05
Kinabukasan, sabado. Kaya alas otso na ako nagising. Pagkatapos kong ligpitin ang pinag higaan ko ay agad na akong lumabas ng kuwarto ko at nagtungo na sa banyo para maghilamos.
Dumiretso na ako ng kusina matapos akong maghilamos at hinanap si mama.
"Good morning, mama." Bati ko kay mama na abala sa pagdidilig ng mga halaman niya.
"Good morning, Clay. May pagkain na sa lamesa, mag-almusal ka na roon." Sinunod ko na lang ang sinabi ni mama.
Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang pumasok si mama.
"Magbebenta ka uli ng mga halaman mo, ma?" Tanong ko.
"Oo, mamaya. Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay." Tumango na lang ako sa sinabi ni mama at ipinagpatuloy na ang pagkain ko.
Alas nueve na no'ng umalis si mama para ihatid 'yong halamang binebenta niya. Tapos ko na ring linisin ang buong bahay kaya nag-cellphone na lang ako.
Mag-aalas diyes na wala pa rin si mama kaya naman itinigil ko muna ang ginagawa ko at nagsaing muna.
Nag-cellphone muli ako habang inaantay na maluto 'yong kanin. At nang maluto na 'yong kanin, sakto namang dumating si mama na may dala ng ulam.
"Napaka sipag naman ng clay-clay ko. Luto na ba 'yan? Sakto at may binili na akong ulam."
"Opo, ma. Luto na po." Sagot ko.
Inilagay na ni mama sa mangkok 'yong ulam na binili niya. Naghanda na rin ako ng plato, kutsara, at baso. Si mama naman ang nag sandok ng kanin.
"Ma, bakit ang tagal mo?" Tanong ko.
"Malayo ang bahay ng mga Del Fuego, anak." Nahinto ako sa pagsubo. Del Fuego? Nagpunta si mama sa bahay nila Kreios?
"Ma, naman bakit hindi mo ako sinama?" Maktol ko.
"Kung sumama ka e'di wala tayong kanin ngayon." Napanguso na lang ako dahil sa sobrang pagkadismaya.
Pagdating ng hapon, pumunta ako kina Elle para tumambay.
"Hi, Tita Angge. Nasaan po si Elle?" Tanong ko kay tita na nagwawalis sa harapan ng bahay nila.
"Nasa kuwarto niya, natutulog yata." Nagpasalamat na lang ako kay tita bago pumasok sa loob ng bahay nila.
"Hi, Cristan. Si Elle?" Tanong ko sa nakababatang kapatid ni Elle.
"Nasa kuwarto niya po. Teka tawagin ko." Tumakbo si Cristan papunta sa kuwarto ni Elle.
"Ano ba 'yan, tantan! Kitang natutulog ang tao eh." dinig kong bulyaw niya sa kapatid.
"Nasa labas nga si Ate Ayumi hinahanap ka. Tsaka maligo ka na raw sabi ni mama. Ang baho mo na eh," natawa na lang ako sa kakulitan ni Cristan. Hays, bigla ko tuloy na-miss si Yuki.
"Aba't! Ikaw na bata ka! Ibibitin na talaga kita nang patiwarik."
Lumabas na ng kuwarto si Cristan at kasunod nito si Elle na malalim ang pagkakakunot sa kanyang noo.
"Teka, maliligo muna ako." Sambit niya saka nagmamadaling pumasok sa banyo.
Nakipaglaro muna ako kay tantan habang hinihintay matapos si Elle.
"Saan punta natin?" Nabaling ang tingin namin ni tantan sa nagsalitang si Elle.
"Wala. Dito lang." Sagot ko.
"Ayoko rito. Punta na lang tayong court."
"Sige, tara." Sang-ayon ko saka tumayo na.
"Sama ako, ate." ani Tantan.
"Huwag na. Ayokong may kasamang bata." sabi naman ni Elle.
"Ang sabihin mo may kikitain ka lang doon."
