19

"Last practice na guys tapos proceed na raw tayo sa covered hall." Napatingin kaming lahat sa harap nang magsalita si Keanu.

"P*tcha! Kinakabahan ako." ani Kenzo.

"Ako nga rin eh. Bakit kasi pangatlo pa tayo."

Iyan din ang ipinagtataka ko.

"Baka ni-random," saad ni Kenzo.

"Baka nga. Hoy, Yumi magsalita ka nga." Baling sa akin ni Rafa.

"Galit ka pa rin ba sa amin?" Tanong ni Kenzo.

"Hindi na. Kinakabahan din kasi ako," sabi ko habang hindi mapakali ang kamay ko.

"First time kasi nating sumali dito kaya normal lang na kabahan tayo." ani Rafa.

"Isang practice pa muna," sabi ko. Super kinakabahan talaga ako. Baka magkamali ako mamaya eh, nakakahiya.

Saktong matapos kaming mag-practice ay pinapunta na kaming lahat sa covered hall. At nang makarating kami ng covered hall ay dumiretso kami sa backstage.

"Good morning sa lahat! Ready na ba kayo?" Rinig namin mula rito sa backstage ang sigawan ng mga estudyante.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. First time ko kasing kumanta sa harap ng maraming tao eh.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Kenzo ang kamay ko. Napansin siguro niyang hindi ako mapakali, kaya ayan.

"Huwag kang kabahan. Kasama mo naman kami ni Rafa, eh. Smile ka na." Dahil sa sinabi niya, awtomatiko akong napangiti.

"Ayan! Mas maganda ka kapag nakangiti." aniya.

Medyo matagal pa naman kami magpe-perform kaya naman medyo nawala 'yong kaba ko. Sumasabay na lang ako sa mga kinakanta ng naunang nagpe-perform.

Matapos magperform ang inxtnc (first group na nag-perform) ay tinawag na ang pangalawa. Magaganda ang mga kantang napili nila pero ang pinaka-nagustuhan ko ay 'yong 8 letters. Bakit? Wala lang, ang ganda lang kasi sa pandinig.

Isang kanta na lang ay matatapos na sila. At kami na ang susunod.

"Thank you for that wonderful performance, jynxc! Tawagin naman natin ang susunod na magpe-perform. Ramien! Wow! Tunog ramen, ah. Nakakagutom tuloy." Natawa naman sila sa sinabi ni Ms. Emcee. Shems! This is it!

Unang umakyat ng stage si Rafael, sunod ako tapos si Kenzo. Pumwesto na kaming tatlo sa puwestong nararapat sa amin.

Unang kantang ipe-perform namin ay ang Still into you. Kaya naman nagsimula na silang tumugtog.

"Can't count the years on one hand that we've been together..." panimula ko. "I need the other one to hold you... Make you feel, make you feel better."

May ilang sumasabay sa pagkanta ko kaya tipid akong ngumiti. "But when our fingers interlock... Can't deny, can't deny you're worth it..." nilibot ko ang mata ko at nahinto ito nang sandaling tumama ang paningin ko kay Kreios.

"'Cause after all this time... I'm still into you..." sa 'yo pa rin itong puso ko kahit iba ang gusto mo.

"I should be over all the butterflies... But I'm into you..."

"I'm into you..." Kenzo and Rafa.

"And baby even on our worst nights... I'm into you..."

"I'm into you..." sina Kenzo at rafa ulit.

Napapapikit ako habang dinadama ko ang kinakanta ko.

"And after all this time... I'm still into you..."

Matapos ang isang kanta ay sunod naman ang Photograph. Gitara lang ang gagamitin doon kaya naupo si Rafael sa may bandang gilid ko at gano'n din si Kenzo. Si Rafael ang may hawak ng gitara kaya agad na siyang tumugtog.

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes..." unang kumanta ay si Kenzo. "But it's the only thing that I know. When it gets hard, you know it can get hard sometimes. It is the only thing makes us feel alive..."

"We keep this love in a photograph... We made these memories for ourselves. Where our eyes are never closing, hearts are never broken, and time's forever frozen, still..." kanta ni Rafael.

"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans... Holding me closer 'til our eyes meet. You won't ever be alone... Wait for me to come home..." Pagkanta ko sa chorus.

Matapos kong kantahin 'yong chorus ay si Rafael ulit ang sumunod. At nang matapos ay ako ulit.

"Hmm, we keep this love in a photograph. We made these memories for ourselves... Where our eyes are never closing, hearts forever broken, and time's forever frozen, still..." kanta ko.

