04

Nandito ako ngayon sa garden, mag-isa, at habang nakikinig ng music. Wala ulit kaming ginagawa katulad kahapon. Buti nga ngayon pinayagan na kaming lumabas ng room basta huwag daw pakalat-kalat.

Nakatingala ako sa maaliwalas na kalangitan at pinapanood ang dahan-dahang paggalaw ng mga ulap. Takte, naalala ko na naman 'yong sinabing green na ulap ni Kenzo. Ang abnormal talaga no'n, siguro marami ng lumot sa utak niya kaya kung ano-ano 'yong pinagsasabi niya.

Nabaling ang atensyon ko sa dalawang taong masayang nag-uusap. Mapait akong ngumiti at iniwas na lang sa ibang direksyon ang tingin ko. Katulad kahapon, parang may kumurot muli sa puso ko.

Bakit ganito nararamdaman ko? Sa pagkaka-alam ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa kaniya, kaya bakit ako nasasaktan nang ganito? Mahal ko na ba siya? No. Hindi pwede. May iba siyang gusto kaya hindi pwede itong nararamdaman ko.

Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at saka pinatong doon ang ulo ko at doon umiyak.

Tumunog na ang bell hudyat na recess na kaya tumigil na ako sa pag-iyak at nagtungo muna sa cr para maghilamos. Mabuti na lang at mamaya pa papasok si Elle, hindi niya malalaman na umiyak ako nang dahil kay Kreios.

Nang matapos akong maghilamos, may dalawang babae ang pumasok sa cr.

"Ang suwerte ni Nixie kay Kreios, 'no? Mapapa-sana all ka na lang." ani ng babaeng mahaba ang buhok.

"Bagay nga sila eh," sang-ayon naman ng kasama niya.

Lumabas na ako ng cr bago pa ako umiyak ulit.

"Yumi," nilingon ko 'yong taong tumawag sa akin.

"Ano na naman kailangan mo?" Tanong ko kay Kenzo.

"Akala ko mamaya pa papasok si Elle?" Nabigla ako sa sinabi niya. Sh*t!

"Nasaan siya?" Tarantang tanong ko.

"Nasa canteen na. Teka nga, umiyak ka na naman ba?" Seryosong tanong niya.

"Huwag mo ulit sasabihin kay Elle." Sabi ko, napabuntong-hininga naman siya.

"Oo na, tara na baka naiinip na 'yon."

Lumakad na kami ni Kenzo papuntang canteen at nang makarating kami ng canteen ay natanaw ko agad si Elle.

"Elle, akala ko ba mamaya ka pa papasok?" Tanong ko.

"Si mama kasi eh, pinilit akong pumasok. Teka, anong nangyari r'yan sa ilong mo?" Tanong niya.

"Dahil sa akin," sabat ni Kenzo.

"Anong ginawa mo?"

"Naglaro kasi kami kanina tapos natalo siya kaya ang parusa niya ay ang pingutin ang ilong niya." Nagkatinginan kami ni Kenzo, nginitian ko siya at nag-thank you sa kaniya.

"Ang akala ko dahil kay Kreios." Tinignan niya ako nang diresto kaya umiwas ako ng tingin.

"Kain na tayo. Bumili na ako ng kakainin nating tatlo." Sabi niya.

"Ayon! Thank you, Elle." Masayang usal ni Kenzo.

"Anong thank you? Bayaran mo 'yan sa 'kin." Nawala ang ngiti ni Kenzo dahil sa sinabi ni Elle.

"Hala? Grabe ka naman, Elle. Libre mo na sa 'kin 'to oh." Pagmamakaawa niya.

"Oo nga naman, Elle. Binantayan niya naman ako kanina eh," sabat ko.

"Oo na nga. Kain na tayo."

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami ng garden. Kagaya nang nakagawian, hiniram ulit ni Kenzo 'yong gitara sa music room.

"Ayu, umamin ka nga sa 'kin." Agad kong nilingon si Elle.

"Ano naman ang aaminin ko?" Tanong ko.

"Totoo ba 'yong sinasabi ni Kenzo kanina?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong sa akin.

"O-Oo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Wala akong tiwala kay Kenzo eh," natawa naman ako nang mahina.

