17
Naka-civilian lang ako ngayon dahil magpapractice lang naman kami. Nagbaon ako ng isang t-shirt kung sakaling mapawisan ako kaso baka malabong mapawisan ako dahil sa music hall naman kami magpa-practice at mayroon namang aircon doon.
"Uuwi rin siguro ako mamaya," nilingon ko si Elle nang bigla siyang magsalita.
"Magha-half day ka lang?" Tanong ko.
"Malamang! Kaya nga ako uuwi mamaya eh. Lutang lang?" Prangkang sambit niya.
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa school. Hiwalay kami ng dinaanan ni Elle dahil pupunta na ako ng music hall.
"Puntahan ko na lang kayo mamaya." Tumango na lang ako sa sinabi ni Elle bago lumakad patungong music hall.
"Ayumi! Ang aga mo ah," bungad sa akin ni Rafa.
"Wala pa si Kenzo?" Tanong ko.
"Wala pa eh, pero nag-text sa akin na paalis na raw siya ng bahay nila." Sagot niya, tumango-tango na lang ako.
"By the way, nasabi na ba sa 'yo ni Kenzo 'yong dalawang kanta?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Ano ang unang kakantahin?"
"Una, Still into you. Magse-second voice na lang siguro kami ni Kenzo roon, tapos pangalawa 'yong Photograph, pangatlo ay ang The man who can't be moved, same lang sa una, magse-second voice lang kami. And last, 'yong Lucky, kayo lang dalawa ni Kenzo 'yong kakanta." Mahabang litanya niya, napatango na lang ako. Excited na talaga ako!
Natahimik na lang kami pareho si Rafael habang naka-upong pinapanood ang mga ilang estudyanteng pumapasok sa music hall.
"Ang aga niyo ah," sabay kaming napalingon ni Rafa sa nagsalita.
"Syempre. Ikaw lang naman ang makupad." Usal ko.
"So, what?" Natawa na lang ako sa pag irap niya. Mukha siyang bakla!
8:40 nang makumpleto kaming lahat. Nasa harapan ngayon sina Keanu at si Ma'am.
"Lahat ba kayo ay dito magpa-practice?" Tanong ni ma'am.
Nag-'no' naman ang iba kaya tumango-tango si ma'am.
"So, sino lang ang maiiwan dito?"
"Hoy, ano? Dito na tayo o sa labas na?" Tanong ni Kenzo.
"Dito na tayo para may aircon." Sagot naman ni Rafa.
"Sige. Ma'am, kami pong tatlo, dito po kami magpa-practice." Sabi ni Kenzo.
"Sino pa?" Nagsi-taasan naman ng kamay 'yong ibang groups." Six groups ang maiiwan dito at four groups naman ang sa labas, right?" Nag 'yes' naman sila.
"Saan ang puwesto natin?" Tanong ko.
"Doon na lang tayo. Medyo malawak at saka medyo malayo sa iba." Naglakad na kami sa puwestong itinuro ni Rafa.
"Anong instruments ba ang gagamitin natin?" Tanong ko.
"Electric guitar, drum, 'tsaka gitara." Sagot ni Kenzo.
"Sino marunong sa inyong gumamit ng drum at electric guitar?" Tanong ko pa.
"Si Rafa sa drum at ako naman sa electric guitar." Sagot ni Kenzo.
"Okay sige, ako na lang sa gitara." Sabi ko.
"Marunong ka?" Tanong ni Rafa.
"Oo naman,"
"Nice! So, start na tayo?" Sabay kami tumango ni Kenzo.
Nang makakuha na kami ng instruments na gagamitin ay nagsimula na silang tumugtog. Ang una naming kakantahin ay ang Photograph dahil gitara muna ang gagamitin namin.
"Loving can hurt, loving can hurt sometimes..." unang kumanta ay si Kenzo. "But it's the only thing that I know... When it gets hard, you know it can get hard sometimes... It is the only thing makes us feel alive..."
At ang sunod naman ay si Rafael.
"We keep this love in a photograph... We made these memories for ourselves... Where our eyes are never closing. Hearts are never broken. And time's forever broken, still..." matapos 'yon ay ako naman ang sa chorus.
