23

Dalawang linggo na simula nang mag-sembreak kami. Kaya naman heto ako ngayon nakatunganga habang pinagmamasdan si mama na naglilipat ng halaman niya sa isang paso. Wala kasi si Elle, eh. Nagpunta kasi sila sa probinsya ng papa niya. 

"Ma, bakit mo pa nililipat?" Tanong ko.

"Para rumami," sagot naman niya, tumango-tango na lang ako.

"Samahan mo ulit ako sa mga Del Fuego bukas. Magde-deliver uli tayo ng halaman." aniya.

"Deliver lang talaga, ma? Hindi tayo mag i-stay roon kahit saglit?" Tanong ko, mahina naman siyang tumawa.

"Gusto mo bang mag-stay roon?" Tanong niya kaya mabilis akong tumango.

"E'di asawahin mo si Kreios para roon ka na tumira." Napasimangot na lang ako sa sinabi ni mama.

"Mama naman, eh! 'Yong seryoso kasi." Nakangusong wika ko.

"Sige, kapag inaya tayong pumasok sa loob ng bahay nila." Masaya kong niyakap si mama.

"Yie! Thank you, mama." ani ko.

Nakangiti ako habang nagluluto ng kanin. Excited na ako bukas! Sana naroon si Kreios.

"Baka mapunit na 'yang labi mo sa kakangiti mo r'yan." Muntik akong mapatalon nang biglang magsalita si mama sa likuran ko.

"Eh kasi, ma..." shuta! Kinikilig ako pero 'di ko alam kung bakit.

"Kasi... Ano?" Si mama.

"W-Wala po, ma, hehe. Malapit na po itong kumulo. Tapos mo na po bang maluto 'yong special adobo mo?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Ano 'yong kasi mo?" Puchapie! Wala akong kawala kay mama!

"Wala lang po 'yon, ma." ani ko.

Magsasalita pa sana si mama nang bigla nang kumulo 'yong sinaing ko. Whoo! Save by the kumukulong sinaing.

Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian ni mama at ni isa sa amin may walang nagsasalita. Tunog lamang ng kutsara at tinidor ang nagsisilbing ingay.

Matapos akong kumain ay nilagay ko na ang pinagkainan ko sa lababo. Si mama na raw ang maghuhugas kaya naman nag punta na ako sa kuwarto ko para manguha ng damit at nagtungo na ng banyo dahil ako'y maliligo na.

Sumasayaw at kumakanta ako habang nagsha-shampoo at nagsasabon. Muntik ako madulas dahil kinatok ni mama ang pintuan ng banyo. Ang sama talaga ni mama!

Kaya nang matapos ako ay nakasimangot kong hinarap si mama.

"Mama... Bakit mo naman ginawa 'yon? Muntik tuloy akong nadulas." ani ko. Tumawa naman siya.

Trip ako ngayon pagtripan ni mama.

"Ano at sobrang saya mo ngayon. Eh, bukas pa tayo pupunta sa bahay ng crush mo." Mas lalo akong sumimangot. 

"Wahh! Mama naman, eh!" Nagpapadyak kong wika.

"Biro lang. Halika nga rito." Lumapit naman ako sa kaniya at mabilis niya akong niyakap.

"Naglalambing lang naman ang mama, eh." So? Ganoon pala ang term niya sa paglalambing, ang asarin ako?

Niyakap ko pabalik si mama ngunit nanatili pa rin akong tahimik.

"Dalaga ka na talaga. Wala na ang baby clay-clay ko." Hay nako naman si mama.

"Mama, kahit naman dalaga na ako... ako pa rin ang baby mo." ani ko.

"Isang taon na lang at magkokolehiyo ka na. Tapos no'n makakahanap ka na ng trabaho at ng mapapangasawa mo."

Humiwalay ako sa pagkakayakap at nakakunot ang noo'ng tiningnan si mama.

"Ang advance mo naman mag isip, ma. Hindi pa nga ako nakakaamin kay Kreios eh." Sambit ko. 

"Kailan mo ba balak umamin?"

"Sa graduation po siguro. Aalis naman na po tayo after ng graduation, 'di ba?" Tanong ko.

"Depende sa papa mo," sagot niya.

Matapos ang dramahan namin ni mama ay naupo ako sa sofa at inopen ang tv at nanood na lang ng favorite kong movie na twilight. Ang ganda nito, sobra! Hindi siya nakakasawang panoorin kahit na paulit-ulit ko nang napanood.

"Ayan na naman ang pinapanood mo? Hindi ka ba nagsasawa r'yan?" Tanong ni mama saka naupo sa tabi ko.

"Ang ganda kaya, ma. Tsaka ang gwapo ni Eduard... tignan mo." Tinuro ko agad si Eduard nang ipakita siya sa screen.

