15
"Saan naman next?" Tanong ko sa dalawa.
Naglilibot-libot kasi kami ngayon sa buong school. Ang una naming tinarget ay 'yong mga nagtitinda ng kung ano-anong pagkain. Gaya ng fries, shake, kwek-kwek, at marami pang iba.
"Tikman natin 'yong ube halaya nila roon." Pag-aaya ni Kenzo sa amin.
Tuwing Foundation, ito na talaga ang ginagawa naming tatlo. Ang maglibot at ang kumain. Hindi namin pino-problema ni Elle ang perang ginagastos namin dahil libre naman ni Kenzo lahat.
"Pansin ko lang, Ken. Saan ka kumukuha ng pera mo at parang hindi ka nauubusan?" Tanong ni Elle.
"Umamin ka nga sa amin. Kumukupit ka, 'no?" Naningkit ang mga mata kong tanong sa kaniya.
"Hala! Hindi ako kumukupit. Ipon ko itong ginagastos ko." Sagot niya.
"Nag-iipon ka?" Sabay na tanong namin ni Elle.
"Oo naman! Anong akala niyo sa akin? Hindi marunong mag-ipon. Tara na nga." Hinila na lang niya kami ni Elle palapit doon sa nagtitinda ng ube halaya.
"Ten pesos ang isang slice." ani ng nagtitinda.
"Tatlo po," inabot ni Kenzo 'yong fifty pesos sa nagtitinda.
Matapos maibigay 'yong sukli at binili namin ay nagpasalamat muna kami bago umalis.
"Wow! Lasang ube." Dalawang batok ang tumama sa ulo dahil sa sinabi ko.
"Natural. Ube halaya nga eh. Magtaka ka kung ube 'yan tapos ang lasa, leche flan." Sabi ni Elle.
"T*ngina ninyong dalawa! Alam ko naman 'yon eh. Nagjo-joke lang ako eh." Sabi ko habang nakasimangot na hinihimas ang ulo kong binatukan nila.
"Shunga mo kasi." Inirapan ko na lang si Elle at inubos na lang 'yong ube ko.
"Try naman natin 'yong mga booths." Sabi ni Elle.
Naglakad kami papuntang photo booth. At nang makarating kami ay nagbayad na si Kenzo ng fifty pesos at pumwesto na kami para magpa-picture.
Nang matapos ay hinintay muna namin 'yong photocopy bago umalis. Ang sunod naman naming pinuntahan ay 'yong horror booth.
"Sure ka, Kenzo, diyan tayo?" Tanong ni Elle.
"Oo, tara na!" Sagot niya saka nagbayad na.
Pagpasok namin ng horror booth ay agad pumunta si Kenzo sa gitna namin ni Elle.
"Oh? Ba't todo ang kapit mo sa amin ni Yumi?" Natatawang tanong ni Elle.
"Syempre! Para hindi kayo mawala." Sagot niya.
Natawa naman kami ni Elle. Palusot niya eh, 'no.
"Ang sabihin mo takot ka lang." Tinawanan namin si Kenzo na naka nguso na ngayon.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay may nanggulat na agad sa amin. Imbis na matakot kami ni Elle, natatawa na lang kami kay Kenzo na parang babae kung makatili.
Halos maiyak kami ni Elle sa katatawa habang si Kenzo naman ay halos mawalan na ng kaluluwa.
"T*ngina! Ayoko na! Ilabas niyo na ako dito mga p*tangina!" Sigaw niya habang nakahawak sa amin ni Elle nang mahigpit.
"Malapit na tayo makalabas. Kaunting tiis na lang." Tumatawang sabi ni Elle.
Namumutla si Kenzo nang makalabas kami roon. Grabe rin ang paghinga niya.
"Ano, kaya pa?" Natatawang tanong ko.
"Ayan kasi. Huwag kang magtapang-tapangan kung hindi naman kaya." Inirapan na lang niya ang sinabi ni Elle.
"Tara na nga sa canteen. Lunch na pala hindi ko napansin." Pag-aaya ni Elle.
Naglakad na kami papuntang canteen. At nang makarating kami ay agad na kaming pumila para mag-order.
At nang matapos kaming mag-order ay naghanap na kami ng bakanteng upuan. At nang makahanap kami ay umupo na kami roon at nagsimula nang kumain.