"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans... Holding me closer 'til our eyes meet... You won't ever be alone, wait for me to come home..."
Matapos naming kantahin 'yon ay sinunod namin ang Lucky, sunod ang The man who can't be moved na ako lang ang mag-isa ang kakanta, at last naman ay 'yong Still into you.
"Ang ganda pala ng boses mo, Ayumi." Sabi ni Rafael habang naglalakad kami palabas ng music hall.
"Sasali ba ako ng battle of the bands kung pangit ang boses ko?"
"Sabagay," aniya saka tumawa.
"Una na ako sa inyo, ha?" Paalam niya, tumango na lang kaming dalawa ni Kenzo.
"Puntahan na natin si Elle." Aya ko.
Pagkarating namin ng room ay walang katao-tao kaya naman nagpunta kami sa covered hall at naroon nga sila. Nanonood ng practice ng mga Mr. & Ms. Foundation candidates.
Sina Kreios at Nixie ang nagpe-perform ngayon kaya napabuntong-hininga na lang ako. Nasakto pa sa dating namin.
"Tara, hanapin na natin si Elle nang makaalis na tayo rito." Hinila na ako ng Kenzo sa kung saan at inumpisahan na naming hanapin si Elle.
"Ayon si Elle," turo ko.
Mabilis naming narating ang kinaroroonan ni Elle.
"Recess na tayo." Sabi ko.
"Teka lang tapusin muna natin 'yong kanila." Sagot naman niya kaya naman wala kaming nagawa ni Kenzo kundi ang maupo at nanood na lang din.
Sing and dance ang talent nina Kreios. At kanta ng bts na butter ang kakantahin nila.
Yes, I admit. Maganda rin ang boses ni Nixie kaso mas maganda nga lang ang akin. Mahangin na kung mahangin, I'm just telling the truth. 'Tsaka, alangan namang i-down ko sarili ko, duh!
Matapos mag-perform nila Kreios ay hinila na namin ni Kenzo si Elle papuntang canteen.
"May practice pa kayo mamaya?" Tanong ni Elle.
"Oo, after lunch." Sagot naman ni Kenzo.
"Nga pala, puwede mo bang ihatid pauwi si Ayumi, Kenzo?" Tanong ni Elle.
"Kaya ko namang umuwi, Elle." Singit ko.
"Bakit naman?" Tanong ni Kenzo.
"Magha-half day lang ako." Sagot niya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Ah sige," napanguso na lang ako nang pumayag si Kenzo.
Buong maghapon kaming nagpa-practice nina Kenzo at Rafa. Kung kaninang umaga ay medyo magulo 'yong kinalabasan dahil nakalimutan namin 'yong lyrics... ngayon, maganda na ang kinalabasan dahil nagpa-print kami ng lyrics na may kasama ng chord para may pag kopyahan kami.
"Nice! Kaunti na lang makakabisado na natin." Masayang usal ni Rafa.
"Nood tayo roon sa covered hall." Aya ni Rafa.
"Ayoko. Kayo na lang." Tamad na sagot ko.
"Ikaw na lang mag-isa. Walang kasama rito si Yumi." Sabi naman ni Kenzo.
"Ang papangit niyo naman ka-bonding! Dali na kasi." Pamimilit niya.
"Ayaw nga namin." Sabay naming sagot ni Kenzo.
"Sige, ganiyanan! Magkaibigan nga kayo, pareho kayong pangit ang ugali." Inis na sabi niya saka naglakad paalis.
Pagdating ng uwian ay hinatid nga ako ni Kenzo sa bahay.
"Sabi kasing 'wag mo na akong ihatid eh. Pero, thank you hehe." Nakangiting sabi ko.
"Malalagot ako kay Elle kapag malaman niyang hinayaan kitang umuwing mag isa. Sige na, una na ako." Paalam niya.
"Sige, ingat." Matapos kong sabihin 'yon ay pinihit ko na ang door knob at pumasok na sa loob.
Hays. Bukas na pala 'yong pageant.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top