20

Matapos ang isang linggong walang pasok ay syempre balik-eskwela na naman kami. Ang bait nga ni ma'am principal, eh. Binigyan kami ng isang linggong pahinga.

"Class, dahil nalalapit na ang exam niyo. Paki-copy ito dahil isasama ko itong mga 'to." Sabi ni Ma'am at nagsimula nang magsulat sa board.

Exam na naman pala, shems. Pero 'di bale, sembreak naman ang next after ng exam.

Kaunti lang ang pinasulat ni ma'am kaya mabilis lang akong natapos.

"By the way, Ms. Takahashi and Mr. Wilson, congrats nga pala." Nag 'thank you' naman kami kay ma'am.

"Duet nga ulit kayo. Ano nga ba ulit 'yong last na kinanta ninyo?" Tanong ni ma'am.

"Lucky po." Sagot naman ni Kenzo.

"Can you sing for us?" Nagkatinginan naman kami ni Kenzo.

"S-Sige po, ma'am." Sagot ni Kenzo habang kumakamot sa batok niya.

Naunang pumunta si Kenzo sa harap sunod ako. Magkatabi kami habang nakatayo sa harapan. Palihim ko siyang siniko para umpisahan niya nang kumanta.

"Do you hear me, I'm talking to you... Across the water, across the deep blue ocean... Under the open sky, oh my, baby I'm trying..."

"Boy, I hear you in my dreams... I feel your whisper across the sea. I keep you with me in my heart... You make it easier when life gets hard..."

"Lucky I'm in love with my best friend... Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again... Ooohh..Ooooh..Oooh..Oooh..Ooh.. Ooh.. Ooh.. Ooh..." matapos 'yon ay nagsi-tilian ang mga kaklase namin.

"Kayo ba?" Tanong ni ma'am kaya mas lalong lumakas ang tilian nila.

"Hindi po, ma'am. Magkaibigan lang po kami." Sagot ni Kenzo.

"Sayang naman. Akala ko kayo, eh,"

Ma'am, narito po si Kreios sa klase, ma'am. Please lang, tama na.

Bumalik na kami sa upuan namin matapos 'yon. Hindi rin nagtagal ay tumunog na rin ang bell. Yes! Recess na!

"See you tomorrow, class. Goodbye." Pagkalabas ni ma'am ng room ay lumabas na rin kami.

"Bakit kasi hindi na lang maging kayo?" Sabay kaming napangiwi ni Kenzo dahil sa sinabi ni Elle.

"Hindi kami talo niyan, Elle." Sabi naman ni Kenzo.

"Ang arte mo! Parang hindi mo siya naging crush noong grade seven tayo, ah." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Elle dahil halatang halata sa kaniya dati na may gusto siya sa akin. Paano? Simple, binibigyan niya ako ng mga love letter at ang pen name niya ay 'kenken' eh, siya lang 'yong kaklase naming may palayaw no'n. O'di ba ang t*nga.

"T*ngina naman, Elle! Huwag mo nang ipaalala 'yong kabaduyang ginawa ko noon. Nasusuka nga ako sa tuwing naalala ko 'yon, eh." Natawa kami pareho ni Elle sa sinabi niya.

"Nasa akin pa 'yong mga love letters na binigay mo sa akin." Pang-aasar ko.

"Ang g*go naman, Yumi. Sabi mo itinapon mo na?" Halatang halata na sa mukha niya ang pagka pikon kaya mas lalong lumakas ang tawa namin ni Elle.

"Biro lang! Tara na nga." Pag-aaya ko sa kanila.

Patuloy pa rin kami sa pang-aasar kay Kenzo habang kumakain.

"Ayu, naalala mo 'yong baklang humalik sa pisngi ni Kenzo?" Natatawang tanong ni Elle.

"Oo, si Erick aka Ericka." Sabi ko saka tumawa.

"T*ngina ninyong dalawa. Magpinsan nga talaga kayo, ang sasama ng ugali niyo!" Irap sa amin ni Kenzo.

Tinawanan lang namin si Kenzo hanggang sa matapos na kaming kumain.

Pagkatapos ng recess ay Math namin kaya naman inaantok ako. Kahit anong pilit kong intindihin ang math wala talaga pumapasok sa utak ko. Ang unfair nga eh. Siguro noong nagpaulan ng katalinuhan sa math, tulog ako.

Pagkatapos mag-discuss ni Ma'am ay nagpa-short quiz siya. Shut*ngina! Anong isasagot ko? Eh, wala nga akong maintindihan sa diniscuss niya.

Mabuti na lang talaga at katabi ko si Kenzo. May pagkokopyahan ako.

"Oy Kenzo. Pa-kopya ako pagkatapos mo, ha?" Bulong ko.

"Oo na lang." Sagot niya.

Nagkunwari akong nagsasagot habang hinihintay matapos si Kenzo. Ilang sandali pa ay palihim niyang inabot sa akin ang papel niya. Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis na kinopya ang sagot niya.

"Are you all done?" Tanong ni ma'am.

May ilang nag 'no' at may ilan ding nag 'yes'.

"Okay, sa mga tapos na. Pass your papers now." Sabi ni ma'am kaya tumayo na ako para ipasa ang papel ko.

Mabilis na natapos ang math namin kaya ang sunod na subject namin ay English. Gaya lang sa math ay nagpa-short quiz din si Ma'am Olegario matapos siyang mag-discuss.

Medyo magaling naman ako sa English kaya hindi na ako kumopya kay Kenzo.

Nang matapos ang English ay lunch na. Ang bilis ng oras, kanina recess lang tapos ngayon lunch na.

"Ang bilis ng oras. Pansin niyo?" tanong ni Elle. Tumango naman kami ni Kenzo.

"Mas okay nga 'yon para mabilis tayong makauwi." ani Kenzo.

Pagkatapos naming mag-lunch ay tumambay muna kami sa garden. Mahaba naman ang lunch break kaya sa garden na muna kami.

"Malapit na pala pasko, 'no?" Mayamayang wika ni Kenzo.

"Undas pa muna bago pasko, bugok!" ani Elle.

"Kahit na! At least malapit na." Sagot naman ni Kenzo.

"Gusto ko na mag March." Wala sa sariling sambit ko.

"Isa rin 'to," mahina naman akong tumawa.

"Uuwi kasi sila papa sa March."

"Dito na ulit sila titira?" Tanong naman ni Kenzo.

"Hindi, eh. Pero ang sabi ni mama sa akin, baka raw isama na kami sa Japan." Sagot ko.

"Ay? So, iiwan mo ako? Iiwan mo kami?" Tanong ni Elle.

"Hmm, parang ganoon na nga. Pero baka after 5 or 6 years babalik ako rito." Sabi ko.

"Ang tagal pa no'n," ani Kenzo.

"Oo nga," gatong naman ni Elle, "Hindi ba puwedeng dito ka na lang? P'wede ka naman sa bahay tumira."

Natahimik ako sa sinabi ni Elle. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Sure akong magtatampo 'yan sa akin kung sakaling aalis ako.

"Sabihin ko kay tita na sa bahay ka muna titira." Saad niya ngunit nanatili pa rin akong tahimik.

"Change topic na nga!" Mayamayang sabi ni Kenzo. Bilib talaga ako sa pakiramdam niya.

Nang mag-bell ay agad na kaming bumalik ng classroom. Sa dalawang last subject namin sa hapon ay puro pasulat at pa-quiz ang teacher namin kaya nang makauwi ako ng bahay ay para akong lantang gulay na naglalakad papuntang kuwarto ko. At dahil din sa pagod ay mabilis akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top