34
"Are you ready, Lauan?" Tanong sa amin ni ma'am, lahat naman kami ay nag 'yes'.
Nandito kaming lahat ng likod ng laboratory dahil hindi p'wedeng sa loob namin gawin 'yong Elephant toothpaste.
"In a count of 3, pour the potassium iodide. 3... 2... 1... Go!" Sabay-sabay naming binuhos ang iodide at sabay-sabay ring nag-explode ang kaniya-kaniya naming Elephant toothpaste.
Sobra kaming napahanga sa nakita namin at nang akmang hahawakan ni Paulene 'yong sa kanila ay bigla siya pinigilan ni ma'am.
"Hep! Don't touch it, mainit 'yan." ani ma'am.
Matapos namin 'yon ay pinabalik na kami ni ma'am sa classroom.
"Good job, Lauan." Puri ni ma'am sa amin.
Nakipagkulitan na lang si ma'am sa amin since wala naman ng oras para mag-discuss pa siya. Nang tumunog ang bell ay agad ng nagpaalam si ma'am.
"February na naman, hays, ang bilis ng araw." Mayamayang wika ni Kenzo.
"Huwag ka ngang atat, two weeks pa bago mag February." Wika naman ni Elle.
"Mabilis na lang 'yon." Sagot naman ni Kenzo.
Wala akong gana magsalita ngayon dahil feeling ko ay dadatnan na ako anumang oras.
"Himala at hindi ka yata maingay." Baling sa akin ni Kenzo.
"Wala ako sa mood dumaldal." Simpleng sagot ko.
"Wow, ano nakain mo?" Sinamaan ko naman agad siya ng tingin.
"Huwag mo akong simulan." Banta ko.
"Red tide?" Natatawang tanong ni Elle. Hindi ko naman siya pinansin.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng room.
"Elle, samahan mo muna ako sa cr." Bulong ko kay Elle.
"Bakit? Naiihi ka?" Tanong niya, umiling naman ako. "Ano?" Hinila ko na lang siya at hindi na nagsalita.
"May dala ka ba?" Tanong niya mula sa labas ng cubicle.
"Oo, meron."
"Kaya pala kanina ka pa tahimik." ani Elle nang makalabas ako sa cubicle. Hindi na lang ulit ako nagsalita.
Wala talaga ako sa mood magsalita ngayon kaya buong maghapon akong tahimik at walang imik.
"Ma, naka uwi na po ako!" Wika ko nang makapasok ako sa bahay.
"Nasa kusina ako 'nak." Dinig kong sabi ni mama kaya mabilis akong naglakad papunta sa kusina.
"Ano niluluto mo, ma?" Tanong ko.
"Pancake 'nak."
"Magbibihis po muna ako, ma." Paalam ko, tumango naman siya.
Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay agad kong binagsak ang katawan ko sa kama ko. Saglit pa akong humiga bago tumayo at nagbihis na.
~~~
"Wow, bakit ka naka red? May jowa ka?" Pang-aasar ni Kenzo.
"Bobo! Maroon 'to hindi red, ha?" Singhal ko sa kaniya.
"Grabe sa bobo, ha." Inirapan ko na lang siya.
"Hanapin na natin si Elle." ani ko at naunang maglakad paalis.
"Hoy, teka lang naman." Dinig kong sabi niya kaya saglit akong huminto at hinarap siya.
"Ang bagal mo kasi, bilisan mo nga." Wika ko.
"May mens ka pa ba? Bakit ang sungit sungit mo?" Tanong niya.
"Wala nang maraming satsat, tara na." Hinila ko na 'yong damit niya para makasabay na siya sa aking maglakad.
"Teka naman, mapupunit damit ko sa 'yo eh." Hindi ko pinansin ang reklamo niya at nagpatuloy pa rin ako sa paghila sa damit niya.
"Saan ba kasi nagpunta 'yong babaeng 'yon?" Naiiritang tanong ko.
"Ayon si Elle, oh." Agad akong napalingon sa itinuro ni Kenzo.
"Puntahan na natin siya." Sabay kaming naglakad ni Kenzo sa puwesto ni Elle.
Pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya ay isang malakas na hampas ang sinalubong ko sa kaniya.
"Anak ng?! Anong problema mo, Ayumi?" Inis na sigaw niya sa akin.
"Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." ani ko.
