38

Malalim akong bumuntong-hininga matapos kong ayusin ang puting dress na suot ko ngayon.

"Napaka-ganda talaga ng dalaga ko," binigyan ko si papa ng napakatamis na ngiti. Yeps, nakauwi na sila papa noong isang araw pa.

"Syempre naman po, nasa lahi natin eh." Sabay naman kaming natawa.

"Tara na?" Tanong sa amin ni mama nang makalabas kami ni papa sa kwarto ko. Tumango na lang si papa.

"Ganda naman ng ate ko!" Inakbayan ko naman si Yuki.

"Kalma, Yuki, ako lang ito."

Nagtawanan naman kaming apat.

Nang makarating kami sa school ay nahagip ng mata ko si Elle kaya naman nagpaalam muna ako kina papa na pupuntahan ko muna siya.

"Sama ako," sabi ni Yuki. Hinila ko na lang siya at tumakbo palapit kina Elle.

"Oh, ito na si Yuki?" Gulat na tanong ni Kenzo.

"Yes naman, kuya Ken." Sagot ni Yuki saka nakipag-apir kay Kenzo.

Saglit pa kaming nagkwentuhan nang tawagin na kaming lahat dahil magsisimula na ang event. Mga high school pa munang may award ang nauna.

Habang tumatakbo ang oras, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako kinakabahan sa pag-akyat ko sa stage, kinakabahan ako sa gagawin kong pag amin mamaya.

Pinapila na kaming mga grade 12 dahil kami na ang susunod. Halo na ang babae at lalaki at tatlong section ang grade 12 kaya naman sobrang haba ng pila ang nagawa namin.

"Ang tahimik mo naman," napatingin ako kay papa nang magsalita siya.

Siya ang kasama kong aakyat sa stage.

"Kinakabahan ka?" Tanong niya.

Nginitian ko naman ito at umiling. "Masaya lang po ako kasi sa wakas ay ikaw na ang kasama ko ngayon aakyat sa stage."

Noong mga nakaraang graduation ko kasi ay palaging si mama ang kasama ko dahil nasa Japan sila papa noon.

Isa-isa nang binanggit ang mga apelyido ng mga nasa unahan at isa-isa na rin silang umakyat kasama ang mga magulang nila.

Nang marinig kong binanggit na ang pangalan ni Kreios ay napako ang tingin ko sa kaniya at malaya siyang pinagmasdan.

"Siya ba 'yong sinasabi ng kapatid mong taong gusto mo?" Tanong ni papa.

"O-Opo pa, siya nga po," nahihiyang sagot ko.

"Ang galing mong mamili ng gugustuhin ah..." natawa naman ako nang mahina.

Umayos na ako ng tayo dahil ako na ang susunod na tatawagin. At nang banggitin na ang pangalan ko ay sabay kaming umakyat ni papa at nakipagkamay sa mga teachers at sa principal.

"Naks, with high honor, congrats ate!" Niyakap ko nang mahigpit si Yuki at nagpasalamat.

"Congratulations sa dalaga namin, halika nga rito." Nakangiti akong lumapit kay mama at niyakap din siya.

"Tita, tito pwede ko ho bang mahiram saglit si Ayu?" Napabitaw ako kay mama nang marinig ko ang boses ni Elle.

"P'wede naman," sagot naman ni papa kaya naman agad akong hinawakan ni Elle at hinila palayo kima mama.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.

Hanggang sa makarating kami sa wala nang masyadong tao.

"Aamin ka ba o hindi?" Tanong niya sa akin.

"Aamin?" Napahawak naman ako sa ulo ko nang bigla niya akong batukan.

"Ano nga? Ayon na siya oh," mabilis naman akong lumingon sa tinuro ni Elle at nakita ko si Kreios kasama ang mga kaibigan niya.

"Ano... Mamaya na lang kapag umalis na mga kaibigan niya."

Napairap naman siya at wala nang nagawa kundi ang hintayin na lang na umalis sina Keanu. At nang makaalis sila ay bigla niya akong tinulak tulak hanggang sa makalapit kami sa puwesto ni Kreios.

"A-Ahmm... Kreios," tawag ko sa kaniya.

"Yes?" Agad kong kinagat ang mga labi ko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulang umamin.

"May kailangan ka?" Tanong pa niya.

"Ahh... Congrats nga pala." sabi ko at nang sandaling tumingin ako sa gawi ni Elle ay nakita ko kung paano niya sinapo ang noo niya.

"Congrats too." aniya at nang akmang tatalikod siya ay mabilis ko siyang pinigilan.

"Ano... Ahmm..." Shut*ngina! Paano ba kasi?!

"What is it?"

Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mga mata niya.

"Ahh..." Ayumi naman, umamin ka na!

"Bibilangan kita hanggang tatlo, sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin." Seryosong sabi niya.

"1..." nataranta ako nang magsimula na siyang magbilang.

"2..." sh*t! Sh*t! Sh*t! Kaya mo 'yan Ayu.

"3... Ti—"

"Gusto kita!" Nakapikit na sabi ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ulit ang mata niya. Nang matauhan siya ay mahina siyang umiling.

"I'm sorry but—" hindi ko ulit pinatapos ang sasabihin niya nang unahan ko siyang magsalita.

"Huwag kang mag-sorry, ako dapat ang mag-sorry," kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"For what?" Tanong niya.

"Dahil nagustuhan kita. Sorry, kasi hinayaan ko 'yong sarili ko na mahulog sa 'yo. Sorry, dahil hindi ko nagawang pigilan itong nararamdaman ko para sa 'yo, sorry talaga." Hindi ko na lang namamalayan na may tumulong luha na pala ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan at mahinang tumawa.

"Stay strong sa inyo ni Nixie, ha? Ingatan niyo ang isa't-isa at 'wag niyong sasaktan ang isa't-isa." Mapait ko siyang nginitian at nagpaalam na sa kaniya.

Nang makalapit ako sa puwesto ni Elle ay agad na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap naman ako ni Elle at hinagod ang likod ko.

"Shush..." pagpapatahan sa akin ni Elle.

"Nagawa ko, Elle, nagawa ko." Umiiyak na sabi ko.

Nang mahimasmasan ako ay inaya ko na si Elle na hanapin sila papa.

"Ayoko nang magkagusto, Elle, okay lang sa akin kahit tumanda akong dalaga." ani ko habang naglalakad kami.

"Susuportahan kita kung 'yan ang gusto mo."

"Mas maganda kung pareho tayo para cousin goals." Mahina naman niya akong binatukan at sabay kaming natawa.

"Utot mo, 'wag mo akong idamay." aniya.

Nang mahanap namin sila papa at tita ay sabay-sabay kaming umuwi at pinagsaluhan namin ang mga biniling pagkain nila mama.

"Congratulations sa dalawang dalaga namin." Itinaas ni papa ang baso niyang may lamang soft drink at nginitian kami ni Elle.

"Congrats Ate Yumi, Ate Elle." Bati sa amin ni Yuki.

"Regalo ko?" Tanong ni Elle habang nakalahad ang kamay niya kay Yuki.

"Sa susunod na, wala pa akong pera eh." Sagot sa kaniya ni Yuki habang kumakamot sa batok.

Tawanan at kwentuhan ang namayani sa loob ng bahay namin. Napangiti naman ako nang tingnan ko sila nang isa-isa. Lubos akong nagpapasalamat sa Kaniya dahil binigyan niya ako ng ganitong pamilya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil ito ang pinakamasaya at masakit na nangyari sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top