11
"Kenzo, thank you nga pala sa pinabigay mong ice bag kanina, ah." Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"G*go? Anong pinagsasabi mo? Wala akong pinabigay ah," ha? Kung hindi siya, sino?
"Hindi sa 'yo galing 'yon?" Umiling siya.
"Sino naman nagpapabigay no'n?" Wala sa sariling tanong ko.
"Baka naman may secret admirer ka?" Napanguso naman ako.
"Naniniwala ka pa roon?"
"Oo naman. Marami nga ako no'n eh," mayabang na sabi niya. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin.
Magsasalita pa sana siya kaso biglang pumasok si Ma'am Orense, adviser namin.
"Class, since malapit na ang Foundation. Napag-meeting-an naming mga teachers including Ma'am principal na idagdag ang Mr. & Ms. Foundation at ang battle of the bands." Shemss, battle of the bands. Gusto kong ma-try 'yon!
"Sa Mr. & Ms. Foundation ay magkakaroon ng dalawang representative bawat grade. So, it means, sa tatlong section ng gr.7-12 ay dalawa lamang ang magiging representative."
Nagtaas naman ng kamay si Lyca.
"Sino po representative ng grade 12?" Tanong niya.
"Si Nixie Torres ng section Guada at si Kreios." Wow, sana all.
Naghiyawan naman lahat ng kaklase ko. May sumigaw pa na naka tadhana raw talaga sila sa isa't-isa. Tss.
Palihim na lang akong umirap. Bitter na kung bitter, as if I care.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay uwian na. Wala ako sa mood habang naglalakad palabas ng school.
"Oh, baka umiyak ka na naman ah," sinimangutan ko na lang si Elle at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Sa tingin mo may mga booths din?" Tanong ko.
"Oo naman. Hindi naman 'yan nawawala eh."
May confession booth kaya?
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Magba-bus ba ulit tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Oo,"
Pagkarating ko ng bahay ay wala si mama dahil naka-lock ang bahay. Kaya naman pumunta ako sa bahay nina Elle para kunin sa mama niya 'yong susi ng bahay namin. Kay tita Angge kasi iniiwan ni mama 'yong susi tuwing may pinupuntahan siya.
"Hindi po ba nasabi ni mama kung saan siya pupunta?" Tanong ko.
"Wala naman siyang nabanggit sa akin." Tumango na lamang ako at nagpasalamat bago umalis.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang marinig kong nagri-ring 'yong cellphone ko. At pagkakita ko ay 'yong kapatid kong masama ang ugali pero hindi na ngayon kasi tinawagan niya na ako.
["Hi ate!"] naks, mukhang good mood ang loko.
"Wow, tumawag. Kumusta kayo ni papa?" Tanong ko.
["Okay naman kami. Eh, kayo ni mama?"]
"Okay lang din naman. Wala nga pala ngayon dito si Mama, ewan ko kung saan nagpunta." Sabi sabi ko.
["May good news ako sa 'yo, ate."] Mababakas ang pagka-excite sa boses niya.
"Ano? May nililigawan ka na?"
["Tss. Hindi."] Mahina akong natawa.
"Oh, anong good news mo?"
["March, uuwi kami ni papa."] Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Shuta?! Seryoso? Shemss, parang gusto ko na tuloy mag-March." Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
["Mag-March ka na ngayon, ate,"]
"Huwag kang panira, b*wisit ka."
["May nabanggit sa akin si Ate Elle na lalaking nagugustuhan mo. What's his name?"] Biglang naging seryoso 'yong boses niya.
"Bakit mo naman na tanong?"
["Because I want to,"]
"Kreios Eivan Del Fuego full name niya." Sagot ko.
["Wait. Mas gwapo ako."] Pa-epal 'to ah.
"Ang hangin mo ah,"
["Nabanggit din sa akin ni Ate Elle na isang beses mo raw iniyakan 'to. Kung nandyan lang siguro ako, basag na siguro mukha niyan."] Aba at mayabang ang loko.
