09

Matapos ang isang linggong intrams ay nagsimula na naman ang klase namin. Syempre masayang-masaya ako kasi araw-araw ko nang makikita si Kreios sa room.

"Class, I heard na may magaling daw kumanta rito." nahinto ako sa pagsusulat at sinulyapan si ma'am na nakaupo sa harap habang nakaharap sa laptop niya.

"Ma'am, tatlo po ang magaling kumanta rito sa amin." Sagot ng isa sa classmate ko.

"Who are they?"

"Sina Ayumi, Cristelle, tsaka Kenzo po." Sagot naman ni Kaira.

"Parinig nga ako. Sino gusto mauna?" Hindi na lang ako umimik at ipinagpatuloy na lang ang pagsusulat.

"Si Ayumi, ma'am." Mabilis kong inangat ang ulo ko at tinignan si Kenzo.

"Ms. Takahashi? P'wede mo ba kaming sampolan?" Shuta! Nananahimik ako eh.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Dito ka sa harap." Dami namang arte ni ma'am.

Nang makarating ako sa harapan ay tinignan ko muna ang mga kaklase ko isa-isa. At nang sandaling magtama ang paningin namin ni Kreios ay para na namang tinatambol ang puso ko. Bago pa ako tuluyang malunod sa titig niya ay ibinaling ko na kay ma'am ang tingin ko.

"Ano pong kakantahin, ma'am?" Tanong ko.

"Alam mo ba 'yong kantang ngiti?" Napatigil naman ako saglit. Sh*t! Ano na umpisa no'n?

"It's okay kung hindi mo alam,"

"Yes po, alam ko po." Sagot ko.

"Nice! Go na." Masiglang sabi ni ma'am.

Tumikhim muna ako bago magsimula.

"Minamasdan kita... Nang hindi mo alam~" ramdam ko ang pagtitig ng mga kaklase ko, pati siya.

"Pinapangarap kong ikaw ay akin~" takte! Para sa akin yata itong kanta na ito eh, "Mapupulang labi at matingkad mong ngiti... Umaabot hanggang sa langit~" hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin kay Kreios. Kung hindi lang siguro ako kinakain ng hiya, matagal ko na sanang sinabi kay Kreios na gusto ko siya.

"Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik~" kaunti na lang matutunaw na ako.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling... At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil... para lang sa 'yo... Ang awit ng aking puso... Sana'y mapansin mo rin, ang lihim kong pagtingin~" iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko. Shut*ngina! Huwag niya sanang mahalata.

"Nice voice, Ayumi." Nagpasalamat na lang ako kay ma'am bago bumalik sa upuan ko.

Nang matapos ang klase namin kay Ma'am Ocampo ay sa wakas at lunch na rin. Nang makalabas na si ma'am ay agad kong hinampas nang malakas ang braso ni Kenzo.

"Aray ko! Ano problema mo?" Tanong niya habang matalim na tumingin sa akin.

"Wala. Para 'yan sa pagtuturo sa akin kanina. Nananahimik akong nagsusulat tapos ituturo mo ako? Eh, p'wede namang si Elle na lang ang ituro mo." Sabi ko.

"Hala? Bakit ako?" Inirapan ko na lang siya.

"Huwag ka nang magreklamo, Ayumi. Ang ganda nga ng boses mo eh," sabat ni Jishan.

"Oo nga. Tsaka feel na feel mo nga 'yong kanta habang ano eh," binato ko ng notebook si Jared at saka tinignan siya nang masama.

"Shuta ka, Jared! Manahimik ka!" Inis na sigaw ko sa kaniya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

"Para kanino 'yong kanta?" Nakangising tanong ni Jishan.

"Sa crush niyang walang pagtingin sa kaniya." Sagot ni Kenzo kaya napa 'ouch' sila.

"B*wisit kayong tatlo! Diyan na nga kayo." Inis ko silang tinalikuran at naglakad na palabas.

Mabilis namang humabol sa akin si Elle.

"Kita ko 'yon." Sabi ni Elle na ikinakunot ng noo ko.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"'Yong pagtitig mo kay Kreios." Umiwas na lamang ako ng tingin.