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, Cristelle. Parang hindi kaibigan ah," umakto pa siyang nasaktan sa sinabi ni Elle.

"Ang arte mo! Pahiram ako niyan." Inagaw ni Elle ang gitarang hawak ni Kenzo.

"Marunong ka ba?" Pang-aasar ni Kenzo kay Elle.

"Aba, oo naman. Anong akala mo sa akin?"

"Ano kakantahin?" Tanong niya.

"The only exception," sagot ko.

"Sige, sige." aniya saka nagsimula nang mag-strum.

"When I was younger I saw my daddy cry..." kanta ko. "And curse at the wind... He broke his own heart and I watched... As he tried to reassemble it." Sunod na kumanta ay si Kenzo.

"And my momma swore... That she would never let herself forget. And that was the day that I promised. I'd never sing of love if it does not exist." Napapikit na lang ako at dinamdam ang lamig ng boses ni Kenzo. At nang dumating ang chorus ay Elle naman ang sumunod na kumanta.

"But darling, you are the only exception... You are the only exception...You are the only exception... You are the only exception." Maganda rin ang boses ni Elle, ang sarap sa tainga. Magagaling talaga kumanta ang mga Dela Cruz.

Nakailang kanta pa kami bago mapagpasyahang bumalik na ng room.

Naglalakad kami ngayon ni Elle pabalik ng room nang masalubong namin sina Nixie at Kreios. Niyuko ko na lang ang ulo ko at bago sila makalampas sa amin ay narinig ko pa ang sinabi ni Nixie.

"Gusto ka ma-meet ni dad. Si mom kilala ka na dahil friend ka ni kuya. So, puwede ka bukas?" Hindi ko na narinig ang sagot ni Kreios dahil malayo na kami sa isa't-isa.

"Ano? Kumusta puso mo?" Tanong ni Elle bago kami makapasok ng room.

"Tumitibok pa rin naman," pilit ang ngiting ginawad ko sa kaniya. Sana lang hindi niya napansin na peke 'yon.

Hindi boring ngayon sa room namin dahil halos lahat ng narito ay may kanya-kanyang ginagawa. May naglalaro ng uno card, may naglalaro ng jackstone, may—wait, jackstone? Ano sila, bata? Napailing na lang ako sa mga kaklase kong may pagka-isip-bata. No, cut that. Mga kaklase kong isip-bata.

"Amp*tcha! Bakit may ganiyan kayo? Mga isip-bata!" Humagalpak ng tawa si Elle nang makita sina Arriane na naglalaro ng jackstone.

"Huwag ka ngang makialam, Cristelle." ani Khiarra.

"Oo nga, kung gusto mo sumali ka na lang." Sabi naman ni Danni.

"Ayoko. Hindi naman ako isip-bata katulad niyo eh," sagot ni Elle.

"AC, pakilayo nga sa amin 'yang pinsan mong 'yan. Nandidilim paningin ko sa kaniya eh," natawa ako sa sinabi ni Joseiah kaya hinila ko na palayo si Elle.

"Joke lang eh. Kayo naman hindi mabiro." Sambit ni Elle.

Wala kaming ginawa magdamag ni Elle kundi ang tumunganga hanggang sa mag-uwian na.

"Mag-bus na lang tayo, Ayu. Hindi na baleng doble ang pamasahe basta ayoko nang sumakay at maghintay diyan sa mga bulok nilang tricycle." Natawa at umiling na lang ako sa sinabi ni Elle.

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng bus at sakto ang dating namin dahil paalis na 'yong bus na nadatnan namin.

"O'di ba mapapa-aga ang uwi natin,"

"Oo na lang," sagot ko.

Pagkababa namin ng bus ay pumara kami ng isang tricycle para masakyan namin. Wala pang pitong minuto ay nakarating na kami ng bahay. Nagbayad na muna kami ni Elle bago bumaba.

"Yes! Hindi ako mabubungangaan ni mama. By the way, nagtataka ako kung saan nagmana si mama sa pagiging bungangera niya, eh hindi naman bungangera si Tita Antonette." Hinampas ko na lang siya sa braso niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.

May pagka-sira ulo rin 'tong pinsan kong 'to eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top