12
"Elle, sali na kasi tayo. Gusto kong ma-try sumali sa battle of the bands, eh." Kanina ko pa pinipilit sumali si Elle kaso ang arte. Nakakainis.
"Ayoko nga. Kayo na lang ni Kenzo." Tinignan ko muna siya nang masama bago siya talikuran.
Hinanap ko si Kenzo at nakita ko siyang kasama sina Rafael.
"Ken! Sali tayo sa battle of the bands." Lumapit ako sa puwesto nila.
"Ayon! Sakto tatlo tayo." Saad ni Rafael.
"Ilan lang ba raw ang sasali?" Tanong ko.
"Tig-tatlo raw," tumango-tango na lang ako.
"Tara, magpalista na tayo." Aya ko sa kanila.
Sabay kaming pumunta ng music hall para roon magpalista. Mahaba na ang pila no'ng makarating kami ng music hall.
"Dapat pala mas maaga tayo pumunta rito. Ang haba na tuloy ng pila." Sabi ni Kenzo.
"Ayos lang 'yan," ani Rafa.
Tahimik lang akong nakaupo sa pagitan nilang dalawa habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Nagugutom na ako.
"Hoy? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Kenzo.
"Oo, nagugutom na ako kaya wala ako sa mood magsalita." Sagot ko.
"Teka, ano ba gusto mong kainin? Bibilhan kita."
"Kahit ano na... basta 'yong nakakabusog." Tumayo na siya at saka naglakad na paalis.
"Kayo na?" Nabigla ako sa itinanong ni Rafael.
"G*gi, hindi! Magkaibigan lang kami." Sagot ko.
"Duda akong magkaibigan lang kayo. Kasi kung i-trato ka niya parang may namamagitan na talaga sa inyo, eh," nakangising saad niya.
"Sira! Ganiyan din niya i-trato si Elle," tumango-tango na lang siya sa sinagot ko.
Mayamaya pa ay dumating na rin si Kenzo.
"Oh, kumain ka na." Inabot niya sa akin ang dalawang fudgee barr at isang chuckie.
"Ang sweet naman ni boyfriend." Pang-aasar ni Rafael.
"G*go, Rafa, magkaibigan lang kami niyan." ani Kenzo.
Binilisan ko na lang na kainin 'yong pagkain ko dahil pagkatapos ng dalawa sa harap namin ay kami na ang sunod.
"Dahan-dahan lang sa pagkain at baka mabulunan ka." Natatawang sabi ni Rafael.
"Dalawa pa 'yong magpapalista bago tayo." Sabi naman ni Kenzo.
Nang maubos ko ang kinakain ko ay saktong tapos nang magpalista 'yong nasa harap namin.
Matapos hingin ang mga pangalan namin ay tinanong kami kung ano ang itatawag sa amin.
"Ramien," sagot ni Rafael. Saan naman niya nakuha 'yon?
Matapos kaming magpalista ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom.
"Saan mo nakuha 'yong name ng group natin?" Tanong ni Kenzo.
"Sa pangalan nating tatlo. 'Yong 'ra' galing sa pangalan ko, 'yong 'mi' galing sa pangalan ni Yumi, at 'yong 'en' galing sa pangalan mo. Tinanggal ko lang 'yong k." G*gi, matalinong nilalang.
"Talino mo, ah." ani ko.
"Syempre. Ako pa?" Mayabang na sabi niya. Sabay naman kaming umiling ni Kenzo.
Pagkarating namin ng room ay para kaming nasa palengke dahil sobrang ingay.
"T*nginang 'yan, ang ingay." Usal ni Kenzo.
Tumahimik lang sila nang pumasok si Ma'am Collante.
"Lauan, proceed sa laboratory." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na.
Pagkarating namin ng Laboratory ay sinalubong kami ni ma'am sa may pintuan.
"Girls, mauna kayong pumasok." sabi ni ma'am.
Nang makapasok na kami ay naghanap na ako ng mauupuan. Sunod namang pinapasok ang boys.
"Pinapunta ko kayo rito dahil ipapakita ko kung paano mag-dissect ng palaka." Samo't-sari ang mga naging reaksyon ng mga kaklase ko sa sinabi ni ma'am.
"Gagawin din namin 'yan, ma'am?" Tanong ni Rayden.
