37
Since malapit na ang exam, marami na naman ang pinasulat sa amin. Kaya naman lahat ng mga kaklase ko ay nagrereklamo na masakit na raw ang kamay.
"Wala nang maraming reklamo, Lauan, kaunti na lang 'yan." Sabi ni ma'am.
Wala na kaming ginawa kundi ang magsulat na lang at nang matapos ay halos lahat kami ay nagpapatunog ng mga daliri namin.
Sa loob ng isang linggo ay puro pasulat at pa-quiz ang ginagawa ng mga teachers. Nagdi-discuss din naman ang mga ito pagkatapos naming magsulat.
At ngayong araw na ang last exam namin kaya bawat estudyanteng makikita mo ay may hawak na mga reviewer.
"Argh! Ayoko nang mag review, sasabog na utak ko." ani Kenzo habang nakahawak sa ulo niya.
"E'di 'wag ka nang mag-review, dami mong problema sa buhay eh." Pangbabara sa kaniya ni Elle.
Pumasok na kami sa room nang marinig namin ang bell. Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Ma'am.
Pagkatapos ma-distribute ni ma'am 'yong mga test paper ay hindi na ako nagsayang ng oras para sagutan. Madali lang naman 'yon dahil 'yong ibang tanong ay lumabas na sa dating exam namin noon.
Tatlong subject ang tinapos namin bago kami palabasin para mag-recess. Bumili lang kami ng kakainin namin sa canteen at pagkatapos no'n ay pumunta kami sa garden para roon kumain at mag-review.
Ilang minuto lang ang tinagal namin sa garden at nag-aya na si Elle na bumalik na sa classroom at sakto namang tumunog na ang bell.
Kagaya kanina, tatlong subject ang tatapusin namin bago ulit kami palabasin upang mag-lunch.
Pagdating ng hapon ay isang subject na lang ang sasagutan at mag-uuwian na.
"Oh yeah! Last one..." sabi ni Lucas pagkapasa niya ng test paper niya.
Nang matapos na kaming lahat na magsagot ay dinistribute na ni ma'am 'yong last subject na sasagutan namin. Agad na akong nagsagot nang makuha ko na ang test paper ko.
"Sa wakas, tapos na rin." Wika ni Kenzo. "Saan niyo gusto?" Tanong niya sa amin ni Elle.
"Gusto?" Nagtatakang tanong ni Elle.
"Lutang ka girl? Saan niyo kako gusto pumunta?" Ulit niyang tanong.
Hindi siya sinagot ni Elle kaya ako na mismo ang nagsalita.
"Kahit saan na," tango na lang ang itinugon niya bago maunang lumakad papunta sa parking lot.
Simula noong hinatid niya kami ni Elle ay palagi na niyang dina-drive 'yong kotseng ineregalo ng papa niya. At iyon ang gagamitin namin ngayon.
Nagpunta na lang kami sa milktea-han na palagi naming pinuntahan at pumunta naman kami sa malapit na arcade para libangin ang mga sarili namin. Na-relax naman kahit papaano ang mga utak namin kaya naman nang magsawa kami ay napagpasyahan na naming umuwi.
Lumipas ang ilang araw ay naging abala na kami pati na ang mga adviser namin para sa practice para sa nalalapit na graduation.
Binigyan kami ng ilang oras para makapagpahinga at nang tawagin na kami ay dali-dali na kaming tumayo at pumunta na sa pila.
Sa isang linggo, puro practice lang ang ginawa namin. Napuno ng tawanan ang buong covered hall dahil sa mga kalokohan ng mga kaklase namin at pati na rin sa ibang section at ibang grade. Kasabay kasi naming ga-graduate ang mga grade ten at lahat ng tatanggap ng award.
"Lagot kayo pina-iyak niyo si Donna." Mabilis naman kaming napalingon sa gawi nila Donna.
"G*go ka, Rayden!" Mura niya at saka malakas na hinampas si Rayden.
"I love you too, Pres." Nagtilian naman ang ilan dahil sa sinabi ni Rayden. Sira ulo talaga.
Mayamaya pa ay tumayo na si Donna at pumunta sa harapan. At totoo ngang galing siya sa iyak dahil namumula 'yong mata niya.
"Guys, ano..." panimula niya. "Ahmm... P*tangina naman kasi eh.." mahina kaming tumawa nang marahas niyang pinunasan ang tumulong luha galing sa mata niya.