"So? Kailangan manghampas?" Irap na tanong niya.
"Oo, bakit? May angal?" Panghahamon ko.
"Shuta ka talaga." Mura niya kaya natawa ako.
"Tara sa garden." Yaya sa amin ni Kenzo na agad naman naming sinang-ayunan ni Elle.
"Yumi," tawag sa akin ni Kenzo, tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Look oh," nagtaka naman ako nang ngumuso siya. Kaya naman nilingon ko 'yong direksyong inginuso niya na hindi ko na lang sana ginawa.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka tumingin na lang sa ibang direksyon. Sana all naka couple shirt.
Ano ba naman 'yan, hanggang sana all na lang yata ako eh. Wala na talaga akong pag-asa kay Kreios.
"Dapat hindi red ang isinuot mo kundi gray." Natatawang sambit ni Elle, nakitawa rin si Kenzo kaya pareho ko silang sinamaan ng tingin.
"Boba! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi red itong damit ko? Maroon 'to ha? Maroon. Tsaka bakit ako magsusuot ng gray na t-shirt?" Tanong ko.
"Kasi ang bitter mo kaya dapat gray ang isinuot mo." Si Kenzo ang sumagot.
"Sino nagsabing bitter ako?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.
"Wala pero halata naman sa 'yo na bitter ka eh." Sagot niya.
"Paano mo nasabi?" Matabang na tanong ko.
"Sa paraan ng pagtingin mo kina Nixie at Kreios kanina." Napairap naman ako sa sinabi ni Elle.
"Tss, hindi ako nagseselos 'no," halos bulong kong sabi.
"Hindi raw," ani Kenzo saka tumawa.
"Huwag kang magselos, Ayu, hindi naman naging kayo eh." Aba't pinagtutulungan ako ng mga hangal.
"Alam niyo, t*ngina niyo. Diyan na nga kayo, b*wisit!" Padabog akong tumayo at mabilis na naglakad paalis.
Bumalik na lang ako sa classroom at nakinig na lang ng music. Habang nakikinig ako ng music ay nakita kong sabay na pumasok sina Elle at Kenzo. Mabilis silang nakalapit sa puwesto ko at parehas na humihingi ng tawad sa pang-aasar sa akin. Mahina lang kasi ang volume ng music ko kaya naririnig ko sila. Inirapan ko silang dalawa at hindi sila pinansin.
Manigas sila diyan, nakakab*wisit sila eh.
Nang tumunog ang bell ay sunod-sunod ng nagpasukan ang mga kaklase namin at kasunod no'n ay si ma'am.
Akala ko magdi-discuss siya pero may ipinasulat lang siya sa amin at pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya sa amin.
Sa sunod naman sa subject ay ganoon din ang ginawa, pinasulat kami nang napakarami at pagkatapos ay iiwan lang din kami.
Matapos ang last subject namin ay in-announce na half day lang kami ngayon kaya lahat ng kaklase ko ay tuwang-tuwang. Diyan sila magaling.
"Manlilibre raw si Kenzo, sama ka?" Tamad ko namang tinignan si Elle.
"Ayoko, inaantok ako." Sagot ko.
"Galit ka pa rin ba sa amin?" Hindi ako sumagot sa tanong niya. "Sowwy na, 'wag ka na magalit, uwu." Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niya. Mukha siyang ewan sa itsura niya.
"Yuck! Ang pangit mo, saan mo natutunan 'yan?" Nakangiwi pa ring tanong ko.
Agad naman niya akong pinalo sa braso.
"G*go! Grabe makapangit, ha. Nakita ko lang sa tiktok 'yon, na cute-an ako sa gumawa no'n kaya ginaya ko."
"So, ginawa mo 'yon kasi akala mo magiging cute ka?" Tanong ko, tumango naman siya. Napatawa naman ako nang malakas.
"T*nga, mukha ka kayang abnormal." ani ko, sumama naman ang tingin niya sa akin.
"Hayop ka! Uwi na nga tayo." Galit na sabi niya saka naunang naglakad.
Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na nanonood ng tv. Agad naman akong lumapit sa kaniya para mag mano.
"Kumusta ang araw ng maganda kong anak?" Medyo kinikilig naman ako sa sinabi ni mama. Maganda raw, ackk!
"Okay naman po, bihis po muna ako." Tumango naman siya kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top