27

"Hoy, ayusin niyo naman 'yong pagkabit diyan. Ang pangit, katulad niyo." Iritang sabi ni Lanna kina Lucas at Rayden.

"Inaayos na nga namin, eh. Ano pa gusto mo?" Irita ring tanong ni Lucas.

"Tsaka makapangit akala mo maganda," bulong naman ni Rayden kay Lucas. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Nag I-start na kaming mag-decorate ng classroom dahil malapit na ang Christmas party. 

Magl-lunch na no'ng matapos kaming mag-decorate sa labas ng room, sunod naman ay sa loob.

"Lunch muna tayo, mamaya na lang ulit." Sabi ni Donna. 

Sa loob kami ng room kumain dahil nanglibre ng lunch si Kyle.

"Sana all richkid!" Biro ng mga kaklase ko kay Kyle.

"Kenzo, 'wag kang papatalo." Wika ni Arrianne.

"Sa Christmas party magpapa-lechon ako..." naghiyawan naman sila. "Lechong manok," tuloy ni Kenzo.

"Akala ko pa naman baboy, pero okay na rin naman 'yon. Sabi mo 'yan ah?" ani Shane.

"Oo nga, ayaw pa maniwala eh." Sagot naman niya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain bago ipagpatuloy ang pagde-decorate.

Nasa kalagitnaan kami ng paggugupit ni Elle nang biglang sumigaw si Kenzo.

"Ano nangyari sa 'yo?" Tanong ni Jared. Hindi ko narinig ang sinabi ni Kenzo dahil ibinulong niya lang kay Jared.

"G*go? Bakit mo nilagyan? Bugok!" ani Jared saka malakas na tumawa.

"Tara, hugasan natin sa cr. Ang t*nga mo!" Naiwan kaming nakatulala nang makaalis sina Kenzo at Jared.

"Anong nangyari kay Kenzo?" Tanong ni Elle kay Khirra.

"Nilagyan daw ni Kenzo 'yong mata niya ng vicks." Sagot niya. Pareho naman kaming napangiwi ni Elle.

Nang makarating sila Kenzo sa room ay agad namin siyang nilapitan ni Elle at sabay na binatukan.

"Hoy, t*nga. Bakit mo nilagyan ng vicks 'yang mata mo?" Tanong ni Elle.

"Magtatanong na nga lang may kasama pang batok." Reklamo niya.

"Sagutin mo na lang!" si Elle.

Kumamot muna siya sa ulo niya bago sumagot. "Namimiss ko na kasing umiyak kaya nilagyan ko." Sagot niya. 

Nagtawanan naman lahat ng kaklase namin.

Gunggong amputspa, bakit 'di na lang siya nanood ng nakaka-iyak na movie kaysa lagyan ng vicks 'yong mata niya. Ang t*nga talaga.

"Ano, okay na? Hindi na masakit?" Tanong ko.

"Ang anghang sa mata," sagot niya.

"Ang t*nga mo kasi," iiling-iling kong sabi sa kaniya.

Maghapon kaming nagde-decorate ng room at kaunti na lang ay matatapos na kami.

"Bukas na natin ituloy 'to, anong oras na oh," saad ni Khairo.

"Sige, sige, maaga na lang kayo pumasok bukas para maaga nating ma-umpisahan." Sabi naman ni Donna.

Nagtanguan na lang kami lahat bago iligpit ang mga materyales na ginamit namin.

"Kenzo, kaya mo lumakad mag isa?" Tanong ni Elle.

"Oo naman, anong akala mo sa akin lumpo? Mata ang masakit sa akin, hindi paa." Sagot ni Kenzo kaya nakatikim na naman siya ng batok galing kay Elle.

"Ang ayos-ayos ng tanong ko, ha, b*wisit 'to. Tara na nga, Ayu!" Nagpahila na lang ako kay Elle hanggang makalabas kami ng gate.

At nang maka uwi kami ay agad na akong dumiretso sa kuwarto ko at nagbihis na ng pambahay. Matapos iyon ay tinulungan ko ulit na magluto ng hapunan si mama.

Nag-usap lang kami ni mama habang kumain at nang matapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan naming dalawa bago ako magtungo sa banyo para mag-toothbrush. Matapos 'yon, pumunta na ako ng kuwarto ko at natulog na.

Kinabukasan ay maaga kaming nakarating ni Elle sa school at naglalakad na kami ngayon papuntang classrom. Hindi pa kami nakakapasok nang may mamataan kaming pigura ng lalaking nag-gugupit ng mga colored paper. Ang aga naman niyang pumasok.

Tahimik kaming pumasok ni Elle pero naramdaman yata niyang nandito kami kaya lumingon siya sa gawi namin.

