36
"Hindi na ako natutuwa sa mga teachers natin." Tamad na wika ni Elle.
"Same us," sabay na wika namin ni Kenzo.
Paano ba naman kasi, tambak na projects ang binigay sa amin, dalawa sa English, isa sa Filipino, at dalawa na naman sa science tapos next week na ang pasahan. Paano namin matatapos lahat 'yon? Shuta lang.
"Sabay na lang tayong tatlong gumawa ng projects." Sabi ni Kenzo.
"Kailan tayo gagawa?" tanong ko.
"Bukas? P'wede kayo?" Nagkibit-balikat naman kaming dalawa ni Elle.
"Magpapaalam muna ako kay mama." Sabi ni Elle.
Buong linggo puro quiz at recitation ang ginawa namin. Ang sakit na nga ng ulo ko kaka-memorize eh.
"Sasabog na yata ulo ko," sabi ni Elle habang nakahawak sa ulo niya.
"Gusto ko nang umuwi, pagod na pagod na talaga ako." ani ko at dumukdok sa lamesa ko.
"Kaunting tiis na lang, malapit naman ng mag-bell." Sabi naman ni Kenzo.
"Hindi ko na kayang tiisin 'tong sakit ng ulo ko." ani Elle.
Nang tumunog ang bell ay nagpaalam na sa amin si Ma'am Santiago at ilang sandali pa ay dumating na rin si Ma'am Torres. Ganoon din ang ginawa niya, nagpa-recitation siya at nagpa-quiz.
Wala, suko na ako. Hindi na kaya ng utak ko.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong humilata sa sofa at doon na natulog.
Naalimpungatan naman ako bigla nang maramdaman kong hinahaplos haplos ni mama 'yong pisngi ko.
"Pagod na pagod ang Clay-clay ko ah, sige na, magpahinga ka na muna. Ako na ang magluluto." Tumayo na si mama pagkatapos niyang halikan ang noo ko.
Hinayaan ko na lang na lamunin muli ako ng antok dahil sobrang nakakapagod itong araw na ito.
Ginising ulit ako ni mama para kumain ng hapunan.
"Pagkatapos mo r'yan magbihis ka na roon at para makapagpahinga ka na. Ako na ang bahala rito." Tumango na lang ako saka binilisan na ang pag-ubos ng pagkain ko.
~~~
"Hay salamat at tapos na rin lahat." ani Kenzo at nag-inat-inat.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila at katatapos lang namin gumawa ng mga projects namin. Madali lang kaming natapos dahil tinulungan namin ang isa't-isa.
"G*gi next next week na pala 'yong exam 'no?" Sabi ni Elle habang nag-aayos ng gamit niya.
"Tapos after no'n magpa-practice na tayo para sa graduation." Sabat naman ni Kenzo.
Doon na ako natigilan sa sinabi ni Kenzo. Oo nga 'no? Malapit na pala ang graduation. Uuwi na sila papa at makaka-amin na ako kay Kreios.
"Hoy! Lutang ka na naman, mag-ayos ka na rin ng gamit mo." Hindi na lang ako umimik bagkus ay inayos ko na lang din ang gamit ko.
"Si ano na naman 'yon 'no?" Tanong sa akin ni Kenzo nang matapos kong ayusin ang gamit ko.
"Huh?" Maang-maangan ko.
"Huhtdog! Parang hindi mo naman kilala kong sino tinutukoy ko ah," inismiran ko na lang siya at hindi pinansin.
"O'di ba, tama ako. Aamin ka na?" Tanong na naman niya.
Inis akong kumamot sa ulo ko at inis siyang tinignan.
"Huwag ka ngang magulo! Nagdadalawang-isip pa ako, okay?" malakas naman siyang tumawa sa sinabi ko.
"Mahina 'to," aniya saka umiling-iling. "Umamin ka na tangek. Kahit na ma-reject ka, basta ang mahalaga naka-amin ka." Pagtutuloy niya.
"Ganiyan din ang sinabi sa akin ni mama," tamad na sabi ko.
