35
"Malapit na naman pala ang birthday ni Kenzo, ano plano?" Tanong sa akin ni Elle.
"Hindi ko alam, ikaw ba?"
Nagkibit-balikat naman siya.
"What if tayo naman ang manlibre sa kaniya?" Sabi ko.
"Uhm p'wede rin, may ipon naman na ako kaya sige." Sang-ayon niya.
"Hoy punta kayo sa birthday ko ah?" Nilingon namin si Kenzo na kararating lang.
"Hala! Kailangan nga uli birthday mo?" Kunwaring hindi alam ni Elle.
"Amp*ta! Kaibigan ba kita o ano? Dapat alam mo kung kailan." Iritadong sagot ni Kenzo.
"T*nga! Naniwala ka namang hindi niya alam kung kailan." ani ko at tumawa.
"Ang papangit talaga ng ugali niyo. Pasalamat kayo inimbitahan ko pa kayo eh." ani Kenzo.
"E'di thank you sa pag-imbita," usal ni Elle.
"E'di wow, Elle. Diyan na nga kayo." Masungit na sabi ni Kenzo bago siya tumayo at umalis.
"Lagot ka." Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Madali lang suyuin 'yong g*gong 'yon." Napailing na lang ako sa sinagot niya.
~~~
"Elle, bilisan mo nga! Nag-aantay na roon si Kenzo." Katok ko sa labas ng pintuan niya.
"Saglit lang naman, atat ka masyado." Rinig kong reklamo niya.
Nakipagkulitan na lang ako kay Tantan habang inaantay matapos magbihis si Elle.
"Let's go!" Pareho kaming lumingon ni Cristan kay Elle.
"Mabuti naman at natapos ka na," sarkastikong usal ko.
Hindi niya pinansin 'yong sinabi ko. Nagpaalam pa muna na siya kay tita bago kami umalis ng bahay nila.
At pagkarating namin sa coffee shop kung saan kami magkikita ay nakita namin si Kenzo na nakatayo sa labas.
"Saan tayo?" Tanong niya sa amin nang makalapit kami sa puwesto niya.
"Ikaw, saan mo ba gusto pumunta?" Tanong ko.
"Tagaytay tayo?" Nagkatinginan naman kami ni Elle.
"Ta's saan sunod?" Tanong ni Elle.
"Sa bahay, naghanda si mommy eh." Sagot naman niya.
Wala na kaming sinayang na oras, agad na kaming sumakay sa sasakyan nila.
"Kenzo," tawag ko sa kaniya.
"Ba't?" Tanong niya, "Man." Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa pambabarang ginawa niya.
"Huwag na nga lang, b*wisit ka eh." Sabi ko saka inirapan siya.
"Ano 'yon?" Natatawang tanong niya.
Umirap pa ulit ako bago magsalita. "Bawal ka pa bang mag-drive? 19 ka na, 'di ba?" Tanong ko.
"P'wede na kaso ayoko mag-drive eh," sagot niya.
"Ayaw mo kasi tamad ka." Sabat ni Elle.
"Tumpak ka diyan, Elle!" Sabay naman kaming umirap ni Elle.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin.
"Roller coaster tayo!" Masiglang sabi ni Kenzo.
"Mag-isa ka, ayoko pang mamatay." Sabi ni Elle.
"Sige na, birthday ko naman ngayon eh." Pamimilit niya.
"E'di si Ayumi ang yayain mo." Turo niya sa akin.
"Yumi?" Baling niya sa akin, tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Samahan mo 'ko," pagmamakaawa niya sa akin.
"Wait, pag-isipan ko muna." Sagot ko saka nginitian siya nang nakakaloko.
"Ang ano naman kasi! Dali na, birthday ko naman ngayon eh." Maktol niya.
"Oo na, payag na ako." Sabay na sagot namin ni Elle.
"Ayon! Tara na." Tuwang-tuwa niya kaming hinila ni Elle papunta sa may roller coaster.
Pagkatapos niyang bayaran 'yong tatlong ticket ay sumakay na kaming tatlo. Mabuti na lang at tatluhan itong upuan nito.
"Kapag ako namatay, Kenzo, mumultuhin talaga kita." Pagbabanta ni Elle.
