18
"Anong oras daw ang umpisa?" Rinig kong tanong ng isa sa kasama naming nagpa-practice sa music hall.
"7:30 daw 'yata." Sagot naman ng kausap niya.
"Nood tayo. Gusto kong mapanood 'yong kina Kreios at Nixie eh," kinikilig na usal niya.
"Nood din tayo?" Sabi ni Kenzo nang maka-upo siya sa tabi ko.
"Sige." Maikling sagot ko.
"Sure ka? Baka umiyak ka na naman." Natatawang sambit niya kaya tinignan ko siya nang masama. Hindi pa rin sila nakaka-move on diyan?
"Ililibre mo ako kapag hindi ako umiyak?" Paghahamon ko.
"Sige ba. Iyon lang pala eh," mayabang na sabi niya.
Nandito na kaming lahat sa covered hall at para kaming nasa palengke dahil sa ingay ng mga estudyante. Tumahimik lang nang magsalita na sa harapan ang principal namin.
"Good morning students. How are you?" Masiglang tanong ni ma'am principal. "Excited na ba kayo?" Isang malakas na 'yes' ang isinagot nila.
"Excited na nga kayo. So let's start." Naghiyawan muli ang ang estudyante nang lumabas ang mga kalahok.
Isa-isa na silang nagpakilala at nang matapos ay sumayaw pa sila. Na kay Kreios lang ang buong atensyon ko at ang masasabi ko ay ang hot niyang sumayaw. Makalaglag panty besh!
Nage-enjoy ako sa panonood kay Kreios nang may kamay na humarang sa mata ko. Kaya naman matalim kong tiningnan ang lapastangang gumawa no'n.
"P*nyeta ka talaga! Ang epal mong b*wisit ka! Walang-hiya ka. Ang sarap mong ilibing nang buhay." Nanggigigil na sabi ko kay Kenzo habang sunod-sunod siyang hinahampas.
"A-Ah! O-ouch! Y-Yumi tama n-na..." tumatawang saad niya habang sinasalag ang bawat hampas ko.
"Huwag mong ubusin pasensya ko, Kenzo ha. Baka kung ano ang magawa ko sa 'yo." Napapikit na lang ako nang mariin saka huminga nang malalim at ikinalma ang sarili ko. Natawa na lang siya sa sinabi ko.
Matapos silang sumayaw ay bumalik na sila sa backstage para makapag palit ng sporty attire nila. Ilang sandali pa ay lumabas na ang pambato ng mga grade seven.
"Takteng mga bata 'to. Maka-sigaw wagas." Dinig kong reklamo ni Kenzo.
Matapos ang grade seven ay sumunod naman ang grade eight. Kung kanina malakas ang sigaw ng mga grade seven... ngayon, mas malakas naman ang sa mga grade eight.
Matapos ang grade eight ay sunod naman ang grade nine, sunod ang ten at ang grade Eleven. At syempre, last sina Kreios at Nixie. Mas malakas ang sigawan ng mga grade twelve. May narinig pa akong sumigaw ng 'Kreinix uwu' tss. Hindi ba nila alam ang meaning ng uwu na 'yan?
Nang matapos ang sporty attire ay sunod naman ang talent portion. Since grade seven ang una, sila rin ang unang magpapakitang gilas ngayon. Kinanta nila ang Dandelions ni Ruth B. Maganda ang boses nila pareho kaya sampong palakpak para sa kanila.
Sunod namang magpe-perform ang grade eight, sayaw naman ang ginawa nila. At nang matapos ay grade nine naman ang sunod, acting ang talent nila. At ang nagpabilib sa akin ay ang biglaang pag-iyak ng babae. Sana all talaga magaling sa acting-an. Sumunod naman ang grade ten, kumanta rin silang dalawa. Maganda rin ang boses nila pero mas maganda ang boses ng dalawang grade seven student. Kanta rin ang ginawa ng grade eleven.
At nang matapos sila ay sunod na sila Kreios. Shemss! Ang pinakahihintay ko.
Paglabas pa lang nila galing backstage ay grabe na ang hiyawan nila. Grabe ha, ganito na ba talaga kalakas ang chemistry nila?
