08
Friday na ngayon at last day na ng intrams namin. Ngayon na rin malalaman kung sino ang tatanghaling champion.
Since mamayang 1 pm pa ang laro ni Kreios, sa basketball muna kami manonood.
"Kinakabahan ako, shit!" Sabi ni Kenzo.
"Ang OA mo! Hindi pa nga nag-uumpisa eh." Sabi ni Elle.
Magsasalita pa sana si Kenzo nang marinig na naming pumito 'yong referee, sign na mag-uumpisa na ang game.
Sa amin ang bola ngayon kaya nagsisigawan lahat ng schoolmates namin. Si Daryl ang may hawak ng bola ngayon kaya tumira siya ng dos, pasok. Kaya mas lumakas ang sigawan nila.
First quarter pa lang lamang na agad kami. Puro kasi kapos ang tira ng kalaban.
"P*tcha! 10-18? Lintek na 'yan!" Tumawa nang malakas si Kenzo nang makita ang score ng kalaban.
Dumating ang second quarter ay tambak pa rin ang kalaban. Kung kanina, 10-18 ang score, ngayon naman ay 19-34 na. Batak talaga sila pagdating sa basketball.
Nagpatuloy pa ang laro, napasinghap na lang kami nang biglang natumba si Harvey. Sh*t! Ang daya no'n ah!
Napatayo ako at hindi napigilan ang pagsigaw.
"Hoy, Number 14! Madaya ka, siniko mo si Harvey sa panga kaya siya natumba!" Hinila ako nina Elle para maupo ulit.
"Oo nga! Nakita ko rin 'yon!"
"Foul 'yon!"
Sumigaw rin ang mga schoolmates ko kaya sa amin ang bola. Sinulyapan ko si number 14 at nakita kong nakatingin siya sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at saka inirapan.
Third quarter na kaya naman nagpalit na sila ng court. Hindi pa naman nag i-start 'yong laro kaya nagpaalam muna ako kina Elle na magsi-cr muna.
Pagkatapos kong umihi ay nag-flush muna ako bago lumabas ng cubicle para maghugas ng kamay. Paglabas ko ng cr ay nabigla ako nang may magsalita sa likuran ko.
"Ang liit na nga ng mata mo nakita mo pa rin 'yong ginawa kong pagsiko sa kaniya?" Agad kong nilingon si kumag.
"Kahit maliit itong mata ko, malinaw at matalas 'to." Sagot ko.
"Ganiyan ang type ko sa babae, palaban." Lumakad siya palapit sa akin kaya humakbang ako paatras.
"Bakit? Type ka ba?" Pang-babara ko sa kaniya. Ang epal niya, ha.
"What's your name?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Sorry pero hindi ko binibigay ang napakaganda kong pangalan sa kung sino lang." Sabi ko tsaka tinalikuran na siya.
Hindi pa ako nakakailang hakbang nang hatakin niya ang braso ko at mabilis akong iniharap sa kaniya.
"Alam mo bang ayoko sa lahat ay ang tinatalikuran ako?"
"So? Wala akong pake. Bitaw nga!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"I will not let you go until you tell me your name." Tinignan ko siya nang masama habang pilit na kinakalas ang kamay niya. Napaka-fc, amp*ta.
"Ang kulit ng bungo mo. Sabing ayoko, 'di ba?!" Sigaw ko sa kaniya.
"Isa pang sigaw mo, hahalikan kita." Napatigil naman ako. No! Hindi pwede! Naka-reserve na ito para kay Kreios.
"Bitawan mo na kasi ako. Hinahanap na ako ng mga kasama ko." Sabi ko pero nginisian niya lang ako.
"Bitaw nga raw sabi, 'di ba?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Kenzo.
"At sino ka naman?" Tanong ni kumag kay Kenzo.
"Boyfriend niya, kaya bitawan mo siya kung ayaw mong basagin ko mukha mo." Mukhang natakot naman si kumag kaya mabilis niya ako binitawan at dali-daling umalis.
"Kaya pala ang tagal mong dumating. May humarang pala sa 'yong asungot." Sabi niya.
"Boyfriend kita? Kailan pa?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Manahimik ka nga! Akala mo ba gusto kong sabihin 'yon?" Natawa na lang ako.
Pagkarating namin sa court, napatingin ako sa score. Lamang kami ng limang puntos.
"Nilamon ka ba ng inidoro? Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Elle nang maka-upo ako sa tabi niya.
"Tinambangan sa cr," sagot ni Kenzo.
"Sino?" Hinayaan ko nang si Kenzo na ang magsabi.
