26

"Ang bilis ng araw, parang October lang kahapon tapos bukas December na." Sabi ni Elle habang nakapalumbaba.

Tama siya, ang bilis lumipas ng araw. Parang kahapon lang nagfi-film pa lang kami sa Filipino tapos bukas
December na. Mag c-chrismas na.

"Wala kami rito sa pasko," wika ni Kenzo.

"Saan kayo?" Tanong naman ni Elle.

"Kina lola sa US." Sagot niya.

"Naks, sana all. Iba talaga kapag anak mayaman, 'no?" Biro ko. Mahina naman niya akong hinampas.

"Ayoko nga sana sumama kaso ang sabi nandoon daw si lolo, 'yong pinaka-close ko." aniya.

"Nga pala, Ayu, hindi ba uuwi sila tito sa pasko?" Tanong ni Elle.

Umiling naman ako. "Sa March pa raw, eh."

"E'di tayo-tayo lang ang magkakasama sa pasko tulad dati?" Tanong pa niya, tumango naman ako.

Matapos ang lunch break ay naglakad na kami pabalik ng room.

Math ang subject namin ngayon kaya naman tahimik akong nakikinig kahit na wala naman akong naiintindihan.

Nakakainis nga eh, kung ano 'yong kinatalino ko sa ibang subject, iyon naman ang kina-bobo ko sa math.

Saglit lang nag-discuss si ma'am at pagkatapos ay nagbigay siya ng group activity. Madali lang namin 'yon natapos kaya naman pinasa na namin agad kay ma'am.

Pagka-bell ay wala ang next subject namin kaya nakatunganga kaming lahat ngayon.

"Ang boring naman," tamad na wika ni Joseiah. "Ayu, 'di ba alam mo mag-gitara?" Tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Kantahan tayo para hindi boring."

"Sige, Kenzo samahan mo ako hiramin 'yong gitara." Baling ko kay Kenzo.

"Ayoko, tinatamad ako. Si Elle na lang."

"Dali na! Ang arte mo." Inis naman niyang kinamot ang ulo niya at padabog na tumayo.

"Oo na, tara na." aniya at naunang naglakad.

Pagkahiram namin ng gitara ay agad na kaming bumalik ng classroom. At nang makapasok kami ay hinila ko si Kenzo sa harapan para kasama ko siyang kumanta.

"Wala ako sa mood kumanta, Yumi. Si Elle na lang." Ang epal talaga nito.

Tinawag ko si Elle at mabilis siyang pumunta sa puwesto ko. Mabuti pa siya.

"Anong kakantahin?" Tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat naman ako.

"Ano kakantahin?" Tanong ko sa kanila.

"Pagsamo," sagot naman ni Donna.

"Arthur Nery?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Alam mo 'yon?" Tanong ko kay Elle.

Tumango naman siya. "Iyon kaya palagi kong pinapakinggan kapag matutulog ako." Pagkwento niya.

Nagsimula na akong mag-strum.

"Oh, no, no, no, no, no, no." Panimula ko.

"Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating... Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing... Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap~" kanta ni Elle.

"Ba't pa ipapaalala... 'Di rin naman panghahawakan... Ba't pa ipipilit kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang..." kanta ko.

"Para sa isa't isa... 'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon..." si Elle.

"Para sa isa't isa... Oh, whoa. Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?" At pagdating ng chorus ay sabay na kami ni Elle.

"Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin. Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang. Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo. Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo, bakit 'di mo dama 'to~" salitan lang kami ni Elle sa pagkanta hanggang sa matapos na ang kinakanta namin.

"Ang galing niyong dalawa, parang nanonood kami ng live concert," puri sa amin ni Gavin.

"Isa pa, 'yong 12:51 naman." Wika naman ni Shane.

"Sige." sabay naming sagot ni Elle.

Si Elle naman ngayon ang mag-gigitara dahil siya ang nakakaalam ng chords ng 12:51. At ako naman ang unang kakanta.

"Scrolling through my cellphone for the 20th time today. Reading that text you sent me again... Though I memorized it anyway..."

"It was in afternoon in December... When it reminded you of the day. When we bumped into each other... But you didn't say 'Hi' 'cause I looked away." si Elle.

"And maybe that was the biggest mistake of my life..." Ako.

"And maybe I haven't moved on since that night." Si Elle.

"Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone. But I'm lying on my bed, thinking of you again. And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight 'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer..." sabay ulit na kanta naman ni Elle.

Nang matapos namin 'yon ay sakto namang nag-bell na. Uwian na.

"Ano ba 'yan, ang bilis naman ng uwian. Nag-eenjoy pa kami sa concert, eh." kunwaring reklamo ni Kenneth.

"E'di kumanta ka mag-isa mo." sabi ni Elle kaya nagtawanan kami.

"Hoy, ingat kayong dalawa sa pag uwi ha," paalala sa amin ni Kenzo.

"Opo, tay." Sabay na sagot namin ni Elle. Kaya naman pareho kaming nakatanggap ng batok mula kay Kenzo.

"B*wisit talaga kayo. Sige na nga, una na ako sa inyo, nandiyan na sundo ko eh." tumango na lang kami ni Elle.

Nang makaalis na ang sasakyan nila Kenzo ay naglakad na kami ni Elle papunta sa sakayan.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob. Nadatnan ko si mama na nagkakape sa sala habang nanonood ng tv.

"Hi, ma." Bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Kumusta naman ang araw ng clay-clay ko?" Tanong niya.

"Okay lang naman po, kayo?"

"Okay lang din naman. Marami nga akong nabentahan kanina eh." Masayang balita niya sa akin.

"Naks! Nga pala, magbibihis po muna ako." Paalam ko.

"Sige, sige." aniya.

Nagtungo na ako sa kuwarto ko para magbihis ng pambahay at para maibaba na ang gamit ko.

Palabas na sana ako ng kuwarto ko nang marinig kong nagri-ring ang phone ko. At nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay napangiti na lang ako kung sino 'yon.

"Napatawag ka? Miss mo ako, 'no?" Biro ko.

["Hindi ah."] Nawala naman ang ngiti sa labi ko.

"Eh, bakit ka napatawag kung hindi mo ako miss?" Tanong ko kay Yuki.

["Joke lang naman 'yon, eh."] Sabi niya saka tumawa.

"Ano, kumusta kayo ni papa?"

["Ito, guwapo pa rin."] Napangiwi na lang ako sa sinagot niya.

Ang hangin ng hapon na 'to.

Nagkwento lang siya ng mga ginawa niya buong maghapon at ng kung ano-ano pa hanggang sa magpaalam na siya dahil may hindi pa raw siya natatapos na project niya.

"Sige na, bye na. Tutulungan ko pang magluto ng hapunan si mama." Sabi ko.

["Okay, bye, ate. I love you, kayo ni mama."] Napangiti naman ako.

"Naks naman, mahal ko rin kayo ni papa. Mag-ingat kayo palagi, ha?"

["Yes ma'am, kayo rin ni mama."] aniya at ibinaba na ang tawag.

Pagkatapos no'n ay lumabas na ako sa kuwarto ko at nagtungo na sa kusina para magluto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top