16
Kanina pa ako hindi mapakali sa higaan ko dahil sa tingin na 'yon ni Kreios kanina.
Ano ang ibig sabihin ng tingin niyang 'yon? Bakit gano'n siya kung makatingin kanina? Shuta naman eh!
"Sh*t! Anong oras na hindi pa rin ako nakakatulog." Napabangon ako sa kama ko at inabot ang cellphone kong nasa lamesang nasa gilid ng kama ko.
"P*trages! Ala una na ng madaling araw?" Mabilis akong humiga sa kama ko at pinilit nang matulog.
Napabalikwas na lang ako nang marinig ko ang alarm ko. Bumangon na ako sa kama ko at saka pinatay na 'yong alarm at nagligpit na ng pinaghigaan ko.
Matapos ay nagtungo na ako ng banyo para maligo. Ay sh*t! Puyat nga pala ako. P'wede naman siguro 'yan.
Mabilis na lang ang ginawa kong pagligo at matapos 'yon ay nagbihis na ako ng uniform bago lumabas at
magtungo ng kusina.
"Good morning, mudrakels." Bati ko kay mama na nagluluto.
"Good morning, clay ko. Maghanda ka na r'yan at malapit nang matapos itong niluluto ko." Agad ko ng sinunod 'yong utos ni mama at nang matapos ay sakto namang tapos na rin magluto si mama.
"Kailan nga ulit 'yong sinasabi mo?" Tanong niya.
"Sa Friday pa po 'yon, ma," sagot ko.
"Tinanong ko lang ulit kasi nakalimutan ko." ani mama.
Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko dahil nasa labas na si Elle naghihintay. Nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at nagpunta muna sa banyo para mag-toothbrush.
"Tara na. Mama, alis na po kami!" Paalam ko.
Naglakad na kami ulit papuntang sakayan. At nang makarating kami ng sakayan ay mabilis kaming nakaalis dahil may kasabay kaming dalawang pasahero.
Pagkarating namin ng school ay agad na kaming nagbayad at saka naglakad na papasok.
Halos lahat ng madaanan naming estudyante ay kanya-kanya ang mga ginagawa nila. 'Yong iba naka suot na ng apron at 'yong iba ay nagde-decorate ng lamesa nila para mamaya.
Pagkapasok namin ni Elle ng room ay sumalubong sa akin ang mapang-asar na ngiti ng mga kaklase ko.
"Stay strong sa inyo ni Kenzo, Ayumi." Napanganga na lang ako sa sinabi ni Hannah.
"Hala? Anong stay strong? G*go!" Mas lalong lumaki ang ngisi nila nang makita nila ni Kenzo na kapapasok lang ng room.
"Ayiee! Nandito na ang couples natin." Tili ni Lyca.
"Anong couples?" Takang tanong ni Kenzo.
"Hindi ba at kayo na ni Ayumi?" Tanong naman ni Arriane.
"Ha? Anong kami? Magkaibigan nga lang kami niyan." Sagot niya.
"Asus! Magde-deny pa kayo, eh huling-huli na kayo." Sabi naman ni Maggie.
"Dahil ba sa marriage booth?" Tanong ni Kenzo.
"Oo!" Kinikilig na sagot nila.
Malakas namang tumawa si Elle at Kenzo kaya kita sa mga mukha ng mga kaklase ko ang pagtataka.
"Magkaibigan lang talaga kami ni Ayumi, at hanggang doon na lang 'yon. May dahilan 'yong ginawa ko kahapon kaya ko hinila si Yumi sa marriage booth." Paliwanag ni Kenzo.
"So, ibig sabihin wala talagang kayo?" Naninigurong tanong ni Lyca.
"Wala nga," sagot ni Kenzo.
Tawang-tawa pa rin si Elle sa nangyari kanina.
"Masyado akong pinasaya ng mga kaklase natin. Jusko!" Sabi ni Elle habang nagpupunas ng luha.
"Mga bungol eh. Sabing walang kami eh, ang kulit nila." Sabi ko.
Sa garden muna kami tumambay dahil mamaya pa naman ang start ng pagluluto. Ano kaya ang iluluto nila Shane?