Ang unang kumanta ay si Kreios. Ang ganda ng boses niya bes! Hindi nakakasawang pakinggan. Salitan lang sila sa pagkanta at nang matapos ay isang malakas na namang sigawan ang namayani sa buong covered hall.
"Ang best in talent natin ay... Grade... Seven." Nagsigawan muli ang mga grade seven.
"Best in sporty attire ay ang... Grade... Eleven." Nagsigawan din ang mga grade Eleven.
"Anak ng tupa! Hindi pa sila napapagod kasisigaw?" Reklamo ni Elle.
"Ang Mr. & Ms. Foundation natin ay... Grade 12!" Napapikit na lang ako at itinakip ang dalawa kong kamay sa magkabilang tainga ko nang malakas na sumigaw ang lahat ng grade 12.
Matapos ang program ay pinabalik na ang lahat sa kani-kanilang silid-aralan kaya naman humiwalay na sa amin si Elle. Samantalang kami naman ni Kenzo ay babalik na ng music hall.
"Kenzo! Ayumi! Grade 12 ang panalong Mr. & Ms. Foundation." Masiglang sambit ni Rafa habang tumatakbo palapit sa amin.
"Alam namin." Tamad na usal ko.
"Paano?" Seryoso? Shunga ba siya?
"Malamang nanood kami. T*nga!" Sabi ni Kenzo kay Rafa.
"G*go 'to. Malay ko bang nanood kayo." Napailing na lang ako sa ka-shunga-han niya.
"Practice na tayo. Last na 'to kaya dapat makabisado na natin 'yong lyrics." Sabi ko.
"Aye! Aye! Captain!" Parang t*ngang wika noong dalawa habang nakasaludo pa.
Hindi kami tumigil kapa-practice hanggang hindi namin nape-perfect 'yong kanta.
"Break muna masakit na lalamunan ko." Saad ni Kenzo.
"Sige mamaya na lang. Lunch na muna tayo." ani Rafael.
Sabay kaming tatlong pumunta ng canteen kaya lahat ng mata ay nasa amin. Paano kami hindi titignan, eh nasa gitna lang naman ako ng dalawang lalaking ito.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila at diretso lang lakad ko hanggang sa makarating na kami sa counter.
Nag-order na lang kami ng pagkain namin at nang matapos ay naghanap na kami ng mauupuan.
"Nakauwi na si Elle?" Nahinto ako sa pagsubo nang magtanong si Kenzo.
"Oo. Nagtext siya sa akin kanina na nakauwi na siya, at ang sabi pa niya ay ihatid mo raw ulit ako."
"Ah sige." Tipid na tugon niya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami agad ng music hall. At nang makarating kami ay nadatnan namin doon si Keanu kasama sina Kreios.
"Kreios, congrats!" Bati ni Rafa kaya napatingin silang apat sa gawi namin.
Nagtama muli ang tingin namin pero mabilis kong iniiwas ang tingin ko. Gusto ko siyang i-congrats kaso parang may kung ano ang pumipigil sa akin.
"Thanks, Raf." Nakangiting sabi niya.
Tahimik lang akong nakaupo sa sulok samantalang itong dalawa sa harap ko ay pilit akong bini-b*wisit.
"Magtigil nga kayong dalawa! Nakakab*wisit na kayo!" Bulyaw ko sa kanila at saka pinaghahampas sila. Wala na akong pake kung nandito man si Kreios.
Tawa lang sila nang tawa kaya inirapan ko sila at padabog na naglakad palabas. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang hawakan ni Kenzo ang braso ko.
"Sorry na. Joke lang naman eh," aniya at hindi pa rin binibitawan ang braso ko.
"Bitaw, Kenzo." Mahinang sabi ko pero mas lalo niya hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Saan ka muna pupunta?" Tanong niya.
"Wala kang pake. Bitaw."
"Ayoko." Mas lalo akong nainis sa isinagot niya.
"Ika sete!" Sigaw ko kaya sa gulat niya ay mabilis niyang binitawan ang braso ko. Kailangan ko pang sumigaw para lang bitawan niya ako.
[Translation: Let me go!]
Badtrip akong umuwi ng bahay. Mabuti na lang wala si mama kaya hindi niya makikita ang gusot kong noo. Badtrip kasi 'yong dalawang iyon eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top