29

"Ma, idagdag mo pa ito oh." Sabi ko saka pinakita sa kaniya 'yong isang supot ng Christmas balls.

Kinuha naman niya ito at inilagay sa basket. Nandito kami ngayon ni mama sa mall para bumili ng mga bagong pang decorate sa bahay. Sira na kasi 'yong mga binili namin noon eh.

Pagkatapos naming mamili ay nagbayad na kami sa counter at umuwi na.

Inayos muna namin 'yong mga ibang binili namin pagkatapos ay inumpisahan na naming lagyan ng decorations itong bahay.

"Teka at ilalabas ko muna 'yong Christmas tree." Sabi ni mama saka tumayo para kunin ang Christmas tree sa maliit na stockroom namin.

Maya-maya pa ay dumating na si mama bitbit ang maliit na Christmas tree namin na galing pa ng Japan. O'diba sosyal.

Inayos muna namin ng tayo 'yong Christmas tree bago lagyan ng mga Christmas balls at iba pang pang decorate.

"Lalagyan pa po ba natin 'to ng Christmas light?" Tanong ko kay mama.

"Hindi na, okay na itong ganito na lang para mas maganda tingnan." Sagot naman niya. Pero mas maganda sana kung may Christmas light.

Nang matapos naming lagyan ng decoration 'yong Christmas tree ay sinunod naman namin ang labas ng bahay. Iba't-ibang disenyo ng star ang isinabit namin sa labas at tapos na. May idinikit pa si mama na 'Merry Christmas' na sign sa may pintuan.

Matapos 'yon ay nagluto na kami ni mama ng tanghalian namin at nang matapos ay kumain na kami.

"Maaga kang gumising mamayang madaling araw, ha?" Tumango naman ako. Start na kasi ng simbang gabi mamaya. "Kung gusto mo, isama mo si Elle." Sabi pa niya.

"Tatanungin ko pa po siya mamaya kung gusto niyang sumama," sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay si mama na ang nagprisintang maghugas kaya naman nagpaalam na ako na maliligo na. At nang matapos akong maligo ay agad-agad na akong nagbihis.

"Ma, punta po muna ako kina Elle." Paalam ko. Tumango naman siya kaya dali-dali na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay nila Lyle.

Pagkarating ko sa bahay nila ay nadatnan ko ulit si tita na nagbuburda ng kung ano sa terrace nila.

"Hi tita, si Elle po?" Tanong ko. Saglit naman siyang huminto sa ginagawa niya at tinignan ako.

"Nasa loob, puntahan mo na lang." Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Nakita ko si Elle na nakahiga habang nakataas pa ang isang paa sa sandalan ng sofa nila.

"Wow, Doña." Nagulat naman siya kaya mabilis siyang bumangon at tinignan ako nang masama.

"Ang epal mo talaga. Kailangan mo?" Masungit na tanong niya.

"Sama ka mamaya?" Balik na tanong ko.

"Saan?" kunot ang noo'ng tanong niya.

"Simbang gabi."

"Ayoko. Alam mo naman na hindi ako mahilig magsimba 'di ba?" Oo, demonyo ka kasi eh.

"Bakit kasi ayaw mo?" Napabuntong-hininga naman siya.

"Wala lang, masyado kasing maaga eh. Hindi ko kaya magising ng ganoon kaaga." Napairap naman ako. Palibhasa mahilig magpuyat.

Ilang minuto lang ang itinagal ko kina Elle bago ako magpaalam sa kaniya na uuwi na ako.

"Ano ang sabi niya? Sasama ba raw siya?" Tanong sa akin ni mama.

Umiling naman ako, "Ayaw po niyang sumama kasi masyado raw pong maaga, hindi raw po niya kayang magising." Tamad na sagot ko.

"Ganoon ba? E'di tayong dalawa na lang ulit ang magkasama." Wika ni mama.

Nagpaalam muna ako kay mama na pupunta muna ako ng kuwarto ko para matulog saglit.

"O'sige gisingin na lang kita." Nginitian ko na lang siya saka naglakad na papuntang kuwarto ko.

Nagising ako nang marinig kong may tumatawag sa akin kaya naman inis kong kinuha ang cellphone ko at tingnan kung sino 'yong taong tumatawag.

"Oh ano kailangan mo?" Sagot ko sa tawag.

["Nasa US na ako."] Napa irap naman ako.

"So? Share mo lang?" Pangbabara ko kay Kenzo. B*wisit kasi eh, tumawag lang para sabihing nasa ibang bansa na siya.

["Oo, share ko lang. Bakit ba parang badtrip ka?"]

"Dahil sa 'yo."

["Hala? Anong ginawa ko sa 'yo? Tumawag lang naman ako ah."]

"Iyon na nga, natutulog ako tapos nanggambala kang hinayupak ka!"