Sumabay muli sa pagkanta ang mga estudyante nang kantahin muli ni Rafael ang chorus.

"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans... Holding me closer 'til our eyes meet. You won't ever be alone..."

"And if you hurt me... That's okay, baby, only words bleed. Inside these pages, you just hold me... And I won't ever let you go..." kanta ni Kenzo.

"Wait for me to come home... Wait for me to come home... Wait for me to come home... Wait for me to come home..." sabay naming tatlong kanta.

Matapos ang photograph ay sunod naman ang The man who can't be moved. Gaya kanina, mag-isa ko uli ang kakanta.

"Going back to the corner where I first saw you..." nakapikit lamang ang mga mata ko habang kumakanta.

At nang dumating ang chorus ay nag-second voice sina Kenzo at Rafael.

"Cause if one day you wake up and find that you're missing me. And your heart starts to wonder where on this earth I could be... Maybe you'll come back here to the place that we'd meet. And you'll see me waiting for you on our corner of the street. So I'm not moving... I'm not moving..."

Buong kanta ay sumasabay-sabay sa amin ang mga estudyanteng nanonood sa amin. Napatingin muli ako sa gawi ni Kreios at nagsalubong na naman ang paningin namin.

Hindi ko na lang namamalayan na tapos na pala ang kanta. Last one.

Itong last na kantang ito ay duet kami ni Kenzo. Si Rafael ulit ang maggi-gitara.

"Do you hear me, I'm talking to you... Across the water, across the deep blue ocean. Under the open sky, oh my, baby I'm trying..." nang tumingin ako kay Kenzo ay mabilis niya akong kinindatan kaya naman nagtilian ang mga estudyante. Pabiro ko siyang inirapan.

"Boy, I hear you in my dreams... I feel your whisper across the sea. I keep you with me in my heart... You make it easier, when life gets hard..."

Nagkatinginan kaming dalawa nang kantahin na namin ang chorus.

"Lucky I'm in love with my best friend... Lucky to have been where I have been... Lucky to be coming home again. Ooohh.. Ooooh.. Oooh.. Ooh..Ooh.. Ooh.. Ooh..."

Matapos ang kanta ay nag-bow muna kaming tatlo bago bumalik sa back stage.

"Grabe 'yong sa huli, 'no? May paganoon pala sa huli ang Ramien. So, tawagin na natin ang sunod." Tinawag na ni Ms. Emcee ang susunod.

Pagbaba naming tatlo ay sumalubong sa akin si mama.

"Mama!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"Ang galing talaga ng clay-clay ko. Kaya proud na proud sa 'yo si mama, eh." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay mama.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Sakto, nagluto ako ng cupcakes. Tawagin mo si Kenzo pati na rin 'yong isang kasama niyo," sabi ni mama. Kaya naman naglakad ako palapit sa kinaroroonan ng dalawa.

"Tawag kayo ni mama. Kain daw tayo ng cupcakes na niluto niya." ani ko.

Hindi na sila nagtanong pa at nauna ng pumunta sa puwesto ni mama.

"Ang gagaling ninyong kumanta kanina." Puri ni Mama.

"Syempre naman po, tita. Magaling ang vocalist namin eh," nginitian naman ako ng nakakaloko ni Kenzo.

Nang matapos ang lahat mag-perform ay pinagtipon-tipon kaming lahat sa stage upang malaman na kung sino ang tatanghaling panalo.

"Ready na ba kayong malaman kung sino ang champion natin?" Nag 'yes' naman sila.

In-announce na kung sino ang third place, second, at first.

"And our battle of the band champion is... Sino sa tingin niyo?" Shuta, pabitin naman si Ms. Emcee, eh.

Marami ang sumisigaw ng name namin kaya lihim akong napangiti.

"Our battle of the band champion is... Ramien!" Parang nabingi ako sa narinig ko.

Kami ang panalo... Kami ang champion!

Tulala pa rin ako sa nangyari, kaya hindi ko napansin ang paghila sa akin ni Kenzo para ako'y yakapin.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi pa rin ako makapaniwalang kami ang naging champion. Ang saya pala sa pakiramdam.

"Alam mo ba, Ayu. Biglang umalis si Kreios no'ng bigla kang niyakap kanina ni Kenzo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Elle.

Ano raw? Si Kreios nag-walk out? Bakit naman? Baka naman... No, no, hindi siguro. Baka may emergency lang kaya umalis siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top