagsalita na ang piloto kaya umayos na ako ng upo ko.
Napatingin naman ako sa kamay ko nang hawakan ito ni mama. Nginitian ko na lang siya at ibinalik na ang tingin sa bintana. Napabuntong-hininga ako at tipid na ngumiti nang tuluyang maka-take off ang eroplanong sinasakyan namin.
Bye for now Philippines, hello Japan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top