["Ah sorry,"] wika niya saka tumawa.

"May kailangan ka pa? Ibaba ko na 'to."

["Wala na, sinabi ko lang n—"] pinatay ko na ang linya at hindi na pinatapos ang sasabihin niya. Bastos na kung bastos, siya nauna eh.

At dahil gising naman na ako, inayos ko muna ang pinaghigaan ko at saka lumabas na.

"Gising ka na pala, gigisingin pa lang sana kita eh." ani Mama.

"May engkanto po kasing nanggambala ng tulog ko eh." Nanlaki naman ang mata ni mama sa sinabi ko.

"Jusko! Ayos ka lang ba? Anong ginawa sa 'yo ng engkantong 'yon?" Natatarantang tanong ni mama.

"Ma, 'yong sinasabi ko pong engkanto ay si Kenzo. Tinawagan niya po kasi ako kanina para sabihing nasa ibang bansa na siya." Paliwanag ko, napahawak naman si mama sa dibdib niya.

"Akala ko pa naman may engkanto na rito sa bahay natin." Matawa naman ako sa sinabi niya.

"Mama naman, hindi naman po totoo 'yong mga engkanto na 'yan eh." Sabi ko.

"Hay nako, tama na nga 'yang engkanto-engkanto na 'yan. Halika na sa kusina at tapos na akong magluto ng meryenda." Sabi niya kaya naman sabay kaming nagtungo sa kusina.

Bago namin kainin 'yong nilutong meryenda ni mama ay inutusan muna niya akong magbigay kina Elle. Nang makabalik ako ng bahay ay inaabot na sa akin ni mama 'yong mangkok na may lamang lumpiang shanghai.

Buong maghapon ay nasa bahay lang ako at nanonood ng mga kung ano-ano. Inaaya ako kanina ni Elle na lumabas kaso tumanggi ako, tinatamad akong lumabas ngayon eh.

Kinabukasan, alas kwatro ng madaling araw ay gising na ako para maaga kaming makagayak ni mama. Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago lumabas ng kuwarto ko.

"Mabuti at gising ka na, pumarito ka na at kakain na tayo." Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula nang magsandok ng kanin at ulam.

"Ako na ang maghuhugas nito maligo ka na roon." ani Mama. Tinanguan ko na lang siya at naglakad ako papuntang kuwarto ko.

Maliligo ba ako o mamaya na lang? Ang lamig kasi eh. Kaso baka nandoon sila Kreios. Hay, bahala na nga.

Wala pang dalawang minuto ay tapos na akong maligo. Nakatapis lang akong lumabas ng banyo kaya naman tumakbo ako papunta sa kuwarto ko.

"Ang bilis mo namang maligo?" Takang tanong ni mama nang masalubong ko siya.

"Ang lamig po kasi eh," sagot ko.

"Ikaw talaga, magbihis ka na at baka magkasipon ka pa." aniya, nginitian ko na lang siya bago tumakbo ulit papunta sa kuwarto ko.

White t-shirt at high waisted trousers ang isinuot ko na tinernuhan ko ng white shoes ko. Mahilig ako sa white eh, bakit ba.

Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko naman si mama na katatapos lang maligo. Pinuri niya pa muna ako bago pumasok sa kuwarto niya.

Habang inaantay ko siyang matapos ay nanood muna ako ng tv. Napangiti na lang ako nang makitang adventure time ang palabas. Yes! My favorite cartoon.

Nang matapos 'yon ay sakto ring tapos na si mama magbihis.

"Tara na ma?" tanong ko.

"Saglit lang naman, Clay. Hindi pa tapos magpaganda ang mama mo eh. Dapat pareho tayong maganda kapag magsisimba para cool tignan." Jusko po! Umiiral na naman ang pagiging feeling teenager ni mama.

"Hay naku si mama, bilisan mo na po magpaganda at para makaalis na tayo." Binigyan naman niya ako ng mapagbirong ngiti kaya napailing na lang ako.

Pagkarating namin sa simbahan ay medyo marami na ang tao. Ang akala ko ay wala na kaming mauupuan pero bigla kaming tinawag no'ng mama ni Kreios para roon umupo sa tabi nila.

Malayo ako kay Kreios dahil pareho kaming nasa dulo.

Ex: ako• mama• mama at papa ni Kreios• at si Kreios.

Tahimik lang ako buong misa pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi ng pari dahil lumilipad ang isip ko. Hindi ko na lang namamalayan na tapos na pala ang misa, mabuti nalang at tinapik ako ni mama at sinabing aalis na kami.

Bago kami magpaalam sa isa't-isa ay pinuri pa ako ng mama at papa ni Kreios na ang ganda-ganda ko raw. Nginitian ko sila pareho saka nagpasalamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top