"Yes, of course. Kaya tingnan niyo kung paano ang gagawin ko." Nagsuot ng gloves si ma'am bago niya kunin 'yong palakang nasa garapon.
Gumagalaw galaw pa 'yong palaka nang kunin ni ma'am pero nang tusukin niya 'yong sa may bandang ulo ng palaka ay bigla na itong hindi nakagalaw. Nakabaluktot kanina 'yong dalawang paa ng palaka pero dahil sa ginawa ni ma'am ay bigla na itong umunat.
"Wow ma'am, paano mo nagawa 'yon?" Manghang tanong ni Shane.
"Tinusok ko 'yong sa may bandang ulo niya para ma-paralyze siya at para rin umunat itong paa niya." Paliwanag ni ma'am.
Tahimik lang naming pinapanood 'yong ginagawa ni ma'am. Matapos niyang i-paralyze 'yong palaka ay inumpisahan niya nang gupitin ang balat ng palaka.
"Class, make sure na 'yong manipis lang na skin ng palaka ang gugupitin niyo."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko habang pinapanood ang ginagawa ni ma'am. Shuta, kawawa naman 'yong palaka.
Nang tuluyan nang mahiwa ni ma'am 'yong balat ng palaka ay pinakita niya isa-isa ang laman loob ng palaka.
"Ito ang apdo niya." Pinakita niya sa amin 'yong maliit na green na apdo raw ng palaka.
"At ito ang kanyang lungs, at 'yong heart niya na tumitibok pa." Shemss ano kayang feeling kapag hinawakan 'yong puso ng palaka na tumitibok-tibok pa?
Pagkatapos ma-dissect ni ma'am 'yong palaka ay may sinabi pa siya sa amin bago niya kami bigyan ng kanya-kanya naming partner.
"Kung sino ang nasa likod niyo, iyon na lang ang ka-partner niyo." Pagkasabi no'n ni ma'am ay mabilis akong lumingon sa likuran ko. Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang si Kreios 'yong nasa likuran ko.
Nang maramdaman kong biglang uminit ang pisngi ko ay dali-dali akong lumingon sa harapan. Shit, shit, shit. Ka-partner ko siya. Ka-partner ko si Kreios. Kyahh!
"Hoy! Parang kang t*ngang ngumingiti ngiti r'yan." Sabi ni Elle.
"T*ngina, Elle! Kinikilig ako!" Hindi ko na napigilang hampas-hampasin siya.
"Takteng 'yan. Kailangan manghampas? B*wisit 'to." Hindi ko na lang siya pinansin.
"Excited na ako mag-dissect." ani ko habang may ngiti pa rin sa aking mga labi.
"Malamang! Sinong hindi ma-eexcite, eh ka-partner mo 'yong crush mo." Inirapan niya pa ako. "Umuwi ka na sa bahay niyo." Pagtataboy niya sa akin.
"Mamaya na. Dito muna ako." Sabi ko.
Wala na naman kasi si mama kaya narito ako kina Elle. Dahil na badtrip sa akin si Elle, lumabas na lang ako ng kuwarto niya at nakipaglaro na lang kay Tantan.
Alas sais na ako umuwi ng bahay at hindi rin nagtagal ay dumating na rin si mama. Mabuti na lang at nakaluto na ulit ako ng kanin.
"Kumusta ang araw ng clay-clay ko?" Tanong ni mama.
"Napakaganda, mama." Malapad na ngiti kong sagot sa kaniya.
"At ano naman 'yon?"
"May gagawin po kasi kaming dissection sa Science namin. At ang ka-partner ko po ay si Kreios." Masayang sagot ko.
"Gano'n ba? E'di maganda 'yon para mas maganahan kang mag-dissect." Tinawanan ko lang 'yong sinabi ni mama.
Matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. At nang matapos ay nag-toothbrush muna ako bago mahiga.
Nakangiti akong parang baliw habang nakatingin sa kisame. Napapikit na lang ako ng dalawang beses nang makita ko ang mukha ni Kreios. Shemss, ganito na ba ako ka-baliw sa kaniya?
Napahikab na lang ako nang maramdaman kong inaantok na ako. Tumagilid ako ng puwesto at kinuha ang unan na nasa gilid ko at mahigpit itong niyakap bago ako tuluyang lamunin ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top