"Kaya nga dapat umamin ka na, malay mo ano pala.." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala, nevermind." Natatawang sabi niya saka ginulo ang buhok ko.
"Takteng 'yan! Bakit kailangan pang guluhin buhok ko?" Inis kong hinampas ang kamay niya.
Madilim na nang maihatid kami ni Kenzo sa bahay. Oo, si Kenzo na ang nag-drive para ihatid kami ni Elle. Maayos naman siyang mag-drive eh, sadyang tamad lang siya.
"Sa susunod turuan mo kaming mag-drive ha?" Biro ko.
"Oo na lang, sige na pumasok na kayo." sabay kaming tumango ni Elle at sabay na lumabas ng sasakyan.
Nang makapasok ako sa loob ay nagtungo na ako sa kusina dahil naamoy kong nagluluto si mama.
"Wow, ang sarap naman niyan, mama." ani ko.
"Syempre naman basta kapag ako ang nagluto, paniguradong masarap ito." Natawa naman ako. "Tapos na kayo sa projects niyo?" Tanong niya, tumango naman ako.
"Opo, ready na ipasa bukas." Nakangiting sagot ko.
"Mabuti naman kung ganoon, o'siya magbihis ka na nang makakain na tayo." Nginitian ko na lang si mama bago siya talikuran at naglakad na papuntang kwarto ko.
Mabilis akong nagbihis ng pambahay at nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo na sa kusina.
Habang abala si mama sa pagsandok ng kanin ay ako na ang naghanda ng mga plato at kubyertos namin.
"Ma, nasabi na ba sa 'yo nila papa kung anong exact date ng uwi nila?" Tanong ko.
"Hindi pa eh, basta ang sabi magti-text na lang daw ang papa mo."
"Ako na po ang bahala maghugas, ma." ani ko nang matapos akong kumain.
"Sigurado ka ba? Baka pagod ka," nag-aalalang sabi niya.
"Okay lang po, ma." Sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Pagkatapos kong maghugas at linisan ang lababo ay nagtungo na ako sa banyo para mag-toothbrush. At matapos 'yon ay pumunta na ako sa kwarto ko at nag-review muna saglit at pagkatapos ay natulog na.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa bahay na ako nila Elle para hintayin siya.
"Ate Ayu, naliligo pa lang po si Ate Elle." Tinanguan ko na lang si Tantan.
"Huwag kang tutulad sa Ate mo, ha? Kasi alam mo ba may nagsabi sa akin na kapag makupad kang gumalaw magiging pagong ka raw sa next life mo." Muntik akong natawa nang makita kong nanlaki ang mata niya.
"T-Totoo po, ate?" Pigil ang tawa kong tumango. "E'di magiging pagong po si Ate kasi mabagal siyang kumilos?" Muli akong tumango sa tanong niya.
"Kaya ikaw, 'wag kang babagal-bagal ha?" Mabilis naman siyang tumango. "Ayan, very good." ani ko at ginulo ang buhok niya.
"Ano na naman sinabi mo sa kapatid ko?" Napalingon kami ni Tantan sa ate niyang nakatapis lang.
"Ang sabi po ni Ate Ayu—" agad akong naalarma nang magsalita si Tantan kaya naman mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
"A-Ah... Wala 'yon, 'wag mo nang pansinin. Magbihis ka para maka alis na tayo." Alanganin akong ngumiti.
Inirapan niya na lang ako bago siya pumasok sa kwarto niya. Nang tuluyan na siyang makapasok ay agad kong hinarap si Tantan.
"Tan, secret lang natin 'yon ha? Huwag mong sasabihin sa Ate mo, okay?" Tumango naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag.
Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago lumabas si Elle sa kwarto niya at dumiretso ng kusina para magpaalam kay tita.
"Anong sinabi mo kay Tantan kanina, ha?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Wala nga, secret lang namin 'yon." Sagot ko sa kaniya at nauna ng maglakad.
"B*wisit ka talaga kahit kailan." Dinig kong bulong niya.
Hays, sinaniban na naman siguro 'to ng engkanto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top