"Ang puti niya masyado. Mas gwapo 'yong isa... anong pangalan no'n?" Tanong niya habang nakaturo kay Jacob.

"Jacob po. Maputi po talaga si Eduard kasi vampire siya. Tapos si Jacob naman is wolf." Paliwanag ko.

Tahimik lang kaming nanonood ni mama hanggang sa matapos na ang pinapanood namin. 

Nagpaalam sa akin si mama na pupunta muna siya kina Aling Alma, kumare niya. 

"Dito ka lang?" Tanong niya, tumango naman ako.

Pagkalabas niya ng bahay ay ibinalik ko na lang ang paningin ko sa pinapanood kong cartoons. 

Buong maghapon ay panonood lang ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman pinatay ko muna ang tv at nagtungo ng kuwarto ko para manguha ng pera.

Pagkarating ko ng tindahan ay bumili ako ng dalawang dowee, isang nova, at isang royal. Matapos 'yon ay bumalik na ako ng bahay at in-open ulit ang tv.

Pagdating ng gabi ay maaga akong natulog para maaga rin akong magising bukas. Nag-alarm ako para masigurong maaga talaga ako magigising.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa alarm ko. Nakangiti akong bumangon at mabilis na inayos ang pinaghigaan ko at nang matapos ay nagtungo ako sa banyo upang maghilamos at magmumog.

Bago ako magtungo ng kusina ay sinilip ko muna si mama sa kuwarto niya. Napangiti na lang ako nang makitang natutulog pa ito.

Ako na ang nagluto ng agahan namin ni mama. Sinangag, sunny side up, at ang kape ni mama. 

"Hindi ka halatang excited, ah." napatalon na lang ako nang biglang magsalita si mama.

"Kain na lang po tayo, ma." ani ko.

"Hindi tayo matutuloy ngayon..." nahinto sa ere ang kutsara ko at nakangusong tumingin kay mama na halos mamula ang mukha dahil sa pagpipigil ng kanyang tawa. "...biro lang." hindi na lang ako umimik.

Pasalamat ka mama mahal kita.

Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin samantalang nagdilig naman ng halaman si mama. Matapos akong maghugas ay kinuha ko na ang walis at nagsimula nang maglinis ng bahay.

Walis dito, walis doon. Punas dito, punas doon. At, tapos na!

Nagpunta na ako ng banyo para makaligo na. At nang matapos ay bumalik na ako sa kuwarto para magbihis at makapag-ayos na.

Simpleng purple shirt at pants ang isinuot ko at kaunting pulbo at lip balm lang ang in-apply ko... at tapos na.

"I'm ready, mudra!" Masayang wika ko nang makalabas ako sa kuwarto ko.

"Teka lang naman, nak. Hindi pa nga ako nakakaligo, eh." Natatawang wika niya.

"Bilisan mo na pong maligo. Manonood po muna ako rito." Saad ko at naupo na sa sofa.

Sofia the first ang palabas kaya naman naghanap ako ng ibang channel. Ayoko no'n eh. Mas gusto ko pa ang adventure time kaysa roon.

Wala na akong mahanap na magagandang palabas kaya no choice ako sa sofia the first.

"Kailan ka pa naging isip-bata?" Nilingon ko si mama na kalalabas lang ng banyo.

"No choice, eh." Kibit-balikat kong sambit.

Mayamaya ay natapos na ring magbihis si mama kaya naman agad ko nang in-off ang tv.

"Clay, pakikuha 'yong halaman sa likod. Magsusuklay lang ako pagkatapos ay aalis na tayo." Mabilis kong sinunod ang utos ni mama.

Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila Kreios. At mayamaya pa ay lumabas na rin 'yong mama ni Kreios at ipinagbuksan kami ng pinto.

Agad akong namangha sa bahay nina Kreios nang makapasok kami sa loob.

"Mukhang ikaw lang ang mag-isa rito, ah." Panimula ni mama.

"Ahh oo, may pinuntahan si Alfred eh. Tapos si Kreios naman maagang umalis." Nagkatinginan naman kami ni mama. Saan naman kaya pumunta si Kreios? Hays.

"Ganoon ba? Sige, mauna na kami. May pupuntahan pa kami eh." Paalam ni mama sa mama ni Kreios.

"Sige, mag-iingat kayo, ha?" Nginitian na lang namin siya ni mama at umalis na.

"Paano ba 'yan? Sayang outfit mo." Pang-aasar ni mama.

"Ayos lang po, ma." Tipid na sagot ko.

Umuwi na lang kami ni mama pagkatapos no'n. 

Sayang, nagpaganda pa naman ako nang sobra para lang sa kaniya tapos malalaman ko lang na wala siya sa bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top