"Teka muna, magre-refill muna ako." Paalam ko saka tumayo na at nagpunta sa water dispenser para mag-refill ng tubig.
Pabalik na sana ako sa table namin nang harangin na naman ako ni Czavea.
"Sabi na nga ba at nandito ka eh. Bigla kasing pumangit 'yong paligid. Mabuti na lang talaga at narito ako para magpaganda." Sabi niya sabay hawi sa buhok niyang maraming split ends. Yuck!
Hindi na lang ako umimik sa sinasabi niya at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Gaya nang ginagawa niya, hinila niya ang braso ko at marahas akong iniharap.
"Sabing 'wag mong tinatalikuran ang magaganda katulad ko eh!" Galit na sigaw niya. Okay, ubos na pasensya ko sa kaniya.
"P'wede ba, Czavea! Huwag kang feeling na akala mo sobrang ganda mo, ha? At saka kung ako sa 'yo, uunahin ko muna ang pag-aaral kaysa 'yang ganiyan. Kasi mas maganda 'yong taong maraming alam kaysa sa taong pagpagaganda lang ang alam katulad mo." Natahimik siya sa sinabi ko pati na rin ang mga estudyanteng nanonood sa amin.
"At ang sabi nga sa kasabihan, what's your beauty if your brain is empty. Useless 'yang kagandahang sinasabi mo kung wala namang laman 'yang utak mo. At isa pa, saka mo na ako yabangan kung nalampasan mo na ang kagandahan ni Aphrodite at katalinuhan ni Athena." Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti bago ko siya iniwang tahimik at parang malapit nang umiyak.
Poor Czavea. Kung ako sa iyo hinding-hindi ko na uulitin 'yong pagyayabang na ganoon dahil sa huli ikaw lang ang mapapahiya.
"Grabe ka, Yumi! Idol na kita." ani Kenzo nang makabalik ako sa table namin.
"Sinaniban ka ba ng mga greek gods?" Tanong ni Elle na nakapagpatawa sa akin.
"Sira! Inubos niya kasi pasensya ko eh, kaya ayan, napahiya tuloy siya." Sabi ko saka nilingon ang kinaroroonan ni Czavea na umiiyak na ngayon.
"Iba ka! I'm so proud of you, couz." Pabiro kong inirapan si Elle.
"Ano ka ba, ako lang 'to! Anyways, kumain na nga lang tayo." Sabi ko.
Matapos kaming kumain ay pinagpatuloy ulit namin ang paglilibot namin.
"Yumi, 'wag kang titingin sa marriage booth, ha?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kenzo kaya tumingin pa rin ako sa marriage booth.
Nakita ko roon si Kreios kasama si Nixie, kapwa sila nakangiti sa isa't-isa. Mapait akong ngumiti at pilit na inaalis ang sakit na nararamdaman ko.
"Hays. Sabing 'wag kang tumingin eh." Nabaling naman ang tingin ko kay Kenzo at tipid siyang nginitian.
"Iiyak ka na naman?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Elle. "Ang t*nga kasi nito eh," inambahan niya ng batok si Kenzo.
Umiling naman ako.
"Hindi ah!" Pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi nila mahalatang nasasaktan ako sa nakita ko.
"Tara. Tayo naman ang sunod doon." Mabilis akong hinila ni Kenzo palapit sa marriage booth kaya hinila ko rin si Elle.
"Kami rin ni Ayumi ang sunod." Sabi ni Kenzo nang tuluyan na kaming makalapit sa booth.
"Sabi na may namamagitan sa inyo eh," sabi ng babaeng naglilista.
"Suotan niyo na siya ng belo at sila na ang sunod pagkatapos nila Kreios." Sabi pa ng isang babae.
May lumapit sa akin na isang babae na may hawak na belo saka mabilis na ikinabit sa akin ang belo'ng hawak niya.
Nang sandaling mapunta ang tingin ko kay Kreios ay nabigla ulit ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Pero 'yong tingin na 'yon ibang-iba sa tingin niya noong unang magkasalubong ang mga tingin namin. Para bang nasasaktan siya? Hindi. Imposible. Ano ba, Ayumi, huwag kang mag-assume. Masasaktan at masasaktan ka lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top