06
Since intramurals namin ngayon, puwede kaming hindi mag-uniform kaya ang suot ko ay stripe oversized at ripped jeans na tinernuhan ko ng white sneakers ko.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto ko at dumiretso na sa kusina. Kaunti lang ang kinain ko at pumanhik na palabas.
"Oh? Nandyan ka na pala, tatawagin pa sana kita eh," sabi ni Elle.
"Tara na."
Nauna na akong maglakad sa kaniya papuntang sakayan.
"Ayu, maghintay ka nga! Atat kang makita si Kreios na wala namang pake sa 'yo!" Napahinto ako sa paglalakad at hinarap ang pinsan kong matabil ang dila.
"At bakit nasama si Kreios?" Taas kilay kong tanong sakaniya.
"Eh kasi! Matuto kang maghintay." Saad niya.
"Pangit ng ugali mo. Bilisan mo na!" Hinintay ko siya hanggang sa magtapat na kaming dalawa at sabay ng pumunta sa sakayan.
Pagkarating namin ng school ay ang dami ng tao. Syempre intrams eh. Naglalakad na kami ni Elle papuntang room nang tawagin kami ni Kenzo.
"Sabay na ako sa inyo papuntang room." Sabi niya saka nagpaalam kina Rafael. Tumango na lang sila Rafael bilang pagpayag kaya naman lumakad na palapit sa amin si Kenzo.
"Ang aga mo naman pumasok?" Takang tanong ko.
"Halos kararating ko lang din. By the way, nice outfit." Inakbayan niya kami ni Elle habang naglalakad.
"Ano ang unang panonoorin natin?" Tanong ni Elle.
"Chess!" Masiglang sabi ko.
Hindi naman sila umimik.
"E'di 'wag." Sabi ko.
8:30 ang simula kaya naman ang dami pa ring pakalat-kalat na estudyante, ang iba ay galing pang ibang School.
As usual, nasa garden ulit kaming tatlo. Pareho kaming tatlong tahimik habang nakamasid sa mga estudyante na nagkwekwentuhan, nagtatawanan, at nagtatakbuhan. Ang iba naman ay nagwa-warm up.
"Nga pala Ken, bakit hindi ka sumali ngayong taon?" tanong ni Elle.
"Nakakatamad. Tsaka sabi nga nila give chance to others. Kaya ayon." Mayabang na sabi niya kaya binatukan siya ni Elle.
"Ang yabang mo! Dalawang beses ka nga lang nanalo sa badminton eh. Akala mo naman kung laging nananalo." Napanguso na lang si Kenzo.
"At least may naipanalo."
Malapit nang mag-8:30 kaya naman lahat ng estudyante ay pinapunta sa covered hall para sa pag-umpisa ng intramurals.
May ilan pa munang sinabi ang principal namin bago tuluyang mag-umpisa ang mga laro.
Nakaupo kami ngayon sa bleachers at nanonood ng basketball. Kakasimula pa lang ng laro pero lamang na agad ng limang puntos ang kalaban.
"Ang hihina naman ng mga players natin. Kung ako 'yan baka mga kalaban na ngayon ang tambak." Sabay naming binatukan ni Elle si Kenzo.
"Ang yabang mo talagang, ugok ka." Sabi ko.
"B*wisit naman! Kaya ayong umuupo sa gitna niyong dalawa eh," iritadong sambit niya.
Hindi na lang namin pinansin ang kaartehan niya at ipinagpatuloy na lang ang panonood. Lamang na kami ngayon ng sampung puntos dahil panay ang three points ng captain namin.
"Gigil na gigil na si Harvey." Pakinig kong sabi ni Elle.
Nagkaroon ng foul kaya naman bola ng kalaban. Napatingin naman ako sa score, walong puntos na lang makakahabol na naman ang kalaban.
"Harvey! Tapusin niyo na 'yan!" Sigaw ng kung sino sa likuran namin.
Pagdating ng fourth quarter ay nag-tie ang score. Sumisigaw na ang ilan sa mga schoolmates namin ng 'defense'.
Malapit na maubos ang oras, mabuti na lang at nasa amin ang bola kaya may tyansang kami ang manalo pero kapag hindi mashoot 'yong bola ay magiging tie ang laban.
Sampung segundo na lang. Pinasa ni Jayvee ang bola kay Harvey at mabuti na lang ay maagap niya itong nasalo. Pumwesto na siya para mag tira ng tres.
5...
4...
3...
2...
1...
Napatalon kami nang pumasok ang bola sa ring. Kami ang panalo!
Matapos 'yong laro ay pumunta muna kami ng canteen para bumili ng pagkain namin.
"T*ngina, ang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Akala ko hindi papasok eh." Sabi ni Kenzo habang nakahawak pa sa dibdib niya.
