21
"Ayumi, pahiram ako reviewer mo sa Science. Nakakabwisit kasi si Kenzo, eh." Nakabusangot na saad ni Elle.
"Oh, heto. Ano bang ginawa?" Tanong ko.
"Bigla niyang kinuha sa akin, hayun, napunit." ani Elle. "Tapos ka na mag-review rito?" Tanong niya, tumango naman ako.
Exam na namin ngayon kaya lahat kami ay reviewer ang hawak. Madali ko lang masaulo ang nire-review ko sa ibang subject, except sa math. Doon talaga ako pinaka namomroblema.
Nasa garden kaming tatlo ngayon at nang tumunog na ang bell ay agad na kaming bumalik ng room.
"Naalala mo 'yong mga tinuro ko sa 'yo kahapon?" Tanong sa akin ni Kenzo.
Nagpunta kasi siya sa bahay kahapon kaya nagpaturo na ako sa kaniya.
"Medyo naalala ko pa naman."
Nagsimula na ang exam at ang unang subject namin ay Filipino kaya medyo easy lang sagutan.
Matapos ang Filipino ay Science naman ang sunod. At nang matapos ang Science ay recess na.
"Nasagutan niyo 'yong number 15?" Tanong ni Kenzo.
"Oo, madali lang naman, eh." Sagot naman ni Elle.
"Hala? Ano sagot doon?" Tanong niya.
"Zygote," sabat ko.
"The f*ck? Zygote 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga! Fertilized egg that has a diploid number of chromosomes." Basa ni Elle sa papel na hawak niya.
"P*tcha! Sayang." Natawa na lang kami ni Elle sa kaniya.
"Nag-review ka ba talaga o hindi?" Tanong ko.
"Nag-review ako! Hindi ko lang natandaan." Sagot naman niya.
Nang tumunog ang bell ay bumalik na kami ng room at mayamaya rin ay dumating na rin si ma'am.
Math ang subject namin ngayon kaya medyo matagal akong natapos. Multiple choice ang test 1 at solving naman ang test 2.
May ilan nang nagpapasa pero ako... nandito pa rin at nagso-solve. Huminga na lang ako nang malalim at nag-focus na lang sa sinasagutan.
At wala pang sampung minuto ay natapos na rin ako sa wakas. Kaya naman tumayo na ako at ipinasa na ang test paper ko.
"Ang tagal mong mag sagot." Inirapan ko na lang si Kenzo at tahimik na na upo sa upuan ko.
Nang makapagpasa na ang lahat ay sunod naman naming ite-take ay ang English. Pagkabigay na pagkabigay sa akin ay mabilis ko na itong sinagutan.
At wala pang dalawang minuto ay tumayo na ako at ipinasa na.
"Puwede ka nang lumabas, Ms. Takahashi." Nginitian ko na lang si ma'am bago tumalikod at bumalik na sa upuan ko para kunin ang gamit ko.
"Hintayin ko na lang kayo sa labas." Sabi ko sa dalawa, tumango na lang sila kaya naglakad na ako palabas.
Nakaupo ako ngayon at nagre-review sa bench hindi kalayuan sa room namin nang may asungot na nanggambala sa akin.
"What do you want?" Tanong ko kay Czavea habang nakataas ang isa kong kilay.
"Uhmm, gusto lang kitang i-congrats." aniya saka plastic na ngumiti.
"Thanks," syempre 'di ako papatalo, binigyan ko rin siya ng plastic na ngiti at bumalik na sa pagre-review.
"Ano pa bang kailangan mo at hindi ka pa umaalis?" Iritang tanong ko. Hindi ako makapag-concentrate sa nire-review ko!
"Gusto ko lang sanang makipagkaibigan." Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya. Siya? Makikipagkaibigan? Isang malaking ASA!
"Sorry pero ayoko sa plastic katulad mo." Deretsong sabi ko.
"Ang arte mo naman!" Aba! Iba rin siya.
"So? Kasalanan ko pa kung bakit ayaw kitang maging kaibigan? At ano bang engkanto ang sumanib sa 'yo at nilapitan mo ako rito?" Tanong ko.