"Ang yabang mo kasi, ayan tuloy napala mo." Ha? Ako pa ang mayabang.
"Eh, sa madaya siya eh." Sagot ko na lang.
Hindi na nakipagtalo si Elle sa akin dahil nag-start na ulit 'yong laro. Ilang minuto na lang matatapos na ang laro. Nakakapaglaro pa rin si Harvey, siya nga ang palaging nakakapuntos ng tres. Nakakapuntos din naman ang iba kaso mga dos lang.
Hindi ko na lang namalayan na natapos na pala ang laro. Teka nga, gaano ba katagal lumipad ang utak ko?
"Sino panalo?" Tanong ko.
"Tayo, malamang." Sagot ni Elle.
Nagpunta na kami ng canteen para kumain ng lunch. At nang makarating kami ay hindi na katulad dati na punong-puno ng estudyante.
"Hay salamat wala na 'yong maraming estudyante katulad no'ng mga nakaraang araw." Sambit ni Kenzo bago maupo.
"Ngayon lang siguro nila napansin na may isa pa palang canteen." ani Elle.
"Ano sila bulag, para hindi makita 'yong isang canteen." Sabat ko.
"Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Elle.
Sa gitna ng pagkain namin ay biglang may lumapit sa aming grupo ng lalaki.
"Anong sabi mo kanina girlfriend mo siya? Eh, bakit ang sabi ng mga napagtanungan ko kanina magkaibigan lang kayo?" Ayaw talaga akong tantanan ng kumag na 'to.
"P'wede ba! Tigilan mo na nga ako. Hindi naman kita kilala, feeling close ka masyado." Asar na sabi ko sa kaniya.
"Titigilan naman kita kung sasabihin mo sa akin ang pangalan mo." Nakangising sabi niya. Talagang inuubos niya ang pasensya ko ha.
"T*nga ka? Kung sinabi ko sa 'yo pangalan ko e'di mas lalong hindi mo ako titigilan. Tsaka, ano bang kailangan mo sa pangalan ko? Inggit ka ba?" Kalmahan mo ng kaunti, Yumi.
"Excuse lang, ha. Sino ka ba? At bakit ganiyan ka ka-interesado sa pinsan ko?" Pagsisingit ni Elle.
"My name is Eusef Madrid, future boyfriend ng pinsan mo." Napangiwi na lang ako nang kindatan niya ako.
"Ang lakas din ng apog mo, 'no? Asa ka namang papatulan ko ang katulad mo." Irap kong sabi sa kaniya.
Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa b*wisit na lalaking 'to kaya padabog akong tumayo at umalis.
"Ayu, wait lang." Dinig kong tawag ni Elle pero hindi na ako nag aksaya ng oras para lumingon. Ayoko nang makita ang pagmumukha ng kumag na 'yon.
Nahagip ng paningin ko sina Kreios na kumakain. T*ngina talaga ng lalaking 'yon. Sure akong nasaksihan niya 'yong kanina. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kaniya?
"Ayan napapala ng pagiging mayabang mo. Kung hindi ka na lang sana sumigaw kanina edi sana wala kang pinoproblema ngayon." Hindi na lang ako umimik.
Pagpatak ng ala una ay nanood naman kami ng chess. Unang maglalaro ay si Kreios kaya naman todo cheer ako sa utak ko.
Tumagal ng ilang minuto ang laro at ang panalo ay si Kreios. Ang saya ko na sana kaso nakita kong niyakap ni Nixie si Kreios. Wala na, nawala na ako sa mood.
Hinila ko na paalis si Elle na halos mamatay na sa katatawa. Epal niya.
"Selos 'yan?" Tinignan ko siya nang masama kaya mas lalong lumakas ang tawa niya.
Matapos ang lahat ng laro ay nagkaroon kami ng maikling program para bigyan ng medal at certificate ang mga nanalo sa laro. Matapos 'yon ay pinauwi na kami.
Pagkarating ko ng bahay ay agad na sumalubong sa akin si mama.
"Kumusta ang araw ng clay-clay ko?" Nginitian ko si mama bago siya yakapin.
"Ayos naman po. Medyo nakakabanas lang," sabi ko.
"Bakit naman?"
"Ayoko na pong pag-usapan, mama. Punta po muna ako sa kuwarto ko." Paalam ko.
"Kung gusto mong matulog, matulog ka, ha?" Tinanguan ko na lang si mama bago ako lumakad papuntang kuwarto ko.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay mabilis akong nagbihis ng damit bago ko isalampak ang katawan ko sa kama. Mayamaya rin ay nilamon na ako ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top