30
Pagkarating namin ng bahay ay agad akong pumunta sa kuwarto ko at doon tumili. Kasi naman eh... Shuta! Kinikilig ako sa sinabi ng magulang ni Kreios.
Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame habang nakahawak sa pisngi ko. Shemss, namumula pisngi ko! Hindi p'wedeng makita ako ni mama na ganito ang itsura ko dahil panigurado aasarin na naman ako no'n.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago tumayo at para makapagpalit na ng damit pambahay. Habang namimili ako sa damit ay napatingin na lang ako sa cellphone ko na nakapatong sa kama ko. Mabilis akong nagbihis at pagkatapos no'n ay tiningnan na kung sino 'yong nag-chat.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yon. Shuta? Totoo ba 'to? Si Kreios chinat ako? Wahh!
Kalmahan mo lang, Ayu. Malay mo may sasabihin lang na importante kaya ka niya chinat. Pero ano naman 'yong importante na 'yon?
Umiling-iling na lang ako saka binasa na 'yong chat ni Kreios.
Kreios:
Hi Ayumi, pinapapunta nga pala kayo ni mama dito sa bahay.
Kumunot naman ang noo ko nang matapos kong basahin 'yon. Bakit kami pinapapunta sa bahay nila?
Hindi naman ako sasagutin ng sarili ko kaya naman agad-agad akong nagtipa ng message para sa kaniya.
Ayumi:
Ahh, bakit daw kami pinapapunta?
Pagka-send ko no'n ay ilang saglit lang ay nagreply na siya.
Kreios:
Anniversary kasi nila mama at papa kaya may kaunting salo-salo. Nalimutan kasing sabihin ni mama kanina eh.
Ayumi:
Ganoon ba?
Sige, sasabihin ko kay mama. Salamat nga pala sa pag imbita at pakisabi sa parents mo happy anniversary sa kanila.
Pagka-send ko uli no'n ay agad niyang na-seen at ang akala ko ay may sasabihin pa siya pero napanguso na lang ako nang bigla siyang maglike. Ouch! Like zone.
"Ma, nag-chat sa akin kanina si Kreios." Agad namang dumaan ang nakakalokong ngiti sa mukha ni mama nang sabihin ko 'yon.
"Ano sabi?" Tanong niya habang suot pa rin ang nakakalokong ngiti niya.
"Pinapapunta raw po tayo ng mama niya sa bahay nila."
"Bakit daw?" Napalitan naman ng pagtataka ang mukha ni mama.
"Anniversary raw po ng mama at papa niya." ani ko.
Tumango-tango naman siya, "Anong oras daw ba?" Ayy sh*t! Nalimutan kong itanong.
"Hindi ko po natanong eh,"
Pagkatapos kong maglinis ng buong bahay ay tinulungan kong magdilig si mama ng mga halaman niya. At nang matapos 'yon ay sinamahan ko siyang pumunta sa mall para bumili ng ireregalo sa mama at papa ni Kreios. Nakakahiya raw kasi kung pupunta kami roon nang walang dalang regalo.
"Ano ba ang p'wedeng iregalo?" Tanong sa akin ni mama. Hmm, ano nga ba?
"Mug na lang po kaya?" Suggest ko.
"Sige 'yon na lang." Sagot naman ni mama kaya naman nagpunta na kami sa pagbilihan ng mga mug.
Habang nagtitingin-tingin kami ni mama ng mug at nahagip ng mata ko ang cute na mug na para sa mag asawa. Agad ko namang tinawag si mama para sabihing iyon na lang ang bilhin niya pang regalo.
"Ang galing mo talagang pumili, anak." Pinisil naman ni mama 'yong pisngi ko.
Maganda kasi 'yong design no'ng mug, pink and gray ang kulay at may nakalagay ng Mr. and Mrs.
Matapos naming mabayaran 'yon ay bumili naman kami ni mama ng pang cover at nang matapos ay umuwi na kami para balutin na 'yong regalo.
"Magugustuhan kaya nila 'to?" Tanong sa akin ni mama.
"Oo naman po, ang ganda kaya niyan." Nakangiting sabi ko.
Pagkatapos naming mabalot 'yon ay pinagbihis na ako ni mama para makaalis na kami. Nag-text daw kasi sa kaniya 'yong mama ni Kreios na pumunta na kami sa bahay nila.
Matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Mahina naman akong tumawa nang magsabay kaming lumabas ni mama.
"Tara na, ma?" Tanong ko.
"Sāikō!" Malapad naman akong ngumiti at lumakad na palapit sa kaniya.
[Translation: Let's go]
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay ng mga Del Fuego. Nag-doorbell na si mama at mayamaya pa ay ipinagbuksan na kami ng isa sa katulong nila. Nagpasalamat muna si mama sa katulong bago kami pumasok sa loob.
Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kami ng mama at papa ni Kreios.
"Happy anniversary sa inyo." Nakangiting bati ni mama sa mag-asawa.