"Okay, fine! Nilapitan lang kita dahil close kayo ni Rafael. At gusto kitang maging kaibigan para mapalapit kami sa isa't-isa." Iba rin ang trip niya.
"Patawa ka naman, 'day! Ano ka gold? Bahala ka sa buhay mo. At saka, for your information, hindi kami close ni Rafael. Hay! Makaalis na nga lang. B*wisit!" ani ko at iniwan siyang naka-t*nga roon.
Nagpunta na lang ako sa garden para tahimik. Pero nahinto na lang ako nang makita sina Kreios at Nixie na nagtatawanan doon. Malulungkot na sana ako kaso napansing kong namayat si Nixie. Diet ba siya?
Iniling-iling ko na lang ang ulo ko at tumalikod na. Nagpunta na lang ako ng Library at doon na lang magre-review.
Nasa kalagitaan ako ng pagre-review nang mag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita kong may isang text si Elle.
From: Elletot
Nasaan ka?
Matapos kong mabasa 'yon ay agad na akong nag-type ng reply sa kaniya.
To:Elletot
Library.
Nang ma-send 'yon, mayamaya pa ay nandito na silang dalawa.
"Bilis niyo naman," ani ko.
"Tara, lunch na tayo." Sabi ni Elle at hindi pinansin ang sinabi ko.
Wala na akong nagawa kaya naman niligpit ko na ang gamit ko at tumayo na.
"Nilapitan ako kanina ni Czavea," ani ko kaya kapwa sila nahinto sa pagsubo at tumingin sa akin.
"Anong ginawa sa 'yo?" Tanong ni Elle.
"Inaway ka na naman ba?" Tanong din ni Kenzo.
"Gusto niyang makipagkaibigan," sabi ko kaya sabay silang nabulunan.
"Ano?!" Hindi makapaniwala na tanong nila.
"At ang malala pa, gusto raw niyang mapalapit kay Rafa kaya gusto niyang makipagkaibigan sa akin."
"Amp*ta seryoso?" Tanong ni Kenzo saka malakas na tumawa.
"Oh, ano sabi mo?" Tanong naman ni Elle.
"Sabi ko ayoko makipagkaibigan sa plastic na katulad niya." Sagot ko.
"Naks! Baka Ayumi 'yan." Natawa na lang ako sa sinabi ni Kenzo.
Nang matapos ang exam namin ay parang naubusan ako ng energy pagka-uwi ko ng bahay.
"Kumusta ang exam, anak?" Tanong ni mama habang kumakain.
"Okay lang naman po, ma."
"Sem break na ang sunod, hindi ba?"
"Opo."
"O'siya, bilisan mo na r'yan at ako na ang maghuhugas. Mag pahinga ka na roon." Hindi na ako nakipagtalo kay mama kaya naman humalik na lang ako sa pisngi niya at nagtungo na sa kuwarto para manguha ng damit. At nang makakuha na ako ay nagtungo naman ako ng banyo para makapag-half bath.
Nang matapos ay bumalik na ako ng kuwarto ko at agad na nahiga sa kama. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
["Hi, ate!"] Nailayo ko na lang ang cellphone sa tainga ko dahil sa pag sigaw ni Yuki.
"Kailangan sumigaw?" Tanong ko, natawa naman siya.
["Sorry na,"]
"Ano at napatawag ka? Patulog na ako, eh." ani ko at humikab.
["Nasabi kasi sa akin... I mean, sa amin ni mama na panalo ka raw sa contest diyan sa school niyo."] aniya.
"Oh? Tapos?"
["Gusto lang kitang i-congratulate. Congrats ate!"]
"Thank you," sabi ko at tipid na ngumiti.
["Bakit parang wala kang gana?"] Tanong niya.
"Inaantok na kasi ako. Katatapos lang kasi naming mag-exam." ani ko.
["Ganoon ba? Sige, sa susunod na lang. Tulog ka na. Good night, ate. I love you."]
"I love you too, Yuki. Mahal ko kayo ni papa. Ingat kayo r'yan." Sabi ko.
["Sige na, matulog ka na."] aniya at pinatay na ang tawag.
Nag-alarm muna ako bago mahiga sa kama at mayamaya pa ay dinalaw na rin ako ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top