"Sira ulo! Walang ginagawa 'yong tao sa 'yo eh." Sabi ko.
["Sa akin wala, pero sa 'yo meron. Wala siyang karapatang paiyakin ka."]
"Bakit napunta sa kaniya 'yong sisi? Wala siyang kasalanan, okay? Ako ang may gusto nito... so, don't blame him." Sabi ko.
["Tss, fine. Next time na lang ulit ako tatawag. Tapos na 'yong free time ko eh,"] paalam niya.
"Sige, ikumusta mo ako kay papa, ha? Ba-bye, I love you, Kazuyuki."
["I love you too, ate."] sagot niya bago putulin ang linya.
Malapit nang mag-alas sais at wala pa rin si mama. Saan naman kaya siya nagpunta?
Nanood na lang ako ng TV habang hinihintay si mama. Natapos ko na ang ilang movie ay wala pa rin siya. Tinignan ko ang oras at 6:15 pm na. Nagsimula na akong mag-alala at mataranta. Should I call the barangay tanod now?
Papasok na sana ako ng kuwarto ko para magbihis nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si mama. Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya.
"Mama! Bakit ngayon lang kayo? Pinag-alala mo ako, akala ko may masamang nangyari na sa 'yo." Sabi ko habang yakap-yakap pa rin siya.
"Nagpasama kasi sa akin si Cassidy na pumunta sa pinagbibilhan niya ng mga halaman." Sagot niya.
"Kailan pa kayo naging magkaibigan ng mama ni Kreios?" Tanong ko.
"Kreios? Iyon ba 'yong lalaking binabanggit mo habang tulog ka?" Walang gana akong tumango.
"Talaga? E'di 'yong lalaking kasama nila dati sa simbahan ay si Kreios?" tumango akong muli. "Aba at napaka-guwapong bata naman pala. Sa akin ka talaga nagmana pagdating sa mga ganiyan." Natawa naman ako. Kahit kailan talaga si mama feeling teenager pa rin.
"Kumain na nga lang po tayo, ma. Nakaluto na po ako." Pag-iiba ko ng usapan.
"Pasensya ka na, ha?"
"Mama, ayos lang po." Nakangiting sabi ko.
"Ikaw nagluto nito?" tumango ako.
"Madali lang naman pong iluto 'yan kaya hindi ako nahirapan." Sabi ko.
Habang naghahanda ako ng plato ay si mama na ang nag sandok ng kanin at ng ulam.
"Ang sarap naman. Puwede ka nang mag asawa." Ngumuso naman ako na ikinatawa ni mama.
"Mama naman, eh."
"Siya nga pala, tumawag sa akin ang papa mo at sa March daw sila uuwi." I already know that, mader!
"Nasabi na po sa akin ni Yuki." Sabi ko.
"Ganoon ba?"
"Opo,"
Nang matapos kaming kumain ay ako na ulit ang nagprisintang maghuhugas. At nang matapos ay nagpunta ako ng banyo para mag-toothbrush bago pumunta sa kuwarto ko.
Dahil maaga pa at hindi pa ako dinadalaw ng antok ko ay binuksan kong muli 'yong dummy account ko para roon i-chat si Kreios.
Tinadtad ko siya ng chat dahil nga ang bagal niyang mag-reply.
Kreios:
Ikaw na naman?
What do you want?
Clay:
Kapag ba sinabi ko sa 'yong ikaw ang kailangan ko. Papayag ka ba?
Nice one, Ayu!
Pagkasend ko no'n ay matagal pa muna ulit bago niya ako ma-replyan. Ano kayang pinakakaabalahan niya? Hindi naman siguro si Nixie 'yon, 'di ba?
Kreios:
Sorry, I'm taken.
Ay, grabe ah. Suwerte talaga ni Nixie. Sana ako na lang si Nixie.
Sineen ko na lang 'yong chat niya bago ako mag-log out. Natulog na rin ako no'n pagkatapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top