"Happy anniversary po sa inyo." Nginitian ko sila saka nag-bow nang kaunti.
"Thank you, Tonette and Yumi." Wika ng mama ni Kreios.
"Tara kain na tayo." Wika naman ng papa ni Kreios.
Hinila ng mama ni Kreios si mama at sumabay naman ang papa ni Kreios sa kanila kaya naman dalawa kami ni Kreios ang naiwan sa sala.
"Tara na sa kusina." Mayamayang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Dahil doon ay muli na namang nagtama ang tingin namin.
P*tcha! 'Yong puso ko!
Nauna siyang lumakad kaya naman sumunod na ako. Naupo ako sa tabi ni mama at saktong katapat ko no'n si Kreios.
Tahimik lang kami ni Kreios na kumakain samantalang sila mama naman ay nagkwekwentuhan ng kung ano-ano.
"Ayu, may boyfriend ka na ba?" Nabigla naman ako sa tanong ng papa ni Kreios.
Umiling naman ako, "Uhmm, wala po eh." Sagot ko saka naiilang na ngumiti.
"Ganoon ba? So, kailan mo balak?" Tanong naman ng mama ni Kreios.
"Uh, h-hindi ko pa po alam eh." Wala naman po kasi akong pag-asa sa anak niyo eh.
"Ikaw Kreios, kayo na ba ni Nixie?" Baling naman nila kay Kreios. Parang gusto kong umalis kaso ang bastos ko naman kapag ginawa ko 'yon.
"Yes po," sagot naman niya.
So, matagal na palang sila. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa 'yong plano kong umamin. Hays.
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta naman kami sa sala para roon ipagpatuloy ang pagkekwentuhan nila. Nagpaalam si Kreios na aakyat daw muna siya kaya nagpaalam din ako na sa labas muna ako.
Habang nagmumuni-muni ako sa labas ay nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sa akin.
"What are you doing here? Ayaw mo ba sa loob?" Tanong ni Kreios.
Pilit naman akong ngumiti, "Okay na ako rito."
Shutek! Magkakasakit yata ako sa puso nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
Tahimik lang kami pareho at wala sa amin ang nagtatangkang magsalita. Kaysa mapanisan ako ng laway rito ako na ang naglakas ng loob magsalita.
"Uh, congrats nga pala sa inyo ni Nixie. Stay strong sa inyo." Napatingin naman siya sa akin kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
"Thanks," pagkasabi niya no'n ay wala na ulit ang nagsalita sa amin.
"Clay!" Pareho kaming napalingon sa likuran amin nang tawagin ako ni mama.
Sabay kaming tumayo at naglakad na palapit kina mama.
"Uwi na tayo," bulong niya sa akin. "Cass, salamat sa pag imbita, ha? Happy anniversary ulit sa inyo." Niyakap ni mama 'yong mama ni Kreios at pagtapos no'n ay nginitian naman niya 'yong papa ni Kreios.
Pagkauwi namin ni mama ay agad akong naupo sa sofa para tanggalin ang suot kong sandals. Tumabi naman sa akin si mama at sabay tusok sa tagiliran ko.
"Ikaw ha, ano pinag-usapan niyo kanina?" Pang-aasar sa akin ni mama.
"Si mama ma-issue, hindi po kami nag-usap no'n." Palusot ko.
"Eh, bakit kayo magkasama kanina? At magkatabi pa. Kumusta puso mo?" Napapikit na lang ako sa itinanong ni mama.
"Mama naman eh. Muntik nga po akong atakihin kanina eh. Tsaka nabigla po ako kasi kinausap niya ako, sa school kasi hindi siya namamansin eh." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magdaldal.
"Ang sabi mo hindi kayo nag-usap?" Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Hindi po sana kami mag-uusap kaso ako po ang nag first move magsalita." ani ko, "Kinongrats ko po siya dahil girlfriend niya na si Nixie." Napayuko ako no'ng sabihin ko 'yon, natahimik naman si mama.
"Okay ka lang?" Iniangat ko naman ang ulo ko at nginitian si mama.
"Oo naman po. Okay na okay po." ani ko.
"Itutuloy mo pa ba ang plano mo?"
"Nagdadalawang-isip nga po ako eh," sabi ko at mahinang tumawa.
"Alam mo, 'nak. Kahit na sila na no'n, umamin ka pa rin. Huwag kang matatakot sa sasabihin niya bagkus ay tanggapin mo na lang, hindi naman mahalaga 'yong kung ano man ang sasabihin niya eh. Ang mahalaga ay 'yong nasabi mo 'yang nararamdaman mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni mama.
"Thank you, mama. Promise po, pagdating ng graduation... aamin na po talaga ako." Sabi ko habang nakayakap sa kaniya.
"Ayan ang Clay-clay ko. O'siya, magbihis ka na roon at magbibihis na rin ako." Tumango naman ako bago pumunta sa kuwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top