"Nga pala, Ken. May kakantahin na ba tayo sa Friday?" Tanong ko.
"Dadalawa pa lang eh. 'Di ba ang sabi apat daw ang kakantahin?" Tumango naman ako.
"Ano ba 'yong mga napiling kanta?" Tanong ko.
"Photograph 'tsaka The man who can't be moved."
"Idagdag natin 'yong Still into you saka Lucky." ani ko.
"Sige, noted."
Nang tumunog ang bell ay lumakad na kami pabalik ng classroom. Pagkarating namin ay kumpleto na sila lahat bukod kina Shane at Khairo... sila kasi ang representative ng Lauan.
"Ma'am, ano po 'yong lulutuin nila Shane?" Tanong ni Danni.
"Malalaman niyo mamaya after maluto." Sagot ni ma'am.
Nasa tapat lang ng classroom namin sila Shane na nagluluto pero hindi namin makita 'yong niluluto nila dahil ayaw kaming palabasin ni ma'am.
Nakapalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan si Kreios na busy sa pakikipaglaro ng chess kay Zoren. Wait! Zoren? Bakit nandito 'yan? Section Luna siya ah.
"Matunaw," muntik akong mapatalon sa biglaang pagbulong ni Elle.
"B*wisit ka." Matawa naman si Elle.
Ilang oras pa ang inantay namin nang i-announce na nilang tapos na sila sa pagluluto. Nagtawag din si ma'am ng dalawa sa mga kaklase ko para tikman 'yong niluto nila.
"Ang sarap ng sa atin!" Tuwang-tuwang sabi ni Frank.
"Ano ba 'yong niluto nila?" Tanong ni Dion.
"Dalawa eh. Taco lasagna at saka Ravioli lasagna." Sagot ni Frank.
"P*tcha! Sana all na lang." ani Dion.
Matapos ang tikiman ay sasabihin na kung anong section ang mga panalo.
Fifth place ang grade 11-Venus. Fourth place ang grade 10- Emerald. Third place naman ang grade 7-Malvar. Second place ang grade 8-Morsia. At ang natitira na lang ay ang grade 9 at ang grade 12.
"Gosh! Sana Lauan ang maging champion." Dinig ko bulong ni Karyl.
"Ang first place natin ay... Grade... 9-Mabini!" Nakarinig naman kami ng napakalakas na sigaw na nagmumula sa mga grade nine.
"Sino sa tingin niyo ang champion? Luna? Guada? Or Lauan?" Sinigaw ng mga kaklase ko ang section namin kaya halos mapatakip na lang ako sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw nila.
"Ang champion natin ay... Grade 12... Lauan!" Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase ko.
Matapos 'yon ay half day na raw ulit kami at bukas ay p'wede raw kahit hindi na pumasok dahil practice lang 'yon ng mga sasali sa pageant at battle of the bands.
Nasabi nga pala sa amin kanina ni Rafa na hindi muna kami makakapag-practice mamaya kasi may biglaang emergency sa bahay nila.
"Papasok ka pa bukas?" Tanong ko kay Elle.
"Oo naman. Uutos-utusan lang ako ni mama sa bahay."
Ala una ng hapon kami nakarating sa bahay ni Elle dahil kakaunti lang pasahero tuwing tanghali.
"Ma! Naka uwi na po ako!" sigaw ko nang makapasok ako sa loob.
"Kumusta naman ang araw mo? At bakit ang aga mo 'yata?" Sunod-sunod na tanong ni mama.
"Ayos lang naman po, mama. Half day lang po kami ngayon."
"Ganoon ba? O'siya, ibaba mo muna 'yang gamit mo at magbihis ka muna ng pambahay pagkatapos ay bumalik ka rito para kumain." Tinanguan ko na lang si mama bago lumakad papuntang kuwarto ko para magbihis.
"Alam mo ba kanina ma, kami ang panalo sa pagluluto."
"Ano ba ang niluto niyo?"
"Lasagna po."
Matapos akong kumain ay hinugasan ko na saglit 'yong pinagkainan ko bago magtungo sa kuwarto ko.
Nag-cellphone muna ako sandali bago ko mapagpasyahang matulog saglit. Babawiin ko 'yong tulog ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top