Matapos kaming bumili ng pagkain ay sunod naman naming pinanood ay ang volleyball. Nasa third game na sila ngayon at syempre lamang kami.
Kalaban ang magsi-serve ngayon. Nang tumunog na ang pito ay agad ng tinira no'ng number 15. Pumasok ang bola kaya maagap na sinalo ni Paulene, ang libero namin.
Sinet ni Flor ang bola at bumwelo na si Gia para i-spike. Malakas ang pagkakatira ni Gia sa bola kaya hindi ito nasalo ng kalaban. Nice, one point para sa amin.
Bola naman namin ngayon at ang magsi-serve ay si Angela, ang captain ball namin. Tumunog na muli 'yong pito kaya tinira na ni Angela 'yong bola. Isang puntos muli para sa amin dahil hindi nila natira 'yong bola.
"Naaamoy kong sa atin ulit ang panalo." Sabi ni Kenzo.
"Huwag ka munang pakampante, may chance pang makahabol ang kalaban." Sambit naman ni Elle.
Nanahimik na lang si Kenzo at hindi pinansin ang sinabi ng pinsan ko.
Tama nga si Kenzo, kami na naman ang nanalo.
"O'di ba sabi sa inyo eh," mayabang na sabi ni Kenzo. Inirapan na lang namin siya at naglakad na paalis.
"Bukas nood tayo ng chess, ha?" Bukas daw kasi ang laro ng chess.
"Sige, pagbigyan." Masaya kong niyakap si Elle at saka nagpasalamat.
Lunch na ngayon kaya nandito kami ngayon sa canteen. Pero hindi ko alam kung canteen pa ito dahil punong-puno na ng mga estudyante.
The fudge, ano silbi ng isang canteen?
"P*tcha! Para tayong mga sardinas na pinagkasya sa isang lata." Reklamo ni Kenzo.
Binilisan na lang namin ng pagkain namin para makaalis na ng canteen. Nakahinga kami nang maluwag no'ng makalabas kami ng canteen.
"Grabe, muntik na akong hindi makahinga." ani Elle.
Pumunta kami ng rooftop dahil may nakatambay na mag-jowa sa garden. Napairap na lang ako. Hindi ginawa ang school na ito para maglandian.
"Bitter alert!" Sinamaan ko ng tingin si Kenzo sabay irap.
"Saya ka? Bigti kita eh." Padabog akong umupo sa sahig at inilibas ko ang cellphone ko para makinig ng music.
"I'm in the corner, watching you kiss her... oh... I'm right over here, why can't you see me? Oh... And I'm giving it my all... I'm not the girl you're taking home, ooh..." tumawa nang malakas si Elle sa ginawang pag-iiba ng lyrics ni Kenzo samantalang ako ay tinignan siya nang masama.
"P*nyeta ka, Kenzo!" Sigaw ko kaya mabilis siyang tumayo at kumaripas ng takbo.
"Bumalik ka rito, Kenzo! Pa-isang suntok lang!" nanggigigil na sabi ko habang hinahabol siya.
May mga studyanteng tumitingin sa amin pero wala akong pakialam doon. Ang gusto ko lang ngayon ay ang masuntok si Kenzo sa mukha.
Malayo na ang narating namin kaya huminto muna ako sa pagtakbo dahil sumasakit na 'yong tagiliran ko. Nakita ko namang huminto rin si Kenzo sa pagtakbo. Napangiti ako sa naisip ko.
Dahil sumasakit na rin naman ang tagiliran ko. Napahawak ako roon at umaktong parang matutumba. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagmamadaling tumakbo si Kenzo palapit sa akin. Napangisi na lang ako at ipinagpatuloy ang pag arte ko.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay agad kong inabot 'yong buhok niya at pinagsasampal siya.
"A-Aray! S-Sorry na nga eh. A-Ahh!" Daing niya pero hindi ko pa rin itinigil ang pagsampal sa kaniya.
Nang magsawa ay inabot ko ang tainga niya at hinila siya pabalik sa rooftop. Nadaanan muli namin 'yong mga estudyante kanina. Nadinig ko pa ang ilan sa mga bulong nila na 'Hala, kawawa naman ni boy', 'Nahuli siguro ni girl si boy na may kasamang iba', 'Ang cute nila', 'Ang ganda ng mata ni girl' at marami pang iba.
Parati na lang mata ko ang una nilang napapansin. Magkaparehas kami ng pagka singit ng mata ni Yuki kaso mas singit nga lang ang sa akin.
Pagkarating namin sa rooftop ay naroon pa rin si Elle. Saglit pa kaming tumambay roon bago umalis at nanood na lang ulit.
Pagod na pagod akong nakauwi ng bahay. Nagtataka nga ako eh, nanood lang naman ang ginawa namin maghapon pero sobra ang pagod ko pagkauwi ko ng bahay.
Dahil sa sobrang pagod ay madali akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top