"Ano... Gusto ko lang mag-thank you sa inyo kasi naging parte kayo ng senior high school life ko. Maraming salamat sa mga magagandang memories na kasama kayo, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Last na itong araw na 'to na magkakasama tayo eh, kaya susulitin ko na habang kasama ko kayo." Mabilis kong pinunasan ang takas na luhang tumulo sa pisngi ko. Ano ba naman 'yan, nakakahawa 'yong pag-iyak ni Donna.
"Group hug nga..." isa-isa kaming tumayo at lumapit sa kaniya para yakapin siya.
Nang humiwalay kami ay sakto namang pumasok si ma'am, ang adviser namin. Nagtataka naman siyang tumingin sa amin.
"What happened?" Tanong nito.
Imibis na sagutin ay nilapitan siya ni Donna at niyakap. Mas lalo tuloy nagtaka si ma'am.
"Anong ginawa niyo kay Donna?" Tanong nito sa amin habang hinahagod niya ang likod ni Donna.
"Inaway po ni Rayden, ma'am," agad namang tumayo si Rayden at binatukan si Khairo.
"Ma'am, 'wag ka pong maniwala sa kaniya. Wala po akong ginawa kay Donna my loves, 'di ba babe?" ani nito saka kinindatan si Donna.
Natawa naman kaming lahat pati si ma'am ay nakitawa na rin.
"Okay so, ano ngang nangyari? Why are you crying?" Tanong nito.
"Kasi ma'am malapit na ang graduation at ito na po 'yong huling araw na magkakasama kaming lahat, pati na rin po kayo." Sagot ni Donna.
"Makikita niyo pa naman ang isa't-isa eh," sabi naman ni ma'am.
"Oo nga po, pero iba po 'yong magkakasama kami as whole section. College na po kami at sure po akong pupunta pa po ang ilan sa ibang lugar o bansa para roon mag kolehiyo." Sagot naman ni Donna.
Napatingin naman ako kay Kenzo nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Nginitian ko na lamang siya nang tipid at ibinalik na ang tingin sa harap.
Matapos ang dramahan namin ay pinauwi na kami. Kasabay kong naglalakad sina Kenzo at Elle na parehas na tahimik.
"Hoy, okay lang kayo?" Tanong ko pero ni isang sagot ay wala akong nakuha.
"Ano ba naman 'yan eh, magsalita nga kasi kayo. May problema ba?"
"Aalis ka talaga?" Ako naman ang natahimik sa tanong ni Elle.
Anong sasabihin ko?
"Iiwan mo talaga kami rito?" Tanong tanong din ni Kenzo.
Kinagat ko na lang ang labi ko saka bahagyang yumuko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Ayaw ko kayong iwan pero..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tuluyan na akong napahagulgol. Mabilis naman akong niyakap nina Elle at Kenzo.
"Isang tanong, isang sagot Ayu… sasama ka ba kina tito sa Japan at doon na maninirahan?" Mahina naman akong tumango.
"Sorry... Sobrang miss ko na kasi sila papa eh," umiiyak na sabi ko. "Hindi rin sila p'wedeng tumigil dito kasi may trabaho si papa sa Japan." Tuloy ko.
"Shh... It's okay, naiintindihan ka namin. Papayag kami na sumama ka kina tito pero ipangako mo na babalik ka rito." Pilit akong ngumiti at binigyan siya nang tipid na tango.
"Hatid ko na kayo." Singit ni Kenzo.
Tahimik lang kaming tatlo habang nasa loob ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay.
"Kenzo," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" lumakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Hindi rin nagtagal ay nararamdaman ko ring niyakap niya na rin ako pabalik.
"Mag-iingat ka roon ha? 'Wag mong kakalimutang tumawag sa amin ni Elle at 'wag ka ring mag-aalangan na magsabi sa amin ng mga problema mo." sabi niya habang yakap pa rin namin ang isa't-isa.
"Makakaasa ka, makakaasa kayo ni Elle. Mag-iingat din kayo rito, ha? At 'wag mong pababayaan itong si Elle. 'Wag mo siyang ipapaligaw sa kung sinong lalaki." Mahina naman akong binatukan ni Elle.
"Anong akala mo sa akin, easy to get?" Natawa naman kami ni Kenzo.
Nagyakapan pa muna kaming tatlo bago kami maghiwahiwalay.
Mamimiss ko talaga itong dalawang 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top