"Patay agad? Hindi ba p'wedeng maho-hospital ka muna bago mamatay?" Sabi niya kay Elle kaya nakatikim siya ng malakas na batok.
"T*ngina mo!" Malakas na mura ni Elle.
Natahimik kaming tatlo nang magsimula nang umandar itong sinasakyan namin. Narinig ko naman ang ilang beses na mura ni Elle.
"Wahh!!! Mama! P*tangina mo ka Kenzo! Lagot ka talaga mamaya sa akin! Wahhh! Mama!" Tawa ako nang tawa dahil sa kasisigaw ni Elle. Takot kasi talaga siya sa mga ganitong rides.
Pagkababa namin ay napahawak sa akin si Elle kaya mabilis ko siyang inalalayan.
"Kaya mong maglakad?" Tanong ko sa kaniya.
"Tubig. Shuta, nasusuka ako." Sabi niya habang nakahawak sa bibig niya.
"Kenzo, bilhan nga si Elle ng tubig. G*go ka kasi eh," utos ko kay Kenzo.
"Mag-uutos ka na nga lang may kasama pang g*go." Wika niya habang kumakamot sa batok niya.
"Dalian mo na, heto 'yong pambili." Inabot ko sa kaniya 'yong 500 pesos.
"Sa 'yo na 'yan, sa akin na ang pera pambili." Sabi niya saka naglakad na paalis.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko kay Elle.
"Medyo okay naman na. Ayoko nang maulit 'yon, baka matuluyan na ako kapag sumakay uli ako sa roller coaster na 'yon." Mahina naman akong tumawa sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Kenzo at may dala-dalang pagkain.
"Kain muna tayo," aniya at saka inilapag na ang pagkaing hawak niya. "Okay ka na?" Tanong niya kay Elle.
"Medyo," tipid naman na sagot ni Elle.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad na lang kami kaysa sumakay sa mga rides.
"Uwi na tayo, baka nag-aantay na sa atin si mommy." Wika ni Kenzo, tumango naman kami ni Elle.
Habang nasa biyahe kami ay napuno ng asaran at tawanan ang sasakyan namin habang nasa biyahe kami.
At nang makarating kami sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ng yakap ng mama ni Kenzo. Inaya niya na kaming kumain kaya sabay-sabay na kaming nagtungo sa kusina nila.
"How was your trip? I hope you enjoy it."
Si Kenzo na ang sumagot sa mama niya.
"Nag-enjoy naman po kami, mom."
Nagke-kwentuhan kami habang kumakain at nang matapos ay inilabas na niya 'yong cake ni Kenzo.
"Make a wish and blow up your candles now." Nakangiting wika ng mommy niya.
Pumikit saglit si Kenzo at nang magdilat siya ay agad niya nang hinipan 'yong kandila.
"Thank you for coming, ladies. Mag-iingat kayo sa pag uwi." Nagpasalamat kami ni Elle sa mama ni Kenzo bago kami ihatid ng driver nila.
Gusto pa sanang sumama ni Kenzo kaso hindi na namin siya pinasama.
"Happy birthday, Ken, sana mabuhay ka pa nang matagal. Ito gift namin ni Ayu." Sabi ni Elle saka inabot 'yong box na may lamang paborito niyang pabango.
"Happy birthday, Kenzo." Bati ko sa kaniya saka niyakap siya nang mahigpit.
"Thank you sa inyo dalawa." Lumapit siya sa amin ni Elle at niyakap kaming muli.
"Kahit na nakaka-b*wisit kayo minsan, kahit na palagi niyo akong pinagkakaisahan, mahal na mahal ko kayong dalawa. Thank you for this day, hinding-hindi ako magsisising nakilala ko kayo." Pareho naman kaming natawa ni Elle.
"Sige na, uuwi na kami. Mahal ka rin namin." Natatawang sabi ni Elle.
"Ayaw niyo talaga akong isama?"
"Hays, sige na nga sumama ka na." Sabi ko.
"Nice! Tara na." Parang batang sabi niya.
Bumaba na kami ni Elle sa sasakyan nang maihatid kami nila Kenzo.
"Salamat sa paghatid, ingat kayo." ani ko at kinawayan sina Kenzo, ganoon din ang ginawa ni Elle.
At nang mawala na sila sa paningin namin ay pumasok na ako sa bahay at agad na dumiretso sa kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top