Palipat-lipat ang tingin ko sa magkapatid. Kaya bago sila magrambulan ay agad na akong pumagitna sa kanila.
"Tama na nga 'yan. Tan, 'wag nang matigas ang ulo." Sabi ko kay Tantan kaya napanguso siya.
Pagkarating namin ng court ay may naglalaro ng basketball kaya naupo kami sa bench para manood.
"May dala kang pera? Bili tayo ng fishball." ani Elle.
Umiling ako.
"Ikaw, meron? Libre mo na lang ako." Sabi ko.
"Nawiwili ka na sa libre, ha." Tinawanan ko na lang siya.
Lumapit na kami sa nagtitinda para bumili.
"Ate, fishball nga po, dalawang ten." sabi ni Elle.
Nang maibigay 'yong binili namin ay agad na kaming nagbayad at bumalik na sa upuan namin kanina.
"Pustahan na naman siguro 'yan." Sambit ni Elle.
"Siguro."
Hindi na namin pinatapos 'yong laro at umuwi na dahil malapit nang dumilim.
Gaya namg lagi kong ginagawa, ako ang taga-luto ng kanin at kay mama naman ang ulam.
"Maaga ka gumising bukas ha? Magsisimba tayo." Tumango na lang ako. Si mama talaga, hindi pumapalyang sabihin sa akin 'yan.
Siya na ang nagprisintang maghuhugas kaya naman pinunasan ko na lang ang lamesa bago pumunta sa banyo para mag-toothbrush.
Bago ako matulog ay tumawag pa muna saglit si Yuki para kumustahin at b*wisitin ako. Pero kahit na gano'n ang ang ugali no'n, mahal na mahal ko 'yon.
Kinaumagahan ay nagising ako sa pag-alarm ng cellphone ko. Pagkatapos kong magligpit ng higaan ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.
At nang matapos akong maligo ay bumalik ako sa kuwarto ko para magbihis. Simpleng crop top at high waisted skinny jeans na tinernuhan ko ng white keds ko.
Matapos akong mag-ayos ay pumunta na ako sa kusina para mag-almusal.
"Good morning, mama kong maganda." Bati ko kay mama.
"Good morning, clay-clay. Aba at napaka-ganda talaga ng anak ko."
"Syempre, mana sa mama eh." At sabay kaming natawa ni mama.
Nang matapos kaming kumain ay nag-ayos pa muna sandali si mama bago isarado ang bahay at sabay na nagtungo sa sakayan.
Pagkarating namin sa simbahan ay naghanap na kami ng mauupuan.
"Tonette!" Tawag nang kung sino kay mama.
"Cass!" Shemss mama ni Kreios!
Hinila na ako ni mama palapit sa puwesto nila Kreios. Yes, kasama rin siya.
"Ito na 'yong anak mo?" Tumango naman si Mama." Napaka-gandang bata." Kahit na nahihiya ako ay tumingin ako sa mama ni Kreios at nagpasalamat.
"Anong pangalan mo, iha?" Tanong ng papa ni Kreios.
"Ayumi po," magalang na sagot ko.
"Ang ganda ng mata mo, iha." Sambit ulit ng papa ni Kreios.
"A-Ah, thank you po." Nginitian ko ang papa ni Kreios at aksidente akong napatingin kay Kreios na nakatingin din pala sa akin. Nagkasalubong ang tingin namin kaya ako na ang unang umiwas ng tingin.
Shemsss! 'Yong puso ko!
Inayos ko na ang sarili ko dahil nagsimula na ang misa. Nakinig na lang ako sa sermon ni Father. At nang matapos ang misa ay humiwalay na sila Kreios dahil may pupuntahan pa raw sila.
Dumiretso naman kami ng palengke ni mama para mamili ng ilang grocery at mga kulang sa bahay.
Pagka-uwi namin ay tinulungan ko si mama na ayusin 'yong mga pinamili namin. At nang matapos ay pumunta na ako ng kuwarto ko para magbihis ng pambahay.
Bukas na pala ang start ng intrams.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top