"Hulog na hulog ka na talaga sa kaniya," miiling na sabi niya.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Anong pinupunto niya? Hindi ko siya gets.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Ako ang natatakot para sa iyo eh," ano ba 'tong si Elle, ayaw pang deretsohin.

"Saan? Deretsohin mo na nga kasi." Iritang sabi ko.

"Ako ang nasasaktan sa lahat ng ginagawa mo. Hindi ko sinasabing 'wag mong gustuhin si Kreios pero Ayu, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong nasasaktan ka na. Naalala mo 'yong nakasalubong natin sila ni Nixie? Ramdam na ramdam kong nasasaktan ka. Kaya please lang Ayu, tigilan mo na. Tama na." Hindi ko na napigilan ang mapaluha kaya agad akong niyakap ni Elle.

"Paano ko gagawin 'yon?" Pinunasan ko ang luhang umagos sa pisngi ko. "Elle, sa sobrang hulog ko sa kaniya, hindi ko na alam kung paano umahon. Kung pipigilan ko naman, e'di mas lalong lumala itong nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko naman, una pa lang na wala na akong pag-asa sa kaniya. Pero masisisi mo ba ako kung sa kaniya tumibok itong puso ko?" Hinagod-hagod naman ni Elle ang likod ko para pakalmahin ako.

"Ni umamin nga hindi ko magawa-gawa dahil natatakot ako sa sasabihin niya eh," umiiyak pa rin na sabi ko.

"Shhh. Tama na ang iyak. Kain na tayo." Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan na ang mga luha ko.

Nang mahimasmasan na ako ay saka lang kami lumakad patungong canteen.

"Saan kayo galing? Nauna pa ako sa inyo." ani Kenzo.

"Secret no clue." Sagot ni Elle.

Walang imik akong naupo sa upuan. Si Elle na rin ang nagprisintang mag-order ng pagkain namin.

"Bakit namumula ilong mo? Sino nagpa-iyak sa 'yo?" Seryosong tanong ni Kenzo.

"Wala 'to," tipid kong sagot.

"Kaya ba kayo natagalan ni Elle?" Takteng 'yan! Hindi ako sanay kapag seryoso si Kenzo.

"Wala nga 'to. Huwag mo nang pansinin." Naiilang kong sagot sa kaniya.

"Dahil ba kay Kreios?" Napapikit na lang ako. Bakit ba tanong siya nang tanong?

"Kenzo," nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw.

"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko!"

"Oo! Siya ang pinag-usapan namin ni Elle kanina at dahil sa kaniya kung bakit ako umiyak! Ano, masaya ka na?!" Balik kong sigaw sa kaniya. Wala akong pake kung may mga estudyanteng nakakakita sa amin ngayon.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hampasin ang lamesa at padabog na umalis. Naiwan akong nakatulala at hindi maka imik. What's wrong with him? Bakit bigla na lang siyang nagkagano'n?

"Anong nangyari?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Elle.

"Hindi ko rin alam," wala sa sariling sagot ko.

Mabilis kaming natapos ni Elle sa pagkain kaya agad na kaming bumalik sa room. Pero bago kami makarating ng room ay nadaanan namin si Kenzo kasama niya sina Rafael at Shawn. Nagtama ang tingin namin pero agad din niyang iniwas. Galit siya. Hindi ako tanga para hindi mapansin 'yon.

"Saka mo na lang siya kausapin kapag malamig na ang ulo niya." Hinila na ako paalis ni Elle.

Buong klase akong tulala at wala sa sarili kaya hindi ko namamalayan na uwian na pala. Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas ng room.

"Ayusin mo 'yang itsura mo. Para kang zombie." Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi ni Elle.

Hanggang sa makarating ako ng bahay. Nagtataka si mama sa kinikilos ko kaya imbis na magtanong ay pinagpahinga niya na lang ako.

"Kung ano man ang bumabagabag sa 'yo, 'wag kang magdadalawang isip na magsabi sa akin, ha?" Tumango na lang ako sa sinabi ni mama.

"Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya kapag handa na ang pagkain." Hinalikan pa muna ako ni mama sa pisngi bago siya lumabas ng kuwarto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top