"Ahmm, tuloy mo lang 'yan. Kunwari hindi mo kami nakita." Siniko ko si Elle dahil sa sinabi niya. Shunga niya!

Ngumiti nang tipid si Kreios kay Elle bago malipat ang tingin sa akin. Nanlaki naman ang mata ko kaya wala akong nagawa kundi ang ngitian siya. Nagulat na lang ako nang ngitian niya ako pabalik.

Sh*t! Namamalikmata lang ba ako? Shutaa! Nginitian ako ni Kreios! First time in my life. Wahh!

"Kilig ka naman," inirapan ko na lang si Elle at inilapag na ang gamit ko sa upuan.

Tatlo pa lang kaming nagde-decorate dahil wala pa 'yong iba. Si Kreios ang nagsasabit ng DIY parol namin dahil matangkad siya, samantalang taga-abot naman kami ni Elle.

Hindi rin nagtagal ay nagdatingan na rin ang mga kaklase namin kaya kanya-kanya kami ng trabahong ginagawa. 'Yong iba naggugupit, nagdidikit, at 'yong iba naman ay nagsasabit.

Saktong bell ay natapos na rin kami sa pagde-decorate. Kaya nang makita ng adviser namin na tapos na ay grabe ang puri niya sa gawa namin.

"Very good, Lauan. Sobra niyo na naman akong pinahanga." Aww, nakaka-touch naman 'yan, ma'am.

"Ma'am naman, sobra kayo magpakilig." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Gavin.

"Shh! Secret lang 'yon, ano ba kayo." Napuno ng tawanan ang room namin dahil sa kalokohan ni ma'am at ng mga kaklase ko.

Mamimiss ko talaga itong section na 'to. 

"Ready na ba kayo sa bunutan?" Nag 'yes' naman kami. "Okay, kapag narinig niyo ang pangalan niyo, pumunta kayo rito para bumunot." Sabi niya saka inumpisahan na ang pagbanggit ng pangalan ng boys.

"Huwag niyong ipagsasabi kung sino ang nabunot niyo, ha?" ani ma'am.

Nang tawagin na si Kenzo ay agad na siyang lumakad papunta sa harapan para bumunot.

"Kumusta mata mo, Kenzo?" Tanong ni Ma'am.

"Okay naman po, ma'am. Sobrang ganda mo nga po ngayon, eh." Pangbobola niya kay ma'am.

"Okay na sana eh, kaso bakit ngayon? Ngayon lang ba ako maganda?" Pilyang tanong ni ma'am. Napakamot naman sa batok si Kenzo.

"Lagi po kayong maganda, ma'am. Kaso iba po 'yong ganda niyo ngayon." Sagot naman niya.

"Talaga lang, ha. So, sino ang nabunot mo?" tanong ni ma'am. Binuklat naman ni Kenzo ang maliit na papel at pinakita kay ma'am. Matapos 'yon ay bumalik na si Kenzo sa upuan niya. 

Matapos ang mga lalaki ay sunod naman ang babae. Unang tinawag si Pauline at sunod-sunod na.

Si Elle ang unang tinawag at nang maipakita na niya kay ma'am kung sino ang nabunot niya ay agad na siyang bumalik sa upuan niya. 

"Ms. Takahashi," nang marinig ko na ang apelyido ko ay agad na akong tumayo at pumunta na sa harap.

Inalog pa muna ni ma'am 'yong bowl kung saan nakalagay 'yong mga pangalan namin bago niya ako pabunutin.

At nang makabunot na ako ay agad ko na itong binuklat at nanlaki na lang ang mata ko nang pangalan ni Kreios ang nakasulat doon. Shuta men!

"Sino ang nabunot mo?" tanong ni ma'am. Pinakita ko naman sa kaniya 'yong papel, tumango naman siya kaya naglakad na ako papunta sa upuan ko.

Ano kayang ireregalo ko sa kaniya?

"Sino nabunot mo?" Tanong sa akin ni Elle.

"Hindi raw p'wede ipagsabi," 

"Ang damot!" Reklamo niya, pero anong paki ko? Bawal nga raw eh.

Naglalakad kami ni Elle ngayon papuntang canteen dahil recess na. 

"Ayu, samahan mo muna ako sa cr." Sabi ni Elle kaya lumiko kami papuntang cr.

Habang hinihintay ko si Elle sa labas ay nahagip ng mata ko si Kreios kasama si Nixie. Nakaakbay si Kreios kay Nixie samantalang sinusubuan naman ni Nixie si Kreios ng burger. Mapait naman akong ngumiti.

Sana all na lang.

Mabuti na lang at tapos nang umihi si Elle kaya nilipat ko sa kaniya ang tingin ko.

"Tara na," sabi niya at nauna ng maglakad.

Ang saya ko na kanina eh. Kaso... nevermind na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top